You are on page 1of 228

MGA

PILING TULA
NI

JAROSLAV
SEIFERT
Mga Piling Tula ni Jaroslav Seifert

Karapatang-sipi © 2015 ng orihinal na teksto ni Jaroslav Seifert, at


ng Komisyon sa Wikang Filipino.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng


librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na
pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Disenyo ng Aklat at Pabalat: Angeli Narvaez

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

p. ; cm.

ISBN

PL5508

Inilathala ng
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
2F Watson Bldg., 1610 J.P Laurel St., San Miguel, Maynila
Tel. 02-733-7260 · 02-7362525 ·
Email: komfil.gov@gmail.com · Website: www.kwf.gov.ph
MGA
PILING TULA
NI

JAROSLAV
SEIFERT

AKLAT NG BAYAN
MAYNILA
2015
N ILALAMAN
Introduksiyon
Ang Pathos ni Jaroslav Seifert sa Eleganteng Filipino 9

CITY IN TEARS (Město v slzách, 1921)


Tulang Pambungad 23
Sinful City 25

NOTHING BUT LOVE (Samá láska, 1923)


Awit sa mga Dalaginding 26

HONEYMOON (Svatební cesta, 1923)


Búngang Nag-iínit 26
Honeymoon 28
Pilosopiya 29
Ang Abaniko 29

THE NIGHTINGALE SINGS BADLY


(Slavík zpívá špatně, 1926)
Moskva 30
Punòng Mansanas na may Sapot na Kuwerdas 31
Panorama 33

CARRIER PIGEON (Poštovní holub, 1929)


Sayaw ng Kamisa ng mga Dalaga 34
Awit 36
Prague 36
Basang Larawan 38
Nobyembre 1918 39

AN APPLE FROM YOUR LAP (Jablko z klína, 1933)


Paghihiwalay 40
Pagkit na Kandila 41
Sandaang Ulit na Kawalan 42
Diyalogo 43
Libing sa Ilalim ng Aking Bintana 44
Pagbabanyuhay 45

THE HANDS OF VENUS (Ruce Venušiny, 1936)


Ang Taón 1934 46
Ang mga Kamay ng Venus 47

SONGS FOR THE ROTARY PRESS


(Zpíváno do rotačky, 1936)
Mga Ubasang Espanyol 48
Pagpupugay sa mga Barikada ng Madrid 49

GOODBYE, SPRING (Jaro, sbohem, 1937)


May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe... 50

ROBED IN LIGHT (Světlem oděná, 1940)


Robed in Light 51

A HELMETFUL OF EARTH (Pňlba hlíny, 1945)


Awit ng Lupang Sinilangan 52
To Prague 53
At the Tomb of the Czech Kings 54
Kapag sa mga aklat-kasaysayan... 55
Ang mga Patay ng Lidice 56

CONCERT ON THE ISLAND


(Koncert na ostrově, 1965)
Kung gaano kasakit ko masumpungan... 58
Mga mangingibig, silang peregrino ng takipsilim... 58
Paminsan-minsan itinatali tayo... 60
Kung masasabihan lamang ang puso... 61
Nag-aalangang bulong ng magkahalik na labì... 63
Awit ng mga Pinagpalísan 64
Isang Awit sa Katapusan 67

HALLEY’S COMET (Halleyova kometa, 1967)


Buntalàng Halley 68
Basilika ni San Jorge 69
Ang Kopula ng Obserbatoryo 70

THE CASTING OF THE BELLS


(Odlévání zvonů, 1967)
Panimula 72
Minsan lamang... 77
Kung itinuturing mo ang tula... 78

THE PLAGUE COLUMN (Morový sloup, 1978)


Minsang magbasa siya ng akda... 79
Ang Hiyaw ng mga Espektro 82
Pook-Peregrinasyon 85
Canal Gardens 88
Ang Haligi ng Salot 96
Tsubibong may Puting Sisne 106
Isang Koronilya ng Sagà 110
Ang Paraluman 112
Panggabing Karimlan 114
Pagtunog ng Toreng Orasan 115
Mga Tinig ng Ibon sa Duklay 117
Sa Isang Bakanteng Silid 118
Ang Awit ng Ruwisenyor 120
Ang Usok ng Marijuana 122
At Ngayon Paalam 124

AN UMBRELLA FROM PICCADILLY


(Deštník z Piccadilly, 1979)
Awtobiyograpiya 125
Pagtugis sa Kasaykasay 127
May Bakás ng Daliri 129
Katahimikang Mahinhing Kalansing 132
Mahal na Birhen ng Žižkov 134
Ang Top Hat ni G. Krösing 136
Kuwintas sa Galanggalangan 137
Ang Nawawalang Paraiso 139
Bintana sa Pakpak ng mga Ibon 141
Berthe Soucaret 143
Ang Paraluman ng mga Makata 144
Pagbisita sa Pintor na si Vladimir Komárek 146
Isang Larawan ng Praha 148
Kalakalang-Bakal ng Buwan 151
Pakikipagbuno sa Anghel 154
Isang Payong mula Piccadilly 157
Ang Mahal na Pabelyon 160
Ulan ng Nobyembre 163
Piraso ng Liham 165
Apat na Maliit na Bintana 167
Ang Puntod ni G. Casanova 170

TO BE A POET (Býti básníkem, 1983)


Ang Maging Makata 173
The Bombing of the Town of Kralupy 174
Verses from an Old Tapestry 175
Isang Konsiyerto ni Bach 176
Dibertimento Nokturnal 177
View from Charles Bridge 183
Mahal na Birhen ng Žižkov 184
Ang Relay Tower 186
Demolition Report 189
Awit mula sa Intermezo 190

UNCOLLECTED
Mga Taludtod para sa Pintor na si Ota Janeček 191

ALL THE BEAUTIES OF THE WORLD


(Mga Gunita; Všecky krásy světa, 1981)
Hinggil sa Aking mga Magulang 193
Ang Estudyante at ang Puta 194
Kung Paano Ako Naging Makata 199
Paglalathala ng Aking Ikatlong Aklat 204
On Hasek, Author of the Good Soldier Svejk 207
A Day in the Country 208
On Teige 209
A Few Minutes Before Execution: May 1945 210
A Meeting After the War 211
An Interview About the Art of Writing 212

Glosaryo ng mga Pangalan at mga Lugar 213


Mga Talâ sa Introduksiyon 224
Mga Talâ sa mga Tula 226
Mga Talâ sa Reminescences 227
Introduksiyon
Ang Pathos ni Jaroslav Seifert sa Eleganteng Filipino
R OBERTO T. A ÑONUEVO

S a loob ng halos 75 taon mula nang maitatag ang Surian


ng Wikang Pambansa (na naging Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas, at pagkaraan ay naging Komisyon sa Wikang
Filipino hanggang sa kasalukuyan), naging pangunahing
tungkulin nito ang pagpapaunlad ng wika sa pamamagitan
ng panitikan. Ang SWP ay nakipagbalikatan sa impormal
na paraan sa mga manunulat mula sa iba’t ibang rehiyon,
upang makabuo ng isang pambansang malig ng panitikan.
Sa katunayan, ang LWP at ang mga unang taon ng
pagkakatatag ng KWF, ay may mga sangay ng panitikan
at pagsasalin para mapaunlad ang pambansang wika. Ang
SWP ay nakilala dahil sa hatak ng mga bantog na makata,
mandudula, kuwentista, sanaysayista, at nobelistang gaya
ngunit hindi limitado kina Lope K. Santos, Julian Cruz
Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Jaime de Veyra, Leonardo
A. Dianzon, Hermenegildo Cruz, Deogracias del Rosario,
Florentino Collantes, Patricio Mariano, Pedro at Carlos
Gatmaitan, Faustino Aguilar, Severino Reyes, Nemecio
Caravana, Emilio Mar. Antonio, at Cirio H. Panganiban. Ang
unang pagdulog ay may kaugnayan sa paghikayat sa mga
Filipinong manunulat na lumikha ng mga orihinal na akda;
samantalang ang ikalawang pagdulog ay may kaugnayan sa
pagsasalin. Kaugnay ng pagsasalin ang pag-aaral sa mga
banyagang wika, at paggamit ng pambansang wika sa iba’t
ibang disiplina, na makaaagapay sa pagbuo ng ortograpiya
at gramatika, kayâ ang mga tagasalin noon ay may doble-
karang panitikero at lingguwista1. Idagdag pa rito ang
pagbubuo ng mga aktibong organisasyong pangmanunulat,
na ang pinakamalaking bilang ay mula sa hanay ng Tagalog
at pinangunahan ng gaya ng Aklatang Bayan; at naging

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 9


propesyon ang pagsusulat kasabay ng pagsigla ng mga
palimbagan, peryodismo, at pagbabago sa sistema ng
edukasyon. Mababanggit din ang kooperasyon ng SWP sa
Kawanihan ng Edukasyon upang mailahok ang pagtuturo
ng panitikan, wika, at pagsasalin sa mga paaralan.

Ang mga manunulat na kabilang sa Aklatang Bayan,


Ilaw at Panitik, Samahan ng Mananagalog, at Akademya ng
Wikang Tagalog, halimbawa, ay nagsagawa ng maramihang
pagsasalin ng mga akdang internasyonal upang matikman
ng madla sa Tagalog, bukod sa lumikha ng mga orihinal
na akda. Kung noong siglo 16-19 ay namumutiktik sa mga
akdang relihiyoso ang salin sa Tagalog, Bisaya, Ilokano,
Pangasinan, Kapampangan, Bikol, at iba pang katutubong
wika sa Filipinas, ang pagpasok ng siglo 20 ay pagpihit sa
dibdibang pagsasalin ng mga banyagang panitikan para sa
mga Filipino. Magiging batayan ang Tagalog bilang saligan
ng wikang pambansa, at may kaugnayan dito ang lawak at
lalim ng produksiyong hindi lamang orihinal na isinulat sa
Tagalog, bagkus maging sa volyum at impluwensiya nito.
Si Gerardo Chanco, na dating kalihim ng Aklatang Bayan,
ang maituturing na isa sa mga pangunahing tagasalin,
o tagahalaw ng mga akda, at magiging ispesimen ang
kaniyang mga naisulat kung paano nagsimula noon ang
pagpapakilala ng mga banyagang akda sa mga Filipino.
Ngunit yayao sa rurok ng kaniyang karera bilang manunulat
si Chanco, at nakapanghihinayang na ang kaniyang talento
ay nauwi sa alabok.

Ngunit ang pagsisikap ng pangkating manunulat-at-


tagasalin na Tagalog noon ay maituturing na kusang-palo
at walang nakuhang tangkilik sa anumang paraan mula
sa mga banyagang ahensiya. Sa ganitong pangyayari,
ang mga indibidwal na tagasalin ay sumandig lamang sa
mga taguyod ng kani-kanilang organisasyon o lokal na
pabliser na handang isugal ang sariling pondo sa gayong
proyekto, o kaya’y sa likas na talino at nabuong kanon
ng magkakabarkadang manunulat, kritiko, istoryador, at
tagasalin. Dahil sa kakulangan ng pondo, pagsasanay,

10 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


akademikong ayuda, at impraestruktura, ang programa ng
pagsasalin ng gaya ng Aklatang Bayan ay nabigong lumawig
at unti-unting naupos pagkaraan. (Ang unang programadong
pagsasalin ng Aklatang Bayan ay matutunghayan sa
introduksiyon ni Dionisio San Agustin sa nobelang salin ni
Gerardo Chanco na pinamagatang Dahil sa Pag-ibig na salin
mula sa akda ni Felice Guzzoni na pinamagatang La Hija del
Cardenal na nalathala noong 1916). Magpapatuloy lamang
ang mga puta-putaking pagsasalin sa mga pahayagan,
gaya ng Lipang Kalabaw,Taliba, Sampaguita, at Alitaptap,
o magasing gaya ng Mabuhay Extra na pinamatnugutan ni
Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez noong
dekada 1940, at masisilayan ng mga mambabasa ang mga
salin ng nobela, kuwento, tula, at dula mula sa Hilaga at
Timog Amerika, Ewropa, Afrika, at Asya.

Ang dakilang panahon ng SWP ang ibig muling


buhayin sa higit na masigasig na paraan ng KWF sa
kasalukuyan.

Nakalulugod na ang Embahada ng Republika ng


Czech, na kinakatawan ni Embahador Jaroslav Olša, at
ang KWF ng Republika ng Filipinas, na kinakatawan ni
Tagapangulong Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng
Sining, ay nagkaroon ng Memorandum ng Unawaan upang
isagawa ang magkatuwang na pagsasalin. Napapanahon
ang nasabing kolaborasyon, sapagkat nabubuwag ang mga
moog ng kalakalan at serbisyo sa ngalan ng globalisasyon,
at ang pananatiling bukod na pulô ay anakronismo na sa
panahon ngayon. Isasalin ng KWF ang ilang piling akdang
Czech, ayon sa kasunduan, samantalang isasalin sa Czech
ang ilang piling akdang Filipino. Sa ganitong paraan, hindi
lamang maipakikilala sa dalawang bansa ang kani-kaniyang
orihinal na malikhaing akda, o ang mga batikan ngunit
nalilingid na lokal na manunulat, bagkus ay maaaring maging
modelo rin kung paano dapat isagawa ang programado
at likas-kayang pagsasalin tungo sa pagpapalawak ng
kaalaman at pagpapaunlad ng kani-kaniyang pambansang
wika, diskurso, at panitikan. Para sa kabatiran ng madla,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 11


nakipag-ugnayan na rin ang KWF sa iba pang embahada,
at maaasahan ang paglitaw ng mga salin sa mga susunod
na taon.

Napiling isalin bilang pambungad na proyekto ang


mga tula ni Jaroslav Seifert.

Makatang Internasyonal

Hindi karaniwang makata, manunulat, at tagasalin si Seifert,


at tatanghalin siyang kauna-unahang Czech na nagwagi ng
Premyo Nobel para sa Panitikan noong 1984. Ngunit para
sa maraming Filipino, siya ay banyaga sa kanilang hinagap
dahil sa saliwang oryentasyon ng edukasyong malimit
nakakiling sa tradisyong Anglo-Amerikanong panitikan,
na maipagpapasalamat sa impluwensiya ng Amerikanong
sistema ng edukasyon. Sa katunayan, kahit sa silaba ng
tersiyaryang edukasyon ay bihirang mabanggit si Seifert o
ang panitikang Czech pagsapit sa pag-aaral ng panitikang
pandaigdig. Napapanahon kung gayon na basahin si Seifert,
at lingunin ang kasaysayang pampanitikan ng kaniyang
bansa―hindi man sa orihinal na wikang Czech kundi kahit
sa bersiyon sa salin―at salin, hindi sa Ingles, bagkus sa
eleganteng Filipino.

Isinilang noong 23 Setyembre 1901, si Seifert ay


mula sa uring manggagawa sa Žižkov, Prague, at supling ng
mga magulang na ang isa’y sarado Katoliko samantalang
ang kabiyak ay ateista na’y sosyalista pa2. Nag-aral siya
sa sekundaryang paaralang tinawag na gymnásium, ngunit
nabigong makatapos, at sa halip ay nagpasiyang maging
peryodista at maglunoy sa panitikan3. Matutunghayan sa
kaniyang unang koleksiyon ng mga tulang pinamagatang
Mesto v slzach (Ang Lumuluhang Lungsod) ang
kabataang oryentasyong proletaryado, at kikilalaning
pinakaproletaryado sa lahat ng panulaang Czech.4 Noong
1918, pumanig siya sa Partido Sosyalista Demokrata, nang
lumaya ang Czechoslovakia mula sa pagiging lalawigan

12 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ng Austria-Hungary, at pagkaraan ay naging pangunang
hanay na kasapi ng Partido Komunista nang maitatag ito sa
Czechoslovakia noong 1921.

Bagaman linyadong Komunista, si Seifert ay hindi


nagmaliw sa sining, at laging nailalahok sa kaniyang mga
persona ang kapangyarihang umibig bilang katangian
ng tao. Ang rebolusyon, sa pananaw niya, ay hindi basta
pakikibakang pampolitika at karahasan, bagkus karnabal
ng taumbayan, at maituturing na matang-tubig ng ligaya
sa hinaharap para sa mga dukha at kapos-palad5. Ang
kaniyang rebeldeng sensibilidad, na ayaw magpakahon
sa dikta ng partido, ang magbubunsod upang mapatalsik
siya sa pagiging Komunista, at pukulin ng tuligsa ng mga
kapanalig sa politika.

Magiging pundador si Seifert, kasama ang iba pang


modernistang manunulat na sina Karel Teige at Stanislav
Neumann, ng kapisanang Devĕtsil (na may ugat na
pakahulugang “Siyam na Gahum” at tumutukoy sa isang
uri ng ilahas na damó) noong dekada 1920. Bukod sa
abanggardistang tindig na lumalampas sa umuusbong na
proletaryadong linyang pampanulaan, mithi ng Devĕtsil na
paghugpungin ang buhay at sining na ang sukdulang bunga
ay ang sining sa hinaharap na panahon ay maging buhay
at buhay-sining6. Magiging lamán ng mga kapeterya at bar
ang Devĕtsil, at maglulunoy sa panulaan, sining, kritika,
at pampolitikang talakayan, at ang mabuting resulta’y
kahanga-hangang mga akda ng sining at panitikan7. Ngunit
pagkaraan ng ilang taon, kahit ang Devĕtsil sa pakiwari ni
Seifert ay nakaiwanan na ng mga kasapi nito. Kasama ang
walong Komunistang manunulat, si Seifert ay lumagda sa
liham na sumasalungat sa linyang pampolitika ng Partido
Komunista hinggil sa kultura. Pinatalsik sa partido si
Seifert, bukod sa tinanggal sa pagiging kasapi ng Devĕtsil.
Nagtrabaho siyang peryodista at editor sa maikling panahon,
at sumulat nang tomo-tomong tula na waring ibig patunayan
ang katumpakan ng kaniyang paniniwala.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 13


Kabilang sa mga koleksiyon ng tula ni Seifert ang Samá láska
(Wala kundi pag-ibig, 1923); Svatebni cesta (Pulutgata,
1925); Slavík zpivá špatnĕ (Sintunado kung umawit ang
ruwisenyor, 1926); Poštvoni holub (Karterong kalapati,
1929); Jablko z klína (Mansanas sa iyong kandungan,
1933); Mga awit mula sa limbagang paikot (Zpiváno do
rotačky, 1936); Paalam, Tagsibol (Jaro, sbohem, 1937);
Lupa sa helmet (Pñlba hliny, 1945); Konsiyerto sa pulô
(Koncert na ostrovĕ, 1965); Kometang Halley (Halleyova
kometa, 1965); Paghubog sa batingaw (Odlévání zvonú,
1967); Salot na hanay (Morový sloup, 1978); Payong mula
sa Piccadilly (Deśtnik z Piccadilly, 1979); Mga gunita,
Vśecky krásy svĕta, 1981).

Naging tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat si


Seifert noong panahong nanghimasok ang mga Sobyet sa
Czechoslovakia, ngunit pagkaraan lamang ng isang taon ay
nalusaw ang organisasyon sanhi ng panggigipit ng awtoridad.
Susupilin din ng estado na lumaganap ang kaniyang mga
tula, at tanging mga piling lumang akda lamang niya ang
lumitaw noong 1968–19758. Malalathala pagkaraan sa
mga antolohiya ang kaniyang mga tula, at malalathala nang
panaka-naka sa Toronto at Prague. Dumaan sa pagbabago
kahit ang estilo ng kaniyang pananalinghaga, at ang dating
de-kahong tula at sukat ay napalitan ng malayang taludturan
at tulang tuluyan.

Natamo ni Seifert ang pinakamataas na pagkilala


na maaaring igawad ng kaniyang mga kababayang
Czech sa sinumang manunulat, nang makamit niya ang
pagiging Pambansang Alagad ng Sining, ngunit ang higit
na nagpatingkad ng kaniyang karera ay minahal siya ng
kaniyang mga kababayan at iginalang ng mga kapuwa
manunulat magbago man ang ihip ng simoy. Yumao si
Seifert noong 1986, ang panahon nang sumiklab ang
Aklasang Bayan sa EDSA na nagpatalsik sa diktadura sa
Filipinas at siyang naging modelo ng payapang himagsikan
sa iba’t ibang panig ng daigdig.

14 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Hinggil sa salin

Madulas, gaya ng palos, ang mga tula ni Seifert at


mananatiling hámon sa isang tagasalin. Ipinakahulugan
niya ang salitang “kapayakan” sa ibang dimensiyon, at
ang pook na iniinugan ng kaniyang mga tauhan, gaya ng
Prague, ay maaaring isang lungsod na makahahawig ng
Maynila alinsunod sa pathos ng makata. Tinumbasan ng
mga doble-karang pahiwatig, ang gaan ng mga salita na
malimit maiindayog ay humahatak sa mambabasa upang
balik-balikan ang nakawiwili, kung hindi man nakahihindik na
pangyayari. Ibubunyag ng paningin ng kaniyang mga tauhan
ang kani-kaniyang daigdig at tuklas, at sa mapagmuning
paraan ay ipararamdam sa mambabasa ang pambihirang
damdaming dapat taglayin ng tao. Lasapin, halimbawa, ang
kaniyang tulang “Prague”:

Sa ibabaw ng mala-gadyang taniman ng bulaklak


ay sumibol ang Gotikong kaktus na may
maharlikang
mga bungo at sa mga guwang ng namimighating
mga organ
sa kalipunan ng mga pipang láta’y
nabubulok ang lumang melodiya.

Ikinalat ng simoy
ang mga bola ng kanyon, gaya ng mga butil ng
digmaan.

Tatalilis nang palihim pagkaraan ang emperador sa


kailaliman ng gabi, ngunit hindi mauunawaan ng kaligiran
na magpabago-bago man ng simoy ay tanging ang mga
karaniwang mamamayang humaharap sa malabong
kapalaran ang makatatanto ng “kabunyiang alabok [na]
lumalapag sa abandonadong trono.” Ang kamatayan ay
nananatiling nasa trono; o ang kapangyarihan ay mananatili
kahit yumao ang emperador, samantalang ang ringal ng
awtoridad ay napapawi sa kaduwagan. Pihitin lámang nang
kaunti ay hindi malalayô ito sa Malacañang noong panahon

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 15


ng Aklasang Bayan sa EDSA 1986, at ang pagkakaiba
lamang ay palihim na darakpin ang pangulo para idestiyero
sa banyagang lupain.

Kinakausap ni Seifert ang kaniyang mga mambabasa


sa pamamagitan ng tulay na tauhan—ang tauhang inilugar
sa guniguning pook at kung minsan ay maipagkakamaling
ang mismong tinig ng awtor—at kahit sa isang munting
tulang may sukat at tugma, ang ubasang Espanyol ay waring
manggahan o niyugan o pinyahan pagsapit sa Filipinas, at
ang mga kalahok sa digma’y maaaring kawal o gererong
kung hindi Komunista’y Bangsamoro.

Muling inihatid ng lupa ang katás


Patungo sa baging ng mabatong bayan.
At ang bagong supling, kung hindi tinadtad
Ng bala’y mayabong na bukás ang kamay,

Gaya ng pulubing nangarap ng barya.


Mayuming ilihan ang nagpapabantog
At nagpapatampok sa tamis na dala
Nitong mga ubas na sanga’y yumukod.

Abril na po ngayon at karmesing dugo’y


Mantsa sa panapis at kahit sa palad.
Ubas na Espanyol, pupulot ay sino
Kapag ang digmaan ay ganap nagwakas?

Matipid at siksik ang wikang Czech, at ang orihinal na


tulang may tugma at sukat ay kinakailangang tumbasan
ng kakaibang hagod pagsapit sa Filipino. Ang laro ng mga
salita, ang ritmo ng mga pantig, at ang taglay nitong mga
pahiwatig ay dapat umangkas pagsapit sa Filipino, gaya sa
“Awit sa mga Dalaginding”:

Palagós sa lungsod ang dakilang ilog,


at taglay ang pitong tulay;
libong dalaginding ang bakás sa baybay
at iba-iba ang hubog.

16 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Maalab ang palad ng dibdib sa dibdib
sa pag-ibig na may apoy;
libong dalaginding ang muling lumusong,
hawig lahat kung tumitig.

Mapapansin na ang salin sa Filipino ay hindi lamang


simpleng abba/ bccb// ang tugmaan bagkus tinumbasan
ng aliterasyon, paromoiosis, at asonansiya. Ang teknik na
ginamit sa Filipino ay mahirap maunawaan kung Ingles
lámang ang basehan ng teksto. Sa pagdulog na salin sa
Filipino, ang tekstong Czech ay yumayaman, at ang alon ng
mga hulagway ng mga dalaginding ay halos makalunod sa
isang tagapagmasid.

Bukod sa likot ng tugmaan at sukat ni Seifert,


ang paraan ng kaniyang pananalinghaga ay isang anyo
ng diskurso, na ang sagutan ay naiibang bersiyon ng
Balagtasan, at ang kalutasan ay nag-iiwan ng pambihirang
siste na mahirap maunawaan sa isang pagbasa lámang,
gaya ng matutunghayan sa “Diyalogo”:

[Ang babae]

Noo o labi ko ba ang hinagkan mo?


Hindi ko na nalaman
—Nakaulinig lamang ako ng malamyos na tinig
at may madilim na hamog
na nagtaklob sa hiwaga ng aking nanggilalas na
paningin.

Malaki ang pagkakaiba ng halik sa noó at halik sa labì, sa


pananaw man ng Czech o Filipino, at kahit tumugon ang
personang lalaki’y ang pag-uulit ng saknong ay taktika ng
pag-iwas na maaaring magpahiwatig ng kabalintunaan.
Kung panghihimasukan ang salin, ang “hamog” ay
matutumbasan ng “angëp9” na waring tumatakip sa bundok
tuwing taglamig o tag-ulan.

Samantala, mahilig sa iba’t ibang anyo ng repetisyon

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 17


si Seifert, na ang pag-uulit ay maaaring salita, taludtod,
parirala, o diwa, at sa bawat pag-uulit ay may naidaragdag
na kaisipan, na isang mabuting katangian sa paglalarawan,
gaya sa “May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe”:

May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe,


ngunit may bibig na simbango ng rosas.
Paulit-ulit at nakababagot ang mga salita ng pag-
ibig,
Ano ang gagawin ko sa kanila ngayon
ngayong naghihintay ako sa iyong tugon
at sa kaguluhan ay nagmamadali para rito.
May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe
Ngunit may bibig na simbango ng rosas.

Nagkataón lamang na niyebe ang ginamit sa tula, at mula


sa lunan ng tauhan ni Seifert, ngunit kung nanamnamin ay
maraming ganitong anyo ng tula kahit sa mga makatang
Filipino. Maihahalimbawa pa ang isang anyo ng taktika ng
repetisyon, gaya sa “Ang mga patay ng Lidice”:

Awit ng pighati, habang ang inyong mga anak,


luhaan,
patungo sa naghihintay na mga abuhing trak,
nang makita ninyo ang nakangangang hukay ng
kabaliwan
at mula sa kabaliwan matagal nang tumalilis itong
oras—

Awit ng sindak na wala nang sindak pang


makatutumbas,
mulagat na kababaihang kumunyapit sa pinto at
bakod,
tulad ng nalulunod na taong kumakapit sa dayami
bilang huli at tanging pagkakataon ng kaligtasan—

Awit ng katahimikan, nakagugulat at higit pang


malalim
kapag ang huling mahinang hinga ay pumanaw;

18 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


awit ng lahat ng kadakilaan nitong taumbayang
may di-kilalang libingang tinutuntungan namin
ngayon.

Ginamit sa tula ang masining na paraan ng anaphora at


antistasis sa iba’t ibang antas, kaya ang pahiwatig ay
tumitindi kapag binigkas nang malakas ang tula, at inisip
ang awit ng alondra (na hindi malalayo sa kabisote o tariktik
o maya pagsapit sa Filipinas). Ang bersiyon ng salin sa
Filipino ay nakayayanig kung ihahambing sa Ingles, at higit
itong mauunawaan kung babalikan ang armadong bakbakan
sa Magindanaw, Jolo, at iba pang panig ng Mindanaw,
at uunawain ang halaga ng Lidice noong panahon ng
malalagim na digmaan.

Ang pagpapakilala kay Seifert ay mahirap ikahon


mula sa panahon ng panggigipit noong mga panahon ng
Nazi at Komunista, o sa kaniyang pagiging peryodista at
pagiging prolipikong awtor. Lilikha siya ng mga haligi mula
sa kalipunan ng mga tula, at bawat haligi ay pagmumulan
ng koleksiyon ng mga talinghaga. Kung nanaisin niya’y
ang isang tauhan ay malayang umibig sa dalaginding, at
sa tunay na diwa ng kalayaan, ang kabaliwan ay pag-ibig
na pumasok sa puso, at hahamakin, wika nga ni Francisco
Balagtas Baltazar, ang sinuman:

Marahil ay mababaliw muli ako


Sa iyong ngiti
At sa aking unan ay lalapag na balahibo
Ang pag-ibig ng kasintahan at ang pighati ng ina,
Na malimit magkapiling.

Gayunman, ang tauhan ay mahihiwatigang sumapit sa


sukdulan ng pagkatigulang. Ang tangkang paghamak sa
lahat, kung lilimiin ang tula, ay hindi sa materyal na realidad
bagkus sa realidad na maibubunga ng masiglang haraya:

Ngunit iyan ay tanging simoy sa aking labì,


At wala mang saysay ay sisikaping

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 19


Habol-habulin ang guniguning laylayan
Ng malantik na bestidong kumakampay.

Sa bersiyong salin na ito, nanghimasok ang tagasalin at


ang bestido ay hindi basta ordinaryong damit bagkus
nagbubunyag ng kurbada ng balakang, at ang laylayan ay
waring kamay na nang-aakit o tumatawag. Ang resulta’y
yumaman ang mga pakahulugan, at maisisingit na
nakahihigit ang bersiyong Filipino sa bersiyong Ingles.

Kumbaga sa arkitekto’y masinop maglatag ng plano


si Seifert, at ang damdamin ay kaugnay ng lunan, at lunan
din ang huhubog sa pagmumuni ng tauhan. Pansinin ang
“Pagtunog ng Toreng Orasan”:

Nang gabing iyon, nang ang dilim ay nasa pintuan


at ang mga ipot ng kalapati sa mga kornisa ng mga
tore
ay kahawig ng liwanag ng buwan,
nakikikinig ako sa simoy ni Vivaldi
sa Hardin ng Maltese.

Ikakawing ng makata ang himig mula sa babaeng


nagpaplawta, at sa damdaming taglay ng isang tauhang
kinasasabikan ngunit nagbabantulot hipuin kahit sa guniguni
ang kaniyang sinta na marahil ay nasa ibayong lupalop. Sa
pagwawakas ng musika ay susulpot sa pandinig ng tauhan
ang magkasintahang palihim nagtagpo at lumikha ng kung
anong kaluskos o ungol na kaiinggitan ng sinumang básal sa
makalupang pagnanasa. Ngunit hindi rito ang susi ng tula,
bagkus kung paanong sumapit sa tauhan ang pambihirang
kabatiran:

Ngunit ang kanilang marurubdob na halik,


gaya ng batid mo na,
ay naging unang mga luha ng pagmamahal.
At lahat ng dakilang pag-iibigan sa daigdig na ito
ay may nakamamatay na pagwawakas.
Ang trahikong pagwawakas, na tinumbasan ng

20 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


“nakamamatay” sa Filipino, ay lumilikha ng sapin-saping
pahiwatig. Ang pag-ibig ang nagiging sukatan ng pagiging
mortal ng magkasintahan. At ang kadakilaan ng pag-
ibig ay maaaring sipating mapagpalaya, sapagkat ang
“nakamamatay” ay posibleng pabalintuna ang pakahulugan
at handang lumampas sa itinatadha ng karnal na
pagsisintahan.

