Professional Documents
Culture Documents
Kulturang Popular
Kulturang Popular
KAHULUGAN NG KULTURA
Ang Kultura ay tumutukoy sa:
- aktibidad ng sangkatauhan
- "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay
- ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga
sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.
- Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas
na kalinangan
- Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa
masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa
- Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay
ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat.
-
- ANG KAHULUGAN NG KULTURA
- sinulat ni Phil Bartle, PhD
- isinalin ni Ken Poliran
- The simplest definition of culture is that it is composed of everything symbolic that we learn
- Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura
- Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa
pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo.
- Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically) maliban na lamang kung
sila ay binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao.
- Ang ating mga kahalagahan kasama ang kahit anong tingin namin ng bilang magandang laban sa
masama, karapatang laban sa mali o maganda laban pangit.
- Kabilang sila bilang isa sa anim na sukat ng kultura
- Iba't-ibang mga komunidad o lipunan ay may iba't-ibang uri ng mga halaga.
- Ang pagkakaiba nila ay ang pagsalungat sa mga kahalagahan
- Katulad nito, iba't-ibang mga komunidad ay may iba't-ibang mga sistema ng pang-ekonomiya
(isa sa anim na sukat).
- Sa libo-libong taon na tayo'y nagkaroon ng Kain-Abel conflict sa pagitan ng magsasaka
(planting) at magpapastol na lipunan.
- Sila ay gumagamit ng lupa sa magkasalungat na paraan, hindi sangayon sa isat'-isa.
- Ang magsasaka ay kailangan niya ng bakod para maprotektahan niya ang kanyang pananim at
mga gulay, habang ang magpapastol naman kailangan ng malawak at bukas na lupain.
- (Si Kain ay isang magsasaka habang si Abel ay isang magpapastol, at ang kanilang mga
kuwento ay maaaring maging isang sinaunang makahulugan na representasyon ng
pagkakasalungat).
- Tayo ay maaring makahanap ng mga halimbawa sa lahat ng anim na sukat ng kultura na may
pagkakaiba kung paano ang pagpatakbo nito, at ito ay maging batayan ng pagkakasalungat ng
kultura, kung saan dalawa o higit pa ng komunidad ay maroong kaibahan at subukan na
sumakop sa parehong lugar at teritoryo.
- Sa isang komunidad, na kung saan ay may isang hanay ng mga pagbabago-bago sa lahat na anim
na sukat, diyan ay maaaring umiral ang isang maliit na pangkat ng komunidad na may kaibahan
mula sa mas malaking komunidad.
- Iyon ay isang maliit na kultura. Karaniwan ang mga kuru-kuro ay nagpapahiwatig ng isang
maliit na pangkat ng mga halaga o paniniwala, habang ang kaibahan ng isang maliit na pangkat
(sub kultura) ay maaaring sa anumang ng anim na kulturang dimensyon.
- Ang salitang "pananakop" kadalasan ay naaangkop sa mga pampulitikang pananakop, kung saan
ay may nakapamamayani komunidad o lipunan, at ang isang malapit na mahinang komunidad
kung saan mauwi sa pansariling pangingibabaw ng pampulitika sa pamamagitan ng mas malakas
na kapit-bahay.
- Pulitika ay isa lamang sa anim na dimensyon ng kultura, gayunpaman, at na ang impluwensiya o
impormal na dominasyon ay maaaring mag-aplay sa anumang ng mga dimensyon
- Ito ay walang katiyakan kung pwedeng gamitin sa isa lamang.
- Habang ang mga Canadians ay nakita nila ang sarili na isang malayang bansa laban sa Amerika
(USA), ang pangkalakal na relasyon ng USA ay may pangibabaw sa pang-economiya ng Canada
- Ang produksyon ng popular na panitikan, musika, sine, telebisyon, at radyo entertainment sa
USA, na kung saan ay may marami at mas malaki mas malakas kaysa sa merkado ang Canada,
ay nangangahulugan na may pananakop ng kultura (sa mga tuntunin ng aesthetics sa ang halaga
ng laki) USA ng higit sa Canada.
