You are on page 1of 2

Pangalan:__________________________________ Baitang/Seksiyon:__________

Guro:______________________________________ Petsa:________ Iskor: ______

I. Identipikasyon. Isulat ang kumpletong sagot. ( 1 puntos)

___________________1. Maikling buod ng pananaliksik , rebyu, artikulo, tesis, at iba pang


gawaing pasulat na akademiko
___________________2. Isang anyo ng report na nag – uugnay ng mga ideya sa isa’t isa
___________________3. Muling paghahayag ito ng pangunahing ideya
___________________4. Halos kapareho ng tawag at katangian ng lagom. Mas madalas
gamitin sa piksyon
___________________5.Pinaikling beryson ng akda, binibigyan diin ang pangunahing mga
puntos
___________________6. Pinaikling buod ng mga pangunahing ideya
___________________7. Buod na inilalahad sa bagong anyo o estilo
___________________8. Pagsasama – sama ng mga ideya tungo sa pangunahing ideya
___________________9. Karaniwang di – lalampas ito sa dalawang pahina.
___________________10. Ito ay mula sa salitang Griyego na syntithenai
II. Pag iisa – isa

A. Pangunahing mga katangian ng pagbubuod (3)


B. Mga Hakbang sa sa pagbubuod (8)
C. Mga Hakbang sa sa paggawa ng synopsis (6)
D. Mga Katangian ng presi (5)

III. Basahin ang bawat talata at punan ang mga patlang.

1.

May kanya-kanyang gawain ang mga langgam


sa kanilang pugad. Naghuhukay ang ilan
upang matirhan ang iba pang mumunting
butas o guwang. Naglilibot ang iba upang
mangalap ng maiimbak na pagkain. Naglilinis
naman ng mga pugad ang mga babaeng
langgam. Sa pugad, may mga nakatalagang
tagapag-alaga sa mga bagong luwal na
langgam. Ipinagtatanggol naman ng mga
sundalong langgam ang mga pugad laban sa
mga kaaway.

Ang talata ay tungkol sa ___________________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Mabilis mong inihagis sa ere ang bola. Tila nakabimbin ito sa pagkakalutang
bago pa tuluyang bumagsak. Ipahiginit mo sa ere ang punglo. Mas mabilis yaon
sa bola ngunit bubulusok din. Anumang bagay na makaiimbulog ay
makabubulusok. Makalilipad ang eroplano sa taas na labimpitong milya at
makapaglalakbay din nang matagal sa malalayong pook. Ngunit hindi ito
mananatili sa himpapawid sa lahat ng oras. Tulad ng maraming bagay, ito ay
kailangang lumapag.

Ang talata ay tungkol sa ___________________________________________


_______________________________________________________________
3.
Alam mo ba kung bakit napakahalaga ng mga siyentipikong eksperimento? Una, nakatutulong
ang mga ito upang malaman natin ang katotohanan. Natuklasan ang batas ng grabidad o law of gravity
dahil sa isang simple ngunit mahalagang eksperimento.

Mga eksperimento rin ang naging daan sa pagtuklas ng maraming bagay. Dahil sa
eksperimento, natuklasan ang elektrisidad. At kahulihan, bunga ng mga eksperimento ang pag-
unlad ng medisina.

1. Ano ang paksang pangungusap?


______________________________________________________________
2. Ano ang batayang ideya o kaisipan?
______________________________________________________________
3. Anong mga dahilan ang binanggit sa talata?
a. ___________________________________________________
b. ___________________________________________________

c. ___________________________________________________

You might also like