Mapapansin din na hindi nagpapatali si Seifert sa


mga tradisyonal na padron ng tula. Tatawirin niya ang
hanggahan ng tula at prosa, at ang resulta’y tulang tuluyang
hitik sa mg panloob na tumaan at ligoy na pawang nabuo
sa pananaw ng isang mapagbulay na tauhan. Halimbawa,
sa “Ang Estudyante at ang Puta,” ang pangunahing tauhan
na nakabalita ng isang bahay-aliwan sa “Kalye ng mga
Bangkay” ay susubok at susubukan kung ano ba talaga ang
nagaganap sa loob ng isang bahay na may magagandang
babae. Isang dalaga ang nagpamalas ng kaniyang tirik na
tirik na súso, at ang tauhang kabataang namboboso ay
ginampanan ang kaniyang papel sa pagiging estudyante sa
pinakamatayog na paraan. Matutuklasan ng kabataan ang
hiwaga ng makalupang pagnanasa, ang libog na tumatagos
sa kalooban at nagtatakip sa rimarim na dulot ng digmaan,
hanggang sa wakas ay matanto niya:

Ang unang pagsilay ko sa katawan ng


babae na ikinubli ng maalikabok na bintana
sa unang palapag na bintana ang kumawala
sa aking puso, gaya ng bombang de-orasan.
Itinago ko ang gayong hulagway, na malinaw
at kumikinang, sa aking paningin. Nanatili
iyon sa akin, at sa matagal na panahon
ay pinagnasahan nang malimit; sa unang
pagkakataon ay sadyang nagsumamo ako
para sa pag-ibig.

Ang kahangalang sinambit ng tauhan, kung kahangalan


ngang matatawag, ay baligtaran ang pahiwatig. Maaaring
nanghihinayang ang kabataan sa kaniyang nasaksihan.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 21


Maaaring nanghihinayang siya at hindi man lamang nakatalik
sa kama ang target na dalaga. Maaaring nanghihinayang
siya kung bakit nagbibili ng aliw ang dalaga. At maaaring
nanghihinayang ang tauhan kung bakit nagbantulot sa
mahabang panahon, gayong ang ibig niya ay makatagpo ng
babaeng magpapakilala sa kaniya ng tunay na pagmamahal.
Ngunit sa kabila ng kariktan ay naroon ang rimarim ng
huklubang mama-san, at ang marusing na dagang tangay-
tangay ang basura ng digmaan, upang supilin ang anumang
natitirang libog na ibig pumulandit sa katawan ng binatilyo.

Ang 30 koleksiyon ng mga tula ni Seifert sa wikang


Czech ay wala pang katumbas sa Ingles, at ito ang nagiging
hadlang upang siya’y malingid sa mga mambabasang
Filipino. Ang limitasyon sa wika ay naging daan din upang
sumangguni sa bersiyong salin sa Ingles ni Ewald Osers
at edit ni George Gibian. Sa kabila ng lahat, sinikap ng
mga tagasalin―na mula sa bantog na kapisanan ng mga
makatang LIRA (Linangan sa mga Imahen, Retorika, at
Anyo)―na lampasan ang salin sa Ingles at tumbasan sa
pinakamasining na paraan ang orihinal na tekstong Czech,
at ihain sa madlang Filipino ito na kumakausap man sa mga
mamamayang Czech ay umuugnay din sa mga Filipino.
Ang pakikilahok ng LIRA sa proyekto ay nagpadagdag pa
ng ningning sa pagsasalin, sapagkat ang mga tagasalin
ay hindi lamang ordinaryong tagasalin bagkus mga de-
kalibreng makata rin sa wikang Filipino.

Si Seifert, nang maisalin sa Filipino, ay hindi na


mananatiling makatang Czech lámang. Lumampas na siya
sa hanggahang teritoryal at politikal, upang tumambad
na makatang pandaigdigang nagtataglay ng katotohanan
at sensibilidad na unibersal. Sabihin nang nakargahan
ng sariwang mito si Seifert pagsapit sa Filipino, subalit
katotohanan din ang pangyayaring yumaman ang lawas
ng panulaan ni Seifert sa isang panig, at ng panitikang
Czech sa kabilang panig, samantalang ang panitikan at
wikang Filipino ay panatag at tiwalang kumakasa sa antas
internasyonal.

22 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Tulâng Pambúngad

Isang larawang may ángguló ng pagdurusa


ang bayan,
at ito ang dakilàng bagay na humahárang sa iyong
paningin.
Mambabása, binubuksan mo ang isang aklat na payak at
walang-pagpapanggap—
at dito pumapaimbulóg ang aking awit.

Bagaman tinitingnan ko
ang luwalhatì ng lungsod, hindi nito masasákop ang aking
puso;
hindi ako magagayúma ng mahestád nito’t kadakilaan;
magbabalik ako sa mahiwagàng yakap
ng talà, ng gubat at bátis, ng taníman at bulaklak.
Subalit hangga’t may isa akong kapatid
na nagdurusa, hindi ako magiging maligaya,
at, sa pait ng paghihimagsik sa lahat
ng kawalang-katarungan, patúloy
akong sasandal sa pader ng pabrika, sa gitna ng usok na
nagpapahirap sa paghinga,
at aawitin ang aking awit.

Banyagà pa sa akin ang daan, at nasumpungan ko.


Mabilís itong pumailanglang na tulad ng túnod upang
sakupin ang mundo.
Hindi sasabay ang mga ito sa indáyog ng dugo ko, ang
mga kulindang at balíbid
na nakagápos sa mga kamay ko at sa mga kamay ng libo-
libo
upang anuman ang nararamdaman ng isang tao
ay hindi niya mayayákap ang kaniyang kasáma.

Subalit kung tatakas ako sa gubat at usá, sa bulaklak at

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 23


bátis,
bibigat ang puso ko sa lumbay
kaya hindi lilingon man lámang
sa lahat ng ganda at katahimikan at dubdob
at kailangan kong magbalík sa bayan,
ang lungsod na bumabatì sa kinasanayan nitong lamig,
kung saan tumigil na sa pag-awit ang ruwisenyor at
nawalâ ang samyo ng píno,
kung saan hindi lámang tao ang alipin,
kundî maging ang bulaklak, ang ibon, ang kabayo, at ang
maamong aso.

Mahináhong mambabása, sa pagbása mo sa mga taludtod


na ito,
sandalîng magmunì at italâ ito;
ang larawang may ánggulóng matáman mong tinitingnan
ay ang bayan.
Ay, tila bulaklak ang pakiwarì ng tao:

Huwag mo siyang bubunútin, huwag mong sisirain, huwag


mong yayapakan!

SALIN NI E DGAR C ALABIA S AMAR

24 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


(Sinful City)

SALIN NI V IRGILIO S. A LMARIO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 25


Awit sa mga Dalaginding

Palagós sa lungsod ang dakilang ilog,


at taglay ang pitong tulay;
libong dalaginding ang bakás sa baybay
at iba-iba ang hubog.

Maalab ang palad ng dibdib sa dibdib


sa pag-ibig na may apoy;
libong dalaginding ang muling lumusong,
hawig lahat kung tumitig.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

Búngang Nag-iínit

Ang mahalin ang makata


ang naglalahong hayop ng Liwasang Yellowstone
Subalit minamahal natin ang tula
ang tula
ang walang-maliw na talón

Pinapuputukan ng mga pangmalayuang baril ang Paris


Nakakupyang bakal ang makata
Subalit bakit bibilangin ang mga namatay sa di-masayang
pag-ibig?
Paalam Paris!

Naglayag kami sa Apriká


at ang isdang may mga matang diyamante
ay namatay sa mga tukod ng bapor
ang pinakamasakit
ay ang alaala

26 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Mga lirang Negro
at ang amoy ng mainit na hangin
nahihinog lámang ang búngang nag-iinit ng mga aránya
sa paghahatinggabi
at si Monsieur Blaise Cendrars
ay naputulan ng kamay sa digmaan

Mga ibong sagrado


payat ang mga bintîng tulad ng mga anino
ang yumayanig sa kapalaran ng mga daigdig
Wala na ang Carthage
At tumutugtog ang hangin sa tubo
ng sanlibong klarinete

Samantalang sa marurupok na hilera ng mundo


Kasaysayan
nagpupugong ang mga sansiglo nang baging
Namamatay na ako sa uhaw Mademoiselle Muguet
at hindi mo sasabihin sa akin
kung ano ang lasa ng alak sa Carthage

Tinamaan ng kidlat ang isang bituin


at umuulan
Ang mga rabaw ng tubig
ay umiikot tulad ng banát na balát ng tambol
Himagsikan sa Russia
ang pagbagsak ng Bastille
at patay na ang makatang si Mayakovsky

Subalit ang tula


isang buwang may pulot at tumutulò ang matamis
na katas
sa mga balat ng bulaklak

SALIN NI E DGAR C ALABIA S AMAR

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 27


(Honeymoon)

SALIN NI C HARLES B ONOAN T UVILLA [ HINDI PA NAISASALIN ]

28 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pilosopiya

Tandaan ang winika ng mga pilosopo:


Ang búhay ay kay-bilis lumipas.
Tuwing hinihintay natin ang mga kasintahan
ang kisapmata’y walang hanggan.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

Ang Abaniko

Upang maikubli ang pamumula ng pisngi ng isang babae


mga matang mapang-akit, malalalim na buntonghininga,
sa huli’y mga kulubot at isang ngiting natutuyot.

Isang paruparong dumarapo sa kaniyang dibdib,


paleta ng mga lumipas na pag-ibig
na nakukulayan ng mga kupás na alaala.

SALIN NI F IDEL R ILLO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 29


Moskva

Matagal nang itinigil ang pagsayaw ng minwé,


matagal nang walang nakikinig sa alpa.
Ang mga sisidlang pantanghal sa matandang palasyo
ay lapida ng mga patay.

May mga larangang panlabanan dito,


nananatilì ang pangil ng pader ng Kremlin na may bahid
ng dugo.
Maging saksi namin, kayong mga yumao,
nakalibing sa mga sutlâ.

Mga kopang walang alak,


mga bandilàng nakabaón sa nagdaan,
isang espadang umaalála
kung kaninong kamay ito nahulog.

Mga singsing na nabubulok, isang koronang matagulamín,


mabango pa ring pumpon ng bulaklak,
mga nagagabok na balabal ng mga yumaong tsarina,
at mga maskarang walang mata, ang málas ng kamatayan
at sumpâ.

Ang orbe, sagisag ng kapangyarihan, nakahimlay sa lupà,


isang mansanas na inuod at nabulok.
Tapos na ang lahat, tapos na ang lahat sa ilalim ng mga
ginintuang simboryo,
tinatanuran ng kamatayan ang libingan ng kasaysayan.

Mga balutì, hungkag na tulad ng mga balát ng pilì


na nasa mga alpombrang walang-kaparis ang disenyo,
at bumabalik ang mga karwahe ng Imperyo sa nagdaan
nang walang kabayo, walang liwanag, walang nakalúlan.

SALIN NI E DGAR C ALABIA S AMAR

30 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Punòng Mansanas na may
Sapot na Kuwerdas

Pulang-pulang mansanas
ang kumukurba pababa sa maharlikang katawan na
parang arpa,
sinukatan ng taglagas ng mga kuwerdas,
kumakampana’t umaawit,
aking tagapagtugtog!

Hindi tayo mula sa lupaing tinutubuan ng dalandan,


mga bilugang haliging mulang Ioniang gumagapang sa
baging
na mas matamis kaysa
mga labì ng babaeng Romano;
sa atin ngunit ang punò ng mansanas, na marahas na
pinayuko
ng panahon at bunga.

Nakaupo ang isang mamà sa ilalim nito


na nakita na ang lahat—
Mga gabing Parisyano, tanghaling Italyano,
sa itaas, ang Kremlin ay malamig na buwan—
at umuwi upang umalála.

Umaawit ang himig


ng isang maaliwalas at tahimik na awit na maaaring
tugtugin
sa mga kuwerdas ng sapot na ito
ang mga tunog sa aking tainga.

At saan matatagpuan ang kagandahan?


mga bundok, lungsod, dagat?
Saan ka dinadala ng mga tren sa paghahanap ng
kapanatagan,
Upang gamutin ang mga nananakit pang sugat?

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 31


Saan?

At ang mga mata ng babae,


ang kanilang mga dibdib, na sa paglusong at paglubog
ay mag-uuyayi sa iyong ulo sa malapot na malunggating
panaginip,
di ka ba nila tinutukso?
Isang tinig na may halimuyak ng distansya ang tumatawag
sa iyo:
Maliit ang lupa mo!

Nanatili ka bang pipi


kapag tinatawag ng nakahahalinang tinig ang lagalag
sa loob mo? Tapós na ang tanghali,
pumitas ako ng mansanas sa sinaunang punò,
nilanghap ang halimuyak nito.

Ang mapag-isa’t malayô


sa mga halakhak ng kababaihan at mga luha nila,
Ang mapalagay sa bahay, mag-isa,
nang may pamilyar na punông-awit sa iyong tainga.

Bakit, ang walang-saysay na kagandahan ng ilang


hunghang na babae’y
hindi maitutumbas sa isang mansanas.

SALIN NI RR C AGALINGAN

32 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Panorama

Umaatras ang usa, usok ng sungay niya’y pailanglang


na lumagos sa lungti ng talahib, makinig sa bituin,
ngunit manahimik, nang tahimik lamang.

Platong puno ng prutas, gabing puno ng tala.


Nais sanang abután ka ng tansong palanggana’t
maging barbero.

O pelukero,
dumadausdos ang pagal na kamay sa malambot na buhok,
may nalaglag na suklay, ibababa ng mang-uukit ang pait
at sa salamin nagyeyelo na ang mga mata.

Gabi na. Natutulog ka na ba?


Basagin ang lambot ng balahibo mo sa dibdib!
Oras ng hatinggabi. Mga lamparang elektriko.
Dilim, liwanag, dilim, halos-liwanag
at masdan:

Suklay ang bundok na sinusuyod ang buhok ng


panganorin
at nalalagas ang mga bituing animong gintong kuto.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 33


Sayaw ng Kamisa ng mga
Dalaga

Pahanay na nakabilad ang sandosenang


kamisa ng mga dalagita,
na ang bulaklaking engkahe sa dibdiba ay mga bintanang
rosal sa Gotikongkatedral.

Panginoon,
ilayo mo ako sa lahat ng kasamaan.

Sandosenang kamisa ng mga dalagita,


iyan ang pag-ibig,
mga lara ng mga inosenteng dalagita
sa naaarawang damuhan,
ang ikalabintatlo, ang baro ng lalaki,
iyan ang kasal, na nagwawakas
sa pangangalunya at putok ng baril.

Ang simoy na humahagod sa mga kamisa,


iyan ang pag-ibig,
ang ating lupaing yakap ng matamis na dayaray:
sandosenang katawang mahahangin.

Ang sandosenang dalagitang binubuo ng hanging


magaan ay sumasayaw sa lungting damuhan,
banayad na hinuhubog ng simoy ang mga katawan,
suso, balakang, biloy sa puson doon—
dumilat nang mabilis, o aking mga mata.

Hindi ibig gambalain ang kanilang sayaw,


marahan akong pumasok sa loob ng mga kamisa,
at kapag bumagsak ang alinman sa mga ito
ay sabik na sasamyuin nang mariin
at kakagatin ang dibdib nito.

34 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ang pag-ibig,
na ating sinisinghot at kinakain,
nanlulumo,
ang pag-ibig na pinag-uukulan ng mga pangarap,
ang pag-ibig,
na nagtutulak sa ating bumangon at mabigo:
ang wala ngunit suma-total ng lahat.

Sa ating pulos elektronikong panahon,


ang nayt-klab imbes na binyag ang tanyag
at pag-ibig ang ipinanghahangin sa mga gulong.
Huwag umiyak, aking makasalanang Magdalena:
Nagsaabó na ang romantikong pagmamahal.

Pananalig, motorsiklo, at pag-asa.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 35


Awit

Nagwawagayway tayo ng panyo


sa paghihiwalay,
araw-araw may nagwawakas,
may kung anong magandang nagwawakas.

Hinahampas ng kalapati ang hangin,


bumabalik;
nang may pag-asa o walang pag-asa
lagi tayong bumabalik.

Magpatuyo ka ng luha mo
at ngumiti nang may hapdi sa mga mata,
araw-araw may nagsisimula,
may kung anong magandang nagsisimula.

SALIN NI RR C AGALINGAN

Prague

Sa ibabaw ng mala-gadyang taniman ng bulaklak


ay sumibol ang Gotikong kaktus na may maharlikang
mga bungo at sa mga guwang ng namimighating mga
organ
sa kalipunan ng mga pipang lata,
nabubulok ang lumang melodiya.

Ikinalat ng simoy
ang mga bola ng kanyon gaya ng mga butil ng digmaan.

Tumayog sa lahat ang gabi


at sa gitna ng mga sedro ng mga laging-lungting kupola

36 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


patingkayad tumalilis ang hangal na emperador
tungo sa mahikong harding ng kaniyang mga Alambike
at sa pamamagitan ng simoy alsiyon ng duguang gabi’y
umalingawngaw ang kalansing ng salaming mga dahon
na waring hinipo ng mga daliri ng alkimista na tila simoy.

Nabulag ang mga teleskopyo mula sa pagkasindak


ng uniberso
at ang pantastikong paningin ng mga astonawta
ay hinigop ng kamatayan.

Habang nangingitlog ang buwan sa mga ulap,


napipisa gaya ng sinisinat na sisiw ang mga bagong bituin,
nagpapalipat-lipat mula sa maiitim na rehiyon,
umaawit ng mga awit ng kapalaran ng tao—
ngunit wala ni isa man
ang nakauunawa sa mga ito.

Makinig sa pagtatanghal ng katahimikan,


sa mga alpombrang tatstas na tila sinaunang lambong,
naglalandas tayo tungo sa di-nakikitang hinaharap

at ang Kaniyang Kabunyiang alabok


ay lumalapag nang banayad sa abandonadong trono.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 37


Basang Larawan
Yaong maririkit na araw
noong kawangis ng lungsod ang dado, abaniko, awit ng
ibon
o kabibe ng tipáy sa dalampasigan,
—paalam, paalam, magagandang dilag,
nakilala kita ngayon
at hindi na magtatagpong muli kailanman.

Yaong maririkit na Linggo,


noong kawangis ng lungsod ang futbol, baraha, okarina,
o kampanang kumekendeng
—sa maalinsangang lansangan
naglalampungan ang anino ng mga nagdaraan
at nag-iiwasan ang mga tao, estrangherong ganap.

Yaong maririkit na takipsilim


noong kawangis ng lungsod ang orasan, halik, bituin
o ikaklit na lumilingon
—sa unang bagsak ng kuwerdas
ipinagaspas ng mananayaw ang mga pakpak nilang
kamay ng dalaga
katulad ng mariposa o bangungot sa unang silahis
ng liwayway.

Yaong maririkit na gabi


noong kawangis ng lungsod ang rosas, ahedres, biyolin
o dalagang lumuluha
—naglaro kita ng domino, dominong itim ang pekas
kasama ang balingkinitang kababaihan sa isang bar,
minamasdan ang kanilang tuhod

na walang kalaman-laman
waring dalawang bungong kinoronahan ng sedang
garter
sa gipit na kaharian ng pagsinta.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

38 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nobyembre 1918
sa alaala ni Guillaume Apollinaire

Taglagas noon. Sinakop ng banyagang hukbo


ang mga dalisdis ng ubasan, ipinuwesto
ang mga riple sa mga baging na tila pugad,
at iniumang sa mga suso ni Giaconda.

Nakita namin ang naghihikahos na lupain,


mga kawal na walang binti o kamay
ngunit hindi nagmamaliw ang pag-asa,
ang pintuan ng moog ay bumukas-bukas.

Simoy-pabango ang otonyong langit: sa ibaba


ang lungsod na kimkim ang sakiting makata,
ang bintana sa isang panggabing araw.
Heto ang helmet, ang espada, at ang baril.

Totoong hindi sa lungsod na ito ako isinilang,


ang mga ilog nito’y umaagos nang pasuray-suray,
ngunit minsan sa ilalim ng tulay ako napaluha:
ang pipa, panulat, at singsing ang kipkip ko.

Ang mga impakto sa bubungan ng katedral


ay isinusuka ang basura pababa sa mga alulod,
nakatungo sila pausli sa tuktok ng kornisa’t
pinabaho at dinungisan ng dumi ng kalapati.

Tumunog ang kampana, nahulog ang mga notang


bronse, ngunit sa sandaling ito na walang pag-asa
ay dapat tumawid ang korteho ng punerarya
doon sa mga lansangan ng Montparnasse.

Nagwika ang mga kilapsaw ng ilog sa mga ibon,


at ang ibon ay lumipad para sabihin sa ulap
at hinimig ang balita tungo sa kaitaasan:

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 39


hindi nagpakita ang mga bituin nang gabing iyon.

At ang Paris, na tumindig, ang Lungsod ng Liwanag,


ay nagtalukbong sa kay-lalim, kay-itim na magdamag.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

Paghihiwalay

Mga hangal ang puso ng maraming babae,


pangit man o marikit,
ang mga bakás ng kanilang talampakan
ay mabilis maglaho sa buhanginan ng gunita.

Ngunit ang higit mong pansinin


sa ating pangwakas na paghihiwalay
ay ang aking gusgusing damit—
hindi ba ayon ang suot ng pulubi?—
hindi mo nakita ang mga luha gaya ng baluti.

Paalam, o kawan ng mga langaw


na sumasagitsit sa aking mga panaginip,
paalam, aking gabing tahimik at ang aking
kaha ng sigarilyong napalalamutian ng rosete!

Sa pagbukas ng pinto’y narinig ko ang palahaw


ng mga anghel na bumubulusok sa impiyerno.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

40 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pagkit na Kandila
para kay A.M. Piša

Ipinanganak sa mga umuugong na pukyutan


at sa halimuyak ng mga bulaklak,
ang kapatid na babae ng pulot,
pinaliguan sa pulot nang iláng oras

hanggang sa mula sa masamyong paligo


ay hinango ng mga kamay ng anghel –
at sa buwan ng pag-ibig,
hinabi ng mga bubuyog ang mga hibla ng kaniyang damit.

Kapag bumabagsak ang táong patay


sa mga paa nito, na animo’y nakahimlay
sa hilera ng mga itim na anino,
sinusuklayan niya ang kaniyang uluhan

at pababâ sa pagkit niyang katawan


dadaloy ang napakainit na luha:
Halika, minamahal na yumao,
naghihintay dito ang iyong himlayan.

SALIN NI M. J. C AGUMBAY T UMAMAC

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 41


Sandaang Ulit na Kawalan

Marahil ay mababaliw muli ako


sa iyong ngiti
at sa aking unan ay lalapag na balahibo
ang pag-ibig ng kasintahan at pighati ng ina,
na malimit magkapiling.

Marahil ay mababaliw muli ako


sa himig ng klarin
at ang buhok ko’y mag-aamoy pulbura
habang naglalakad gaya ng inihulog sa buwan.

Marahil ay mababaliw muli ako sa isang halik:


gaya ng apoy sa bantulot na lampara
magsisimula akong mangatal
habang sumasayad ito sa balát.

Ngunit iyan ay tanging simoy sa aking labì,


at wala mang saysay ay sisikaping
habol-habulin ang guniguning laylayan
ng malantik na bestidong kumakampay.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

42 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Diyalogo

[Ang babae]
Noo o labi ko ba ang hinagkan mo?
Hindi ko na nalaman
—Nakaulinig lamang ako ng malamyos na tinig
at may madilim na hamog
na nagtaklob sa hiwaga ng aking nanggilalas na paningin.

[Ang lalaki]
Minadali ko ang paghalik sa iyong noo,
dahil pakiramdam ko’y nagtungo ang pandama ko
mula sa daloy ng iyong hiningang mabango
ngunit hindi ko pa rin alam ito:

—Nakaulinig lamang ako ng malamyos na tinig


at may madilim na hamog
na nagtaklob sa hiwaga ng aking nanggilalas na paningin.
Noo o labi ko ba ang hinagkan mo?

SALIN NI J OSELITO D. D ELOS R EYES

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 43


Libing sa Ilalim ng Aking
Bintana

Reklamo ko sa hangin, buhay nati’y kay ikli,


mga kabayo, atras,
kung ang mga kabayo sana’y makaaatras:
iatras na ang oras at umpisahang muli!

Kung naibabalik lang ng paurong na hampas


ng orasan ang bawat saglit na inaksaya
kalulustay, kung buhol ng pagpapatiwakal
sana ay makakalas kapag pinaaatras
ang makina, kung buwa’y maibabalik sana
sa alapaap kahit kahapon pa pumanaw,
kung matututuhan lang na muling maghinagpis
sa walang kabuluhang kalungkutan at hapis.

Reklamo ko sa hangin—dinggin ang kanyang hiyaw


at alulong—kung hangin sana’y makaaatras,
ibalik ang maskara ng nabulok nang balat—
ang maskarang sa mukha’y nilipad nang mamatay
at kasabay lumisan ng hiningang nalagot,
at ngayon ay wasiwas ng nanggugulping hangin—
nang mahagkan bago pa maglaho, pagkatapos
na tangayin sa duklay at doon ay wasakin
sa ituktok ng puno at sa patak ng ulan.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

44 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pagbabanyuhay

Naghunos na palumpong sa tagsibol ang binata,


at ang palumpong ay naging pastol na bata,
ang manipis na buhok ay naging kuwerdas ng lira,
ang niyebe’y naging yelo sa sapin-saping hibla.

At ang mga salita’y naging tandang-pananong,


ang karunungan at katanyagan ay pileges sa noo,
at ang mga kuwerdas ay naging manipis na buhok,
ang bata’y nagbanyuhay sa pagiging makata,
ang makata ay nagbanyuhay muli sa ibang anyo,
at naging palumpong na kaniyang hinimlayan
nang umibig sa kagandahang kaniyang iniyakan.

Sinumang umibig nang lubos sa kagandahan.


ay mamahalin iyon sumapit man ang kamatayan,
magpapasuray-suray doon nang tila tuliro,
sa ganda na may mga paa ng balani at hinhin
sa sandalyas na kaylambot gaya ng pinong seda.

At sa ganitong pagbabanyuhay, ang gayuma


ang bibigkis sa kaniya sa pag-ibig ng babae;
ang isang saglit ay sapat na, tulad ng singaw
sa tugon sa sitsit o hishis, matapat sa alkimista
at bumubulusok na patay na kalapating tinudla.

Mabuway ang katandaan kapag wala ni tungkod,


ang tungkod na naghuhunos sa alinmang bagay
sa walang katapusan at kagila-gilalas na laro,
marahil ay magiging mga bagwis ito ng anghel
na kumakampay habang pumapaimbulog sa langit:
walang lawas, walang kirot, singgaan ng balahibo.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 45


Ang Taón 1934

Kaysarap gunitain
ang kaligayahan ng kabataan.
Tanging ilog ang hindi tumatanda.
Gumuguho ang molino,
at ang pabago-bagong hihip ng hangin
ay sumisipol, ni walang pakialam.

Nakatirik sa gilid ng daan


ang nakatitigatig na krus.
Korona ng asyano’y parang pugad
na walang ibon
sa balikat ni Kristo, at nanlalapastangan
ang palaka sa kortaderas.

Maawakayo sa amin!
Sumapit ang masaklap na panahon
sa pasigan ng matatamis na ilog,
dalawang taon nang hungkag
ang mga pabrika, at ang mga bata’y
natuto sa wika ng kagutuman
habang nasa kandungan ng kanilang ina.

Subalit umaalingawngaw ang halakhak


sa lilim ng sawse na kaylamlam sa pananahimik
habang nagiging pinilakan.

Bigyan nawa nila tayo ng masayang pagtanda


nang higit sa ibinigay natin noong sila’y bata.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

46 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ang mga Kamay ng Venus
Tamad na umupo
ang abenturero sa baybayin
at inilahad sa alon
ang mga hungkag nilang salaysay;
sandakot lamang sila
ng hangin sa palad,
ang kabiguan ng mga perlas sa alak,
ang takot na hindi mamatay.

Subalit hindi iyon


ang tunay niyang lunggati.

Kapag tumilaok ang tandang,


namamatay ang hamog
at pinipigtal ang mga bulaklak ng rosas,
sabi niya sa sarili:
lubhang kay lupit
ang pilasin ang kaawa-awang rosas,
ang mga talulot nito ay rosas
na katulad ng mga kuko sa paa.

Subalit hindi iyon


ang tunay niyang lunggati.

Ang panoorin ang pagsilang ng kariktan,


itangis ang kabiguan nito,
ang maghintay sa umaagos na tubig
para sa mga bulaklak ng susunod na tagsibol
na tutulig muli
sa walang hanggang pag-aatubili
na ihimlay ang sariling ulo
sa mga palad ng Venus de Milo,

Ay, iyon
ang tunay niyang lunggati.

SALIN NI J OHN E NRICO C. T ORRALBA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 47


Mga Ubasang Espanyol

Muling inihatid ng lupa ang katas


Patungo sa baging ng mabatong bayan.
At ang bagong supling, kung hindi tinadtad
Ng bala’y mayabong na bukás ang kamay,

Gaya ng pulubing naghangad ng barya.


Mayuming ilihan ang nagpapabantog
At nagpapatampok sa tamis na dala
Nitong mga ubas na sanga’y yumukod.

Abril na po ngayon at karmesíng dugo’y


Mantsa sa panapis at kahit sa palad.
Ubas na Espanyol, pupulot ay sino
Kapag ang digmaan ay ganap nagwakas?

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

48 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pagpupugay sa mga
Barikada ng Madrid

Nababalot ng apog sa kaniyang lupang tinubuan,


si Garcia Lorca, na mandirigma at makata,
ay nakahalukipkip sa hukay ng kaniyang libingan,
walang riple, lira, o bala.
Ang alpombra ng mga araw na inindakan ng mga Moro
ay hinabi ngayon sa sanaw ng mga luha at dugo,
at sa mga glasyar ng Alpino, sa tuktok n Pirineo,
mula sa sinaunang hagdan tungo sa kastilyo,
ang makata ay nakikipag-usap sa kaniya,
nabubuhay pa ang makata
na ang kaniyang kuyom na kamao ay nagpapahatid
ng halik sa malayong libingan,
ang uri na inilalaan ng mga makata sa kapuwa makata.
Hindi para sa pagpaslang
bagkus para sa mga araw ng kapayapaan;
sumasahimpapawid ang matatamis na awit,
at ang banayad na awit, ang laro ng mga salita at ritmo
na ating minithi
sa lilim ng mga puso ng mangingibig at sa lilim
ng mga punong namumukadkad, upang hubugin ang berso
na kasingtaginting at kasingningning ng kalembang
ng mga kampana at pananalita ng mga karaniwang tao.

Ngunit nang maging riple ang panulat,


bakit hindi siya tumakas?

Ang bayoneta ay nakaguguhit din sa balát ng tao,


ang mga liham nito’y naglalagablab na dahong
karmesí na aking binababaran sa mga gipiti na oras.

Ngunit isa lamang ang batid ko, mahal na kaibigan:


Sa kahabaan ng lansangan sa Madrid
ay nagmamartsa muli ang mga manggagawa

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 49


at sila’y aawit ng iyong mga awit, o mahal na makata;
Na kapag isinabit nila ang mga ripleng sinandigan,
kapag isinalong na nila ang sariling mga sandata
nang may pagtanaw ng malalim na utang na loob
gaya ng mga pilay sa Lourdes ay hindi
na muli nilang kakailanganin pa ang sariling mga saklay.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

May kutis kang simputla ng


sampatak na niyebe...