- May mga relasyon na katulad ng mga pananakop sa lahat ng mga kontinente, ngunit ang mga
Canadadian mas may kamalayan sa bansang USA.
KULTURANG POPULAR
Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon:
sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa
Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng Kanluran (ang mga
Klasiko)
Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran:
itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’” • Sa pagsusuri,
ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami. “… ang namamayaning kultura …ay
ang kulturang nauunawaan ng nakararaming mamamayan.”
nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…” “…panahon na upang
pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga nilikha o
ginawa ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat…”
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na
tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong
produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring
teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda
ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag
ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal.
Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya
sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at
gamit na ng lahat.
4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na
personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa
mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o
tikis na pang-libangan lamang.
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang
gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay
ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing
nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya
dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan
natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.
Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda,
maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang
kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag
kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang
popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.
Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang
pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa isipan ng iba.
May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal
ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.
Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging epekto ng
kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto ng
pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan,
pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo
ipinapalabas ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging simbolikong
instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga ng mga
Filipino. Ginamit ang relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at
puwersang militar, upang maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit
ang istrakturang politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa kultural na lebel
—ang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng
dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang
Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng
nasabing wika.
May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa simula pa ang
pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang kamalayan ng mga edukadong
nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago mang ibubunsod ang
pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng
Espanya sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon
ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga
kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga
kolonyalista na panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga ito’ y manatiling alipin (Lumbera
2000: 91).
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling
anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at
sarswela ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang
pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng
pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.
Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong
kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila
at karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares
(Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng
pagsasadula gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan
Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kaya’t
tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay
laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs,
1981):
…[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the
United States in the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open and armed
resistance to the constituted authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization
of armed forces, to be used when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the
present Government and setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen
Fernandez, 377).
Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap
ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at
benevolent assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino.
Ang ganitong kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na:
“American control of the educational system made possible the distortion and suppression of information
regarding Philippine resistance to American rule and the atrocities committed by the American army to
crush that resistance” (1978: 68).
Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng sistemang
edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni
Priscelina Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para
alisin ang pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang
pagtuturo ng wikang Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang
wika at kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin
at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang
gumawa ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong
dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli
kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung
hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran
naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito
ang paliwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa mga
kamay ng mga negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung
sa batam-batang industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only had to set up and
maintain a TV station, but also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it was
directly responsible for the people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del
Mundo, Jr. 1986: 74).
Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na
kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho.
Pumasok na ang moda ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon
ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng
akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang
nagkakaroon ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay
tututok sa kultura ng komukunsumong masa.
Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang hindi na
ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo
na ng realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin,
susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa
kaganapang ito nagiging mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso
at praktika ng mga tao.
Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa
sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago,
mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe,
simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang
sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling
puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang
bansa. Sinabi ni Tolentino na:
Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan
ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print,
broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay
maaaring kultural na teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001: 7).
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang
una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao.
“Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is
concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change” (Barker, 2000:
35).
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang
kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at
deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni
Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga
kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng
indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang
mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa
sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na
nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din
ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang
afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay
tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang
lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na
Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing
uri sa lipunan. Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang
masa ay bakya at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: “A
variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of the popular, is that which
decries commodity-based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang
gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala
ng geopolitikal na hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan,
ideolohiya at marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na
naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib
at makiuso at nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990).
Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa
pambansa o folk na kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay
pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong kultura ng
kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na
ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong
sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga
produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pag-
aangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing
dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular
ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking
puhunan sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng
konsumer? “Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value
(good or bad taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker,
2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay
dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng
makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan.
