You are on page 1of 2

“Paggamit ng Droga”

Lahat ng mga bagay na nandito sa ating mundo ay ginawa ng dahil


sa iba’t
-ibang dahilan. Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-
lunas sa sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila
nito ay nakapagbibigay sakit kapag inabuso. Ngunit may gamot na bawal tulad ng
ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo
na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang
pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang
pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot ng paggamit nito. Dumarami na rin ang
bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na
droga. Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa
Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming
pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na
gamot. Umabot rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno
ang naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
(PDEA, 2016). Ayon rin sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa
'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang mga drugista o
nagtutulak ng droga. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o
paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na
popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte. Bagaman alam na alam ng
mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso nito, at pag-abusong
ito ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang
paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas
ng suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang
paggamit nito ay magtutulak sa isang tao na gumawa ng masasama kagaya ng
pagnanakaw, pagsisinungaling, pagiging agresibo o walang takot na gumawa ng
masama hanggang sa mawala sa katinuan o mabaliw ang tao. Maraming posibleng
epekto nito, at karamihan nito ay masamang epekto na makakasira sa buhay ng
isang tao. Kaya dapat sa lahat ng panahon ay maging alisto at maingat tayo sa
mga sitwasyon na maaari nating pasukan, dahil baka magdulot lang ito ng
kasamaan sa atin. Iwasan natin ang mga bagay na makakasira sa atin, at ang mga
taong magtutulak lang sa atin na pumunta sa maling daan. Huwag tayong sumubok
na gumamit ng ipinagbabawal na gamot upang ang buhay natin ay maging ligtas at
maligaya.

You might also like