May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe,


ngunit may bibig na simbango ng rosas.
Paulit-ulit at nakababagot ang mga salita ng pag-ibig,
Ano ang gagawin ko sa kanila ngayon
ngayong naghihintay ako sa iyong tugon
at sa kaguluhan ay nagmamadali para rito.
May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe
Ngunit may bibig na simbango ng rosas.

Ngunit huwag akong linlangin sa wakas,


hayaang mabilis na maglaho ang takot
na lumalambong sa iyong mga mata, masdan—
tulad ng niyebeng bumagsak noong isang taon.
May kutis kang simputla ng sampatak na niyebe,
ngunit may bibig na simbango ng rosas.

SALIN NI F IDEL R ILLO

50 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


(Robed in Light)

SALIN NI M ICHAEL M. C OROZA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 51


Awit ng Lupang Sinilangan

Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak


ang lupaing nagsilang sa iyo, nagbigay ng buhay
maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,
matamis kaysa tinapay mula sa nilamas na arina
na pinagbaunan mo nang malalim ng patalim.

Maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,


at madalas sariwang nagbabalik ka rito,
maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,
sa lupaing ito na napakayaman at pilî ng araw,
dukha gaya ng taglagas sa hukay na pulos graba.

Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,


mabigat ang ating sála na hindi napapawi,
ni ang gunita nito’y hindi maaagnas kailanman.
At sa wakas, sa dulo ng ating pangwakas na oras,
matutulog tayo sa napakapait na sahig ng luad.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

52 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


(To Prague)

SALIN NI M ICHAEL M. C OROZA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 53


(At the Tomb of the Czech
Kings)

SALIN NI M ICHAEL M. C OROZA

54 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Kapag sa mga aklat-
kasaysayan...

Kapag sa mga aklat-kasaysayan


ay mabasa mo ang kuwento namin isang araw,
kapag ang katanyagan at lumbay
ay di na kawangis ang kanilang nakaraan,
kapag dumating muli ang tag-araw
at ang mga dalaga sa kanilang kaluwalhatian
ay ilalahad ang marami nilang kariktan
sa mga belo ng mga bestidang seda,

at isa sa kanila, hiyang-hiya,


mga kamay ay nakapatong sa bestida,
ay bahagyang manginginig
habang yuyuko kang may apoy
at lalanghapin ang mabango niyang hiningang
kasintamis ng mga bungang bignay
at hahalikan siya sa labì,
at sunod sa baba at paibaba,

alalahanin: ang pagpapakawalang-bahala


ay isa ko ring lunggati,
ang makipagtalik sa babae, maging masaya,
maniwalang matamis ang buhay.
Ay, ang aking rosas-pulang kapa
ay pinunit ng matalim na alambreng tinik
at inaalingawngaw ng aming mga gabi
ang yabag ng mga nagmamartsang paa.

Kapag sa mga aklat-kasaysayan


ay mabasa mo ang kuwento namin isang araw:
tungkol sa isang lupaing yumabong,
sa ulang-yelo at delubyo sa tagsibol,
baka mahuli mo ang tunog
ng mga tambol sa prusisyon ng patay

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 55


at mula sa kailaliman ng aming panahon
ay aalingawngaw ang malupit na pagtawa.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

Ang mga Patay ng Lidice

Hindi masumpungan ng langaylangayan ang pugad


lipad ito nang lipad, humuhuni nang malumbay.
Ngunit ang mga puno, tila malalaking setrong biyak,
tahimik lamang at matayog sa abuhing kalangitan.

Kayo sa ibaba, may mga sakong na nagpapalundo sa


lupang
tumutuloy patungo sa hukay na pagkalalim-lalim,
sumasagsag sa dilim, nakadipa ang mga kamay,
tila nagsasabog ng binhi sa inyong bukirin--

Alondra lamang ang bantay sa inyong libingang malalim;


higit siyang malapit sa inyo kaysa sa aming pandinig,
naririnig niyang lahat ang lagpas sa pang-unawa
at sa kaniyang huni, pagkaminsa’y inyong maririnig

ang awit ng lupa, may mapanikil na dalahing nambubuhol


sa mga bibig na akmang bibigkas ng maaapoy na salita
awit ng bato, pumapalibot sa taas-noo ninyong ulo,
at katahimikang bumabalot sa pangalan ninyo--

Awit ng pighati, habang ang inyong mga anak, luhaan,


patugo sa naghihintay na mga abuhing trak,
nang makita ninyo ang nakangangang hukay ng kabaliwan
at mula sa kabaliwan matagal nang tumalilis itong oras--

Awit ng sindak na wala nang sindak pang makatutumbas,


mulagat na kababaihang kumunyapit sa pinto at bakod,

56 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


tulad ng nalulunod na taong kumakapit sa dayami
bilang huli at tanging pagkakataon ng kaligtasan--

Awit ng katahimikan, nakagugulat at higit pang malalim


kapag ang huling mahinang hinga ay pumanaw;
awit ng lahat ng kadakilaan nitong taumbayang
may di-kilalang libingang tinutuntungan namin ngayon.

Ngayon, maririnig ang awit ng alondra, matining at


payapa,
mula sa kapatagan, tulad sa karaniwang araw—
Ngunit ang rosas, mga rosas na nangungulila,
natatapak-tapakan, patuloy na nakakalat sa lupa.

SALIN NI R OMULO B AQUIRAN , J R .

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 57


Kung gaano kasakit ko
masumpungan...

Kung gaano kasakit ko masumpungan


ang lisanin itong pinakamamahal na mga pader
kailanman! May mga sandali
na pinaniwalaan kong ang buhay ay imposible
kung wala ang mga anino nito, na higit pa ang abot na
layo
sa maikli nating mga buhay.

Di na ako hinihikayat ng kompas


patungo sa di-batid na malalayong lugar
at ang silahis nito’y marahil nalagot na para sa akin.

Gayunpaman ang lungtiang mga puno


at ang kanilang mahaba’t humahakdaw na mga ugat
ay sumasabay sa tulin ng lakad ko rito.

SALIN NI J AMES L UIGI T. T ANA

Mga mangingibig, silang


peregrino ng takipsilim...

Mga mangingibig, silang peregrino ng takipsilim,


ay naglakad mula sa dilim patungo sa dilim
papunta sa bakanteng aplaya
at nambulabog ng mga ibon.

Ang mga daga lamang, na namugad sa piling mga sisne


sa pampang ng danaw sa ilalim ng sanga ng balite,

58 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang minsang nakakabahala sa kanila.

Kumikinang ang mga pinagsusian sa pinto ng langit,


at tuwing matatakluban sila ng ulap,
may kung kaninong kamay ang nasa pihitan,
at ang mga mata, na umaasang makakita ng hiwaga,
ay tititig na lamang nang walang kabuluhan.

—Hindi ko mamasamaing buksan ang pintong iyon,


ngunit hindi ko alam kung alin,
tapos, katatakutan ko ang maaari kong matagpuan.

Ngayon, kapuwa nahuhulog ang paris na iyon


habang matalik ang pagkakayakap,
at sa gayong kawalang kabig ng balani,
susuray-suray sila sa hilab ng mangha.

Nagsasayaw ang hamog, suot ang korona


ng atay-biya, ipot, at kalawang,
ang kanilang umaalimpuyong mga kapa
ay pula pa sa pagkatupok ng himpapawid ng takipsilim.

Ngunit itong dalawa, labi sa labi,


ay nasa ibayo pa ng mundong ito,
sa ibayo ng pinto ng langit.

—Kapag nagsimula ka nang mahulog, humawak ka sa


akin nang mahigpit,
at kumapit sa iyong balabal.

SALIN NI C UPKEYK J ACOB

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 59


Paminsan-minsan itinatali
tayo...

Paminsan-minsan itinatali tayo ng mga alaala


at walang gunting na makapuputol
sa matitibay nitong sinulid.
O mga lubid!

Nakikita mo ang tulay na iyon malapit sa Bahay Artista?


Ilang hakbang malapit sa tulay na iyon
binaril at napatay ng mga sundalo ang isang manggagawa
na naglalakad sa aking harap.

Beinte anyos lamang ako noong panahong iyon,


ngunit tuwing dumaraan ako doon
bumabalik sa akin ang alaala.
Hinahawakan ako sa aking kamay at sabay kaming
naglalakad
patungo sa maliit na tarangkahan ng sementeryong
Hudyo,
na patuloy kong tinatakbuhan
palayo sa kanilang mga riple.

Lumakad ang mga taon nang may di tiyak na mga


hakbang
at ako, kasama sila.
Lumipad ang mga taon
hanggang tumigil ang panahon.

SALIN NI G RACE B ENGCO

60 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Kung masasabihan lamang
ang puso...

Kung masasabihan lamang ang puso:


huwag kang magmadali!
Kung mauutusan lamang ito: Magningas!
Ang alab ay namamatay.
Isa na lamang itong tsinelas,
Isa na lamang kamay,
Isa na lamang dedál
bago mapihit ang susi, pagbukas sa pinto
na pinapasukan natin nang may luha
para sa nakapanghihilakbot na kagandahang
tinatawag na Buhay.
Huwag kang mahihiya. Tumangis din ang Panginoong
Hesus.
Nagliwanag nang sakdal ningning ang mga bituin kagabi.

Ngunit bakit ipagtatanggol ng dahon ng damo ang sarili


kung mayroon namang damuhan?
Humihingi ako ng paumanhin,
ilang salita lamang ang aking hiling.

Nang mabuwal ako sa sakit


at naghahanda na ang kamatayan
na hipan ang ningas
ng maliit na pulang apoy ng dugo,
dumating ang babaeng pinakamalapit sa akin,
lumuhod siya sa aking tabi
at mababang yumukod
upang hingahan, ng mga halik niyang walang hanggan,
ang aking mga pulmon, tulad sa isang lalaking nalunod.

At siya, na handa nang lumisan


ay muling nagmulat
at buong higpit na nangunyapit

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 61


sa kaniyang mga balikat at buhok.
Tungkol naman sa mukha ng babae,
Wala na akong nakita noon,
tinatakasan na ako ng ulirat.

Hindi, ako ang lumayo sa kaniya


at naningkit ang aking mga mata
dahil sa nahihiyang pagkalito.
At natakot ang lahat ng aking pananabik.
Anuman ang pinakaaasam kong makita
agad kong nasilayan nang sandaling iyon.

Hindi ko inasahan noon


kung paanong naghuhubad ang pagnanasa
kapag nais niyang maging masama.
Naroon pa rin ang dugo kinabukasan.
At iyon ang naging impiyerno.

SALIN NI G RACE B ENGCO

62 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nag-aalangang bulong ng
magkahalik na labì...

Nag-aalangang ngiti ng magkahalik na labing


nakangiti Oo—
Malaon nang nahinto ang pakikinig
at pag-angkin ko sa kanila.
Ngunit ibig ko pa ring makahanap ng salitang
nilamas mula
masa ng tinapay
o halimuyak ng mga tilo.
Subalit inaamag na ang tinapay
at pumait ang bango.
Napaligiran ako ng salitang patingkayad na tumalilis
at ako ay sinasakal
kapag sinusubok ko silang hulihin.
Hindi ko sila makitil
bagaman ako ay kanilang napapaslang.
At hampas ng sumpa ay sumasalpok sa aking pinto.
Kung pilitin ko silang pasayawin sa aking hilig
ay napipipi sila.
Gayunpaman sila’y umiika.

Subalit alam na alam kong


kailangan ng makatang laging magwika nang higit
sa nakatago sa mabangis na hiyaw ng salita.
At iyon ang tula.
Kung hindi, mga taludtod niya’y walang mailalabas
na bulaklak sa belong may pulót
ni hindi makapagpupuwersa ng nginig
na mapakaripas sa iyong likod
habang hinuhubdan niya ang totoo.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 63


Awit ng mga Pinagpalísan

Ano na ang natitirá sa lahat ng magandang sandaling ito?


kinang ng mga mata,
sangpatak ng halimuyak,
ilang buntonghininga sa solapa,
hininga sa salamin ng bintana,
sangwisik ng luha,
isang retaso ng dalamhati.

At matapos noon, maniwala ka, halos wala na.


Sapó-sapóng usok ng sigarilyo,
ilang minadaling ngiti,
kaunting salita
na ngayo’y umiinog sa sulok
tulad ng mga pinalís
na tinatangay ng hangin.

At pagtapos—masaya ako na naalala—


tatlong tiklap ng niyebe.

At ito na ang lahat.

***

Ngayon, huwag ngumiti!


Langit, impiyerno, paraiso—
hindi ito mga misteryo ngunit isang larong pambata,
walang mas nakahihindik,
may mga batang nagpipiko patungo sa parisukat
na binagsakan ng kanilang patò.
Nasa hangin pa ang ulan nang nangamoy ang mga
imburnal.

Nilaro ko rin ang lahat ng mga ito


ngunit sa niyebe’t ulan
ang natigmakpagkatapos ang langit ko.

64 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Bakit nila diniligan ang aming mga lansangan?

Paraiso noon ang balinugnóg sa tuktok,


hindi ko na maalala ngayon kung nasaan ang impiyerno.
Gayunman, naroon ang impiyerno.
Ngunit sa mga patak ng ulan
nagniningningang daigdig.

Sa bangketa, isang pagkakataon, nakakita ako ng


babaeng
pinatay.
Magpapasko noon, maaaga pa,
at inaawit nila angRorate sa mga simbahan
at mula sa kung saan, nakasaboy ang amoy ng agujas de
pino.

Mahigpit ang kapit ng kaniyang mga daliri sa walang


lamáng handbag
at sa mas malayo nang kaunti
nakaratay ang maliit na pulbusang baság ang salamin.

Rorate coeli! Kung sinuman ang pumunit ng kaniyang


damit
ay hinatak ang kaniyang blusa.
Rorate coeli desuper!
Bumabagsak ang malamig na ulan
at niyanig ng lampara de arco
ang basâ nitong anino.

Matapos, kinumutan nila ang bangkay.

***

Nang may pagkabog sa dibdib,


o, gaano kadalas,
na naglakad ako at nilagpasan ang maruruming kurtina ng
mga bintana,
sumisinghap-singhap sa paghihintay
para sa kung anong kamay na hawiin ang mga ito

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 65


pabalik.

Kung sa mukha naman ng babae,


hindi ako nakakita ng isa noon,
tumatakas ang naghahalong realidad sa akin.

Hindi, ako ang umalis bago ito


at lumubog ang mga mata ko
sa nakahihiyang pagkalito.
At lahat ng aking mga inasam ay natakot.
Kung ano ang pinananabikang makita
ay bigla kong nakita.

Hindi ko noon pinaghinalaan


kung paano naghuhubad ang lunggati
kung nais nitong maging masama.
Naroon pa rin ang dugo kinabukasan,
at iyon ang impiyernong iyon.

SALIN NI RR C AGALINGAN

66 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Isang Awit sa Katapusan

Makinig: tungkol kay munting Hendele.


Binalikan niya ako kahapon
at edad dalawampu’t apat na.
At kasinghinhin ng isang Shulamite.

Nakasuot siya ng abuhing panlamig mula sa balahibo ng


iskuwirel
at makulay na munting sombrero
at sa leeg niya’y itinali ang bandana
na simpusyaw ng usok.

Hendele, bagay na bagay sa iyo!


Sa pagkakaalam ko ay pumanaw ka na
iyon pala ay lumaki kang kayganda.
Nalulugod akong narito ka!

Nagkakamali ka, mahal kong kaibigan!


Dalawampung taon na akong yumao,
at batid kong iyon ay alam mo.
Narito lamang ako upang ika’y salubungin.

SALIN NI G RACE B ENGCO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 67


Buntalàng Halley

Wala akong nakita nang sandaling iyon,


wala kundî likurán ng mga estranghero,
hila ng leeg ang mga ulong nakasombrero.
Siksikan ang mga tao sa daan.

Ibig kong akyatin ang walang-lamáng pader na iyon


gamit ang mga kuko ko,
tulad ng tinatangkang gawin ng mga lulong sa eter,
subalit noon hinawakan ang kamay ko
ng kamay ng isang babae,
humakbang ako nang ilan
at saka nagbukas sa akin ang lálim
na tinatawag nating kalangitan.

Ang mga tore ng Katedral sa abot-tanaw


ay mukhang ginupit
mula sa palarâng pilak,
subalit nalulunod sa kaitaasan nila ang mga talà.

Hayón! Nakíta mo na?


Oo, nakíta ko!
Sa mga bakás ng kinang na di magmamaliw,
naglalahò ang bituing hindi magbabalik.

Gabi iyon ng tagsibol, kay-tamis at banayad,


makalípas ang kalagitnaan ng Mayo,
humahalimuyak sa mga pabango ang hangin
at nilanghap ko iyon
kasama ang mapangaraping ningning.

Minsang tangkain kong langhapin sa tag-araw


—at palihím lamang—
ang bango ng ilang mataas na liryo,
—dating ipinagbibili ang mga iyon sa palengke sa amin
at nasa mga sisidláng pangkusina—

68 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


pinagtawanan ako ng mga tao.
Sapagkat naiwan sa mukha ko ang ginintuan mawò.

SALIN NI E DGAR C ALABIA S AMAR

Basilika ni San Jorge

Kung sa puting Basilika ni San Jorge


ay magkasunog,
Huwag sanang ipahintulot,
ang pader pagkaapula ng apoy ay magkukulay rosas.
Kahit kambal niyang tore marahil: sina Adan at Eba.
Si Eba ang mas balingkinitan, gaya ng karaniwang babae
bagaman isa lamang itong di-makabuluhang luwalhati
ng kanilang kasarian.
Pupukawin ng silakbo ng init ang mamumulang apog.

Parang mga dalaga


matapos ang unang halik.

SALIN NI A LDRIN P ENTERO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 69


Ang Kopula ng Obserbatoryo

Ano pa nga ba ang naiwan sa mga tao ngayon


Kundi ang madaliang pagsusuot ng kung anong damit
pangkalawakan
Na may bakal na helmet
paghuhubad ng visor na plexiglas
at pagsampa sa kung anong sasakyan
nang walang palo, nang walang layag
at didiretso sa kaibuturan ng uniberso.
Saka pa lamang nila mahihipo muli
Ang kutis ng mga bituin.

Batid ko ang sasabihin mo,


Batid na batid ko.

Pero noong mga bata tayo,


At noong may kung kaninong braso sa ating mga leeg
Napakasaya noon sa likod ng mga bukas na pinto.

Doon ang sampayan ng mga lampin


Ang mga tupa ay nasa daanan
Ang mga karnero, obeha’t kordero,
Naggigitgitan,
Nagpapahabaan ng kanilang mga leeg.

Ang tubig, upang manahimik lamang,


Ay nagpapanggap na magaang niyebe,
At nakatanghod sa bubong.
Kung sakali mang may bakanteng hawla sa pader
Malamang ito rin ay aawit.

Ang init ay nagmumula sa hininga ng hayop,


Pinagsabihan na tayo ng pag-ibig,
At humahalimuyak ang lahat –
Lumot, dayami, bangsi, at kung ano-ano pa:
Gatas ng ina.

70 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ay, oo,
Ito na ang pinakamasarap sa mundo.

At sa itaas ng bubong, abot-kamay,


Ang mga tala.

At saka walang imik ang ruweka,


Wala rin ang bobina,
Walang laman ang kamalig,
Lumipad na ang mga tala,
Sa kadulo-duluhan ng galaksiya
At bukod-tanging ang nagbabagang abo lamang
Nahulog mula sa langit.

Batid ko ang sasabihin mo,


Batid na batid ko,
Ngunit ang nasa itaas ay kawalang walang kalaman-laman
At katahimikang nakababaliw.
At makapal na desperadong dilim.
At teribleng itim na lamig.

SALIN NI V IM N ADERA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 71


Panimula

Hindi madali ang magmakata.


May mamamataan siyang pipit sa kakayuhan,
pumapagaspas sa may pinamugaran
at hindi niya maiiwasang isipin
– O ligayang malupit! –
ang mainit at magulong biloy
sa kilikili ng kaniyang dilag.
Ngunit patuloy siyang susuong sa kakahuyan
dahil may naririnig siyang mga tinig
at nangangatal ang buong paligid.
Mantakin mo nga naman,
malapitan niyang masisilip
ang mababalahibong kaselanan ng mga dalaga,
isa muna, at isa pa,
papalaho sa malamlam na layo,
nag-iiwan ng pangungulila.
O hindi,
mga dahon at bulaklak lamang sila,
ang mga kalimbahing kahoy ng matatayog na piseya
nagkikislapan pagkatapos ng ulan.
Ubod ng ganda nila sa araw
at pagkatapos, sa gabi.
Ngunit di ako ‘yan.

Minsang pinataginting ng makata ang kaniyang tinig


at sumingasing nang malakas ang dugo.
Madaliang naglabas ng sandata ang kalalakihan
at ang kababaiha’y hindi nag-alangang gupitin
ang buhok nilang malapukyot at pulang malalim
upang gawing mga bagting.
Higit na habyog ang buhok kaysa mga bagting naming de-
nilón.
Labis na ngayong magpaiksi ng buhok ang mga dalaga
kaya naglalapat na sila ng gasa
sa mga sugat ng tao

72 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


at nagmamadali tungo sa mga sugatan
upang iduyan ang mga ulong duguan
sa kanilang mga dibdib na himlayan.
Kung hindi maitutumba ang tirano
– at namamana ang bagsik –
sumpa ng makatang manahimik
at bubusalan ng mga kamay ng rehas ng bilibid
gamit ang mga kukong bakal ang kaniyang bibig
Bagkus mananaludtod siya sa pagitan ng mga rehas
habang magsisimulang magtrabaho
ang mga mitsero ng aklat.
Ngunit di ako ‘yan!

Minsa’y desperado niyang pagsasalpukin ang mga salita


upang makalikha ng katiyakang katiting –
ngunit walang tiyak sa ating daigdig.
Walang saysay niyang ibinabalibag ang mga salitang
maaalab
tungo sa kalayuan, lampas sa kamatayan,
upang magpalawit ng kung anong piping hiwaga
upang liwanagan ang walang-kibot na dilim
na humihimlay sa libingang-bayang ito
nakakapit lamang
sa mga butong abâ,
tila-tilamsik ng taeng-tanso ng panindi
na naiwan sa bulsa ng salawal
ng binitay.
Ngunit di ako ‘yan!

***

Wala akong pinagsabihan kailanman,


ngunit naroon ako.
Patutunayan ito ng mga ibon ng gabi,
ng mga kuwago at kandarapâ,
na matatalas ang titig kahit sa dilim.
Walang naniniwala sa mga bata,
sinungaling umano sila,
ngunit naroon ako, naroon!

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 73


Lumipas na ang hatinggabi
at nagniningning ang mga talang tila umiiyak
at nanginginig ako sa lamig sa mga huling hakbang
sa taas, sa rurok
ng hagdan ni Jacob.
Matatag itong nakapatong sa lupa
at nakasandal sa ulap.

Ngunit sa gitna, sa ibabaw ng mga talang lumulutang


nanigas ako sa hilakbot:
may tinubog na arpang
lumilipad nang patiwarik, mulang kawalan pakawalan,
nililigid ang buong lawak ng daigdig.
Putol ang ilan sa kaniyang mga bagting
at kawangis nito ang isang pugtong pakpak
mula sa likod ng isang anghel.
Walang dudang nangyari ang lahat habang may sigwa
sa langit, habang umiihip ang mga gabok-tala
sa malalawak na maisan.
Ang mga paruparo ng tagsibol
ay magigitla
sa mga basang bato.
Isasalaysay ko maya-maya
ang nangyari nang akyatin ko ang pinakatuktok
ng hagdan.
Pinagliliyab ng alaala ang puso ko.
Sa sutla nitong galamay sa itim
– gayon nga kadilim –
may lumitaw na talang kaibig-ibig
at nagtumikas sa tahimik nitong landas,
sinlaki ng kabilugan ng buwang
tanaw sa durungawan.
Nagningning itong tila gatas
na may kakaunting kulay mulang alimbukad
na dito’y pumatak.

Minsan ko nang nasilip ang gayong ganda.


Ito ang una kong lihim.
Bagkus hindi ito pagkakasala: wala siyang malay.

74 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Na habang naghuhubad siya
nakabaling sa iba ang ulo niya.
Matagal na siyang yumao.
Nang muli akong pumanaog
sa mga pugad ng lágsing
at ipinagtilaukan ng mga tandang ang banta ng banaag
may nakita akong muli!
Ano nga ba?
May sinag mulang Alcíone,
at sa ilalim, may matandang karwaheng lumalangitngit
dinudurog ng mga gulong ang biyaya, habang sa abot-
tanaw
nagtutumayog ang burol ng Říp.

**

Minsan kong sinundan ang tatay ko


sa púlong sa isang liwasan.
Iba ang himig ng kanilang inawit:
may katapusan din ang mga emperador at hari
at iwaksi ang inyong mga tanikala!
Iwinaksi ko sana sila
subalit hindi ko pa noon dama ang kanilang bigat,
bagkus hinangaan ko ang gorro frigio,
ang tambol sa malapad na bigkisan
at ang mga watawat na tadtad ng bala.
Kinabukasan nagmadali akong bumalik sa Kastilyo
paakyat sa pinakamarilag na hagdanan sa daigdig,
at buong kilig kong pinagmasdan ang lungsod.

Ang magkaroon ng laúd at ng gilas na patugtugin ito,


magsasambulat sana ako ng maliligayang awitin,
noong mula sa bughaw ng langit
at mula sa mga ngiti
ng aking kapwa
hinabi ko ang aking mga panaginip. Oo, na pang hangal
at katawa-tawa.
Paglaon, pinawi ko ang lahat at muling nagsimula
sa gayon paraan din.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 75


Hindi ko na maalaala
pasaan-saan ako nagpalutang-lutang
subalit may iglap na namumukodtangi sa isip.
***
Sa isang pintong nakaawang, may bulwagan
akong natanaw, puno ng nangagsasayaw.
Mapagdiwang ang lahat ng kurtina sa loob
tila sindang na nakapayong sa pagkabata.
Mga dalagang nakaputi, mga dalagang nakapula,
mga binatang nakaamerikanang maiitim at makikisig
umiisid-isid silang lahat nang magagalak ang mukha.
Minsan tayong pinasisinghap ng pagkarahuyo
At biglang may magbabaldak ng pinto.

SALIN NI R ALPH L ORENZ F ONTE

76 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Minsan lamang...

Minsan lamang nakitang


sa pula’y nagdugo ang araw.
At hindi na kailanman.
Masamang pangitainang paglubog nito sa dulo ng abot-
tanaw
at mistulang
may sumipa sa napangangang tarangkahan ng impiyerno.
Nangusisa ako sa obserbatoryo
at alam ko na kung bakit ganoon.

Kilala nating lahat ang impiyerno, naroon ito saanman


at naglalakad sa dalawang paa.
Subalit ang paraiso?
Mabuti pa kung paraiso ay isa lamang
ngiti
na inabang-abangan natin,
labì
na pabulong tayong tinatawag sa ating pangalan.
At siyempre yaong kagyat at nakahihilong saglit
na napahihintulutan tayong malimot
na mayroong impiyerno.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 77


Kung itinuturing mo ang
tula...

Kung itinuturing mo ang tula na isang awit


—at madalas na gawin ng tao—
Buong búhay na akong umaawit.
At nakimartsa ako sa kanilang walang-wala,
Na namuhay sa isang kahig, isang tuka.
Isa ako sa kanila.

Inawit ko ang kanilang pagdurusa,


kanilang pananampalataya, kanilang mga pag-asa,
at nakipamuhay ako sa anumang
kanilang dapat danasin. Sa kanilang pagtitiis,
kahinaan at takot at tapang
at dalamhati ng karukhaan.
At ang kanilang dugo, tuwing dumadanak,
ay tinitilamsikan ako.

Lagi itong dumadaloy nang masagana


sa lupaing ito ng matatamis na ilog, pastulan at paruparo
at marurubdob na kababaihan.
Ang kababaihan, inawitan ko rin.
Bulág sa pag-ibig
Sumuray ako sa aking búhay,
natatapilok sa bulaklakang lagas
o sa hagdan ng katedral.

SALIN NI K RISCELL L ARGO L ABOR

78 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Minsang magbasa siya ng
akda...

Minsang magbasa siya ng akda,


matagal na panahon nang nakalipas,
dagling naglabas si Jiří Mahen ng kopya ng
Lidové noviny:
ipinaikot niya ang papel na waring embudo,
at sa pinakamalakas niyang boses nagsumigaw:
“Mabuhay ang panulaan!
Mabuhay ang kabataan!”
Iyon ay para sa nagdaan nang panahon
nang di pa lumilisan ang aming pagkabata.

Agarang naupos ang marurubdob


na taon ng aming buhay.
At si Jiří Wolker ang nauna.
Nag-usap kami sa ligid ng kabaong.
Buwan noon ng Enero, walang patawad
ang lamig at tigas ng yelo.

Nagmadali akong umalis sa kamposanto


na para bang hinahabol ng nag-aahas
na mga taling nakakabit sa sepulturero.
Tumakbo ako patungong estasyon ng tren
upang sa lalong madaling panahon
ay maipatong ang ulo ko sa iyong katawan.

Binasahan ko ng aking tula si Josef Hora


nang inilagak sa aming harapan
ang himlayan niyang kabaong.
Binasa ko ito sa kaniyang puntod
nang tahimik at may kababaang loob.
Makikita mula sa pader malapit sa sementeryo
ang maringal na bista ng Praha,
at tila nakausling kamay ng bata

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 79


ang Gulod Řip sa dakong hilaga.
Pagmamay-ari ito ng bawat isa sa amin
ngunit may natatanging pag-arì si Josef Hora.

Ang pag-ibig ko ngayo’y


para sa párang malapit sa Libune
at para sa mga bilugang burol:
Kozakov, Tabor, Bradlec, Kumburk
at tahimik na mga gulod.
Buong araw tayong maglalakad-lakad
at kung makatiyempong walang tao’y
hahayaang sumalibad ang aking labi sa iyo
at mananabik sa dila mong nakapapaso.
At tila isang tupok na lira sa ating harapan
ang matayog na guho ng Trosky.

Nang mamamatay na si Halas,


sumulat ako ng ilang berso
tungkol sa aming kabataan.
Hindi sila kakikitahan ng galíng
ngunit ito ang huli niyang nabása.
Ngumiti siya na tulad ng mga taong
maláy na sa nalalapit nilang kamatayan.
Hanggang ngayon, sumusunod
ang ngiti niyang mapanglaw
sa aking mga berso.

Sumusulat ako tuwing may pagkakataon:


sa mga hapag sa may bintana ng kapíhan,
sa mga mesang dinumihan ng tinta sa koreo,
habang tumutunog sa bawat kalabit ang telegrama.
Ngunit pinakaibig ko ang magsulat sa bahay.
Uupo ka sa tabi ng ilaw
at maririnig ko ang pagtusok ng karayom
sa banát na kambas.
Minsa’y pagseselosan mo ang aking mga tula.
Tuloy-tuloy ang mga salitang walang may alam
kung tungkol kanino o kung tungkol saan,
at nariyan ka lang, malapit na malapit,

80 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


hindi hihigit ng dalawa o tatlong hakbang.

Napanood mo na bang tumutugtog


ang isang gitarista?
Ang banayad na pagdantay
ng palad sa kuwerdas at bawat isa’y
bubulalas ng katahimikan.
Nabagtas ko na ang sandali
ng hanggahang wala nang balíkan,
at sa aking bibig ay may pait
na tila ngumuya ako ng ahenhong
hindi kailanman mapupugto.