Ang produksyon sa kulturang popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong
takbo o kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing
teknolohiya at pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit
makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado,
halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng
computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas na
kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng
mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted. Isang
kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo at produkto—lahat ito ay mura
kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang
popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng paggamit
ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa sa malaking
bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang
kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang
isang kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng
kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang
bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong
walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa produksyon at
wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy
at buuin ang kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na
binuo ng mga elit. Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang
prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang
trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan,
desisyon at pagtangkilik ng mga komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa
pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito
nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang
mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang
kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga tao.
Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat
meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya
naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo
lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.
PINOY KA KUNG…
Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon, Mindanao at Visayas.
Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay mula sa “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak
sa bigas. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.
Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa
tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.
Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang masaya. Ito ay upang laging
kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.
Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman kumakatawan
sa mga walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan – Maynila, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite.
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa ay nasa digmaan. Kapag ang pulang kulay
ay nasa itaas, nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan.
Ang Watawat ng Pilipinas ay dinesenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw sa
HongKong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad.
Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo
12, 1898.
Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo.
Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa kahilingan ni Hen.
Emilio Aguinaldo nang hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hong Kong.
Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo”. Tinugtog niya ito sa
unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na
nagkaisang aprobahan rito.
Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang
bandila ng Pilipinas sa bintana ng mansion ni Aguinaldo.
Pinalitan nila ng “Marcha Nacional Filipina” ang titulo nito at agad na naging “National Anthem” kahit wala pa
itong liriko o titik.
Nang sumunod na taon, isang tula na may titulong “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang
isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng Pambansang Awit.
Noong Panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang liriko ng Pambansang Awit. Ang unang pagsasalin ay
ginawa ni Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpama’y pinaka-kilalang bersyon ang isinulat nina Mary
A. Lane at Sen. Camilo Osias, na kilalang “Philippine Hymn”.
Naging opisyal ang Pambansang Awit na may lirikong Ingles sa batas ng Commonwealth Act 382 na ipinasa ng
Kongreso ng Pilipinas noong Disyembre 5, 1938.
Noong mga taong 1940, nagsimulang lumabas ang bersyong Tagalog ng Pambansang Awit. Noong 1948,
inaprubahan ng Departamento ng Edukasyon ang “O Sintang Lupa” bilang Pambansang Awit sa Pilipino.
Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr., Kalihim ng Edukasyon na ay bumuo ng komite para baguhin ang mga
titik ng Pambansang Awit. Nagawa ang bagong bersyon na pinamagatang “Lupang Hinirang”. Nagkaroon lang ito ng
kaunting rebisyon noong 1962.
Sa bisa ng isang batas sa mga Bagong Pambansang Sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakum-pirma ang
bersyong Filipino ng Pambansang Awit.
Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit ang dapat gamitin ngayon. Ngunit, ang
opisyal na liriko sa Kastila ay nananatiling ang gawa ni Palma at sa Ingles naman ay ang gawa nina Lane at Osias
kahit hindi ito bahagi ng opisyal na Pambasang Awit ng Pilipinas.
Ito rin ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe.
Dapat awitin nang madamdamin ang Lupang Hinirang. At bilang paggalang, lahat ng uma-awit nito ay dapat
nakaharap sa nakaladlad na Pambansang Watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung wala naman, ay dapat
humarap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, dapat ilagay ang kanang kamay
sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit.
Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng
Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv
Ww Xx Yy Zz
Taong 1937, ang Instituto ng Pambansang Wika ay binuo ng Unang Pambansang Asembleya. Pumili sila ng
wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Pinili nito ang Tagalog . Ang Pambansang Wika ay nakilalang Pilipino
noong 1961. Pagkaraan ng ilang taon, pinalitan ang pangalan nito ng Filipino.
Sa Saligang Batas ng 1987, ang Filipino ang itinakdang pambansang wika at isang opisyal na wika ng Pilipinas.
Nagkaroon ng mga pagbabago ang alpabetong Pilipino hanggang naging 28 ang mga letrang bumubuo dito.
Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buwan ng Agosto. Karaniwang itinatapat ito sa Agosto 18 na
kaarawan ni Pangulong Manuel L Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.
Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
Si Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang mga
kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
Ang ama ni Rizal ay isang matagumpay na negosyante at magsasaka. Ang kanyang ina, na may tindahan sa
isang bahagi ng ibaba ng kanilang bahay ay matalino at edukada na mahilig sa literature at matematika.
Lumaki si Rizal sa isang pamilyang sagana sa mga pangangailangan dahil sa kasipagan ng mga magulang.
Itinuturing na prominente ang kanilang pamilya sa panahon ng kolonisasyon.
Mula sa kanyang kamusmusan ay sagana si Rizal sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya. Matiyaga
siyang bina-basahan ng kanyang ina ng mga tula at kuwento sa gabi. Sa edad na tatlo ay natuto na siyang sumulat at
magbasa.
Mula pagkabata, nasaksihan niya ang karahasan ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Edad 10 si Rizal nang pagbintangan ang kanyang ina sa isang kasalanang hindi nito ginawa. Pinalakad si Donya
Teodora nang mahigit 20 milya papunta sa kapitolyo ng Sta. Cruz ng mga Kastilang opisyal na pinapakain nila sa
kanilang tahanan.
Sa kabila ng mga aksyong legal at mga apela sa Maynila, nakulong pa rin si Donya Teodora nang mahigit
dalawang taon.
Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, pinagbintangang kasabwat kaya pinatay ng mga Kastila ang mga paring
sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay nagtago dahil guro nito si Padre Jose Burgos,
isa sa tatlong paring martir.
Upang makaiwas sa lalo pang pag-uusig ng mga Kastila, nagpalit ng apelyido ang pamilya. Ang Mercado ay
naging Rizal.
Sa panahong iyon, pinag-iinitan ang mga Pilipinong matalino at may kakaibang kakayahan.
Ngunit hindi nila napigilan si Rizal. Siya’y nakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, natuto, lalong nahasa
ang talino, kakayahan at talento at nakapaglakbay sa maraming panig ng mundo.
Si Rizal ay nakilala bilang isang magaling na manggagamot, pintor, arkitekto, magsasaka, orador, guro,
enhinyero, manunulat at iba pa.
Inihayag ni Rizal ang kanyang pagiging makabayan at tumulong upang buksan ang isipan ng mga Pilipino upang
ipaglaban ang kalayaan. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Ang pinakatampok niyang akda ay kanyang
dalawang nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.
Dahil sa kanyang mga panulat at sa adhikaing makalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila, si Rizal ay
pinaratangang taksil sa pamahalaan. Siya ay ipinakulong at binaril ng mga Kastila sa Luneta noong Disyembre 30,
1896.
Gayunpaman, ginagawa rin itong pang-akit sa mga turista o bakasyunista sa mga piling pasyalan o pook-bakasyunan
gaya ng mga resort.
Dahil sa magandang uri ng kahoy nito, mainam itong gawing mga muwebles at gamit sa pagpapatayo ng mga
bahay.
Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing Pebrero 16 – 20.
Isa ang Pilipinas sa nangungunang 12 na bansa sa buong mundo sa produksyon ng Mangga noong 2005.
Inaalagaan din ang Anahaw bilang ornamental. Maganda itong pandagdag sa dekorasyon kapag may
pagdiriwang.
Kapag hindi nagtatrabaho, ang kalabaw ay namamahinga sa putikan o kaya ay lumalangoy sa ilog.
Karaniwang niluluto ang Bangus na inihaw, sinigang, paksiw, prito at pansahog sa mga gulay. Masarap din itong
gawing relyeno. Sa lutong ito, tinatanggalan na agad ng mga tinik ang Bangus. Karaniwan na rin sa mga pamilihan
ang “boneless Bangus”. Bukod sa masarap, wala na itong tinik at lulutuin na lang. Tinatangkilik ito ng maraming
mamimili.
Habang lumilipas ang panahon, ang saya ay halos nananatiling simple. Ang baro naman ay nagkaroon ng iba’t
ibang disenyo. Hindi lang lalong gumanda kundi naging bongga ito dahil sa mga burda, sekwins at iba pang palamuti
na inilalagay dito.
