You are on page 1of 2

Ang Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan. Itinayo
ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang palad, hindi
ito nagamit at napakinabangan.

Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Pangulong marcos ang pagtatayo ng isang plantan nukleyar sa
Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar sa Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar
na nagsimula nong 1958. Ang programa ay bilang tugon sa krisis sa langis sa Gitnang Silangan at
solusyon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil diumano,
nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakaraming depekto. Naging suliranin ng ilan
sa mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line at Bundok Pinatubo, isa sa mga
aktibong bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984, umabot sa $2.3 bilyon
ang naging gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng Pilipinas sa World Bank.
Ang BNPP ay idinesenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng elektrisidad, ngunit hanggang sa
kasaluyan ay hindi ito napagana kahit isang minuto.

Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa kaniyang
si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya ito sa
Chernobyl Disaster sa Rusya. Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga organisasyon ang
nagpakita ng matinding pagtutol ditto. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang
Westinghouse, ang kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi ito nilitis ng
gobyerno ng Estados Unidos.

Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng mga mamamayan


nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu ng overpricing at korupsiyon ng
mga krooni ni Marcos, nakapanlulumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang proyektong ito.
Globalisyon
Ano ang kahulugan ng globalisyon? Sa larangan ng ekonomiya, ito ang pagkakaroon ng nag-
iisang dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Kung dati ay may kani-kaniyang sistema ng ekonomiya
ang bawat bansa, inaalis ng globalisyon ang mga pambansang saklaw at hangganan upang pag-isahin ang
mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito ang dahilan kung bakit borderless society ang kadalasang tawag sa
mga bansang pumapaloob ditto. Ibig sabihin ay inaalis ang mga border o hangganan ng pagpapalitan ng
mga produkto at serbisyong pang-ekonomiya.

Paano inaalis ang hangganan ng mga bansa at pinag-isa ang mga ito? Ito ay sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon ypang maging mas madali ang daloy ng mga produkto.
Mahalaga rin ang pag-aalis ng mga pang-ekonomiyang hadlang tulad ng buwis at taripa. Taripa ang tawag
sa buwis na ipinapatong sa mga produktong pumapasok sa isang bansa. Halimbawa, may isang
toneladang pantalon mula sa Tsinan a papasok sa halaga nito ang ibabayad sa gobyerno ng Pilipinas
bilang taripa. Sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, iniisip niyang na sa taong 2015 ay aabot sa
0-1% ang taripa ng mga produktong papasok sa bansa. Plano ng dating pangulo na lalong pababain ang
taripa ypang makisabay sa pandaigdigang kalakaran. Ibig sabihin ay mas maluwag na makapagpalabas ng
mga hilaw na materyales (raw materials) ang Pilipinas tungo sa ibang bansa habang magiging tambakan
naman ang Pilipinas ng mga yaring produkto (finished products) upang ibenta sa local na pamilihan.

Sagot ang globalisasyon sa suliranin ng sobrang produksyon sa mayayamang bansa habang


kumukuha ng murang hilaw na materyales sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Dahil sa
kalagayang ito, may mga ekonomistang nagsasabi na lalong yayaman ang mga bansang mayayaman at
maghihirap ang mga bansang mahirap.

You might also like