SALIN NI C HRISTA I. DELA C RUZ

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 81


Ang Hiyaw ng mga Espektro

Sa kawalan inaabot natin ang mga hinipang sapot


at para sa barbwayr.
Sa kawalan hinuhukay natin ang mga sakong
upang hindi tayo mahatak nang ganoong karahas
tungo sa kadilimang mas maitim
sa pinakamaitim na gabi
na kúlang sa putong na mga butuin.

At bawat araw ay may nakikilala tayo


na walang pasubaling magtatanong
nang hindi ibinubuka ang kaniyang bibig:
Kailan? Paano? At ano ang susunod?

Isa pang sandali para sumayaw at umindak


at langhapin ang pinabanguhang hangin,
kahit may silòng na nakapulupot sa iyong leeg!

Sa silid-hintayan ng dentista
nakita ko sa pilás na buwanang magasin
ang isang malapulang rosas na estatwang terra cotta.
Nakakita na ako ng ganito noon
na nása vitrina sa Louvre.

Nahanap nila ito sa marmol na puntod


ng isang batang babae
na matagal nang patay bago pa isilang si Kristo.
Alam ng ihinurnong luad na pigurin ang lahat tungkol sa
kamatayan.
Káya nitong magsalaysay. Nananatiling tahimik
at ngumingiti.

Nang mamatay ang babae


narinig niya marahil ang iyak ng mga Empusa
na nangangaso ng mga malápit nang mamatay
at nagbabantay ng mga puntod.

82 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Mayroon siyang isang bakal na binti
at ang isa nama’y may dumi ng buriko
at humiyaw habang ang naipong lilim ng mga patay ay
sumisigaw
sa pampang ng Acheron.

At oo, patay na ang mga sinaunang espektro—


Ngunit isinisilang ang mga bago.

Hello, operator, hindi mo ba nakuha?


Em—pu—sa.
Ito ay babaybayin ko para sa iyo:
E—para sa erotika
M—para sa mapanukso
P—para sa puro
U—para sa ubod ng pangit
S—para sa sinag
A—para sa amarante

Nang tumakas ang kaluluwa mulang labì ng babae


at nalusaw sa pagkabughaw,
natuyo ang bibig ng babae
na parang nalantang bulaklak.

Ngumiti pa rin ang maliit na estatwa


na paborito ng babae noong buháy pa,
at nagpatuloy ito sa pagngiti na kapiling sa puntod
upang mapanood ngayon kung paano
ang anghel ng pagkaagnas
ay humakbang malápit sa katawan ng babae
at mabilis na tinuklap ang kaniyang balat
gamit ang mga muradong kuko.

Ilang taóng nahimpil ang mga espektro sa pook


at ginambala ng kanilang mga tinig ang mga nabubuhay
sa mga kalapit na bahay.
Ngunit matagal nang tahimik ang lahat doon.

Ngunit sa likod ng palumpong ng asebo

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 83


na minsangpahingahan ng mga peregrinong
itinataas sa kanilang labi ang mga pipang tambo
na bitbit sa kanilang mga balabal.

Saan ko narinig ang awit na iyon


ng tunikang manipis ng babae?
Hindi na siya nanlaban
at daliang nasupil.
Minsan dumulas ito sa kurba ng balikat
ang palad ay masasalat-salat na pinigil ng dibdib
nang mahanap nito ang sariling nasapopo
na parang tupang napadpad
sa bitag ng lobo.

Tanging natira ang ilang dakot ng alikabok,


wala na.
Bumangon siya sa dilim at muling naupô
sa malawak na espasyo ng puntod.
At sa pitak sa pagitan ng mga tilad
na parang pagtahol ng mga aso
mayâ’t mayâ’y sumasambulat
ang samyo ng mga biyoleta.

SALIN NI RR C AGALINGAN

84 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pook-Peregrinasyon

Matapos ng mahabang paglalakbay, bumangon kami


sa mga pasilyo ng katedral, kung saan sa malamig
na sahig natutulog ang mga lalaki.
Wala pang bus nang mga panahong iyon,
mga tram lamang at ang tren,
at nagyayapak lamang kapag nagpeperegrinasyon.

Ginising kami ng mga batingaw. Dumagundong


ang mga ito mula sa mga kampanilya.
Sa ugong ng mga iyon, nayanig di lamang ang simbahan,
ngunit pati na ang hamog sa mga talahib;
mistulang sa kung saang malapit sa aming ulunan
pumapadyak ang mga elepante sa kalangitan
sa isang umaga ng sayawan.

Di kalayuan sa amin, nagbibihis ang mga babae.


Kaya nakahagip ako ng sulyap,
mga isa o dalawang segundo iyon,
ng kahubdan ng mga katawang babae
habang taas-kamay silang nagsusuot ng kamiseta.

Ngunit sa sandaling iyon, may kamay


na nagtakip sa aking bibig
kaya’t hindi man lang ako nakahinga.
Kinapa ko ang dingding.

Ilang sandali pa’y nakaluhod na kami


sa harap ng bulawang relikuwaryo,
binibigkas ang papuri sa mga awitin.
Sinabayan ko silang kumanta.
Ngunit may iba akong pinupuri,
oo, at ulit-ulit
na sakmal ng unang kabatiran.

Agad na pinaglimayon ng awitan ang malay ko

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 85


palabas sa simbahan.
Sa Bibliya, isinulat ng Ebanghelistang Lukas
sa kaniyang mabuting balita,
sa Kabanata Isa, Berso Dalawampu’t anim
ang mga sumusunod:

At ang mensaherong maypakpak ay nilipad ang bintana


patungo sa silid ng birhen,
banayad na tulad ng kuwago sa gabi,
at umaligid sa eyre, sa ulunan ng dalagita,
may isang dangkal mula sa lapag,
baha-bahagyang pumapagaspas.
Nagwika siya sa Hebreo hinggil sa trono ni David.

Napatungô ang dalagita sa pagtataka


at nagwika: Amen
at ang kaniyang kayumangging buhok
ay bumagsak mula sa kaniyang noo patungo sa prie-dieu.

Ngayon, batid ko nang sa takdang sandaling iyon


nagpapasya ang mga babae
matapos na magbalita ang anghel ng wala naman.

Humahagikgik sila sa kasiyahan,


susunod ay mapaluluha
at walang-habag na ililibing ang mga kuko
sa laman ng lalaki.
Habang ipinipinid nila ang sinapupunan
at sila’y nagmamatigas,
isang pusong kumikislot ang nagpapamutawi
ng mababangis na wikain sa kanilang mga labi.

Nagsisimula na akong maghanda para sa buhay


at nakatakdang makipagsapalaran saan man
sa mundo higit na kapana-panabik.
Saulado ko ang kaskasan ng mga rosaryo
sa mabubunying tolda
na tila ulan sa bubungang yero,
at ang mga dalaginding, habang palipat-lipat ng tolda,

86 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


may likot sa pagbabalabal ng bandana,
malayang ibinabaling ang maningning na mga mata
sa lahat ng dako,
at ang kanilang mga labi’y akmang inaasam
ang tamis ng mga halik na darating kinabukasan.

Ang buhay ay isang mabigat at mahirap na paglipad


ng mga ibong dayo
sa mga rehiyon kung saan ka mag-iisa.
Kung kaya’t wala nang balíkan.
At ang lahat ng iyong iniwan,
ang sakít, ang dalamhati, ang iyong pagkabigo
ay higit na magaan
kaysa sa kalungkutang ito,
na walang ano mang paglubag
na magdadala ng katiting na ginhawa
sa kaluluwang basa sa luha.

Para saan ngayon ang matatamis na sultanas?


Mabuti na lamang, napanaluhan ko sa tolda
ng baril-barilan ang isang kaytingkad na papel na rosas.
Malaon ko itong itinago
at hanggang ngayon, amoy kalburo pa rin ito.

SALIN NI L OUIE J ON A. S ANCHEZ

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 87


Canal Gardens

Sa pagsapit ng katandaan ko lámang natutuhang


mahalin ang katahimikan.
Kapanabik-nabik pa ito minsan kaysa musika.
Bumabagabag ang mga babala sa katahimikan
at sa mga pagitan ng alaala,
nakaririnig ka ng mga pangalang
nilimot na ng panahon.

Sa takipsilim ko madalas marinig sa mga punò


maging ang puso ng mga ibon.
At isang beses sa libingan,
sa kailaliman ng puntod, aking narinig ang tunog
ng pagtingkab ng kabaong.

Sa nalimot na tipak ng bato sa hardin,


na hinulma sa hugis ng talukab,
madalas maglaro ang mga batà hanggang dumilim.
Naaalala ko ito mula sa aking pagkabatà.
Naglalaro sila roon, noon pa man.

Iyon na marahil ang kahulí-hulíhang bato


mula sa lumang hardin.
Wala nang natirá.
Tanging isang puwente at isang punò,
tanging isang gamít na puwente
at isang malápit nang mamatay na punò
na binutas-butasan ang katawan
ng mga bála ng rebolber.

Ang gabí, ang walang-awang tagapangalaga ng dilim,


ay mabilis na ikinalat mula sa langit ang pulang liwayway
na kawangis ng duguang tubig
na pinagpaslangan kay Ginoong Marat
ng patalim ng babaeng maalindog at may rubyong buhok.
At ngayon, sinisimulan nitong tanggalin

88 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang mga anino ng mga tao
kapara ng pagsira ng mananahi sa manggas
kapag nagsusukat ng tsaketa.

Dati nang nangyari ang lahat ng nasa daigdig,


walang bago;
ngunit kahabag-habag ang mga umiibig
na bigo sa pagtuklas ng sariwang bulaklak
sa bawat halik sa hinaharap.

Nakahimlay pa rin ang liwanag sa kama ng mga bulaklak


at sa daan.
Sa gitna ng mga bulaklak, naglalakad
si Konde Joseph Emanuel Canal de Malabaile
at ang laylayan ng kaniyang marangyang kapa
ay napapayuko ang uluhan ng mga bulaklak,
na muli rin namang tumatayo.

Bawal ang mga Hudyo!


Talaga!

Tinatahak ng bawat isa sa atin ang kani-kaniyang bingit.


Dalawa ito:
ang malalim na panganorin sa itaas at ang puntod.
Mas malalim ang puntod.

Sa gilid ng tubigan nakatayo ang estatwa ng isang


diyosang
hinulma mula sa puting bato.
Ang basâ at makintab na kurba ng nanginginig niyang
katawan
ay kapara ng binatíng krema.

Saan na napadpad ang sinaunang kalangitan,


saan niya itatali ang buhok niyang magkahalong dilaw at
abo
sa buhol na kakulay ng pulot?
Tinatabunan ng mga payat niyang braso ang kaniyang
dibdib

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 89


at bahagya siyang nakabaluktot paharap
na wari bang tatapak na sa tubigan
na binabantayan ng mga kalimbahing liryong
bumubukadkad pa lámang.

Ang kaniyang tiyan na maaaninaw sa rabaw


ay animong dibinong instrumento ni Orfeo
na kinuha ng kakabaihan ng Tracia
at dinala sa Hebrus.

Sa dintel ng mga pintuan, kanilang isinulat


ang taóng isang libo, walong daan at dalawampu’t siyam
gámit ang engkantadong yeso.
Sa loob ng Teatro Stavovské
nakatayo ang isang makata,
kabadong nag-aabang
na mabuksan ang isang palko
at pumasok ang isang kondesa.
Sumisigaw ang kalooban niya sa puntong iyon
ng kabaliwan ng pagmamahal.

Nakatira siya sa Kalye Michalská


sa Gallo Rojo,
at dahil wala siyang muwebles
nagsusulat siya ng mga tula nang nakahiga sa sahig,
isinasawsaw ang kaniyang pluma sa eskribanyang
ipinako sa entarimado.

Tumahimik kayo, kumpol ng mga rosas,


huwag ninyong ibulong sa akin ang ngalan niya.
Mga damo sa lawa, magsitigil kayo
sa pagpapagaspas
nang hindi ko marinig ang seda ng kaniyang palda
hábang papasakay siya sa naghihintay na karwahe…

Kailanman hindi niya hihimasin


ang manipis na balbas sa aking babà.
Hindi ko dapat idampi ang aking bibig
sa kaniyang katawan.

90 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Sana hindi ko na lámang siya nakita
nang sa gayon hindi niya
ako tuwinang pinupugutan
ng kaniyang espada ng kagandahan.

Sa sumunod na araw, naroon pa ring nag-aantay ang


makata
sa isang haligi ng teatro
tinututukan ang walang-lamáng palko.
Pagkarating ng kondesa,
umupo ito sa silyong tersiyopelo
at panandaliang ipinikit ang nakaaakit na mga matang
may mahahabang pilik
gaya ng karniborong halaman na itinitiklop ang malagkit
nitong bulaklak,
na walang nakatatakas.

O, mahal ko, takpan mo ang iyong mga mata


o mabubuwang ako.
Batà pa ang makata,
Nabuwang siya at namatay.

Ang gabí, eternal na punso ng mga bituin,


at ano pa?
Sa lungting lilim ng balag,
naghahalikan ang mga mangingibig.

Mga labìng nahalikan nang sandaang beses,


bumubulong ng marubdob na mga salita sa
mga labìng nahalikan nang sandaang beses,
pinasisigla ang tumitibok na daluyan ng dugo
patúngo sa pinakasukdulang silakbo ng damdamin.

Pares ng mga patalim


ang mga dilàng kapuwa sinasaksak
ang mga bibig na pinaiiral ng nasà.
Venus ang bituin sa gabíng iyon.

Balikan natin ang marangal na konde.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 91


Mahilig siya sa musika
at inatasan niya ang mga musikero
na tumugtog ng mga instrumentong de-ihip,
na nakatago sa mga palumpong ng hardin.

Inihinga ng mga musikero sa kanilang mga instrumento


ang malakas na halimuyak ng mga bulaklak
at sa paghipo ng kanilang mga daliri,
naging mga awit ito ng pag-ibig
para sa sayawan.

Narito sila! Kung nais mong sumayaw,


Hala, sayaw!

Kung ang koralinong dulo


ng isa sa dalawang binilog na buról
ng kaakit-akit na kapusukan
ay nagsulat sa aking abrigo, hábang kami ay
nagsasayawan,
ng iláng letra mula sa alpabetong Morse,
walang ibig sabihin iyon.
Nangyayari talagá ang ganoon.
Maaari ngang mangyari iyon nang di sinasadya.

Ngunit mas tinitingnan ko ito bílang


panawagan mula sa ibang planetang
umiikot sa aking noo.
Marahil, may magkikibit ng balikat:
Ano ngayon?
Iginugol ko na ang aking buong búhay
alang sa panawagang ito.

Pagkatapos ng sayaw, ang pagod na binibini


ay umupo sa malasutlang damuhan,
inilalatag ang muselina ng malapad niyang palda
sa kaniyang sarili
tulad ng pagdami ng mga bilog sa tubigan.

Narinig ko ang paghalakhak niyang walang pag-aalalá

92 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ngunit hulí na ako.

Kapag tumatanda ang tao,


lagi siyang nahuhulí
at sa hulí, kaiinggitan niya kahit ang dalawang biloy
sa damuhan
na gawa ng mga tuhod ng babae.

Mapalad ako. Hawak-kamay


ang mga pares na pagod sa pagsasayaw
sa mga napisat na damo sa paligid ng mga punò.
Isang beses lámang sa aking búhay
na nakilala ko ang babaeng iyon.

Nakangiti niya akong inanyayang tabihan siya,


kapara ng pag-imbita ng mga tao sa isa’t isa
kapag misang nararamdaman nilang
mapangahas ang salita.
Bumagal siya
nang akin siyang mahabol.

Saanman niya ako dalhin,


sasáma ako.
Maging sa batong pinamumukadkaran ng mga asupreng
bulaklak
malapit sa gilid ng estuwaryo.

Sa bandáng iyon, ayaw na niyang sumáma sa akin.


Binalot siya ng nginig
na animo’y hinawakan siya ng kamatayan.

Ibigay mo man lámang ang iyong kamay—pamamaalam.


Panandalian siyang nag-alinlangan
ngunit, dahil sa pamamaalam,
ibinaon niya ang kaniyang bibig sa aking bibig
katulad ng mga kuko ng tigre.

Tumingin ako sa iyong noo


gaya ng piloto sa panel de cabina

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 93


tuwing lumilipad siya sa gitna ng bagyo.
Hulí na nang makilala kitá
at hindi inaasahan.

Alam kong nakakubli ka


sa malalim na lugay ng buhok.

Nagliwanag sa dilim
ngunit hindi kitá nahagilap.
Sa palad kong walang laman,
may pulbo ng ginto.

At tumakas ka sa bakod ng iyong mga pilik


túngo sa iyong halakhak.
Sa marangya niyang bihis, ang Hunyo
ay pinuno ang aming mga bintana ng hasmin.

Ngunit sa hulí, naglaho ka


sa niyebe ng iyong katahimikan.
Paano kitá masisilayan
kung malayo ka?
Napakalamig noon at nagtatakipsilim na.

Maaari mong punitin ang aking mga tula


at isaboy sa hangin ang mga pilas.
Lamukusin mo ang aking mga liham
at sunugin.

Ngunit anong magagawa mo sa aking mukha


na nakahulma sa metal
at mas maliit pa sa kamay?
Lagi itong nása iyong mga mata!
Gawin mo ang gusto mo kung saan ka dalhin
ng iyong pagkadismaya.

Ngunit sa uulitin pa, sa hulíng pagkakataon,


hahawakan mo ang aking ulo
sa pagitan ng iyong mga kamay.
Patay na ang konde, patay na ang kondesa,

94 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Patay na ang makata.
Patay na ang mga musikero.
Patay na ang lahat ng aking mga minamahal
at naghahanda na rin akong
lumisan.

Ganiyan ko naiisip minsan


kapag nakatutok
ako sa malalayo niyang mata
at kapag hinahagilap ko sa malayo
ang kahulí-hulíhang bato sa hardin,
na patay na rin.

SALIN NI M. J. C AGUMBAY T UMAMAC

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 95


Ang Haligi ng Salot

Tutungo sila sa apat na sulok ng daigdig:


ang apat na dis-armadong kabalyero ng hukbo ng langit.
At ang apat na sulok ng daigdig
ay nakarehas
sa likod ng apat na mabibigat na kandado.

Sa maaraw na daan, gumegewang ang antigong


anino ng haligi
mula sa oras ng mga Posas
tungong oras ng Sayaw.
Mula sa oras ng Rosas
tungong oras ng Kuko ng Dragon.
Mula sa oras ng mga Ngiti
tungong oras ng Poot.

Mula sa oras ng Pag-asa


tungong oras ng Hindi-Magpakailanman,
na siyang isang munting hakbang lamang
sa oras ng Kawalang-Pag-asa,
sa tarangkahan ng Kamatayan.

Tumatakbo ang mga buhay natin


na parang mga daliri sa papel de liha,
mga araw, linggo, taon, siglo.
At may mga panahong ginugol natin
ang mahahabang taon sa pagtangis.

Iniikot ko pa rin ang haligi


kung saan madalas akong nag-antay,
nakikinig sa laguklok ng tubig
mula sa mga apokaliptong bibig,
laging may mangha
sa pagkalandi ng tubig
habang nagbibitak-bitak sa rabaw
hanggang lumatay sa iyong mukha

96 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang anino ng Haligi.

Oras iyon ng Rosas.

Ikaw, binatilyo, isa ngang pabor: umakyat


ka sa fuente at basahin sa akin
ang mga salitang isinusulat ng Apat na Ebanghelista
sa kanilang mga pahinang bato.

Ang Ebanghelistang si Mateo ang una.


At sino sa atin, mula sa dalisay na ligaya
ang makapagdadagdag sa haba ng kaniyang buhay
ng isang siko?

At ano ang isinusulat ng ikalawa, si Marcos?


Dinadala ba ang kandila
upang ilagay sa ilalim ng mangkok
at hindi upang itungtong sa kandelero?

At ang Ebanghelistang si Lucas?


Ang ilaw ng katawan ay ang mata.
Ngunit kung saan maraming katawan
ay marami ding magtitipon na mga agila.

At sa huli, si Juan, ang paborito ng Panginoon,


ano ang kaniyang isinusulat?
Sarado ang kaniyang aklat sa kaniyang kandungan.
Kung gayon, buksan mo, binata. Kung kinakailangan
ay gamitin mo ang ngipin mo.

Bininyagan ako sa laylayan ng Olsany


Sa kapilya ng salot ng San Roque.

Nang nananalasa ang Itim na Salot sa Praha


inilatag nila ang mga patay sa paligid ng kapilya.
Katawan sa katawan, patong-patong.
Ang kanilang mga buto, sa paglipas ng mga taon,
ay naging makakapal na siga
na nagliliyab

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 97


sa ipuipo ng apog at putik.

Dinadalaw ko sa loob ng mahabang panahon


itong mga lugar ng pagluluksa,
ngunit di ko iwinaksi ang tamis ng buhay.

Masaya ako sa init ng hininga ng tao


at kapag gumagala ako sa sangkatauhan
ay sinisikap kong hulihin ang pabango
sa buhok ng mga babae.

Sa hagdanan ng mga taberna ng Olsany,


dati akong nakatalungko kapag gabi upang pakinggan
ang mga tagabuhat ng kabaong at sepulturero
sa kanilang magugulong kantahan.

Ngunit matagal na iyon,


namayapa na ang mga taberna,
inilibing na ng mga sepulturero
ang isa’t isa.

Kapag papalapit na ang tagsibol,


tangan ang balahibong-ibon at gitara,
lilibutin ko ang damuhang may mga seresang Hapon
sa may timog ng kapilya
at, nabihag ng kanilang pasibol na kariktan,
ay mag-iisip ng mga dalagang
tahimik na naghuhubad sa gabi.
Hindi ko alam ang mga pangalan nila
pero isa sa kanila,
noong ayaw akong dalawin ng antok,
ay marahang kumatok sa aking bintana.

At sino siyang nagsulat


ng mga tulang iyon sa aking unan?

Minsan ay tumatayo ako sa tabi ng kahoy na kampanaryo.


Pinapatugtog ang kampana
tuwing mag-aangat sila ng bangkay sa kapilya.

98 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Lubhang tahimik na ito ngayon.

Pinagmasdan ko ang neo-klasikal na mga estatwa


sa sementeryo ng Mala Strana.
Nagluluksa pa rin ang mga estatwa sa kanilang mga
pumanaw
na kinailangan nilang makipaghiwalayan.
Lumilisan, naglakad silang marahan
na may ngiti ng kanilang antigong kagandahan.

At di lamang sila puro mga babae


kundi mayroong sundalong de-kupya, at armado
kung hindi ako nagkakamali.

Matagal na akong hindi naparirito.

Huwag kang magpapalinlang sa kanila


na tapos na ang salot:
masyado na akong maraming nakitang kabaong
na hinila patagos nitong madilim na puwerta,
na hindi lamang nag-iisa.

Nananalasa pa rin ang salot at mukhang ang mga doktor


ay nagbibigay ng iba’t ibang ngalan sa sakit
upang maiwasan ang kaguluhan.
Ngunit ito pa rin ang lumang kamatayan
at wala nang iba,
at dahil lubha itong makahawa
ay walang buháy na makatatakas.

Tuwing titingin ako sa labas ng aking bintana,


mga payating kabayong humihila sa karwaheng málas
na may nangangalumatang kabaong.
Iyon lang, hindi na kasindalas patugtugin ang mga
kampana ngayon,
hindi na nagpipinta ng krus sa mga pinto,
hindi na nagsusunog ng sanga para sa fumigasyon.

Minsan, humihiga kami sa mga Párang Julian

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 99


pagsapit ng gabi,
habang lumulubog ang Brno sa karimlan,
at sa mga sanga ng Svitava
sinisimulan ng mga palaka ang kanilang hibik.

Isang beses, may umupong gipsy sa aming tabi.


Kalahating-bukas ang kaniyang blusa
habang binabasa niya ang aming mga palad.
Sabi niya kay Halas:
Di ka aabot sa singkuwenta.
Sabi niya kay ArtušČernik:
Lalagpas ka lang nang kaunti doon.
Ayokong sabihin niya ang aking kapalaran,
Takot ako.

Dinakip niya ang kamay ko


at galit na sinabing:
Matagal kang mabubuhay!
Para iyong pagbabanta.

Ang maraming rondel at awit na aking sinulat!


May digmaan sa buong mundo
at sa buong mundo
ay pighati.
Ngunit bumubulong ako ng mga berso ng pag-ibig
sa mga hinikawang tenga.
Nahihiya ako para dito.
Pero hindi, sa totoo ay hindi.

Ang korona ng mga sonetong ipinatong ko


sa iyong mga hita habang ikaw ay himbing.
Mas maganda pa iyon kaysa mga korona ng lawrel
ng nagwagi sa karera.

Ngunit bigla tayong nagkita


sa mga hagdan ng fuente,
nagkani-kaniyang landas, sa magkaibang panahon
at sa magkaibang daan.

100 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Sa loob ng mahabang panahon, pakiramdam ko
ay nakikita ko pa rin ang iyong mga binti,
minsan pa nga ay naririnig ko ang iyong pagtawa
ngunit hindi ikaw iyon.
At nang huli ay nakita ko pa nga ang iyong mga mata.
Ngunit isang beses lamang.

Ang balat kong tatlong beses pinahiran ng bulak


na tigmak sa iodine
ay gintong-kayumanggi,
ang kulay ng balat ng mga dalagang mananayaw
sa mga templo sa India.
Tumitig ako sa kisame
upang mas maigi silang makita
at umikot sa templo
ang mabulaklak na prusisyon.

Ang isa sa kanila, iyong nasa gitna,


may pinakamadidilim na mata,
ay ngumiti sa akin.
Diyos ko,
anong kalokohan ang tumatakbo sa ulo ko
habang nakahiga sa hapag-tistisan
at may mga droga sa aking dugo.

At ngayong inilawan nila ang lampara sa ibabaw ko,


ibinaba ng siruhano ang kaniyang iskalpel
at naging mariin sa kaniyang mahabang paghiwa.
Dahil mabilis akong nagkamalay
mariin akong pumikit muli.
Ngunit nasilayan ko pa rin
ang mga babaeng mata sa taas ng maskara,
saglit lang upang mapangiti ako.
Hello, magagandang mata.

Ngayon ay may sutura na ang mga daluyan ko ng dugo


at mga kalawit pambukas ng mga sugat ko
upang pahintulutan ang siruhano na ihiwalay
ang mga masel na nakapalibot sa buto

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 101


at ilantad ang mga gulugod at arko.
Napaungol ako nang mahina.

Nakahiga ako sa tagiliran,


mga kamay ay nakatali sa mga pulso
ngunit malaya ang mga palad:
ang mga ito ay hawak ng isang nars sa kaniyang
kandungan
malapit sa aking ulo.
Mariin kong dinakma ang kaniyang hita
at mabagsik na idiniin sa akin
kung paano dinadakip ng maninisid ang isang
balingkinitang
amphora na mabilis na pumapailanlang.

Sa sandaling iyon ay nagsimulang dumaloy ang pentothal


sa aking dugo
at nagdilim ang lahat para sa akin.
May karimlan sa katapusan ng mundo
at wala na akong maalala.

Mahal kong nars, nagkamit ka ng ilang pasâ.


Humihingi ako ng pasensiya.
Pero ang sinasabi ng isipan ko:
Nakapanghihinayang
na hindi ko maiakyat mula sa karimlan
itong mapang-akit na kayamanan
tungo sa liwanag
at sa aking harapan.

Nalagpasan na ang pinakamasamâ,


sabi ko sa sarili: matanda na ako.
Paparating pa lang ang pinakamasamâ:
buhay pa rin ako.
Kung nais mo talagang malaman:
naging masaya ako.

Minsan ay isang buong araw, minsan buong oras,


minsan ay iilang minuto lamang.

102 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Buong buhay akong naging tapat sa pagmamahal.
At kung ang mga kamay ng babae ay higit pa sa pakpak
ano na lang ang kaniyang mga hita at binti?
Kung paano ko nilasap na subukan ang kanilang lakas.
Iyong malambot na lakas sa kanilang pag-ipit.
Kung gayon, hayaang durugin ng kaniyang mga tuhod ang
ulo ko!

Kung pipikit ako sa ganitong pagyapos


hindi ako masyadong malalasing
at mawawala ang nag-aalab na pagtatambol
sa aking ulo.
Ngunit bakit ako pipikit?

Dilat akong
naglakad sa lupaing ito.
Kayganda nito—ngunit alam mo na iyon.
Mas mahalaga ito para sa akin kaysa lahat ng aking inibig,
at tumagal habambuhay ang kaniyang yakap.
Noong nagutom ako,
araw-araw akong kumuha ng sustansiya
sa mga salita ng kaniyang mga awit.

Silang mga lumisan,


nagmamadaling tumakas sa malalayong lupain,
ay malamang na napagtanto na ito ngayon:
terible ang mundo.
Hindi sila nagmamahal at hindi sila minamahal.
Mabuti pa tayo, nagmamahal.

Kaya hayaang durugin ng kaniyang mga tuhod


ang ulo ko!

Narito ang asintadong talaan ng mga guided missile.

Lupa-sa-ere
Lupa-sa-lupa
Lupa-sa-dagat
Ere-sa-ere

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 103


Ere-sa-lupa
Ere-sa-dagat
Dagat-sa-ere
Dagat-sa-dagat
Dagat-sa-lupa

Tahan, lungsod, hindi ko maulinigan ang bulong ng dam.


At abala ang mga tao, hindi naghihinalang
lumilipad sa ibabaw ng kanilang mga ulo
ang mga nagliliyab na halik
na inihahatid ng kamay mula bintana tungong bintana.

Bibig-sa-mata
Bibig-sa-mukha
Bibig-sa-bibig
At iba pa

Hanggang isang kamay sa gabi ang magsasara ng bintana


at ikukubli ang target.

Sa makitid na abot-tanaw ng tahanan


sa gitna ng kahong pantahi
at tsinelas na may de-balahibong pompom
mabilis na bumibilog
ang mainit na buwan sa kaniyang puson.

Nagbibilang na siya ng mga araw ng alondras


kahit tumutuka pa ng binhi ang mga pipit
sa likod ng mga nagniyebeng bulaklak.

Sa pugad ng ilahas na tomilyo,


mayroon nang nagbubuwelta ng kuwerdas
ng munting puso
upang matino itong umandar
habambuhay.

Ano itong usapin sa ubaning buhok


at dunong?
Kapag natupok na ang talahib ng buhay,

104 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


walang kuwenta ang karanasan.
Totoo, lagi naman.

Pagkaraan ng bagyong-yelo ng mga puntod,


itinaas ang haligi
at apat na matandang makata
ang sumandig dito
upang isulat sa mga pahina ng mga aklat
ang kanilang mga bestseller.

Wala nang laman ang fuente,


tinapunan ng mga patay na sigarilyo,
at may alinlangang inilalahad ng araw
ang pighati ng mga batong isinantabi.
Marahil, isang lugar ng panlilimos.

Ngunit ang itapon ang buhay ko nang ganoon


para lamang sa wala—iyon
ay hindi ko gagawin.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 105


Tsubibong may Puting Sisne

Kung saan nagbigay-daan ang daang-bato sa mga patse


ng damo
at ang mga kable ng koryente sa mga pakpak ng langay-
langayan
dalawang karburong lampara
ang pinaiilawan sa bawat gabi ng tagsibol
at mabilis na lalamunin ng gabi,
at ang antigong tsubibo ay magsisimulang umikot.

