You are on page 1of 1

I. Tukuyin ang gamit ng pangngalan na may salungguhit.

Isulat ang mga titik ng sumusunod: S


(simuno o paksa), KP (kaganapang pansimuno), P (panawag), PM (pamuno), TL (tuwirang layon), o
LP (layon ng pang-ukol).
1. Si G. Teodoro ay kawani sa munisipyo ng kanyang siyudad.
2. Si Maricel, ang panganay ni Gng. Romeo, ay magtatapos sa susunod na taon.
3. Ramil, magsaliksik tayo sa silid-aklatan mamayang hapon.
4. Gumuhit ng larawan ng kanyang anak ang tanyag na pintor.
5. Sina Carmina at Shiela ay sasama sa ating paglalakbay.
6. Ang aking ama, si G. Gregorio Martin, ay nagpapasalamat sa inyong walang humpay na
pagsuporta.
7. Unti-unting nawawala ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
8. Si Jonas ay mag-aaral sa ika-anim na baitang.
9. Ang mga halaman ay para sa hardin sa gitna ng plaza.
10. Bumili ng mas malaking sasakyan si Roger para sa kanyang pamilya.

II. Tukuyin ang gamit ng panghalip na may salungguhit. Isulat ang mga titik ng sumusunod: S
(simuno o paksa), KP (kaganapang pansimuno, TL (tuwirang layon), o LP (layon ng pang-ukol).
1. Sila ang mga tinanghal na best swimmers ng taong 2008.
2. Para sa iyo ang magandang bukas.
3. Tungkol doon ang pinag-usapan sa pulong.
4. Ang panganay sa magkakapatid ay ako.
5. Kami ay itinuring na tunay nilang anak.

You might also like