Ang Sipa ay katumbas din ng Sepak Takraw na ang layunin ng mga manlalaro ng bawat grupo ay patagalin ang
bola sa ere.
Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga mananayaw ay ay mga hakbang ng pagtataguan at panunukso na
naghahayag ng damdamin sa isa’t isa. May mga iba pang bersyon ang sayaw na Cariñosa pero ang “Taguan” ang
pinakakaraniwan sa lahat.
Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga Pilipinong nakaririwasa
ang pamilya.
MGA KILALANG KASUOTANG PILIPINO
1. Damit Pambahay – Ito ay damit na maluwang at maginhawa sa katawan tulad ng duster, shorts, t-shirt, at mga
luma ngunit maayos pang damit. Ito ay karaniwang yari sa telang bulak o koton.
2. Damit Pantrabaho – Ito ay damit yari sa matibay na tela tulad ng maong, na hindi kaagad kinakapitan ng dumi.
Mayroon ding damit pantrabaho na ipinapatong lamang sa kasuotan upang di ito marumihan, tulad ng epron.
3. Damit Panlaro – Ito ay magaan at maluwag upang maging malaya at maginhawa ang pagkilos ng katawan. Ang
mga halimbawa nito ay kamiseta, t-shirt, shorts, at bloomer.
4. Damit Pantulog – Ito ay kasuotang manipis, maluwang, at maginhawa tulad ng padyama at nightgown. Ang mga
luma ngunit malilinis na damit ay maaari ring gamiting pantulog. Ang mahalaga ay magpalit ng damit bago
matulog.
5. Damit Pamasok – Ito ay ang uniporme na ginagamit sa pagpasok sa paaralan. Karaniwan, ito ay blusa at palda sa
babae at polo at long pants o short sa mga lalaki. Dahil sa ginagamit ito sa araw-araw, ang uniporme ay dapat na
madaling labhan, patuyuin, at plantsahin.
6. Damit Panlakad – Ito ay magara at naiiba sa karaniwanng damit na isinusuot sa araw-araw. Ito ay ginagamit
kapag may okasyon tulad ng pista, handaan, salu-salo, o iba pang pagdiriwang na dadaluhan.
7. Damit Pantag-init – Ito ay manipis at nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa katawan kaya isinusuot kapag
maiinit ang panahon. Yari ito sa telang bulak o koton kaya naiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa katawan.
8. Damit pantaglamig – Ito ay yari sa makapal na tela o kaya’y galing sa hayop tulad ng tupa. Ang damit pantag-
lamig ay nagbibigay proteksyon sa katawan upang di ito makaramdam ng ginaw. Ang mga halimbawa nito ay
dyaket at sweter.
9. Damit Pantag-ulan – Ito ay kasuotang yari sa plastik o goma. Ipinapatong ito sa damit upang di mabasa ng ulan.
Proteksyon din ito laban sa lamig. Ang mga halimbawa nito ay kapote at dyaket na pantag-ulan.
10. Damit panloob – Ito ay ginagamit upang magbigay-proteksyon sa katawan lalo na sa maseselang bahagi nito.
Kabilang sa damit- panloob ang kamison, kamiseta, sando,salawal,panty, at brief.
1. Aeta
Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May
iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta
o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga
aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at
Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang
tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa
mga Aeta.
Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng
mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila
ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa
kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng
pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.
Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked
Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at
ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.
Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang
kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan
ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta.
Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang
buo matapos ganapin ang ritwal na “paghihiwalay ng dugo.”
Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng
matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalangbatas ay yaong nabuo
mula sa tradisyon.
Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad
ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol
ng puno kung hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag
inaaksaya ito. Panget sila.
2. Tinguian
Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga
kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at
personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin
ang napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang.
Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking
multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang
paghihiwalay ng mag-asawa.
3.Tagbanua
Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa
gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda,
paghahalaman at pangangaso.
Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa.
Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba
ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga
babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid
ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.
4. Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang
mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi
ang kanilang kulay, itim ang buhok, may
maamong mata at katamtaman ang tangkad.