Tahimik na iiwasan ang lawa ng liwanag


ng mga panggabing pares
na magyayakapan sa makapal na palumpong ng karimlan
na tinutuldukan ng mga bituin.

Dahil ang pinakamaganda sa lahat ng diyos


ay ang Pag-ibig.
Dati pa namang ganito, at sa lahat,
hindi lamang sa malayo at bughaw na Gresya
ngunit pati sa pangit naming distrito ng Žižkov,
kung saan nagsisimula ang lungsod
o nagwawakas. Ikaw ang bahala.
At kung saan tumatagal hanggang madaling araw
ang kantahan sa mga taberna.

Sa gilid, kasama ang mga yabag ng kabayo,


dumaang kayrangya, kaykisig
ang aristokratang sisne,
na tila hinablot mula sa isang tula ni Mallarme.
At binuksan niya ang mga pakpak.

Noong hapong iyon, isang ambon


ang nagpatamis sa amoy ng kahit inaapak-apakang
damuhan,
at ang gabi, tigib sa mga lunggati ng tagsibol,
ay marahang nalusaw sa karimlan.

106 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nagsisimula pa lamang magpatugtog
ng bago ang hurdy-gurdy
nang isang dalagang may pilak na pulseras
ang pumasok sa mga pakpak ng sisne.

Napansin ko ang kaniyang galanggalangan


dahil niyakap niya ang leeg ng sisne
at nilagpasan ng kaniyang mga mata
ang mga nag-aalab kong sulyap.

Sa huli, tiningnan niya ako


at bahagyang ngumiti,
at sa susunod sa ikot ay kumaway sa akin,
at sa pangatlong ikot ay nagpalipad ng halik.
Iyon lang ang lahat.

Inantay ko ang susunod niyang pagpapakita,


handa nang tumalon at samahan siya,
ngunit wala namang laman ang pakpak ng sisne.

Minsan, parang bulaklak ng ilahas na amapola


ang pag-ibig:
hindi mo ito maiuuwi.
Ngunit malakas na sumusutsot ang dalawang lampara
na parang pares ng ahas,
ahas kontra ahas,
at walang-saysay ko siyang tinugis
sa malawak na karimlan.

May sandaling nagpaputok sila ng kanyon sa taas ng


moog
upang magpahayag ng tanghali,
at sa tagal ng isang hininga ay tumigil ang pagkaabala.
Ang ibang babae ay Umaga, ang iba ay Tanghali,
at ang iba ay Gabi.

Nag-aalinlangang mga daliri na marahang gumagala


sa balat ng hiyâ,
hanggang ang hinhin at pangamba ay magsisimulang

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 107


tumakas
sa mga lugar na ating mahal,
at isang alon ng kahubdan, alon-alon,
ang bumabaha sa ating mga bibig at mata at pisngi
at babalik muli sa ating mga labì
tulad sa baybayin.

Sa gayon ay nagsisimulang dumaloy


ang ating dugo
paloob sa puso
at palabas ng puso.

Ni takaw sa kapangyarihan o uhaw sa luwalhati


ay hindi kasing-lula
ng sidhi ng pag-ibig.
At, marahil, kahit hindi ako kabilang
sa mga biniyayaan nang marami,
hinalikan ko ang paa nito.

Kapag sa tingin ko ay mas maganda


ang mga babae ngayon kaysa
noong aking kabataan,
ito lamang ay delusyon at pag-aakala.
Wala kundi mapait na nostalgia. At panghihinayang.

Hindi pagaano katagal ang nakaraan, tumitingin ako


ng mga naninilaw na retrato ng mga modelo ni Mucha
sa kaniyang studio sa Paris.
Ang nakagigitlang alindog ng mga matagal nang pumanaw
na babae
ay nagpatigil ng aking paghinga.

Nagkaroon ng dalawang digmaan, salot, at tagsalat


at kumpol ng pagdurusa.
Hindi mabuti ang buhay sa mundo noong mga araw na
iyon.
Ngunit iyon ang tunay na buhay namin
kahit ano pa man iyon.

108 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Dati akong naghangad ng mga malalayong lungsod
sa makukulay na lupaing dayuhan
kahit sa laylayan ng disyerto.
Ngayon, mabilis silang umaatras
tulad ng mga bituin sa eternal na karimlan.
Mayroong ginaw sa mga katedral
At ang ngiti ng mga babae
ay naging kasindalang at kasindayuhan at kasinlayo
ng mga bulaklak sa gubat.

Natira na lamang ang lunggati—ang huwag masyadong


malungkot—
At ang aking pag-uusyoso.
At araw-araw akong inuusig ng mga ito.
Pasalamat akong hindi nagsusuot ng belo
hanggang sakong ang mga babae natin.
Ngunit tinutulak ako ng di-mapipigilang panahon
at puwersadong naililihis.

Paalam. Sa tanang buhay ko, hindi ako gumawa


ng kahit anong pagtataksil
nang malây ako,
at maaari mo akong paniwalaan.

Ngunit ang pinakamaganda sa lahat ng mga diyos


ay ang Pag-ibig.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 109


Isang Koronilya ng Sagà
kay Frantisek Hrubøn

Magtatanghali at ang pananahimik


ay nilaslas ng higing ng mga langaw,
parang diyamante ang ginamit.
Nakahilata tayo sa damuhan sa may Sßzava,
tumutungga ng Chablis
na pinalamig sa isang bukál sa gubat.

Minsan sa Kastilyo ng Konopiste


tinulutan akong matanaw
ang nakatanghal na isang antigong balaraw.
Tanging sa sugat pala napakakawala
ng lihim na siit ang tatluhang talim.
Parang ganyan kung minsan ang mga tula.
Hindi marahil ang karamihansubalit
sadyang mahirap hanguin ang mga ito sa sugat.

Madalas na parang mangingibig ang makata.


Madali niyang nalilimot
ang minsang bulong ng pangakong hinahon
at ang pinakamarupok na mayuming kilos,
tinatrato niya ng kibông malahayop.

Karapatan niya ang manggahis.


Sa ilalim ng bandila
ng ganda o hilakbot.
O ng kapuwa ganda at hilakbot.
Ito ang sadyang pákay niya sa búhay.

Mismong ang mga pangyayari


angnag-aabótsa kaniya ng panulat
at sa tulis nito ay naiuukit niyang
di-mabuburáang kaniyang mensahe.
Hindi sa balát ng dibdib

110 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


kundi mismong sa laman
na tinitibukan ng dugo.
Ngunit di lamang pag-ibig ang rosas at puso,
di lamang barko ang lakbay at sápalarán,
di lamang sundang ang pagpaslang,
di lamang angkla ang katapatan hanggang kamatayan.

Nagsisinungaling itong mga simbolong hangal.


Laon nang lumampas sa mga ito ang búhay.
Ang realidad ay ganap na náiibá
at ibayong higit na malubha pa.

Kayâ ang makatang lango sa búhay


ay dapat isúka ang lahat ng pait,
galit, at kawalang-pag-asa
sa halip hayaang maging kampanilya
ang awit niya sa leeg ng tupa.

Nang matapos táyo sa paglaklak


at tumayô sa damong napátag,
isang pangkat ng mga paslit nahubad
sa may pampang ang nagsilundag sa ilog.
At ang isa sa mga batàng babae,
yaóng may koronilya ng sagàng basâ
sa kaniyang maladamóng buhok na madiláw,
ay umakyat sa isang batóng dambuhala
upang mag-unat sa rabáw nitong pinag-init ng araw.

Nápauróng ako at napatigagal:


Mahabaging Diyos,
hindi na pala siya isang musmos!

SALIN NI M ICHAEL M. C OROZA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 111


Ang Paraluman

Ibalot sana nila ang alpombrang iyan sa akin


at buhatin ako pabalik sa studio,
sa mainit na kalan.
at magbuhos ng inuming mainit sa lalamunan ko.

Hubad akong nakatayo rito sa lilim


upang mahuli ng dakilang maestro
ang tumpak na kulay
ng katawang namumughaw sa ginaw
alang-alang sa larawan niya ng Taglamig.

Anila, matagal na siyang naghahanap


ng tulad kong mapula ang buhok,
at kulay-batis ang malalamig na mata.
Kung itim lamang daw ang buhok ko
at mapupula ang mata gaya ng sa bubwit,
wala ako rito ngayon.

At hindi niya sana naisukbit


itong mga aninaging tabing sa akin.
Nang anong bagal, nang anong tikis.
Isa, upang hulihin ang hubog ng dibdib ko –
oo, magaganda ang akin –
at muli, upang ilantad ng mga hita ko
ang kanilang pangingilabot.
Tuwing bahagyang hahakbang paurong ang propesor
at papalitan ang mga lukot ng tela,
patuloy akong mangangatog.

Magpatuloy ka na, matandang hunghang!


Suot mo’y botang panlamig at mabalahibong abrigo
samantalang narito akong hubad
suot lamang ay manipis na basahan.

Kaya kong tiisin ang lamig sa likod ko

112 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ngunit hinahampas ako ng hangin
at may dalawang tipak ng yelo sa aking harapan;
na tila may nagbabaon ng mga karayom
sa aking mga utong.

Ano ba talaga ang alam mo sa katawan ng babae?


Maseselan sa kanilang puson ang mga dilag
at pag nilamig kami sa bandang ibaba
ay kay tagal bago mapaglipasan ng sakuna.

Sumpain ang larawan mo,


sumpain ang tanggapan ng mga hari!
Pagpapatiwakalan ko ba sa lamig ang Sining?
Sumpain ang Pambansang Teatro mo
magkakamit ka ng katanyagan
at ako ng pulmonya.
Na kung sakaling hindi mo alam
ay sikat ngayong sanhi ng kamatayan.

H’wag kang tumayo-tayo diyang nag-iisip-isip,


magpinta ka, kundi tatabigin ko ang paletang
hawak mo at tatapak-tapakan ito sa niyebe.
Hindi sapat ang pananayom ko, ‘kamo?
Hindi sapat, nangangatal man na
ang mga ngipin ko tulad ng mga kalansay
sa mararahas na palabas ng mga manika?

Nanatili ka na lamang sana sa iyong Paris!


Doon ma’y walang titikas nang ganito para sa iyo,
kahit ang huling babae sa lansangan.
Ngunit pook iyon ng bawat uri ng pokpok,
handa sa kahit na ano.

Sana lumapit silang tangan ang alpombra


ang magaspang ngunit mainit na alpombra.
Lumapit sana sila.

SALIN NI R ALPH L ORENZ F ONTE

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 113


Panggabing Karimlan
Ngayon na lamang, sa mga huling oras ng aking buhay
ngayong hindi ko na magagawang tumungo kung saan
ay saka ko nabasa na dito sa Bohemia
ang payat na malen ay dati nilang tinatawag
na barang-araw.

May nalalabi pa akong maikling panahon


upang isulat ang ilang bersong ito
ngunit hindi na gaano kung naaalala ko
Ang madidilim na oras ng gabi.

Una, yaong matatamis na oras


kasama ka.
Hindi sumikat ang buwan, hindi kumislap ang mga bituin,
napakalayo ng mga lamparang nakapagitan sa mga puno
at pumikit ka, higit sa lahat.

Sa ating pag-uwi ang tanging liwanag


ay ang iyong noo.
At yaong nasa nagdilim na lungsod
nang tayo’y naligaw doon.
Walang naaaninaw na bintana
at sa kabila ng mga ito’y umiiyak ang mga tao
upang durugin ang iyong puso.

Yaong mga bunton ng bulaklak sa mga pugon ng mga


Hudyo
at sa kabila ng Pulang Bulwagan,
at hanggang kamakailan dito sa Brevnov
sa napabayaang minahan!

Katulad ng pagtatarak ng mga sundalong Romano


ng kanilang mga sibat sa lupa
at paghigang katabi ang mga ito
upang maihagis nang higit na malayo ang dado
O mahiga upang matulog.

SALIN NI F IDEL R ILLO

114 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pagtunog ng Toreng Orasan
para kay Cyril Bouda

Nang gabing iyon, nang ang dilim ay nasa pintuan


at ang mga ipot ng kalapati sa mga kornisa ng mga tore
ay kahawig ng liwanag ng buwan,
nakikinig ako sa simoy ni Vivaldi
sa Hardin ng Maltese.

Isang batang babae ang humihihip ng pinilakang plawta.


Ngunit ano ang maikukubli ng daliri ng paslit na babae?
Wala ni anuman!
Kung minsan ay nalilimot ko nang makinig!

Sa ilalim ng tulay ay lumalaguklok ang malayong saplád:


kahit ang tubig ay hindi makatitiis sa mga tanikala,
at mag-aaklas ito palabas sa apaw-agusan.

Halos di-halatang pinalilipas niya ang oras


sa dulo ng kaniyang tsinelas;
namumutawi sa kaniyang labi ang lumang himig
tungo sa antigong hardin.
Mula sa malayo, mula sa lungsod doon sa timog,
sa hanay ng mga ugat ng mga lanaw
ay nakaluklok ang himig sa pulso ng dagat.

Pinangatal ng himig ang himaymay ng kaniyang pagkatao.


At bagaman ang mairuging mga nota
ay hitik sa pang-aakit,
ang kariktan ng dalagita nang sandaling iyon ay lantad
na kahit sa aking isip ay wala akong lakas ng loob
ni hayaan ang sarili kong sumuko sa gayong guniguni
na hipuin siya ng dulo ng daliri hanggang sa mamula.

Sa ngumingiting dula ng karimlan at plawta,


ng tumutunog na orasan mula sa tore

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 115


at ng palihis na bumubulusok na bulalakaw,
kapag posibleng magmadali kung saan paakyat,
pataas sa ipuipong paglipad
nang hindi humahawak sa barandilya,
mahigpit kong kinuyom ang metal na tatangnan
ng aking tungkod na yari ng Pranses.

Nang maglaho ang mga palakpak


waring mula sa takipsilim ng malapit na parke
ay maririnig ang mga bulong
at ang mga bantulot ng yabag ng mga mangingibig.

Ngunit ang kanilang marurubdob na halik,


gaya ng batid mo na,
ay naging unang mga luha ng pagmamahal.
At lahat ng dakilang pag-iibigan sa daigdig na ito
ay may nakamamatay na pagwawakas.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

116 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Mga Tinig ng Ibon sa Duklay

Tanging pundidong-bakal na tarangkahang maliit at laging


bukás
ang humaharang sa pagpasok sa Hardin ng Ligaya
at sa puting lohiya
sa dulo ng abenida ng matatandang lípa,
Nahirati akong magpunta doon at makinig
ng malaong-patay na yabag ng makatang Mácha
sa basâng laha
sa gitna ng nagbubunying malalambing na awit
sa ibabaw at sa buong paligid.

Alam ko, dinudumihan ng mga ibon ang maraming bagay,


kahit pa ang dalisay na mata ng mga pomněnka,
at ilan sa kanila ang nakaambang sa pukyutan
at pumapaslang ng mga pukyot,
matinik na inaalis ang kanilang mga tibò.
Ngunit ito ang kanilang kaharian.

At kung sa aming pasamano tuwing Marso


ang unang ibong-itim ay umawit,
tulad ito sa tinig ng batingaw
sa isang plataporma ng riles sa nayon,
na may tagsibol na papahimpil na sa sunod na estasyon.

Sa itaas ng Hardin ng Ligaya ay ang Gulod Zebín.


Sa tuktok nitó
ang daliri ng kompas ay pumihit
at kumislot tulad ng aking puso
nang sa hagdan ng lohiya nakita ko
ang iyong mga binti.

SALIN NI K RISCELL L ARGO L ABOR

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 117


Sa Isang Bakanteng Silid

Nabibilang maging ang uwak sa mga ibong umaawit


at pinalalakas nito ang aking loob
kung nakasusulasok na ulop ang lungkot
na dumadagan sa aking buhay.
Kay tamis ng mga berso
kapag matanda na ang tao.
Itinatakwil siya maging ng kaputian ng niyebe.

Gayunpaman, para sa iyo, nais kong magsama


ng isang munting kalapating puti.
Marahan nitong tutukain ang iyong daliri
kung iyong hahawakan.
Madalas ko itong matanaw sa bubong sa kabilang panig
ng lansangan at maaanyayahan.
Nagmula sa malayo,
mula sa mga kunidman ni Haring Solomon...
Marahang idiin sa iyong dibdib,
diyan ito nararapat.
Ngunit kung lumipad kasama ng iba
isa itong saglit na ningning
tulad ng salaming natamaan ng araw.

Kung ayaw mong magsalita, manahimik ka,


ngumit ka lang sana,
at kapag hinahagkan mo ako
huwag lamang sa pisngi
kundi pati sana sa labi,
gusto kong madama ang iyong hininga.
Napakasakim ko talaga.

Naaalala ko ang mga araw na mas madilim


ang mga sinehan kaysa ngayon.
Mas madidilim ang pelikula at dagdag pa’y
tila laging umuulan sa pinilakang tábing.
Ngunit sa taas ng mga pinto may malamlam na pulang

118 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


bombilya
sakaling ma ligalig.

Nang mga araw na iyon naghahalikan ang mga kabataan


hindi lamang nakakubli sa madidilim na pálko
Kundi pati sa mga upuan sa likuran.
Sa úhaw, nilalagok ko ang laway ng mga binibini.
Nakalalango tulad ng nginasab na nganga
ngunit mapulang-mapula
at nagliliyab sa dila.

SALIN NI A LYSSA M ANALO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 119


Ang Awit ng Ruwisenyor

Mangangaso ako ng mga tunog at kolektor


ng mga tape recording.
Nakikinig ako sa mga mangangaso at kanilang
tambuli ng kamatayan
sakay ang mga mumunting alingawngaw.
Pahintulutan mo akong ilahad ang aking natipon.

Ang awit ng nightingale. Tanyag ito,


ngunit ang nightingale na ito
ay kadugo ng mga pinakikinggan ni Neruda
noong pinaiikot niya ang mayuyuming dalaga ng Praha.
Dinagdag sa rekording ang pinaigting na tunog
ng sumasambulat na bulaklak
habang naglalantad ang mga talulot ng rosas.

At narito ang ilang malulumbay na rekording:


Ang huling hagod-hininga ng isang tao.
Tapat at tunay ang rekording na ito.
Ang lagitik ng kabaong at ang ritmo
ng mga paa ng kabayo sa daang bato.
At ang mga taimtim na trumpeta ng Pambansang Dulaan
sa libing ni Josef Hora.

Nakuha ko ang lahat ng ito sa pakikipagpalitan.


Ngunit ang tape na
“Matigas na lupa sa kabaong ng aking ina”
ay sarili kong rekording.

At susunod sina Chevalier at Mistinguette,


ang mapangbighaning Josephine Baker
na may pumpon ng mga balahibong-ostrich.
Kabilang sa mga mas nakababata ang marikit na Greco
at Mathieu
kasama ang mga bago nilang rekording.

120 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


At panghuli ay maririnig mo ang masidhing bulungan
ng dalawang di-kilalang magsing-irog.
Oo, mahirap mahuli ang mga salita,
mauulinigan mo lamang ang mga buntong-hininga.
At sunod ang biglaang pagtahimik
na wawakasan ng isa pa—
ang sandali
kung kailan ang mga hapóng labì ay kabigkis
ng mga hapóng labì.

Iyon ay sandali ng linaw,


hindi isang halik.

Oo, maaaring tama ka:


ang katahimikan pagkatapos ng pagtatalik
ay tulad ng kamatayan.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 121


Ang Usok ng Marijuana

Ang yumukod sa mga kandileha


at maringal na magpugay
tulad ng ginagawa ng mga Pranses sa tanghalan--
hindi, hindi iyan para sa akin.
Ngunit hindi pa man ako nakapagsusulat
ng ilang masasayang linya tungkol sa pag-ibig
ay hinahanap na ng aking mga mata ang mga mata ng
mga babae,
ng aking mga kamay ang kanilang mga kamay
at ng aking mga labi ang kanilang nagitlang mga labi.

Alam ng Diyos, sa bansang ito


ay mahilig sa panulaan ang kababaihan.
Iyan marahil ang dahilan
kung bakit hindi nila marubdob na inilalapat ang kanilang
mga kamay
sa kanilang mga dibdib
kung nagbubuntong-hininga ang mga makata

Noong aking kabataan


at natututo pa lang manligaw,
O, higit na mapagkunwari
ang aking kahambugan
kaysa buntot ng paboreal,
na kulay asul at rosas at ginto
tulad ng paleta ni Renoir.

Sa ganoong pandaraya sa sarili


narating kong masaya ang dulo,
Upang mahapis, na tinatawag na dunong ng ilan.
Hindi ko maisip kung bakit.

Ngunit nang saglit na iyon ay may kung sino


sa aking likuran ang bumulong:
Tulad sa usok ng marijuana

122 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang mga berso ng makata.
At kung nakapagbubukas ang masamyong usok na iyan
ng pinto tungo sa kung saang eksotikong bansa,
kung saan patakbong sumasalubong
ang masasarap na sandali ng ligaya, nakangiti,
kadaup-palad
ng maliligayang sandali ng galak—
bakit hindi iyan dapat marating din ng panulaan?

Sapat na ang isang awit lamang


upang mahabol ng mga tao ang kanilang hininga
at kagyat makapagpaluha ng mga babae
kapag narinig ito.

Kung gaano ko ibig taglayin ang kasanayang ito!


Lalo ngayong
matanda na ako’t pakaladkad nang lumakad
at gumagadgad na ang mga salita sa aking ngipin

Ngunit kung makikinig ako sa katahimikan


at pipilitin ang aking panulat--
ano sa palagay mo ang iyong maririnig?

Malamang ay ang awit


na inawit ni Jan Jakub Ryba
sa kaniyang laslas na lalamunan
habang nalalaglag mula sa kamay ang labaha
at siya’y patayong nakasandal
na mag-isa, nag-iisa
sa punong pino iyon
sa kakahuyang malapit sa Rozmital.

SALIN NI F IDEL R ILLO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 123


At Ngayon Paalam

Sa milyon-milyong tula sa mundo


nagdagdag lamang ako ng ilan.
Marahil ay hind singhusay ng guni ng kámaksî.
Batid ko. Paumanhin.
Nalalapit na ako sa katapusan.

Hindi pa nga ito ang mga unang bakas ng paa


sa alabok ng buwan.
Sakali’t may pagkakataong ang mga ito ay kumislap
hindi nila ito liwanag.
Inibig ko ang wikang ito.

At ang nag-uudyoksa mga tahimik na labi


na kumibot
ang hihimok sa mga kabataang nag-iibigan na maglapat-
labi
habang naglalakad sa kaparangang nakukulayan ng pula
sa lilim ng takipsilim
na higit pang mabagal sa tropiko.

Simula pa lamang ay kapiling na natin ang tula.


Tulad ng pagmamahal,
tulad ng gutom, tulad ng salot, tulad ng digmaan.
May mga pagkakataong kahiya-hiya
ang aking mga berso.

Ngunit hindi ako magdadahilan.


Naniniwala akong ang paghahanap ng magagandang
salita
ay nakahihigit
kaysa pagpatay at pagpaslang.

SALIN NI G RACE B ENGCO

124 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Awtobiyograpiya

Minsan
kapag ikinikuwento ang kaniyang sarili
sasabihin ng aking ina:
Ang buhay ko ay naging malungkot at tahimik,
parati akong naglalakad nang nakatingkayad.
Ngunit kapag nagalit lamang ako nang kaunti
at idinabog ang aking paa
ang mga tasa, na dati’y sa aking ina,
ay magkakalansingan sa tokador
at ako’y matatawa.

Nang ako’y ipanganak, sabi sa akin,


isang paruparo ang lumipad sa may bintana
at dumapo sa kama ng aking ina,
ngunit kasabay nitong umalulong ang isang aso sa
bakuran.
Inisip ng aking ina
na isa iyong masamang pangitain.

Ang buhay ko, siyempre, ay hindi naging


kasingpayapa ng sa kaniya.
Ngunit kapag tiningnan ko ang ating mga araw
nang may paglilimi
na parang mga kuwadrong walang laman
at ang tanging nakikita ko ay isang maalikabok na
dingding,
ito ay naging maganda pa rin.

Maraming mga sandali


ang hindi ko malilimot,
mga sandaling tila makukulay na bulaklak
sa lahat ng posibleng kulay at tingkad,
mga gabing puno ng halimuyak
tulad ng mga moradong ubas
na itinatago sa mga dahon ng karimlan.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 125


Nagbasa ako ng mga tula nang may sidhi,
umibig sa musika,
at nagkamali, laging gulat,
sa magagandang kababaihan.
Ngunit noong una akong makakita
ng retrato ng isang babaeng hubad,
nagsimula akong maniwala sa mga himala.

Mabilis na lumipas ang aking buhay.


Masyado itong maikli
para sa lawak ng aking mga pangungulila,
na walang hangganan.
Bago ko pa mamalayan,
palapit na ang katapusan ng buhay ko.

Malapit nang sipain ng kamatayan ang aking pinto


para pumasok.
Nang may gulat na pagkatakot ako’y maghihingalo
at malilimutang humingang muli.

Sana’y hindi ipagkait sa akin ang oras


para muling halikan ang mga kamay
niyang matiyaga at sumabay sa akin
na lumakad nang lumakad nang lumakad
at umibig nang higit sa lahat.

SALIN NI L OUISE A DRIANNE L OPEZ

126 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Pagtugis sa Kasaykasay

Ilang ulit na bang may taludtod na napasasaisip


kahit pag tatawid ng kalsada
habang pula ang ilaw!
Bakit hindi?
Maaari ngang mahulog ang loob
sa ganoong kaikling panahon.

Ngunit bago pa man makatawid


sa kabilang dulo,
nalimot ko na ang mga linya.
Kahit papaano
naisulat ko ang natirá sa alaala.
Ngunit ang ngiti
ng dalagitang napadaan sa harap ko’y
Naaalala ko pa sa araw na ito.

Sa ilalim ng tulay ng mga riles sa Kralupy


madalas noong ako’y bata pa’y umaakyat
paloob ng mga sanga ng hungkag na sawse’t
kapiling ng mga tangkay sa ibabaw ng ilog
nag-iisip at nananaginip
ang una kong mga taludtod.

Ngunit, sa totoo’y akin na ding


napag-isipan at napanaginipan
ang pakikipagtalik at ang mga babae
habang pinagmamasdan ang napigtas
na halamang lumutang sa tubig.

Nariyan na halos ang Linggo ng Paskuwa,


at puno ang hangin ng mahika ng pagsibol.
Minsan nga’y nakakita ako ng kasaykasay
sa isang pamalong tangkay.
Sa tanang buhay ko
kailanman ay wala na akong nakitang iba

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 127


ngunit nilulunggati pa ring makita ng mata
sa malapitan ang ganoong kaselang kariktan.

Kahit ilog noon ay masangsang ang halimuyak,


iyang bangong matamis-mapait,
ang baho ng nakalugay na buhok ng mga babae
kapag umaapaw ito mula sa balikat nila
patungo sa kanilang lastag na katawan.

At makalipas ang maraming taon, nang ilublob ko


ang mukha sa sa gayong buhok
at saka iminulat ang mata,
tinanaw ko sa pagitan ng nasisinagang kalaliman
ang mga ugat ng pag-ibig.

May mga pambihirang pagkakataon sa buhay


na muli kong natatagpuan ang aking sarili
sa ilalim ng tulay ng riles sa Kralupy.
Lahat ng naroon ay katulad din noon,
kahit iyang sawse—
subalit hinaharaya ko lamang ang lahat ng ito.

Nariyan na halos ang Linggo ng Paskuwa muli,


at puno ang hangin ng mahikang pagsibol
at ang ilog ay mabango.

Bawat araw sa ilalim ng aking bintana


nagwawala ang mga ibon kahit napakaaga
at kumakantang waring nakasalalay ang buhay,
nilulunod ang boses ng isa’t isa,
at iyang matatamis na panaginip
na madalas dumatal tuwing bukang-liwayway
ay naglalaho.

Bagaman iyon laman


ang tangi kong tampo sa tagsibol.

SALIN NI G IANCARLO A BRAHAN

128 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


May Bakás ng Daliri

Pinipilit ko ang gabíng bigyan ako


ng masasayang panaginip.
Madalas itong bigô.
Ngunit hinahayaan tayo ng buhay
na salungatin ang agos ng panahon
na may kaakibat na pagkaliyo, pagsisisi
at sampatak na dalamhati
hanggang sa pinakamalayong
abot ng alaala.

Gayunman, may kutis ng paraluman ang pagbabalik-


tanaw.
Sa pagsayad ng dulo ng dila,
anong tamis at samyong
nakakahalina!

Sa harap ng palasyo ng Clam-Gallas,


may estatwa ng Vltava River ni Vaclav Pachner
kung saan umaagos
mula sa galong ang tubig
na hitik maging ng mga tala.
Matagal nang ginagayuma ang aking mga mata
ng kaniyang hubog na kahubdan.

Ligalig sila kung maligaw nang matagal


sa kaniyang katawan,
hindi alam kung saan dapat unang dumatal.
Sa mukha niyang kaaya-aya
o sa bagong sibol na birtud
ng kaniyang balatkayong dibdib
na siyang kadalasang putong
ng lahat ng kariktan ng mga kababaihan
sa bawat panig ng daigdig.

Labing-apat na siguro ako noon,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 129


o marahil mas matanda pa ng isang taon
nang napako ako’t nabighani,
tila naghihintay na siya’y
tumingin at ngumiti sa akin.

Sa sandaling akala ko
ay walang nakamasid,
mula sa gilid, nagawa kong
haplusin ang kaniyang binti.
Ang dulo, hindi ko naabot.
Magaspang ito, yari sa bato,
at nakakapanginig ang lamig.
May manipis pang kurtina ng niyebe,
ngunit may daluyong ng nag-aalab na pagnanasa
ang tila kuryenteng
sumiklakbo’t gumising sa aking dugo.

Kung ang pag-ibig ay higit


sa abang pagsalat,
at siya nga ito,
minsan sapat na ang sampatak na hamog,
dali-daling gumugulong pababa sa iyong palad
mula sa talulot ng bulaklak.
Pagdaka’y iinog ang iyong ulo
na para bang lumaklak ang iyong tigang na labì
ng matapang na alak.

Malapit sa pintuan ng Clementinum,


may nakatayong pulis.
Palingà-lingà siya
habang hinahampas ng hangin
ang buntot ng manok sa kaniyang salakot.

Maaari niya dapat akong sukulin nang napakadalî.


Walang dudang may mga bakas pa ng aking daliri
sa kalamnan ng binibini.

Marahil, lumabag ako’t lumihis


sa kung ano ang tama sa mata ng publiko,

130 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


sino bang may alam kung paano nila ihayag ang pag-ibig
noon,
hindi ko alam.
Wala akong alam sa batas.
Ngunit hinatulan ako
ng habambuhay na parusa.

Kung ang pag-ibig ay isang laberintong


tigib ng mga nagkikislapang salamin,
at siya nga ito,
tinawid ko na ang bungad
at pumasok.

At sa gayuma ng nagkikislapang salamin,


hindi ko pa rin nahahanap ang daan palabas
hanggang ngayon.

SALIN NI C HARLES B ONOAN T UVILLA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 131


Katahimikang Mahinhing
Kalansing

Sa pananakip ngayon ng silim,


daraing si ina,
sindihan mo ang gasera!
Sandaling nag-asó ang liyab
na nagsindi ng munting ulap ng usok
sa patupat ni ama.
Walang mahilig humitit sa dilim
kaya naghuntahan kami
tungkol sa ganito at sa ganoon.
Buong gabi, umuulan ng nyebe.

