You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

PLARIDEL CAMPUS
ELEMENTARY DEPARTMENT
SY. 2018-2019

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan:___________________________________________________Baitang/Seksyon:_________________________

Guro: Ms. Mary Anne L. Baicaua Petsa:__________________________________

PAPASA KA! BASTA MANALIG AT MAGTIWALA KA SA IYONG GINAGAWA!

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Pagkatapos ay isulat sa
patlang ang tamang kasagutan.

1. Ang agham ng politika ay kabilang sa Dewey Decimal Classification System na?


a. 000-099 b. 200-299 c. 300-399

2. Sa isang kisapmata ay maaaring maglaho ang lahat ng pinaghirapan. Ang salitang may salungguhit ay
nasa kayarian ng pangngalan na?
a. Tambalang ganap b. Tambalang ‘di-ganap c. Maylapi

3. Ito ay babasahin sa aklatan na nakaayos ayon sa paksa nito. Bawat isa rito ay may mga bilang upang
madali itong maisaayos at matagpuan.
a. Kard Katalog b. Dewey Decimal c. Ensiklopidya

4. Uri ng sanaysay na makaagham at lohikal ang paksa.


a. Palagayan b. Maanyo c. Balbal

5. Paano ibaybay ang salitang Chemistry sa Filipino?


a. Chemistri b. Kemistry c. Kemistri

6. Maikling komposisyon na kalimitang naglalarawan ng impormasyon; kuro-kuro at damdamin ng may-


akda.
a. Maikling Kuwento b. Sanaysay c. Tula

7. Ang tatay, ang haligi ng tahanan ang masuyong nagtatrabaho para sa kabutihan ng mga anak. Ang
pangungusap na ito ay nasa gamit ng pangngalan na?
a. Panawag b. Pamuno c. Tuwirang Layon

8. Ang panlaping idinagdag sa salitang “lapastangan” ay?


a. La- b. –an c. –in

9. Ito ay nagtataglay ng mga kodigong bilang para sa maayos na pagmomonitor ng mga aklat. Ang bilang
na ito ay tinatawag na?
a. Pahina b. Call Number c. Bilang ng May-akda

10. Tayo ay magkaisa para sa isang bansang malaya. Ang salitang tayo ay nasa panauhan ng panghalip na?
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo

11. Humahangos naman siyang kumilos nang malamang tanghali na. Ang kahulugan ng salitang may
salungguhit ay?
a. Bumabagal b. Nagmamadali c. Nagseseryoso

12. “Magtutulong-tulong kami sa pagdaraos ng pista sa barangay.” Ang kailanan ng panghalip ng kami ay?
a. Isahan b. Dalawahan c. Maramihan

13. Ito ang pantig o letra na idinaragdag sa salitang-ugat upang magkaroon ito ng bagong kahulugan.
a. Salitang-ugat b. Panlapi c. Nabuong Salita

14. Si Sam ay isang magiliw na bata. Ito ang pangungusap na nasa gamit ng pangngalan na?
a. Simuno o Paksa b. Kaganapang Pansimuno c. Pamuno

15. Isa ito sa mga pangkalahatang sanggunian na makikita sa silid-aklatan.


a. Diksyonaryo b. Ensiklopidya c. Almanac
Para sa bilang 16-20, ibaybay ang mga salita ayon sa paraan ng pagbabaybay nito sa Filipino.

16. Coordinate=

17. Arithmetic=

18. Computer=

19. Table=

20. Eraser=

Para sa bilang, 21-25, piliin sa loob ng kahon ang Dewey Decimal Classification na katatagpuan ng
sumusunod na aklat o paksa.
a. 000-099 d. 500-599

b. 100-199 e. 600-699

c. 200-299 f. 700-799

________________21. Matematika __________________24. Arkitektura

________________22. Logic __________________25. Ethics

________________23. Atlas

26. Dapat alamin kung ang Gawain bang ito’y marapat at matuwid at hindi tayo dadalhin sa kapalaluan.
Ang kasalungat ng salitang kapalaluan sa pangungusap ay?
a. Kasakiman b. Kabaitan c. Kayabangan

27. Ito ay mga pangngalang tumatanggap sa kilos ng pandiwa.


a. Kaganapang Pansimuno b. Tuwirang Layon c. Di-tuwirang Layon

Para sa bilang 28-32, basahin at unawaing mabuti ang talata mula sa kuwento pagkatapos ay sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.

Si Ana at si Elsa ay makapatid. Ang lahat ay natutuwa kay Ana ngunit kay Elsa ay marami ang naiinis. Isang araw, may
dumating na matandang babae sa kanilang bahay upang humingi ng kanin. Itinulak siya ni Elsa sa may hagdanan.
Awang-awang tinulungan ni Ana ang matanda. Isang kabutihan ang ipinakita ni Ana kaya naman, bumalik ang
matanda upang tulungan siya sa sa oras ng kanyang karamdaman. Ibinilin niya kay Elsa na painumin ng buto si Ana
upang gumaling. Ngunit hindi ganoon ang ginawa ni Elsa. Nang bumalik ang matanda, halos agaw-buhay na si Ana.
“Saan ang mga butong dapat pinainom mo sa kanya?” tanong nang matanda. Hindi inilabas ni Elsa ang mga buto kaya
lalong nagalit ang matanda na isa pa lang diwata. Pinarusahan ng matanda na isa pa lang diwata hanggang sa siya’y
magtanda.

28. Ano ang ugaling ipinakita ni Elsa sa talata ng kuwento?


a. Pagiging mapagkumbaba b. Walang habag c. Pagiging maawain
29. Tama ba ang ginawang parusa ng matandang diwata kay Elsa?
a. Oo, sapagkat siya ay nagpakita ng kabutihan sa matanda
b. Oo, sapagkat si Elsa ay nagbubulaan
c. Hindi, sapagkat siya ay mapagtapat na tao

30. Sino si Ana sa kuwento?


a. Isang butihing kapatid
b. Mapagmataas sa iba
c. Pinagbilinan ng matanda ng buto

31. Ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa kuwento?


a. Hinatulan b. Gantimpala c. Hinukom
32. Ano ang naging suliranin ng kuwento?
a. Ang hindi pagbigay ng buto ni Elsa kay Ana
b. Ang ugaling ipinakita ni Elsa sa matanda
c. Ang kaparusahang natanggap ni Elsa sa matanda

Para sa bilang 33-37. Panuto: Bilugan ang panghalip na ginamit sa pangungusap at isulat sa loob ng kahon
kung ito’y Palagyo, Paari, Paukol.

33. Ikaw ang aking pinakamatalik na kaibigan.

34. Malapit sa palengke an gaming bahay.

35. Ang regalong ito ay para sa kanya.

36. Kunin ko ang aking sapatos.

37. Hangad naming ang inyong tagumpay.

38. Ang salitang-ugat ng salitang “kahalagahan” ay?


a. ka- at –han b. halaga c. halagahan

39. “Naghihiram sila ng aklat upang makapag-aral.” Ang salitang may salungguhit ay nasa panauhan na?
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo

40. “Ang Pilipinas Noong Panahon ng Kastila” ay nakapaloob sa Dewey Decimal Classification number na?
a. 700-799 b. 800-899 c. 900-999

Inihanda ni: Ms. Mary Anne L. Baricaua


Grade 4- Adviser

Iniwasto ni: Ms. Christine M. Faicol


Elem. Coordinator

Inaprubahan ni: Ms. Barby S. Llemos


OIC- Elem. Depart.

You might also like