May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na
Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig
sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila
ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at
kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit
sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang
kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga
kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga
kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.
5. Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao.
Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang
salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok
ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng
ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang
mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming
hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman
tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.
May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao.
Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang
pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa
pagkakaroon ng iisang asawa.
6. Kalinga
7. Itawes
Matatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng
Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na
nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na
Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa
isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit
nilang wika.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng
hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at
pagsasaka.
8. Gaddang
Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang
mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan
sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang
mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung
kinakailangan.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng
mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba
pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang
pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang
pangingisda, pangangaso at pagtitinda.
9. Kankana-ey
Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng isang pinto
o isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala man. Tahan ang salitang-ugat ng
tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-iyak ng isang sanggol) o pagpawi
ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan.
Sa isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan: na tumutukoy ang bahay sa pa
Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao,mga
materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwangnararanasan sa lugar na
iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahaykung gagamitin ang materyales na
madaling makuha ayon sa pook.Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa kung
malapit sakailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari sa yelokung
naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at mayroon dingmga bahay na yari sa
tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sabansang Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o
natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habangnaglalakbay sa ilang.
1. Unang Uri ng Tahanan
Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi,kagamitan
at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila itomarahil upang maging ligtas sa
mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkatng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang
mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.
2. Ikalawang Uri ng Tahanan
Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid,yantok,
sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga itoay may apat na dingding
at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawido kawayan at pawid. Ang haligi ay yari
sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na
pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin
ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay
aynababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga
alaganghayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan angpinakabanyo,
hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibangbahay ay may maliit na bahagi sa
bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago pumasok ng
kabahayan.
3. Ikatlong Uri ng Tirahan
Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihilapaitaas kung
gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madalingmasalakay ng mga kaaway. Ito ang
uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzonat ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao.
4. Ikaapat na Uri ng Tahanan
Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig.Malalaking
kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan.Ito ay may isang palapag at
ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis.Marami pa ring ganitong uri ng tahanan ang
makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao.
TRANSPORTASYON SA PILIPINAS
Araw-araw tayong sumasakay ng dyipni, taxi, bus, LRT at tren. Minsan sumasakay din tayo ng barko o
eroplano kung patungo sa malalayong lugar. Pero naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nagsimula ang
sistema ng transportasyon sa ating bansa? Malaki ba ang pinagbago ng transportasyong Pilipino sa pagdaan ng
panahon? Masasabi nating nagsimulang umunlad ang transportasyong Pilipino sa pagdating ng mga Amerikano.
Bagamat may simple nang paraan ng paglalakbay noong panahon ng mga Espanyol, lalo pa itong dumami, naging
mabilis at sopistikado sa panahon ng mga Amerikano.
1. Mga Sasakyang Panlupa. Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang
mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang paraan
ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit ng mga tren,
tranvia, kotse at bus.
Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga Ingles ay binili ng pamahalaang
Amerikano. Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National Railways (PNR).
Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din ng
mga linya ng tren sa Cebu at Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang naitayo ng
mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng mga linya ng tren ang nagpaunlad sa mga pook
na dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod. Gayundin ang pag-usbong ng Maynila
bilang sentrong komersyal ng bansa.
Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba
sa tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang maisasakay ng
isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng
lungsod ang siniserbisyuhan nito.
Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa itong benzine-fueled French-made
Brazier. Ang kotse ang nangungunang transportasyon noong panahong iyon partikular na sa mga maykaya sa buhay.
Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas-General Electric trackless trolley
bus. Ito ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa.
Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong mga 1930s. Maaari itong magsakay ng
apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at pinakamabilis na
pampublikong transportasyon noong panahong iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at motorsiklo sa
paglalakbay. Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyipni na lumaganap
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga Uri:
1. trisikad
2. pedicab
3. Habal-habal
4. dyip
5. bus
2. Mga Sasakyang Pantubig
Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na
bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na bangkang
de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang paglalayag ng mga
international steamships sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbukas ng mga daungan o seaports
sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking daungan sa Asya noong panahong iyon.