Sa Praha, may masasalubong ka pa rin noong


mga lumang-usong triuno,
ang tanging nangalabí sa lungsod.
May lulan silang katahimikang
mahihinhing kalansing ng kaskabel
mula sa minsang nangagdaang dantaon.

Anong sarap sanang


nagdanî kita sa lambot ng mga kumot.
Pipisilin ko sana ang palad mo
at aakbayan ka
at hindi maglalaon, sasabit ang iyong hininga
sa mga himaymay ng balahibo,
waring pinilakang tálimbuhól ng andap.

Habang naglalakad tayo tungong Toreng Petrin,


nagdaraan sa mga bangkong baón sa nyebe,
bumugsong mabangis ang hangin
at madaling nagsumuot ang walanghiyang andap
sa ating mga kuko.

At iiwan ko sa bulsa ang mga gwantes ko

132 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


dahil alam mo na!
Kay hirap na ngang humawak
ng karaniwang porselana nang may gwantes,
Paano pa kung tasang
may munting rosas-Meissen sa loob.
Makikinis sila
at anong kaibig-ibig ng hugis
na habang itinataas ng mga daliri
Ay nangangatal sa hawak.

Buti na lamang, may mga sandaling


taglamig man ay hindi kapani-panigas
at walang ibang kailangang isipin
liban
sa inaasam.
At uupo ka sa upuang nilatagan ng nyebe
na tila ito mabangong tumpok ng damong
pinagkumpul-kumpulan ng margarita.

May andap man noon


at umuulan ng nyebe,
sumapit na sa paligid ng bibig mo ang tagsibol
at nangatal ang mga labì mo,
sa lambing sa isang iglap,
sa pagkalitong kulay rosas sa sumunod,
sa takot, sa isa pa,
at sa kung ano pang Diyos na lamang ang makaaalam.

Ay, na ang lahat ng nabubuhay


at marubdob mamulaklak
ay pawang panandalian lamang.
Na habang nagpapatungpatong ang mga taon
tulad ng mga baytang
sa inaakyat mong hagdan
pagtapak mo sa dulong baytang
upang pitasin ang huling mansanas
mababalian ka ng leeg.

SALIN NI R ALPH L ORENZ F ONTE

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 133


Mahal na Birhen ng Žižkov

Kapag sa wakas ay dumating ang Mayo,


at hinamugan
ng tagsibol ang mabulaklak nitong sinag
sa mga bubong sa looban,
itinatanim ng ina ko ang mga tuhod niya
sa simbahan ng San Procopio
at nagdarasal sa Mahal na Birhen.
Tuwing Mayo, damá niyang malapit siya rito.

Isinisiksik ang sarili sa altar,


mistula siyang tumpok ng sirâ-sirâng damit,
naiwanan ng kung sino.
—Ikaw ang ipinagdarasal ko, lókong bata!
Lihim akong ngumiti.

Nahirati ako sa Latin sa eskuwela.


Binabasa namin si Virgil,
at sa aking bungo’y umalingawngaw ang ritmo
ng mga makatang Romano.
Nagsimula na rin akong tumula.
Naglalakad-lakad ako’t kumakanta
Nang mahina’t sintunado.

Isinusuka ko ang matematika.


Kapag nagsusulat kami ng sanaysay
nasisindak ako
at kung gabi’y nagigising
at balisang-balisa.

Minsan, naisip kong magdasal


ngunit kinalimutan na lamang ang ideya. Nakahihiya
ang magsumamo ng tulong mulang Langit.
Hanggang isang araw nang mabatid ko
kung ano ang sindak.
Nakasisindak na sindak.

134 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nagunita ko ang pananalig ni ina
At maingat na ginunam:
Akalain mo!
Di naglaon, nilalakad ko ang lamig ng landas
patungo sa dambana ng Žižkov,
patungo sa altar na punô ng liryo.
Ngunit ang halimuyak ng mga ito’y pumait sa dila ko,
tulad ng malagkit na dagta
ng dientes de leon.

Nagmamadali akong nagmakaawà sa Birhen


Na sa akin ay mahabag!
Na maawà at mamamagitan
upang ang dalagitang minamahal ko,
halos maglalabing-walo pa lamang,
bumabangong lubhang lulugó-lugó,
hindi kumakain at hindi natutulog,
lumbay at lumuluha,
ay, mahabaging Langit, hindi nagdadalantao.

Bumaling ang rebulto ng Birhen,


malamig, sa aking mga mata.

Ngunit ilang araw ang lumipas,


humalimuyak na muli ang mga bulaklak,
kaybango tulad ng dati.

At muli, nadama ko sa mga labi


ang tamis ng masasayang halik.

SALIN NI L OUIE J ON A. S ANCHEZ

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 135


Ang Top Hat ni G. Krösing

Mayroong panahon nang ang Prague


sa lahat ng mga siyudad sa Europe,
tulad ng London, Rome, at Paris,
ay iiyakan mo ang pagdarahop.
Ano ang taglay nito, matapos ang lahat, maliban sa
Kastilyo?
Isang káwan ng mga kalapati sa kampanaryo ng San
Nicolas,
Isang toreng pagtanawan
at maaasim na ubas sa Liwasang Gröber.

Ipinagdiriwang ang Paris.

Ang Praha na may mga geranium sa mga bintana


at mga payak na kortinang net
mula sa murang materyales
ay sintahimik at sintamis ng bulaklak
ng ilahas na rosas.

Isang mataas na top hat ang dati-rati’y naglalakad


sa gilid ng Embankment.
Pag-aari iyon ni G. Krösing,
isang mang-aawit sa Pambansang Tanghalan.
Tila kakatwa ang sombrerong iyon
at sa aking palagay ay nag-iisa lamang sa Praha.
Maliban, marahil, sa mga kasuotang panteatro.

Maihahalintulad ito sa mga tanyag na top hat


ng mga dakilang mahikero
na mula sa kanilang mga daliri ay lilitaw
ang kayraming bandanang seda
na naluma sa labis na paggamit,
at sa huli, lilipad palayo sa mga ito,
ang anim na nahihintakutang kalapati.

136 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Walang ano-ano ay naglaho ang top hat
at pumagaspas ang itim na bandila sa Pambansang
Tanghalan.

SALIN NI G RACE B ENGCO

Kuwintas sa Galanggalangan

Ako rin noong Araw ng Corpus Christi


ay lumanghap ng samyo ng insenso
at nagtahî ng kuwintas ng bagong sibol
na mga bulaklak sa aking pulso.
Ako rin ay tumanghod sa kalangitan
habang taimtim na nakikinig sa mga kampana.
Akala ko ay sapat na iyon
ngunit hindi pala.

Kaydalas nagsasabog ng bulaklak


sa ilalim ng aking bintana
ang mga yabag ng puganteng tagsibol,
at noon pa ay napagtanto kong
ang masanghayang bukadkad
at ang lawas ng babaeng maningning sa kahubdan
ay dalawang bagay
na mas marikit kaysa alin pa
dito sa kahabag-habag na daigdig.

Bukadkad at bukadkad,
dalawang bukadkad na kaylapit sa isa’t isa.

Ngunit mabilis akong tinakasan ng buhay


tulad ng tubig sa aking mga palad,
bago ko pa man
mapatid ang aking uhaw.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 137


Nasaan iyong mga kuwintas ng bulaklak ng tagsibol!
Ngayon, habang naririnig ko ang lagitik
ng pinto ng silid ng kamatayan,
kung kailan wala na akong pinaniniwalaan
maliban sa mga bagay na kaylapit na sa kawalan,
kung kailan pumapalo ang aking dugo
tulad sa dram ng kinondenang tao,
kung kailan lahat ng nalalabí ay ang kasabihang
tadhana ng tao
at lahat ng pag-asa ay kasinghalaga
ng lumang kuwelyo
ng isang patay at galising aso,
mabagabag ang tulog ko sa gabi.

At iyon ay kung paano ko narinig


ang isang marahang pagtapik
sa aking kalahating-saradong bintana.

Isa lamang siyang sanga ng punong


nagbubunga sa tagsibol,
at ang dalawa kong tungkod
na ipinangkakaladkad ko ng sarili
araw-araw
ay hindi nagkaroon ng panahong magbagong-anyo
bilang pares ng pakpak.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

138 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ang Nawawalang Paraiso

Ang Lumang Sementeryo ng mga Hudyo


ay isang dakilang pumpon ng abuhing bato
na hinahakbangan ng panahon.
Naglalagalag ako sa mga puntod,
iniisip ang aking ina.
Madalas siyang magbasa ng Bibliya.

Ang mga titik sa dalawang hanay


ay bumubukal sa kaniyang mata
tulad ng dugo mula sa bukás na sugat.
Umuusok na ang gasera
at isinuot ni Ina ang kaniyang antipara.
Minsan, kailangan niyang umihip
at gamit ang kaniyang ipit
itinutuwid niya ang nagniningning na mitsa.

Ngunit kapag isinara na niya ang pagod na mata,


nanaginip siya ng Paraiso
bago ito binakuran ng Panginoon
ng Kaniyang mga mandirigmang kerubin.
Madalas, nakakatulog siya at dumudulas
sa kaniyang kandungan ang Aklat.

Batà pa lamang ako nang


matuklasan ko sa Lumang Tipan
ang mga kamangha-manghang berso ng pag-ibig
at sabik na naghanap
ng mga talata ukol sa pakikiapid.
Noon, hindi ko pa pinaghihinalaan
ang lambing na nakatago sa mga ngalan
ng mga babae sa Lumang Tipan.

Si Adah ay Palamuti at si Orpah


ay Usang Babae,
Si Naamah ay ang Katamisan

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 139


at si Nikol ay Maliit na Batis.

Si Abigail ang Bukal ng Kaligayahan.


At sa tuwing naaalala ko ang sariling walang magawa
habang kinakaladkad papalayo ang mga Hudyo,
kahit ang mga nananangis na supling,
nangingilabot pa rin ako
at gumagapang ang takot sa gulugod.

Si Jemima ang Kalapati at si Tamar


ang Puno ng Palmera.
Si Tirzah ang Kariktan,
at si Zilpah ang Hamog.
Diyos ko, anong ganda nito!

Nabubuhay tayo sa impiyerno


ngunit walang nangahas na umagaw sa sandata
mula sa mga kamay ng mga mamatay-tao.
Na tila sa ating mga puso wala tayo
kahit katiting ng pagkatao.

Ang pangalang Jecholiah ay


Ang Panginoon ay Makapangyarihan.
Ngunit ang kanilang nakasimangot na Diyos
ay nakatanaw lamang sa may barb wayr
at walang ginagawa.

Si Delilah ay ang Babasagin, si Rachel


ang Babaeng Kordero,
Si Deborah ang Bubuyog
at si Esther ang Maningning na Tala.

Nakabalik na ako mula sa sementeryo


nang namahinga sa mga bintana
ang gabi ng Hunyo kasama ang simoy nito.
At ang katahimikan mula sa malayo ay maya’t maya
binabasag ng kulog ng paparating na digma.
Walang panahon kung walang pinapatay.

140 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Muntik ko nang makalimutan:
Si Rhoda ay ang Rosas.
Ang tanging bagay na naiwan
sa atin sa lupa
mula sa Paraiso na nawala.

SALIN NI E NRIQUE S. V ILLASIS

Bintana sa Pakpak ng mga


Ibon

Kahit tubig, na punô ng liryo,


ay lason.
Paano pa kaya kung tagsibol!
Nanunuot ito sa buháy na kalamnan
parang bombang neutron
at lahat ng buháy ay nagkaimpeksiyon dahil dito.
Mga bato lamang ang hindi natigatig.
Maaaring bahagya silang magbago
ng masusungit na kulay ng kanilang mukha.

Sumaglit ako sa mga plakang


may mga pangalan ng kalye,
nakapako lamang sa hangin ng tagsibol.
Nagmadali ako patungo sa kaisa-isang bintanang
nakabubulag na bughaw.
Dinadala ito ng mga ibon sa akin
sa kanilang mga pakpak.
Papalapit bawat araw.

At saka sumara ang aking bintana.


Bagaman nahuhúli ko lamang ito
kung ipipikit ko ang aking mga mata.
At kahapon nga bumulaga ang taglagas.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 141


Parang gintong borlas ang mga ubas
sa mga kurtina
ng isang sampaybakod na samaháng dramatiko
at ang katahimikang kakambal ng taglagas
ay nagsalita sa unang wika ng mga sementeryo
kung saan marahang nagtatagpo
ang mga lagusan ng ating búhay.

Kilalang-kilala ko ang hapdi,


demonyo ito at kapatid na mahirap baguhin.
Misteryo ang kamatayang
binayaran ng hilakbot.
Matagal nang binaklas ang bintana,
nagsipagliparan ang mga ibon sa alakán.

Upang minsan pang makinig sa katahimikan,


kapag naniniwala ang mga mata
na ang mga hinog nang ubas sa sukal
ay nangangarap nang pitasin.

Nananabik ang lalake sa pag-ibig


at nagtititilî ang babae sa sarap.

Sa ibaba ang alakán ay dumadaloy sa antigong ilog


at habang nakikipaglaro ang hangin
sa mga naghahagikhikang dahon
tinatangay ng ilog
ang lahat ng matatamis na tubig ng bansang ito
sa isang maruming dagat sa Hamburg.

SALIN NI V IM N ADERA

142 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


(Berthe Soucaret)

SALIN NI J OSELITO DELOS R EYES

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 143


Ang Paraluman ng mga
Makata

Ang mga hangal na sandali ng unang pag-ibig!


Nananalig pa ako noon
na ang mamatáy sa gitna ng tagsiból
hábang hibáng na hibáng
sa pagsinta
o ang mamatáy sa karnabal ng Venecia
ay maaaring maging lalo pang marilag
kaysa sa papag sa bahay.

Ngunit ang kamatayan ang binibini


ng lahat ng sákit na batid ng daigdig.
Ang kóla niya ay hinabi
sa garalgal sa lalamunan ng nag-aagaw-buhay
at nabobordahan ng mga luhang bituin.

Kamatayan ang kudyapi ng tagulaylay,


ang sulô ng nag-aalab na dugo,
ang urna ng pagmamahal,
at ang lagusan patungo kung saan.

Kung minsan, ang kamatayan ang paraluman


ng mga makata. Hayaan silang suyuin siya
sa angótng nangalagas na talulot,
kung kanilang maaatim
ang agunyas ng mga kampanang nagdidilim
na ngayon ay nagsisipagmartsa,
pumapadyak patawid sa duguang putikán.

Kamatayan ang sumisilid sa katawan


ng babae, sumasakal ang munting kamay
sa mga sanggol sa sinapupunan.
Tunay, sa paraiso sila makararating
subalit ganap na duguan pa rin.

144 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Kamatayan ang emperatris ng lahat
ng pagpaslang,at ang kaniyang setro
sa mula’t mula pa nitong mundo
ang nag-atas sa lahat ng lagim ng digma.

Kamatayan ang bunsong kapatid ng pagkaagnas,


ang tagapagbalita ng guho’t kawalan,
at isinisiksik ng kaniyang mga kamay
sa dibdib ng lahat
Ang pahirap ng hukay.

Ngunit ang kamatayan ay saglit din lámang,


isang kaykay ng panulat
at wala na.

SALIN NI M ICHAEL M. C OROZA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 145


Pagbisita sa Pintor na si
Vladimir Komárek

Kasabay ng awit ng mga ibon, isinigaw ko:


Mabuhay ang pagpipinta!
Iyon ang pagkalula ng mga mata,
Iyon ang perpetwal na bagabag sa dugo.
Nahihiya, kumatok ako, kahit bukás ang pinto.

Una kong nasilayan ang kilalang buslo.


Kulay rosas ito.
Minsan nang ipininta ng pintor doon
ang kalahating dosena ng mga patay na batang kalapati.
At pumapagaspas sa may binta ang pilas ng satin
na napunit mula sa Tore ng Eiffel.

Mabuhay ang Paris! Sabi ko sa sarili.


Dumuduwal ang lungsod ng mga imahen
iba’t ibang imahen,
tulad ng inang pukyot matapos ipalipad
ang kaniyang mga itlog.
Natutulog ba ang Paris?
Ang hugong sa may bahay-pukyutan
ay lagaslas ng talon mula sa malayo.

Ngunit dito, katahimikan. Tahimik ang mga paniki


Sa kanilang pagkakalambitin sa dingding,
nahuhulog sa lupa ang kanilang ulo.
Paminsan-minsan, lumalagatok sa panimdim
ang lumang aparador
para sa mga bagay na wala na.
Samantala, nagsimula nang magpaliwanag ang pintor:

—Kung sakaling ang ipipinta ko ay hubad


at may babaeng naghihintay sa may kabalyete
tulad ng pasyente sa isang operasyon

146 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


na nag-aabang para sa pinilakang karayom ng
akyupuntura,
marahil ipipinta ko
ang tahimik na kalungkutan ng mga bagay
na nakapaligid sa atin
kaysa buháy na balat ng babae,
sa matatamis nitong kulay tulad ng sa bukal
na humuhugas sa maiinipin niyang titig.
Sa mga balangkas ng mga bagay na aking tinitingnan
ipinipinta ko ang hindi nakikita ng mata.
At ito ang sining.

—At tulad ng mangingisda na dinudukot sa buháy na isda


ang malilinaw na hibod,
Pinipilit ko mula sa lahat, kung kailangang dahasin,
ang kanilang pagtangis.
At ito ang pagtula.

At habang naghahanda na akong lumisan


at dahan-dahang dumidilim
tinanong ko si Pan Komárek
para ipakita niya sa akin ang daan
mula sa kaniyang pastel na tanawin
hanggang sa sakáyan ng bus.

—Pumanaog ka sa hagdan,
at tawirin ang tulay,
sa kalagitnaan nito, matutunghayan mo
ang sarili kasama ang malaulap na mga puno.
At kung naiibigan mo ang pagkaabo ng mga kalapati
nakatindig ka na sa harapan ng Notre-Dame.

SALIN NI E NRIQUE S. V ILLASIS

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 147


Isang Larawan ng Praha

Noong unang panahon—ganito dati


nagsisimula ang mga antigong mananalaysay—
pauwi ako noon sa tabing-ilog.
Mahinahon at tahimik ang ilog
at sa payapa ay naririnig ko ang bulong-hugong
ng dumadaloy na panahon
sa ibaba ng orasan.
Habang tumatanda ka ay mas maigi mong naririnig
ang tunog ng panahon.

Nakasalamin ang mga gusali sa tubig,


pabulusok ang mga bubóng,
at nanginginig ang kanilang mga balangkas.
Ang mga bintana nila ay may baluti lamang ng tubig
at isang sirena lamang ang makatitirá
sa kanilang mga umaandap-andap na anino.

May nakilala akong sirena


ilang taon na ang nakalipas, bilang isang binata.

Sa malambot na hita ng isang dalaga,


mas maganda kaysa prinsesa ng isang kastilyo,
inilapat niya dati ang isang mansanas.
Walang pintor ang makapagpipinta ng ganoong karikit.
Sa ilalim ng matamis nitong balat
ang lahat ng uri ng salamangka:
ang salamangka ng pag-ibig, salamangka ng sarap at
sidhi,
salamangka ng pangungulila
at ang salamangka ng sandaling isinusuko ng isang tao
ang sarili sa kaniyang iniirog.

Isang nagsasalitang ibon sa hawlang bulawan


ang lumingon sa kaniyang gulát na mukha
at sinigawan siyang:

148 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


—Naturuan ka tuloy ng leksiyon!
Sa harap nitong mahalagang handog, ang dalaga
ay sumambulat sa mga luha.

Inakala niyang walang kinikilalang hanggahan ang pag-


ibig
at tumatagal ito
tulad ng araw o mga tala sa kalangitan,
ngunit sa mga lalaking nakasalamuha niya
walang nagkaroon ng lakas-loob
na suklian siya ngkasintimbang na salapi.

Sa madaling panahon, binigyan lamang siya ng isa ng


sakit,
ang isa pa ng dalamhati
at mga gabi ng luha,
ang isa ay malamig na kawalan lamang.
Ngunit lagi para sa sanlaksang yakap ng pagmamahal.
Pagkarinig na pagkarinig ng kaniyang mapait na iyak
sumigaw sa karimlan
ang nagsasalitang ibon sa hawlang bulawan:
—Naturuan ka tuloy ng leksiyon!
Narinig niya ito ngunit huli na ang lahat.

Noong panahong sa Prahang kaniyang inibig


ay kumakapit na lamang siya sa buhay,
may sakit at nilisan ng lahat ng kagandahan,
ang pintor na si Morstadt ay abala pa ring iginuguhit
ang kaniyang mga larawang
tigib sa liwanag at tiwasay at payapa.

Tingnan, dalawang ginoo dito ang naghahatid


sa binibining nakadamit rosas.
Ang nagniningning sa taas ng kanilang mga ulo,
ang antigong Kastilyo at Katedral ni San Vilnius ng Praha,
ay ang korona
sa maharlikang kilay ng lungsod.

Sa unang tingin, maaaring isiping

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 149


mas masaya ang buhay noong panahong iyon.
Isa itong kahibangan.
Hindi masaya ang buhay noon
at hindi rin sintaas ng mga tore
ang pagkakalikha sa kanila ng pintor.
Sinusubukan lamang ng mga ukit na ipilit sa atin
ang isang marikit na kasinungalingan.

Lagpas isang siglo na


mula nang inuwi nila si Pani Nemcova
mula sa Litomysl.
Maysakit siya at nalalapít na ang kamatayan,
totoo, nakaupo na nga ang kamatayan sa kaniyang dila.
Sinubukang baligtarin ng kung kaninong kamay
ang orasan ng kaniyang buhay.
Ngunit sa wakas ay nauubos na ang mga buhangin,
tapos na ang oras niya.

May mga luha sa magaganda niyang mata,


nagsuot si Karolina Svetla
ng isang itim na bestidang brocado.
Ay, kaybagay nito sa kaniya!
Nagkandarapa si Neruda,
hindi maalis ang mga mata mula sa kaniya.

Habang nililisan ng prusisyon ang Tatlong Tilo


sa Daang Prikopy
lumingon sa pumanaw na babae
ang nagsasalitang ibon sa hawlang bulawan
at, kahit paalis na ang itim na kabaong,
sumigaw sa kaniya, sa huling pagkakataon:
—Naturuan ka tuloy ng leksiyon!

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

150 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Kalakalang-Bakal ng Buwan

Tungkol sa pag-ibig, marahil, o marahil sa mga babae,


maaari tayong mag-usap nang mas matagal,
ngunit ang mga usapan natin sa tula,
sa kariktan ng mga berso,
sa hiwaga ng mga salita,
ay kasingwalang-katapusan,
mahabaging Diyos!

Mamumutla ang gabi,


ang mainiping hamog ay mahuhulog
minsan kapag sinasamahan ko
ang makatang si Hora
sa pagbaybay ng mahabang Daang Plzenska
patungong Kosire.

Nang dumaan kami sa sementeryo ng Mala Strana,


kung saan matagal nang nakitlan ng buhay ang
kamatayan,
kawangis pa rin nito ang isang tablero ng ahedres
na handa sa isang laro.
Bago lamang magsimula ang laban
sa pagitan ng karimlan at ng unang puláng bukang-
liwayway.

Ang buwan, iyong mayuming binibini,


ay nasa likuran namin noong gabi.
Pag-aari siya ng mga romantikong makata,
at ang kaniyang ganda
ay isinalin ng mga namayapa sa mga buháy
tulad ng isang gintong singsing.
Si Macha ang huli niyang may-ari.

Matagal nang patay si Hora,


pumanaw siyang maaga.
Kapag dumaratal ang tagsibol

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 151


sa kaniyang hardin sa Horin
namumukadkad ang mga puno ng prutas
upang ipaalala sa atin ang maselang bukadkad
at karupukan ng kaniyang mga berso.

Humahangos ako patungong Vysehrad, sa Sulok ng


Makata.
Mayroon akong susi.
Sa loob, kumatok ako sa plake ng nitso
na may ngalan niya.
Ngunit naroon ang katahimikan ng libingan.
Sa tingin ko, isang beses ko lang yata
narinig ang isang mahinang buntong-hininga.

Binabalikan ko pa rin ang mga lugar


na dati niyang minahal,
at ramdam kong tíla humahaplos
sa matalik na tiklop ng pelus.

Dati akong umuupo malapit sa nitso


ng Obispo ng Passau, Thun-Hohenstein,
na siyang lumuluhod sa sementeryo ng Mala Strana,
nakatiklop ang mga kamay,
nitong huling isa at kalahating siglo.

Marahil, hindi ako nag-iisa doon.


At hindi nga
nang mula sa kalangitan ng gabi ay biglang
umulan.
Nanahan kami sa Kapilya ng Salot,
malapit sa puwerta ng kamposanto:
ipininid ang pinto
ng hangin lamang.

Nahulog ang liwanag ng buwan


sa pagitan ng basag na bintana
paloob ng kapilya,
maputlang maningning, maningning na maputla,
iniilawan ang mahiyaing mukha.

152 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Malamig ang liwanag
tulad ng kamay ng bangkay,
ngunit mainit ang mga labì ng dalaga
at kalasa ng mga patak ng ulan.
Noong sandaling iyon, wala nang mas gaganda pa
sa buong mundo.

Mahal kong Obispo, ipagpanalangin


ninyo rin ako!

Ang mga pagbabagong naganap


nitong mga huling taon!
Matagal nang giniba ang kapilya
at hindi na bumabagsak ang ulan para sa akin
sa mga matatalik na sandali.
Kahit ang buwan, na siya ngayong tumitingkayad
paloob ng parihaba ng aking bintana,
ay hindi na pareho.

Sa sandaling inapakan siya


ng paa ng tao
ay patay na siya.
Namatay siya ilang saglit bago nito,
noong ang mga tao at kanilang mga instrumento
ay dumapo
sa kaniyang malamig na kahubdan.

Ang nakikita natin ngayon sa kalangitan


ay isa lamang patay na satellite,
at ang mga bunganga ng kaniyang mga crater
ay ngumangasab ng kawalan.

Kinakaladkad niya sa kalangitan


ang kaniyang punit at rosas-pulang belo
at inaapakan sa selestiyal na putik.

Patuloy siyang umiikot sa daigdig,


ngunit nang walang tunay na saysay ngayon,
tulad noong paglikha ng mundo,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 153


kompleto sa lahat ng kabakalan
na iniwan
ng masasayang Amerikano.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

Pakikipagbuno sa Anghel

Batid ng Diyos kung sino ang unang nag-isip


ng malumbay na imahen
at inilarawan ang mga pumanaw
bilang mga buhay na multo
na naliligaw sa ating mga landas.

Ngunit narito talaga ang mga multong ito—


hindi mo sila maiiwasan.
Nitong mga huling taon ay naipon ko sa aking paligid
ang isang kumpol.
Ngunit sa kanilang lahat, ako
ang naliligaw ng landas.

Madilim sila
at ang kanilang pagiging pipi ay sumasabay
sa aking pagiging pipi
kapag nalalapit na ang gabi
at mag-isa ako.
Paminsan-minsan ay hinihimpil nila ang panulat-kamay ko
kapag wala ako sa wasto,
at tinatangay ang masamang naiisip
na kaysakit.

Ang ilan sa kanila ay masyado nang malamlam


at kupás
na hindi ko na sila matanaw sa malayo.

154 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ngunit isa sa mga multo ay rosas-pula
at tumatangis.
Sa buhay ng bawat tao
dumarating ang sandaling
lahat ay magdidilim sa kaniyang paningin
at masidhi niyang hahangaring mahawakan
ang isang ulong nakangiti.
Nanaisin ng puso niyang maitali
sa isa pang puso,
kahit sa malalalim na tahi,
habang ang mga labì niya ay tanging nagnanasà
na dumampi sa mga lugar kung saan
dinapuan ng hatinggabing uwak si Pallas Athene
nang wala itong paanyayang lumipad upang dalawin
ang mapanglaw na makata.

Pag-ibig ang tawag dito.


Sige na,
marahil, ito nga iyon!
Ngunit madálang itong nagtatagal,
lalo pa hanggang kamatayan
tulad sa mga sisne.
Mas madalas, sunod-sunod ang mga pag-ibig
tulad ng mga baraha sa iyong kamay.

Minsan, isa lang itong yanig ng ligaya,


mas madalas ay mahaba at mapait na dalamhati.
At sa ibang sandali ay pulos buntong-hininga at luha.
At minsan nga ay pagkabagot.
Iyon ang pinakamalungkot na uri.

Isang beses, nakakita ako ng rosas-pulang multo.


Nakatayô siya sa pasukán ng isang bahay
kaharap ng estasyon ng tren ng Praha,
habambuhay na balót sa usok.

Dati kaming umuupo diyan sa may bintana.


Hawak ko ang kaniyang maseselang kamay
at nangungusap ng pag-ibig.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 155


Mahusay ako sa ganoon!
Matagal na siyang patay.
Kumikindat ang mga pulang ilaw
sa unahan ng riles.

Sa sandaling bahagyang umihip ang hangin


tinangay nito ang abuhing belo
at kuminang ang mga riles
tulad ng mga bagting ng isang dambuhalang piyano.

May mga sandaling maririnig mo rin ang píto ng usok


at pagbuga ng mga makina
habang dinadala nito ang mga kaawà-awàng
pagnanasà ng mga tao
mula sa marurungis na estasyon
tungo sa lahat ng posibleng destinasyon.
Minsan ay dinadala din nila ang mga patay
na umuuwi sa kanilang mga tahanan
at sa kanilang mga libingan.

Ngayon, batid ko kung bakit kaysakit


na hilahin ang kamay mula sa kamay,
labì mula sa labì,
kapag napupunit ang mga tahi
at binabagsak-sara ng guwardiya
ang huling pinto ng karwahe.

Eternal na pakikipagbuno sa anghel ang pag-ibig.


Mula bukang-liwayway hanggang gabi.
Walang patawad.
Madalas mas malakas ang katunggali.
Ngunit nakakaawà
ang siyang di mapapagtanto
na walang pakpak ang kaniyang anghel
at hindi magpapalà.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

156 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Isang Payong mula Piccadilly

Kapag nasa dulo ka na ng pisi ng isip tungkol sa pag-ibig


subukan muling magmahal—
sabihin natin, sa Reyna ng Inglatera.
Bakit hindi!
Ang kaniyang mukha ay nasa bawat selyong panliham
ng antigong kahariang iyon.
Ngunit kung hihingi ka sa kaniya
ng isang deyt sa Parke Hyde
pustahan tayong
mag-aantay ka sa wala.

Kung mayroon kang kahit anong sentido


Maalam mong sasabihan ang sarili:
Aba siyempre, alam kong:
umuulan ngayon sa Parke Hyde.

Noong nasa Inglatera siya


binilhan ako ng anak ko sa Piccadilly ng London
ng isang eleganteng payong.
Kung kailan kailangan,
mayroon ako ngayon sa itaas ng aking ulo,
isang munting kalangitan ko
na maaaring itim
ngunit sa mga maiigting nitong alambre
ay maaaring umaagos ang awa ng Diyos
tulad ng daloy ng koryente.

Binubuksan ko ang payong ko kahit hindi umuulan,


bilang takip
sa tomo ng mga soneto ni Shakespeare
na dala-dala ko sa aking bulsa.

Ngunit may mga sandaling tinatakot ako


kahit ng kumikislap na pumpon ng uniberso.
Dinadaig ang kagandahan nito,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 157


binabantaan tayo nito ng kawalang-hanggan
at masyado itong kawangis
ng himbing ng kamatayan.
Binabantaan din tayo nito ng kawalan at lamig
ng libo-libo nitong bituin
na siyang nanlilinlang sa atin sa gabi
gamit ang kanilang kinang.

Ang siyang pinangalanan nating Venus


ay tunay na kahila-hilakbot.
Kumukulo pa rin ang mga tipak nito
at parang mga dambuhalang alon
ang mga bundok na umaalsa
at nagliliyab ng mga talón ng asupre.

Lagi nating tinatanong kung nasaan ang impiyerno.


Ayun siya!

Ngunit anong gamit ng marupok na payong


laban sa uniberso?
Isa pa, di ko nga ito dinadala.
Mabigat na ang trabaho kong
maglakad
at kumapit sa lupa
tulad ng panggabing gamugamo sa araw
sa magaspang na balat ng puno.

Buong buhay kong hinanap ang paraiso


na dating naririto,
at siyang bakas ay nahanap ko
lamang sa mga labì ng mga babae
at sa mga kurba ng kanilang mga balat
kapag mainit sa pag-ibig.

Buong buhay kong ninasà


ang aking kalayaan.
Sa wakas ay natuklasan ko ang pinto
papunta rito.
Ito ang kamatayan.

158 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ngayong matanda na ako,
kung kaninong kaakit-akit na mukha ng babae
ang minsang daraan sa aking mga pilikmata
at ang kaniyang ngiti ang magpapainit sa aking dugo.

May hiya akong lilingon


at aalalahanin ang Reyna ng Inglatera,
ang kaniyang mukha na nasa bawat selyong panliham
ng antigong kahariang iyon.
Panginoon, iligtas ang Reyna!

Oo naman, alam na alam ko:


umuulan ngayon sa Parke Hyde.

SALIN NI P HILLIP Y ERRO K IMPO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 159


Ang Mahal na Pabelyon

Sa mga panahong naghanap ako sa gubat ng mga pino


sa ilalim ng araw ng Toskansko
at naglagalag sa mga nalalabing dingding
at nagkalat, natuyong mga balóng
ginagapangan ng yedra
at gumuguho ang mga gilid.

Sa mga panahong ako’y nakaupo,


sa bangkô ng mga sinaunang katedral
at sa harap ng mga altar, nakatunghay
sa tanyag na mga babaeng
kinoronahan ng mga bulaklaking
berso ng mga makata
at may kagandahang nakatrono gaya ng hiyas
sa dibdib ng Italya.

Ngayon, sadyang matanda na ako —


ngunit sa alaala man o sa panaginip,
mga paa’y walang alam na págod.

Kagabi, bilog ang buwan.


Sa mga Hardin ni Chotek
may liwanag ng araw
at bigong sinusubok
ng magkakasintahang
tabingan ang kanilang mga halik.

Humapon ang liwanag ng buwan nang gabing iyon


sa puting noo ng mga marmol na rebulto
sa may maliit na groto,
at ang mga mukhang karaniwang maamo
ay nakapanghihilakbot
tulad ng mukha ng mga patay
na bumabangon mula sa lupa.

160 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Tumahimik ang puwente, nahimbing ang tubig
at humimpil sa pagtambol sa basâng metál
ang maseselang sinapupunan ng líbong patak.
Subalit sa ilalim ng puwente
sa mga bulaklak ng hardin,
waring nasa laberinto,
nagtatalilisan ang maliliit na dagang bukid.

Kahit ngayon, may nagtataas ng sulo,


nagbubuhos ng lungtiang liwanag sa mga bubong,
nang mailawan ang daan, sa wakas ng sayáwan,
para sa pagal na paa ng mga mananayaw —
iilang hakbang lamang.

Kapag wala na silang lahat,


lalayo ang mga haligi ng hungkag na arkada
at parang mga piping peregrino’y
magsisimulang maglakbay.
Lalakad silang walang mga ulo
at walang mga paa at walang mga kamay
at walang mga rosaryo
kasama lamang ang kanilang baság na aninong
nagkalat sa bulwagan.

Sa sandaling iyon, dagling bubukás


ang mga tábing sa kalangitan
at sa harap ko bubungad ang Katedral
at sa baba nito ang Kastilyo
at lahat ng mga tore ng sinaunang muralya.

Tuwing tumutunghay ako sa Praha


—na pirmi kong ginagawa at laging pigil-hininga
sa pag-ibig ko sa kaniya—
ibinabaling ko ang isip ko sa Diyos
saan man siya nagtatago mula sa akin,
sa ibayo pa ng mabituwing mga ulap
o sa likod lamang ng tabing na pinapak na ng mga kulisap,
upang pasalamatan siya
sa pagpapaubaya sa aking manirahan sa naritong

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 161


dakilang kanlungan.

Sa akin at sa aking mga saya at mapangahas na mga pag-


ibig,
sa akin at sa aking mga luha ng walang pag-iyak
sa paglisan ng mga pag-ibig,
at sa aking luksang higit pa sa paít
tuwing kahit taludtod ko’y hindi makatangis.
Iniibig ko ang mga dingding niyang may pasâ ng apoy,
mga dingding na kinapitan namin sa digma
sa láyong manatili.
Hindi ko sila babaguhin kapalit ng anuman sa mundo.
Kahit pa para sa iba,
kahit pa umusbong sa pagitan nila ang Toreng Eiffel,
at hapis na umagos sa tabi ang Seine,
kahit pa para sa lahat ng hardin ng paraisong
punô ng mga bulaklak.

Kapag pumanaw ako—at lubhang nalalapit na—


sadyang mag-aalala pa rin ang aking puso
sa kapalaran ng lungsod na ito.

At walang awa, tulad ni Marsyas,


hahayaang mabalatan nang buhay
ang sinumang kumanti sa naritong lungsod,
maging sino man siya.
Gaano man katimyas siyang tumugtog
ng kaniyang plawta.

SALIN NI E RGOE T INIO

162 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ulan ng Nobyembre

Napakahina ng natutulog sa gabi!


Kapag sinasalakay ng lupit at hungkag na panaginip
sumasaklolo siya sa pagkakapikit.
Gayunman isa lamang itong barya
sa isang butas na bulsa.

Hindi ko gusto iyong mga bangungot


kung tumutulad ang dilim
sa mga lumipas.
Tumatakas ang panaginip mula sa dilim
at nagiging anino. Nagtatago sila sa araw.
Hindi mahawakan ang kanilang riyenda,
hindi umiindak ang kampanang nakasabit.
Wala silang imik.

Mas masayang managinip


nang halos dilát.
Sinuman ay maaari kong makita
kahit mga matagal nang lumisan
at aking minahal.
Dumadalaw sila sa akin
at tumatagal ang kanilang buhay
sa mga sandaling iyon.

Umuulan noong Nobyembre.


Nakaupo ako sa tren papuntang sementeryo
sa aking mga patay.
Lumalagpak ang ulan sa bintana
na tila nalukot ang salamin
At sa rabaw nito ngumingiti sa akin
ang mukha ng isang dalaga.

—Hindi na kita naaalala,


bakit ngumingiti ka pa rin sa akin?

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 163


—Matagal na akong di naiinggit
at hindi na umaasa.
Sa iyo, isa akong dalagang tulad nang dati;
Patay at hindi na tumatanda.

Wala nang pag-iral, wala na ako


kundi isang magandang alaala.
Nakapupula gaya ng isang lagok ng alak
subalit hindi nakalalango.
At hindi rin nakasasakit ng ulo pagkatapos.

—Naaalala mo ba?
Madalas akong magbasa ng tula sa hatinggabi.
Minsan, ang tilaok ng manok
ang nakapagpapatulog sa akin.

—At walang hiya akong


Pupunta sa iyo nang kusang-loob
upang magtanggal ng aking damit.
Yakapin mo ako.
Kailangan ng paglingap maging ng patay
kung labis ang layo para lakarin nila
hanggang sa dulo ang walang hanggan.

—Kung naiisip mo ako minsan


Sulatan mo ako ng ilang taludtod.
Gusto kong usisain.

Papahinto na ang tren sa estasyon


at nawala na ang mukha ng dalaga
sa mga patak sa bintana.
Habang papalabas ng estasyon,
Hindi ko tinitingnan saan ako pupunta
Habang nasasalubong ang mga tao.

Dalawang araw pa at ibubulong ko itong mga kataga


sa mga patay na kandado sa kaniyang musoleo.

SALIN NI A LYSSA M ANALO

164 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Piraso ng Liham

Magdamag humalihaw ang ulan


sa mga bintana. Hindi ako makatulog.
Kayâ binuksan ko ang ilaw
at sumulat ng liham.

Kung makalilipad ang pag-ibig


na siyempre ay hindi nito magagawa,
at hindi malimit lalapit sa lupa,
kasiya-siyang mabalot ng dayaray nito.

Ngunit gaya ng napopoot na bubuyog


ang mga selosong halik ay sumasalakay
pabulusok sa tamis ng katawan ng babae
at ang di-makaling kamay ay dumadakma
sa anumang maabot nito,
at walang hinto ang apoy ng pagnanasà.

Kahit ang kamatayan ay hindi nakasisindak


sa yugto ng nakababaliw na tagumpay.

Sino ang nakapagkalkula


kung papaanong pumapaloob ang pag-ibig
sa pares ng bisig na yumayapos!

Palagi kong ipinahahatid sa kalapating


kartero ang mga liham sa mga babae.
Malinis ang aking budhi.
Hindi ko kailanman ipinagkatiwala iyon
sa mga lawin o banóg.

Hindi na sumasayaw sa ilalim ng panulat ko


ang mga tula, at gaya ng luha sa gilid
ng mata’y bumibitin pabalaik ang salita.
Ang buong buhay ko ngayon, sa dulo nito,
ay humahagunot na biyahe sa tren:

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 165


Nakatayo ako sa tabi ng bintana ng karwahe
at araw-araw ay humahagibis pabalik
sa kahapon upang makipagtipan
sa makukutim na ulop ng dalamhati.
Kung minsan ay hindi ko mapigil humawak
sa prenong laan sa emerhensiya.

Marahil ay muli kong masisilayan


ang ngiti ng isang babae
nanabihag gaya ng niligis na bulaklak
sa mga pilik ng kaniyang paningin.
Marahil ay mapahihintulutan pa rin ako
na ipadala sa gayong mga mata
kahit ang isang halik bago tuluyang
lamunin ng karimlan ang titig nito.

Marahil ay minsan ko pang makikita


ang maliit na sakong
na tinabas tulad ng alahas
mula sa mainit na kalambutan,
upang muli akong masamid sa pag-asam.

Anong halaga ang natitira ang dapat iwan ng tao


habang paparating ang di-mapipigil na tren
sa Estasyon Lethe
na may mga taniman ng kumikinang na gamón
na ang gitna’y may pabangong makapagpapalimot
sa lahat. Kabilang ang pag-ibig ng tao.

Iyan ang pangwakas na hinto:


hindi, hindi na makauusad pa ang tren.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

166 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Apat na Maliit na Bintana

Kung may estrangherong magtanong sa akin


kung saan sa Prague ang lubos kong kinagigiliwan,
Walang pag-aatubili kong sasabihin:
Ang Bagong Hagdanan na paakyat sa Kastilyo.
At sa sarili ay idadagdag ko:
At ang munting hardin ng eskultor na Wichterlová
na nasa libis ng buról ng Petřín.

Pakikinggan ko ang talón na naroon


sa ilalim ng balantok ng hydrangea.
Munti lamang ito at banayad ang awit,
ang mabining awit ng tubig.
Ngunit sa takipsilim, higit na nakaaantig
ang kaniyang tinig kaysa huni
ng ruwisenyor na naroon
sa ilalim ng bubong ng mga bituin.

Itinutulak tayo ng hagdan na hindi manatili


sa ibaba kundi umakyat pang paitaas.
Doon ay laging mayroong kamangha-mangha.
Ngunit kung sa hagda’y may marinig ako
sa aking likod ng mga yabag ng isang paslit,
iyon ay walang iba kundi ako mismo,
ang labing-apat na taong gulang na ako.

Ang apat na maliit, lumuluhang bintanang iyon


sa estudyo ni Jan Zrzarvy
ay nakatanaw sa Prague
na tigib pa rin ng pagluluksa sa pintor.
Bitak na ang kaniyang paleta,
yuyot at matigas ang kaniyang mga pinsel.

Dinalaw ko siya ilang taon nang nakalipas.


Isang hapon iyon
at naghahanda siyang magpinta.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 167


Nang buksan niya ang unang bintana,
nakita niya ang matandang monasteryong Capuchin
na malapit sa San Loretto.
Sa labas ng monastery ay isang bakal na krusipiho
at sa ilalim nito ay isang pumpon ng lila.
Tagsibol noon.

Sa ikalawang bintana,
tiningnan niya ang ilang kubo ng Okrouhlice
na kinagigiliwan niyang pasyalan.
Sila ay mga tao at kalugod-lugod, at parang nagsasaya
na tila paggunita ng Corpus Christi.
Isang kawawang anghel ang namimitas
ng mga bulaklak na ilahas
sa gilid ng taniman ng mais.

Sa ikatlong bintana ay nakatayo


ang parola ng Ile de la Seine.
Makikitang papalapit na ang taglagas
at iniilawan ng parola ang mga bahay ng mangingisda
na may pagmamatigas na nakatalikod sa dagat.

At sa wakas, sa huling bintana


ay ang haligi at Palasyo ‘ducal
at sa likod nito ay ang mga simboryo ng San Marko.
Kulay rosas ang mga ito at ginintuan.
Subalit, Diyos ko, nasaan na ba ang kawang iyon ng
kalapating
Lumilipad mula sa Palasyo ng Doge?
Naroon sila sa plasa ng Malá Strana
na maraming sasakyang nakaparada
at sa gitna ng alikabok ng niyebe ay kumukutkot
ng mga butil na halimuyak ng gaas.

Nang maisara na ng pintor ang mga bintana,


Sinimulan niya ang pagpipinta.

Noong bata pa ako, nauupo ako sa mga baitang


na nasa ilalim ng pader ng Kastilyo

168 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


at mahalay na pinanonood ang mga hita ng mga babaeng
nagmamadaling dumaraan at walang pakialam,
at winindang ng hangal na pagnanasa ang aking bait.
Ngunit takot pa din ako sa pag-ibig.

Hanggang isang araw, may yumuko sa akin,


hindi ko alam kung sino siya,
at pabulong na sinabi sa aking harapan:
Ano’ng ikinatatakot mo? Tumayo ka
at sundin mo!

Umaapaw sa mga bulaklak ang hardin ng Seminaryo,


Sapat upang umapaw sa paningin,
at ang tanawan sa tore sa itaas nito
ay hindi pa gawa sa bakal.
Mistula itong maringal na tutubi,
palutang-lutang sa hangin,
may mga pakpak na lubhang linaw
ay hindi na sila maaninag.

At ako ay tumalima, tumayo


at umalis.

SALIN NI J OHN E NRICO C. T ORRALBA

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 169


Ang Puntod ni G. Casanova

Noong ang búhay ay parang panaginip


kahit hindi naman talaga panaginip,
noong hibang tayo sa paniniwalang
ang mga araw ay isinilang para sa mga ngiti
at ang gabi ay para sa mga pag-ibig,
may isang babaeng may ginintuang buhok ang nagwika sa
akin:

Paalam! Ayoko na
sa bulaklak na itong inihandog mo.
Ialay mo na lang kaya ito sa puntod ng libertinong iyon,
yaong manghahalay ng mga birhen,
na nananatiling deboto sa pagmamatyag
sa kanilang nagbabagang lihim
sa kandungang isinasara nang mahinhin,
yaong manunukso ng kababaihang marangal,
tungkol sa kanilang iyong isinasalaysay sa akin
nang makabagbag-damdamin.

Nagpaalam na rin ako sa kaniya


at nangako
nang nakipagkamay pa.

Matagal nang tumigil sa pag-atungal ang mga unos sa


aking langit,
namayapa ang kidlat
tila kandila sa mga kandelabra sa isang piging.
Mas maputi pa ang aking buhok
kaysa arminyo ng mga kapa
bumabalot sa mga Kanon
ng Kabanata ni San Vito
kapag nakaluklok sila sa mga silyang kahoy
sa mga gabing maniyebe.

Hindi napapako ang aking pangako

170 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


bagamat may ilang taon na rin naman
ang kumaripas mula sa kanilang mga kasuotan,
tungo sa mas lumang kasuotan,
at isang araw ako ay tumungo sa isang bayan
sa Timog Bohemia
kung saan ang mga rosas ay amoy-uling
at kung saan ang iyong mga ngipin ay nanggigil
hindi sa asin o sa buhangin
kundi sa alikabok na itim.

Matagal nang pumanaw ang binibini.


Kaybata niyang sumakabilang-buhay
at babahagya niyang nakilala ang pag-ibig.
Nakahimlay siya sa kaniyang makináng na bungkos ng
buhok
walang iniwan sa santo
at sa kaniyang dalagang dibdib,
parang dalawang baliktad na bulaklak ng kiyapo,
bagaman medyo natutuyo,
kipkip niya ang abanikong bahagyang nakabukas,
kulay-rosang bahay-gagamba.
At siya ay mas patay pa
kaysa baling pakpak ng sisneng
pinaslang sa kung saan sa Royal Deerpark.

Si Ginoong Giovanni Giacomo Casanova


de Seingalt
ay nakahimlay sa Duchcov
nasa may pader ng sementeryo
sa may kapilya ng Santa Barbara.
Sinirà na ang sementeryo
at inilibing na rin ang mga libingan.

Ang natira lang sa mga pinag-usapang pakikipagsapalaran


ni G. Casanova
ay ang abong kulay ng mahahabang daan
at sa kaniyang mga pag-ibig
ay ang hangin ng tagsibol lamang.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 171


Samantala, ang kaniyang alabok ay sinipsip
ng lupa ng Bohemia,
malayo sa Venecia,
sa mahal niyang lungsod.

Ano pa nga bang dapat idagdag sa kuwentong ito?


Parang wala na.
Maliban lang sa katunayang ang ating buong búhay
ay isang mapait, mabusising paghahalungkat lamang
sa ating mga sariling hukay.

SALIN NI V IM N ADERA

172 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ang Maging Makata
Itinuro sa akin ng buhay noon
na ang musika at tula
ang pinakakatangi-tanging bagay sa mundo
na maibibigay sa atin ng buhay.
Maliban, siyempre, sa pag-ibig…

Sa isang lumang teksbuk


na inilathala ng Imperial Printing House
sa taon ng kamatayan ni Vrchlicky
hinagilap ko sa seksiyon sa teorya ng pagtula
at mga ornamentasyon ng pagtula.

Pagkatapos ay nilagyan ko ng isang rosas angbaso,


nagsindi ng kandila
at sinimulang sulatin ang una kong mgaberso.

Sumiklab, apoy ng mgasalita,


at pumailanlang,
kahit pa lumiyab ang aking mga daliri!

Higit pa ang isang nakagugulantang na talinghaga


sa singsing sa daliri.
Subalit maging ang diksiyonaryong pantugma ni
Puchmajer
ay may silbi sa akin.

Nabigo akong makakuha ng mga idea


at mariin kong ipinikitang mga mata
upang marinig ang unangmahiwagang linya.
Ngunit sa karimlan, sa halip na mga salita,
nakita ko ang ngiti ng isang babae at
ang buhok niyang ginulo ng hangin.

Iyon ang aking kapalaran.


At pasuray at hinahabol ang hininga ko iyong
pinupuntahan
Habambuhay.

SALIN NI G RACE F. B ENGCO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 173


The Bombing of the Town of
Kralupy

174 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Verses from an Old Tapestry

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 175


Isang Konsiyerto ni Bach

Hindi ako nagpapatanghali sa pagtulog


Nagigising ako ng pang-umagang trambiya,
at madalas ng mga sarili kong berso.
Sinasabunutan nila ako palayo sa kama,
hinihila papuntang mesa,
at oras na makusot ko ang aking mga mata
ay pinagsusulat na nila ako.

Pinapagkit ng matamis na laway


sa mga labi ang isangkatangi-tanging sandali
hindi ko pinag-isipan
ang kaligtasan ng kahabag-habag kong kaluluwa,
at sa halip na walang hanggang kaligayahan
ninais ko ang mabilis
at sandaling kasiyahan.

Nabigo ang mga kampana ng pasayahin ako:


Nagpupumiglas kong pinili ang lupa.
Puno ito ng halimuyak
at mga kapana-panabik na misteryo.
At nang tumingin ako sa papawirin sa gabi
hindi ko hinanap ang kalangitan.
Higit kong kinatatakutan ang mga black hole
na nasa gilid ng uniberso;
mas nakapanghihilakbot sila
kompara sa impiyerno.

Narinig ko ang tunog ng harpsichord.


Isa itongkonsiyerto
ng oboe, harpsichord, at mga kuwerdas
ni Johann Sebastian Bach.
Saan man iyon nanggaling ay hindi ko alam
ngunit malinaw na hindi mula sa daigdig.

176 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Bagaman hindi pa ako tumikim ng alak
sumuray ako nang kaunti
at kinailangan kong pag-aralan ang aking sarili
gamit ang aking anino.

SALIN NI G RACE F. B ENGCO

Dibertimento Nokturnal
Allegro non tanto

Dumidilim na. Ngunit huwag buksan ang ilaw.


Gusto kong tingnan ang mata mo
sa takipsilim.
Buweno! Kumusta ang Vienna?

Nagbibili pa ba sila sa palengke


ng mga pumpon ng labanda,
bango ng lumipas na mga pag-ibig
sa hanggahan ng milenyo?
Isinasama ito ng nanay ko sa mga damit niya
na pangwaksi sa insekto.

Nagsasayaw pa ba sila sa Vienna


hanggang yumugyog ang mga kandelabra?

Kumusta ang mga babae?


Ang naggagandahang taga-Vienna,
sige pa rin bang nanghahalik
nang walang alinlangan at napakarahan
upang ibaon lamang ang tinik ng pag-ibig
nang higit na malalim
sa ibutod ng puso?

Madalas pa rin namang mangyari

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 177


iyan dito.
Ayaw mong maniwala?
Sa akin nga, nangyari,
mantakin mo, sa panggabing tren pa
mula Prague patungong Berlin.

Ang mga lalaki? Wala pa rin ba silang muwang


sa kahiya-hiyang paglibing nila
sa kanilang si Amadeus,
ang anghel sa musika ng mga anghel,
ang pinakabantog na mang-aawit
sa hagdan ng trono ng Diyos?
Nahihiya pa rin ba sila kahit paano
sa mata ng mundo?
--Iyan ang hindi ko alam. Marahil.

At nauuna pa ba ng dalawa o tatlong ngiti


ang buhay sa Vienna
hambing sa anumang lugar
ng dating monarkiya?
Tulad pa ba ng dating
kay sarap-sarap sa Vienna?
--Hindi na.

Adagio

Naniniwala ka ba sa panaginip?
--Matagal nang hindi.
Nagising na din ako sa pananaginip
at nasa matatag nang lupa ngayon.
Subalit!

Kumusta ang talaan mo ng panaginip?


--Matagal na mula nang
huli kong buksan ang aklat.
Hindi ako kailanman nagwagi sa buhay ko,
maliban sa pighati.
Kasama pa ang ilang pagluha.
Subalit!

178 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Ano ang masasabi diyan ng mga makata?
--Nagsisinungalang lang sila!
Nakilala ko ang isa sa kanila.
Wala siyang napapaginipan sa gabi
at parang tiniba kung matulog.
Ngunit paggising niya sa umaga
at makapagtsinelas, magkukuwento
siya ng napakagarang panaginip.

Masama ang pagtulog ko,


at kapag nahimbing ako,
napupunta ako sa mga kakaibang lugar.
Minsan natatakot ako doon
at pinakamabuti na ang di-kanais-nais.
Ni minsan sa mga panaginip ko
na naglakad ako sa piling ng mga rosas.
Subalit!

Gayon man, nagpapasalamat ako sa gabi


sa mga natatanging sandali,
sa katiwasayan at kadiliman nitong
nakakahalubilo ko ang namayapang
minahal ko sa buhay na ito.

Aba, kahit sa ating lupain,


May himala pa rin minsan!

Dumarating ang namapayapa mula kung saan


at walang kamatayang nakapagitan sa amin.
Ngunit muli silang lilisan,
patungo sa kung saan.
Di nila pansin ang pagsamo kong tawag.

At muli, nasa piling natin


ang kamatayan.

Tempo di menuetto
Ngunit kagabi, nakapanaginip ako
ng maganda.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 179


Sa kaibuturan ng gabi, may kumatok,
tapos katahimikan,
na parang hindi kahoy
ang pinto ng silid ko
kundi piping lana.
Gayonman gumising ako
at pumasok ang bisita.

Alam mo ba ang The Marriage of Figaro?


--Oo naman.
Si Cherubino pala!

Alam kong alam mong itong papel


ay dapat kantahin ng babae,
at hirap ang mga tagabihis
sa kamerino
na maisintas ang mga suso
upang magmukhang tunika ng binatilyo
upang maging hindi pansinin ang kanilang bighani
hangga’t maaari.

Walang napapansin
si Senyor Konde Almaviva
ngunit tuwang-tuwa kong nasaksihan ang lahat,
kahit madalas matakot
na baka makalas ang mga sintas
kapag umaarya ang kantora
at kailangang suminghap.

At umupo sa silyon ko si Cherubino


sa kutsong poliestireno
singgaan ng
isang paruparo
sa sutlang bulaklak.
Isang munting pagpag ng pulbos
ang kumiliti sa tungki ko.
Mangako ka sa akin—bulong niya,
yumuko sa itaas ng mukha ko
para makapagsalita nang pabulong—

180 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


na walang salitang magkakanulo
sa ipinagtapat ko sa iyo.

Sang-ayon at agad na sumumpa ako


sa kaniya, at sigurado akong
malamang na nakapagsinungaling ako.

Napaniwala ang daigdig


na napasadlak ang labi ni Mozart
sa puntod ng pulubi
sa isang sementeryo sa Vienna.

Ngunit minahal siya ng Prague.


Kaya siya, na may musikang
sumuot sa ilalim ng mga bubong nitong lungsod
at lumigaya siya dito,
at higit na maligaya
nang tawirin niya ang pamilyar na lagusan,
ay nailibing din dito.

Napakapalad na kahit sa ating lupain


nangyayari pagkaminsan ang himala.

Hindi nailibing sa kapritsosang Vienna si Mozart.


Nasa Prague ang puntod niya,
sa gulod ng Petrin.

Nasisira na ang puntod niya sa ngayon.


Napakatagal nang panahon!
At walang nakaaalam.
Walang kurus sa ulunan kundi
palumpong ng hasmin,
sa mismong puntod ay isang pumpon ng mga biyoleta.
At ang nakapaligid na damo ay nasasabugan
ng ginto...

Allegro con spirito


Hindi ko nakuha ang huli niyang mga salita
habang namumulat na ako.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 181


Agad kong isinarang muli ang mga ito
upang maituloy ang panaginip.
Ngunit hindi na nangyari.
Hindi na nagbalik si Cherubino.

Nagising ako nang maagang-maaga


at sumagsag sa Gulod Petrin.
Gising na ang mga ibon
upang tapusin ang kanilang awit
bago pa dumating ang mga tao.
Sa mga upuan, naroon ang hamog
at wala pang gumagambala.

Madali kong natagpuan ang puntod


dahil sa mga biyoleta doon.
Ang mga ginintuang patak
ay sa mga kawawang rosita pala.

Hinawakan ko sa daliri ang damo


at nagkurus nang mumunti,
sa paraang kinasanayan kapag hiling
nating mabati ang pumanaw
at may nais maiparating sa kaniya.

Alam ko na kung bakit naiibigan


ang kalapit na upuan,
lalo na ng magkakasintahan,
at kung bakit ang mga ibon dito
ay umaawit nang nagdiriwang.

Sa ibaba, nagigising na ang Prague.


Minahal siya ni Mozart.
At tulad ng magandang si Lori sa paanan ni Macha
gayong-gayon ang Prague
sa paanan ni Mozart.

SALIN NI R OMULO P. B AQUIRAN J R .

182 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


View from Charles Bridge

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 183


Mahal na Birhen ng Žižkov

Nang sa wakas ay dumating ang Mayo,


at hinamugan
ng tagsibol ang mabulaklak nitong sinag
sa mga bubong sa looban,
itinatanim ng ina ko ang mga tuhod niya
sa simbahan ng San Procopius
at nagdarasal sa Mahal na Birhen.
Tuwing Mayo, dama niyang malapit siya rito.

Isinisiksik ang sarili sa altar,


mistula siyang tumpok ng sira-sirang damit,
naiwanan ng kung sino.
—Ikaw ang ipinagdarasal ko, lokong bata!
Lihim akong ngumiti.

Nahirati ako sa Latin sa eskuwela.


Binabasa namin si Virgil,
at sa aking bungo’y umalingawngaw ang ritmo
ng mga makatang Romano.
Nagsimula na rin akong tumula.
Naglalakad-lakad ako’t kumakanta
Nang mahina’t sintunado.

Isinusuka ko ang matematika.


Kapag nagsusulat kami ng sanaysay
nasisindak ako
at kung gabi’y nagigising
at balisang-balisa.

Minsan, naisip kong magdasal


ngunit kinalimutan na lamang ang ideya. Nakahihiya
ang magsumamo ng tulong mulang Langit.
Hanggang isang araw nang mabatid ko
Ang kung ano ang sindak.
Nakasisindak na sindak.

184 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nagunita ko ang pananalig ni ina
At maingat na ginunam:
Akalain mo!
Di naglaon, nilalakad ko ang lamig ng landas
patungo sa dambana ng Žižkov,
patungo sa altar na punô ng liryo.
Ngunit ang halimuyak ng mga ito’y pumait sa dila ko,
tulad ng malagkit na dagta
ng dientes de leon.

Nagmamadali akong nagmakaawa sa Birhen


Na sa akin ay mahabag!
Na maawa at mamamagitan
upang ang dalagitang minamahal ko,
halos maglalabing-walo pa lamang,
bumabangong lubhang lulugo-lugo,
hindi kumakain at hindi natutulog,
lumbay at lumuluha,
ay, mahabaging Langit, hindi nagdadalantao.

Bumaling ang rebulto ng Birhen,


malamig, sa aking mga mata.

Ngunit ilang araw ang lumipas,


humalimuyak na muli ang mga bulaklak,
kaybango tulad nang dati.

At muli, nadama ko sa mga labi


ang tamis ng masasayang halik.

SALIN NI L OUIE J ON A. S ANCHEZ

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 185


Ang Relay Tower
para kay Vladimir Justl

Naririto na ang taglagas, at ang solitaryong paruparo


sa balkonahe ng ubasan
ay pumapagaspas sa namimintog na ubas, naghahanap
ng solitaryong bulaklak.
Hindi ko alam sa ibang lupain, ngunit dito
minamahal ng mga makata ang ubasan.

Noon, pilyo ako’t bata,


at madalas ang pagpupuyat.
Nagpapalipas ako sa paglalakad
sa makikipot na daan sa Lumang Bayan.
At habang nagsisigawan sa isa’t isa
ang mga puta
bumibigkas ako ng mga tula ng pag-ibig
sa aking paghinga,
at tila inaanod ako kasama
ang mga tala ng mga kilalang konstelasyon
sa isang nagningning na kalawakan.

Mula sa malaya nating buhay


bumababa ang gabi
tulad ng isang tuyot na talulot na rosas,
bumabagsak sa pagitan ng madidilim na tarangkahan
ng lumipas, saan walang nagbabalik
maliban sa naaaninag na alaala.

Naniniwala ako noon na ang tula, walang hanggang


kasiyahan, ay nagmamasid sa akin tulad ng isang anghel,
sumusuray, nakayapak, kasama ako
sa putik at alikabok.

Dapat noon ay lumuhod ako,


lumuhod sa lupa,

186 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


kung saan ako nararapat.
Kahit binantayan niya ako ng araw at gabi,
wala naman siyang ikinabahala.

Minsan naglalakad ako pauwi,


isang tagsibol, sa may Burol ng Petrin.
Magdamag na bukas ang liwasan
at nakakatagpo ko ang mga magsing-irog.

Dito, isang umaga ng tagsibol,


pagod,
ay naupo ako sa nahamugang upuan
sa ilalim ng mahalimuyak na balag.

At sa aking harapan ang larawang tinatangi:


sa likod ng nagsasaulap na lamig,
na nababasag sa bukangliwayway,
ay ang Katedral at ang Kastilyo.
Nahihimbing ang Kastilyo.

Inilagay ko ang aking ulo sa bisig


at pinagmasdan ang namumulaklak na puno
ilang hakbang ang layo mula sa akin.
Hindi pa bumubuka ang mga rosas
at walang tagapakinig ang ruwisenyor.

Sa sandaling iyon dumating


sa akin ang ilang taludtod
na bumabalikwas sa aking isipan.

Malumay na nangusap ang unang linya,


at ipinagpatuloy ng kasunod
ang kaniyang pag-awit,
at ang ikatlo at ang ikaapat
ay ikinawing ng eleganteng kawit
ng makislap na tugma.

Awit iyon para sa’yo, Irog ko:


higit itong marikit kaysa kuwerdas ng mga perlas,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 187


ikatlong ulit ang pulupot sa iyong leeg.
At ninais kong ngayong umaga ko
ialay sa iyong kandungan bilang maliit na handog
para sa iyong matiyagang pagmamahal.

Nang matapos ko ang tula


agad akong tumayo
at nagmadaling dumaan
sa mga kuta para makauwi
sa piling ng mga ilahas na palumpong
at ang alambreng lumalambat sa mga hardin
na nakapaligid sa Relay Tower
na natatanaw mula sa aking bintana.

May pagmamadali akong naupo


at nagsimulang magsulat.
Ngunit Diyos ko!
Hindi ako makapag-isip kahit
isang linya!

Ang mga taludtod ng mahikal na umaga—


Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin.

SALIN NI E NRIQUE S. V ILLASIS

188 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Demolition Report

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 189


Awit mula sa Intermezzo

Sakali’t may magtatanong sa akin


kung ano angtula
ilang sandali akong magugulumihanan.
Bagaman batid ko ito nang lubusan.

Muli’t muli kong binabása ang mga pumanaw nang makata


at paulit-ulit
na tinatanglawan ng kanilang mga berso ang aking
daraanan
tulad ng apoy sa karimlan.

Ngunit hindi naninimbang ang buhay;


niyuyugyog tayo paminsan-minsan
at tinatapakan.

Madalas akong nangangapa hinggil sa pag-ibig


tulad ng isang nawalan ng paningin
at sa mga sangang puno ng mansanas
ay dinarama ang kapintugan ng prutas sakamay
na nananabik dito.

Kilala ko ang mga bersong


may kapangyarihang palayasin ang masasamang espiritu
sa lahat ng impiyerno,
kayang hiklasin ang mga tarangkahan ng paraiso mula sa
kanilang mga bisagra.
Dati ko iyong ibinubulong sa mga namamanghang mata.
Hindi kata-takang itinataas nila ang mahihinang braso
At sinasakmal ang kanilang takot
sa bisig ng pagmamahal!
Ngunit kung may magtatanong sa aking maybahay
kung ano ang pag-ibig
malamang ay magsisimula siyang umiyak.

SALIN NI G RACE F. B ENGCO

190 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Mga Taludtod para sa Pintor
na si Ota Janeček

Noong aking kabataan, gaano kadalas ko nga bang


pinangarap
maging isang pintor!
Ipipinta ko ang mga babaeng
singganda ng mabituing kalangitan.
Sa halip, sa aking katandaan,
nakikipagbuno ako sa mga salita.

Bago pa man ako nakaisip ng berso,


ng isa lamang berso,
di ko pa man nasisindihan ang aking pipa,
nakaguhit na si Ota Janeček
ng isang kahali-halinang hubad.

May mga itim na kislap sa kaniyang mga pilik


at bughaw sa kaniyang mga mata.
Bago pa man mapilas ng pintor ang papel mula sa
kaniyang kuwaderno
Mahal ko na ang dalaga
nang labis-labis.

Ilang dalagita at dalaga ba ang hindi niya nadamitan


ng mayuyuming linya
kaya”t nagmistula silang hubad!
Nang sipatin ko ang kaniyang mga iginuhit
ngumiti ang pintor
sapagkat hindi ko lubusang mapagsawa ang aking mga
mata
sa kanilang kariktan.

Gawa sila sa kalambutan at kaselanan


nilikha sila sa tuwa
at mga butil ng hamog

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 191


na kumikibot sa kurba ng talulot
tulad ng maligayang halakhak
kapag nagsimulang umawit sa umaga ang katyaw
at bumuka ang mga bulaklak.

Kinabukasan, namamasyal ako sa Prague.


Lahat ng sinaunang siyudad ng Europe
ay hamak na magaganda tuwing tagsibol.
Hápon na iyon
at siksikan na ang mga kalye.

Madalas akong napapatigil sa kabiglaan.


Nakatitiyak akong nakita ko na ang mukhang iyon!
Ngunit hindi ko kayang tanggapin
na paminsan-minsan ay sumisilip ang kalikasan
sa balikat ng pintor.
Ngunit ang katapusan ng aking paglalakbay
ay nalalapit na.
Ang panginorin na laging naglalaho sa bawat hakbang
ay tumigil na para sa akin.
Dumating na ang panahon para sa isang buntonghininga:
Paalam. . .
Sa awit ng ibon sa pumpon sa ilalim ng aking bintana,
sa pabango ng mga bulaklak:
at sa huli ay para rin sa aking minamahal na paningin.
Sinamahan nila ako sa aking buhay
tulad ng mga bituin.

Ngunit kung lilingunin ko ang aking naging buhay


para sa akin
tila ito ang mga tanging dahilan
upang mabuhay.

SALIN NI G RACE F. B ENGCO

192 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Hinggil sa Aking Magulang

B atid kong walang magtatanong nito sa akin, iyan ang


malinaw, ngunit sakali’t may kung sinong magkainteres,
at tanungin ako hinggil sa kasal ng aking magulang,
kailangan kong ilarawan ang kanilang pagbibigkis sa
kontemporaneong pakahulugan: Ito ang pagsasama ng
dalawang tao na may magkaibang pananaw sa daigdig.
Sosyal-demokrata ang aking ama, samantalang ang ina
ko’y tahimik, lirikong Katoliko na sumusunod sa dibino at
eklesyatikong mga batas hangga’t maaari. Mahilig siyang
magsimba. Iyon ang kaniyang dibersiyon mula sa araw-
araw na rutina, mula sa mekanikal na pagkakasunod-sunod
ng arawang trabaho. Iyon ang kaniyang panulaan. Bihira
siyang magkomunyon—at madalas na ginagawa lamang
iyon kung may kamalasang naganap. Ipinapalagay niyang
parusa iyon ng Maykapal, at ibig niyang pahupain ang
kalangitan.

Magkaiba kung humarap sa búhay ang aking


magulang, ngunit may armonya at may pagsasakripisyo
ng sarili, at sa panahon ng digmaan, ay may kasamang
pagkagutom. Natatandaan ko kung paanong kumalam ang
aking sikmura. Tiyak na batid ng ina kong makontento sa
pag-upo sa malalamig, mamasà-masàng sahig na bato ng
simbahan sa Žižkov, at manambitan nang tapat kay Birheng
Maria hinggil sa taglay na pasakit, at marahil nagsisikap,
kahit mabigo, na isabit sa mahahabà, maririkit na kamay
ng Birhen ang rosaryong yari sa kaniyang mga luha. At
maglalakad ako paroo’t parito sa gitna nila, mulang mga
pulong ng Pulang Watawat at “Sanlibong Binabati Ka
Namin” sa isang araw o gabi. . . .

Kung ako’y magrereklamo, magsisinungaling ako.


Ang kanilang magkaibang pananaw sa daigdig ay hindi
nagdulot sa akin ng anumang balakid. Ibig kong sumáma
sa aking ama sa mga pulong pampolitika at pagtitipon ng

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 193


masa, at nais ko ring sumáma sa aking ina at umawit ng
mahahabang himno ukol kay Birhen Maria, na nakatayo sa
plateang inuupuan ng aking ina. . . .

Ngayon, kapag tumindig ako sa harap ng urna ng


aking magulang, ikukumpisal kong higit kong minahal ang
aking ama. Higit na malapít ang ama ko sa akin kung may
kaugnayan sa kabuuan ng karakter ko. Mahal ko siyempre
ang aking ina, ngunit namamalayan ko na lamang na ang
nadarama ko para sa kaniya ay habag sa tinamo niyang
masaklap na kapalaran.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

Ang Estudyante at ang Puta

T umabi sa akin ang kaibigan ko doon sa paaralan at


ibinulong niya sa akin ang makitid na kalye sa bahaging
Malá Strana ng Prague, na may ilang putahan. Tinagurian
itong “Kalye ng mga Bangkay” ng madla. Ang mga batang
babae’y hindi pinapayagang lumabas ng mga bahay, aniya,
at mahigpit silang binabantayan. Karaniwang ang mga lasing
na sundalong Húngaro ang nagpupunta roon. Nakasuot ng
negligé ang mga babae, at nakaupo sa kandungan ng mga
kawal, at ang mga kawal ay hahalikan sila kung kailan nila
ibig. Iyon lamang ang kaniyang alam. Nakipagkamay ako sa
aking kaibigan at ipinangakong hindi ko ibubunyag kanino
man ang gayong impormasyon.

Iyon ang mga huling buwan ng Unang Digmaang


Pandaigdig, at ang Prague ay hitik sa mga sundalong
Húngaro.

Kinabukasan, hangga’t maaari, ay maagap akong


nagtungo sa Malá Strana, para mag-usisa at para sa iba
pang dahilan. Malayo iyon sa Žižkov. Tumibok nang mabilis

194 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang aking puso. Sa talipapa’y nakabukás pa rin ang ilang
tindahan ng gulay at prutas. Ang matadero, na may tindahan,
ay nagbibili pa rin ng kaniyang paninda sa kalye, sa labas ng
puwesto ng matadero. May ilang maputlang puting tupa ang
nakabitin sa bintana ng kaniyang tindahan, na may pink na
laso sa lalamunang ginilitan. Nagpagala-gala ako panandali
sa mga tindahan ng talipapa, at nagbantulot nang bahagya.
Sakâ ako mabilis nagpasiya at tinumbok ang Kalye ng mga
Bangkay, na may ilang hakbang lámang. May kutob ako
na batid ko kung saang kalye iyon. Tama ako. Nakasaad
sa panandang metal ng kalye ang “Kalye Břetislav,” ngunit
natuklasan ko pagkaraan, na hindi ito tinatawag nang
gayon. Tinawag itong “Kalye ng mga Bangkay” dahil sa
prusisyon ng mga kabaong ay paakyat sa sementeryo doon
sa Gulod Juan. Pinanatili ang tawag sa kalye kahit matagal
nang wala ang sementeryo. Maikli, makitid na kalye iyon.

At wala ni isang tao saanman. Umakyat ako nang


bahagya sa kalye na malapit sa mga bahay at nag-usyoso
sa mga bintana sa ibabang palapag. Walang tinag ang mga
nanlilimahid na kortina. Halatang ang katanghalian ay hindi
panahon para sa pagtatalik. Ang mga babae’y nagsisiyesta
marahil makaraang magtanghalian. Bumalikwas ako sa
Gulod Juan, nanlumo, at naglakad pabalik. Nang marating
ko ang bahay sa ibaba, narinig ko ang mahinang katok sa
bintana. Sumilip ako. Hinawi ang kortina, at nakatayo sa gilid
ng bintana ang dalagita na may itim na buhok na nakatirintas
at nakabalatay sa balikat. Sa labis na pagkagulat ay nanatili
akong walang tinag.

Nang mapansin niya ang aking nahihintakutang


tanaw, ngumiti lamang ang babae at nagwika ng kung ano
sa akin, ngunit hindi ko marinig ang kaniyang tinig sa likod
ng salamin. Makitid ang kalye at ang dalawang hakbang ay
hindi sapat, at ako’y nasa kabilang panig ng kalye. Mabilis
makalulundag ang sinuman palampas doon. Muli, sumilip
ako sa bintana nang higit na kalmado. Nakangiti sa akin ang
babae na magaan ang loob, at napawi nang bahagya ang
aking pangamba. Nang mabatid niyang ako kinakabahan

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 195


at bantulot, tinanggal niya ang butones ng kaniyang puting
blusa sa isang iglap. Namutla ako nang may pagkatigagal,
pagkaraan ay sumulak ang dugo sa aking ulo. Nataranta
ako nang masilayan ang mga lantad na suso ng dalagita.
Tumayo ako doon nang tuliro, na waring tinamaan ng lintik
ang bangketang malapit sa akin. Nagpatuloy na ngumiti
sa akin ang babae at nangatal ako. Nanatili ito nang ilang
saglit. Marahang ibinutones ng dilag ang kaniyang blusa, at
kumampay siya upang pumasok sa loob. At muling nagsara
ang mga kortina.

Tumalilis ako dahil sa pagkalito.

Nais kong mag-isa. Humangos ako sa Kalye Italyano


at huminto sa ibabang hagdan, sa Parke Seminaryo.
Ganap na namumukadkad ang hardin. Napakasuwerte ng
mga punongkahoy na namumulaklak. Naging panatag ako
sa pagsilay sa mga sangang sumisibol. Ang kagandahan
ang nagbibigay sa atin ng kapanatagan sa daigdig na ito.
Sa musikang sagitsit ng mga bubuyog ay naisaayos nang
bahagya ang isip, at kumalma ako. Pinilit kong maging
tahimikin ang puso.

Mula sa aking kabataan, bago pa man ako naging


maláy, kabilang ako sa matatapat na mananampalataya
sa isa sa pinakamaririkit na mito ng daigdig. Naniwala ako
sa mito ng pag-ibig ng babae. Ngayon ay napakahirap
itong hanapin. Ang mga babae’y iwinaksi ang kanilang
di-nakikitang limbo, at sinuklay sa kakaibang paraan ang
buhok. Nakapanghihinayang. Wala nang hihigit pang
kagandahan sa daigdig kaysa lastag na bulaklak at lastag
na babae. Alam kong pamilyar ang mga tao sa ganitong
kagandahan, ngunit malimit silang misteryosa sa atin, at
nais nating tuklasin sila nang paulit-ulit. . . .

Ang unang pagsilay ko sa katawan ng babae na


ikinubli ng maalikabok na bintana sa unang palapag na
bintana ang kumawala sa aking puso, gaya ng bombang
de-orasan. Itinago ko ang gayong hulagway, na malinaw

196 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


at kumikinang, sa aking paningin. Nanatili iyon sa akin, at
sa matagal na panahon ay pinagnasahan nang malimit; sa
unang pagkakataon ay sadyang nagsumamo ako para sa
pag-ibig.

Anung dalisay ng kapurihan ang dalawang


namumulang bilugang bulaklak, wari ko, gaya ng katawan
ng dalagitang unti-unting sumasapit sa di-matitinag na
hanggahan ng pagkadalaga. Wala na akong minithi pa kung
hindi ihimlay ang ulo sa pagitan ng mga ito, at idiin ang
labì sa gayong kaluguran at sa gayong halimuyak. Ngunit
pumulupot ang di-nakikitang lubid sa aking mga paa dahil
sa takot. . . hindi na ako pumasok sa madilim na eskinita
patungo sa babae. . . Sa wakas, gayunman, napilit ko ang
sariling sumubok. Nagpasiya akong humakbang tungo sa
tadhana. Hinatak ako ng pagnanasa. Makaraang ipunin
ko ang tapang at pihitin ang tatangnan ng pinto, lahat ay
naging napakadali. Ilang hakbang lamang. Pipikit ako at
pagdadaitin ang mga ngipin. Ilang segundo lamang. Sa
gayong kapasiyahan, nagbalik ako sa bahay. Sa tarangkahan
ay natagpuan ko ang isang huklubang babae. Napansin
niya ang aking tákot at pagbabantulot, at mabilis niyang
hinaltak ang aking manggas. Bungal siyang bumulong sa
akin ng kung anong kalibugan sa magagandang babae na
nasa loob at naghihintay para sa akin para piliin ang isa sa
kanila. Tinabig ko ang kaniyang kamay at muling tumalilis
palayô.

Hindi ako nagtúngo sa Malá Strana nang ilang araw. At


pagkaraan ay sumumpa akong susupilin ang takot ng isang
malamya, ang aking kaduwagan. Ngunit sa pagkakataong
ito, nang marating ko na ang kalye, doon sa bangketa sa
harapan ng bahay ay may matabang daga. May kung anong
hinihila ito nang kagat-kagat. Mabilis nitong napansin ako,
ngunit huminto, at panatag nitong itinitig ang mamula-
mulang mga mata sa akin. Pagdaka’y marahan itong
gumapang palapit sa batong hanggahan at naglaho nang
kisapmata sa bulwagang aking papasukin. Bumalikwas
ako sa labis na pagkayamot at hindi na muling nagbalik

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 197


sa kalye. Nakumbinsi ako sa mahabang panahon na hindi
na muling maghihintay sa akin ang gayong kaligayahan,
at hindi na muli akong makakikita ng mahimalang tagpong
makagugulat, gaya noong aking natanaw isang magandang
araw sa maalikabok na bintana sa malamlam na Kalye ng
mga Bangkay sa Malá Strana, noong ang halos lahat ng
punongkahoy ay namumulaklak sa Abril sa Parke Seminaryo
at ang panahon ay napakaaliwalas.

Napakahangal ko.

Malimit na kapag ginugunita ko ang gayong


pangyayari, napapabuntong-hininga ako—anung laking
pagkakamali, anung laking pagkakamali.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

198 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Kung Paano Ako Naging
Makata

A ng unang pagkakalathala ng mga tula ni Ivan Suk (ni S.K.


Neumann sa Hunyo) ay pinukaw ako sa pananaginip na
nagpahimbing sa aking pagnanasa at sigasig na maging
makata. Pumaloob sa akin ang pananaghili. Hindi namin
inakala na ang Hunyo ang magasing maglalathala ng aming
mumunting tula.

Nang dumating si Suk na taglay ang sipi ng magasin at


ipinakita sa amin ang kaniyang bayad, hindi ko naikubli ang
pagpapamalas ng angking impotenteng inggit. Ilang araw
akong naglakad-lakad kung saan nang mag-isa, sumulat ng
mga talumpati para sa sarili na hitik sa luha at pagkabigo.
Sandaang ulit akong humawak ng papel at lapis, at sandaang
ulit ko ring inilapag iyon, dahil nilupig ako ng pagkainutil.

Nang ipalathala ni Suk ang marami pang tula sa


suplementong pang-Sabado sa Právo lidu, ang aking
kalungkutan at kahinaan ay tumindi nang lubos. Lumipas
ang mga araw at nang lumitaw ang mga unang matalim at
kakatwang tula ni Nemec sa Hunyo ay nagpasiya akong
anuman ang gastos, sa kabila ng lahat, ay dapat akong
sumulat ng tula.

Napakahaba ng gabi. Pinunit ko ang gabundok na


papel hanggang magkagutay-gutay at mabilis na ipinukol
sa kalan upang pawiin ang mga walang kuwentang bagay
na isinulat ko. Sumulat ako ng mga tula sa halos lahat ng
posibleng bagay: pag-ibig, Prague, sementeryo, buhay—
masaya ang ilan at ang ilan ay malungkot, ang iba ay trahiko
at ang iba ay komiko—ngunit lahat ng ito ay nagliyab sa
siga sa loob ng ilang segundo. Sa wakas, nang hindi na
ako makapag-isip ng anumang bagay, sumulat ako ng mga
bagay sa harap ng aking paningin: ang mga bintana, kalan,

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 199


kama. Mahusay ang tula ko ukol sa aking kama at ipinadala
ko ito kay Hora. Inihambing ko ang aking kama sa mola na
naglalakad sa makipot na bagnos tungong mga bituin, sa
kabundukan ng Nevada.

Ipinabatid sa akin ni Hora sa pamamagitan ng koreo


na hangal ako at dapat nang huminto agad sa pagsusulat.
Ganap akong nagiba. Gumapang ako papasok sa bútas,
at nang walang makitang lagusan palabas, ay hinarap
ang aking mga teksbuk, na hanggang sandaling iyon ay
kinaligtaan ko nang nakangisi, at inisip na makata ako.

Nagpasiya akong maging iskolar: marahil ay


matematiko, o istoryador. O marahil ay biyologo? Ang ubod
ng lahat ay naisip ko ang sarili na pangit na kuba na napaibig
sa reyna, at malimit itong makita tuwing nananaginip, kayâ
napapahagulhol. Samantala, sina Nĕmec at Suk ay naabot
ang sunod-sunod na tagumpay. Si Suk ay inihahanda na
ang kaniyang unang aklat para sa lathalaan ng Minatik, at
ang sariwa, tunay na lawrel ng panulaan ay pumulupot sa
maalikabok na sombrero ni Nĕmec.

Matapos papaghilumin ng ungguwento ng pagsuko


ang aking sugat, nagpalubag sa akin ang mga klase sa
alhebra at heometriya. Hindi dahil sa naunawaan ko nang
lubos ang gayong mga larang ng karunungan; hindi, ngunit
mga aralin itong nagpapagunita sa akin ng aking malungkot
na kasawian. Paano ko pipiliin ang Griyego o Latin, kung
ang nakasisiyang mga tula ni Catullus ay patuloy na
nagpapagunita ng aking desperadong gabi na ginugol ko
sa pagsusulat ng aking mga lirikong kababawan? Kahit
ang lipad ng balinsasayaw at ang mala-pelus na paniki sa
teksbuk ng zoolohiya, at ang mga retrato ng bulaklak na
may kros-seksiyon ng talulot at ubod ng buto ay napakaliriko
na hinatak akong mag-isip ng mga matulaing gabi, at ang
tagsibol noon na nagsisimulang lumukob sa buong bayan
ay taglay ang liwanag at halimuyak.

Nang sandaling iyon ay madalas kong dala-dala

200 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang mabigat na tungkod, at nanabako ako, dahil gayon
ang hilig ng aming guro sa matematika. Hukot ako
ng naglakad
at nagdamit nang marawal, dahil iyan ay karaniwan lamang
sa nanggigitatang guro.

Nakita mo ba ang tagsibol sa Dalisdis Petřín?


Kahanga-hanga. Hindi pa ganap na naglalaho ang niyebe,
na lumalaguklok nang mabilis pabulusok sa bagnos na
matarik, nang magsimulang mamukadkad ang mga aratiles
sa Harding Strahov. Ang maglakad sa gitna ng parke sa
isang magandang araw at magbulay nang matigas sa mga
prinsipyo ng ekwasyon ay tila angkop na protesta laban sa
tula na aking kinaiinisan. Ang mga bulaklak ng akasya ay
bumuhos mula sa mga nakayungyong na sanga sa likod
ng mga blusa ng mga dalagitang nakaupo sa bangkô at
nagbabasa ng Mayo ni Mácha, ngunit hindi nito mapigil ang
aking pananalig na ang pag-ibig—na matalik na kaugnay
ng matulaing pagsusumamo—ay dapat salungatin ng
mataas, superyor, at mayabang na sinisismo ng berdugong
Peruwano.

Waring tablero ng ahedres sa simula ng laro ang


Prague. Nakatindig doon ang hari at reyna, at naroon ang
ginintuang tore. Ang mga paupahang bahay at bilya ay mga
peón. Pinabigat ng mumurahing tabako ang aking mga pilik.
Natagpuan ko na lamang ang sarili sa maliit na plataporma
ng pagmamasid, sa Dingding Kagutuman, at hindi alam
kung paano iyon nangyari. Nakatirik sa panginorin ang
tore ng simbahang Žižkok na inagnas ng niyebe. Ang mga
kamay ng orasan ay mabangis na kumislap.

Ang mga anggulo ng alpha, beta, gamma, at delta,


ang kawalang-hanggan ng sirkulo, at ang alpabeto ng
mga paradigmang alhebraiko ay nawalan ng kung anong
mahigpit na pangangailangan. Wari bang ang mga kalapati
na nagliliparan paikot at pumapagaspas ang mga pakpak ay
kinain ang maliliit na titik mula sa aking mga palad. Umupo
ako sa pabilog na bato na may apat na punto ng kompas

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 201


bukod sa mga ginintuang pangalan ng mga lungsod ng
Ewropa. Ang Paris sa Kanluran, na sinundan ng London,
Bremen, Hamburg, Leipzig, Berlin, Bucharest, Milan,
Genoa, Monte Carlo, Nice.

Iyon ang rosas ng Ewropa.

Naramdaman ko nang sandaling iyon na sapo-sapo


ko ang Ewropa, na idiniit sa labi at ilong, at sinamyo ko ang
pabango ng malalayong pook, ang pabango ng daigdig.
Ang mga ulap, ang kagila-gilalas na magagandang ulap,
ay naglandas sa ibabaw ng Prague, at ang pabango ng
tagsibol ay pumukaw sa mga sentro ng aking isipan. Nasa
aking paanan ang kadakilaan ng bayan. Sa topograpikong
mapa na ito, na nakatali gaya ng buhol at tila dambuhalang
bato na disenyo sa entablado, lubos kong ninamnam ang
madulaing araw. Ginto at mga halik. Mga babae sa harap
ng salamin. Pagtataksil sa bayan at pag-ibig. Kabayanihan
at mga rosas. Mga simbuyo ng damdamin at kamatayan.

Hindi, imposibleng maging matematiko.

Isawsaw muli, iho, ang panulat sa matingkad na


bughaw na kalawakan at magsulat, kahit na biglaan pa.
Subuking muli ang maging makata. Sumulat ng hinggil sa
kariktan na lumilipas sa iyong paningin habang nakahiga
ka sa batong ito na nagpapadama sa iyo ng di-malirip na
kagandahan ng daigdig. Tahiin ang alikabok ng mga bituin
sa iyong panulat upang mangatuyo ito, at tingnan kung ano
ang mangyayari.

Nang gabing iyon ay sumulat ako ng tula, nang


kumakabog ang dibdib, at ipinadala ito kay Hora.

Ipinalimbag niya ito kinabukasan.

Kapiling ang tulang nasa aking harapan, mahimalang


nakasulat muli ako nang kay-gaan na at ipinadala ito kay
Newmann. Nalathala iyon sa kasunod na isyu ng Hunyo.

202 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Nang makipagkamay si Neumann sa akin, nangamba
akong iabot ang aking kamay. Waring labis na galak iyon
para sa akin. At nang anyayahan niya ako na kumain
sa labas, nangatog ang aking mga tuhod at ni hindi ako
makalunok ng pagkain.

Ang palakaibigang pagtanggap ni Neumann ang


nagbigay sa akin ng lakas ng loob, at nagpasiya akong
makipagkita kay Hora, nang taglay ang munting tula na
isinulat sa marikit na kaligrapiya. Mahalak, nakasuot ng
salamin, at may mga matang makislap palagi, si Hora’y
tinanggap ako nang malamig. Waring nakuro niya ang isang
munting tula ay hindi mahalagang pangyayari, lalo kung
isinulat ng beynte anyos na binata.

Matapos ang mga tagumpay na ito ay tiningala ko sina


Nĕmec at Suk. Panatag ko na silang matititigan. Lumakad
ako kasama nila tungo sa sentro ng Prague, humakbang
nang magaan, at nakipag-usap ukol sa panulaan.

Matapos ang taon ng eskuwela ay walang kapag-a-


pag-asang lumagpak ako sa matematika.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 203


Paglalathala ng Aking
Ikatlong Aklat

M ay kalahating siglo na ang nakalilipas, nang kumatok sa


pinto nang walang pagbabantulot si Karel Teige doon
sa maliit na palathalaan upang ihain kay Václav Petr ang
manuskrito ng aking ikatlong aklat na pinamagatang, Sa
mga Alon ng TSF. Nang panahong iyon ay walang umiiral
na radyo sa aming bansa, at dahil wala pang katumbas na
salita iyon sa katutubong wika ay ginamit namin ang mga
inisyal na Pranses.

Walang batayan ang aming pagbabantulot. Ang


aklat ay di-karaniwan noong mga sandaling iyon. Tingnan,
halimbawa, ang pamagat. Iyon ay isa sa mga unang aklat na
nagpahayag ng pagsunod sa bagong direksiyon sa sining.
Ako bilang awtor, at si Teige, na nagdisenyo ng tipograpiya,
ay kapuwa nagsikap sa abot ng makakáya na ihayag nang
matingkad sa mga pahina nito ang diwa ng Panulaan, sa
anyo ng mga mapaghámong kakatwaan. Ang ilang tula ay
nagtataglay ng bahagyang kalapastanganan laban sa mga
seryosong bagay, at dagdag pa sa mga seryosong tula ay
may ibang markado ng katumbalik na motto ni Mácha:

Kulimlím nang bahagyâ ang mukhâ


ngunit ang pusò’y lábis ang tuwâ.

Umasa kaming magugulat kahit ang pabliser, kung


hindi man ganap na bantulot na ilathala ang gayong
kakaibang aklat. Ginulat niya kami. Binasa niya ang
manuskrito, inaprobahan ang lahat, tinanggap ang lahat,
at dalawa o tatlong buwan pagkaraan, nalathala ang akda
nang ayon sa aming inaasahan.

Si Teige ay napakaselan sa lahat ng bagay. Ang


palimbagan ni G. Obzina sa Vyškov ay kailangang gamitin

204 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


ang halos lahat ng tipo ng titik para sa aklat, at kailangan
nilang iwaksi ang lahat ng klasikong panuntunan ng
tipograpiya na sinunod at pinerpekto mula pa noong panahon
ni Gutenberg hanggang sa modernong pamantayan ng
diseno ng aklat. Bawat tula ay may naiibang tipo. Ang ilang
pahina ay pahaláng, ang iba ay patayô. Napailing ang
matandang tagapaglimbag sa Vyškov hinggil sa paraan ng
kaniyang paggawa ng mga bagay, subalit hinayaan niya
kami na gawin ang nais. Ngayon ay tinatawag ng kabataan
ang disenyo ni Teige na tipograpikong rodeo.

Naaliw ang mga mambaba sa maikling tulang


pinamagatang “Abakus ng Pag-ibig”:

Abakus

Ang iyong dibdib


ay gaya ng mansanas mula sa Australia
Ang iyong dibdib
ay dalawang mansanas mula sa Australia
Ano’t naibigan ko itong abakus ng pag-ibig!

Ang tula, kung tula nga itong matatawag, ay itinakda sa


tipograpikong imahen ng abakus ng isang bata. Ngunit
kailangan kong idagdag ang maikling paliwanag sa naturang
mga berso. Noong mga araw na iyon, ang mga tindahan ng
bihasa sa pagkain ay nagtinda ng mga mansanas na mula
sa Australia noong taglamig. Matabang-tabang ang mga
mansanas, dahil nahinog ang mga ito nang ibinibiyahe.
Subalit napakagaganda ng mga ito. Bawat mansanas ay
nababálot ng pinong sedang papel, at si G. Paukert, na
nagmamay-ari ng tindahan ng gurmey sa Pambansang
Kalye, ay ipinuwesto ang mga ito sa plato sa tabi ng bintana
ng tindahan, bawat isa’y binalatan nang paisa-isang hiklat,
upang makita ng mga tao ang kanilang kakatwa, marikit,
magandang pagkulay.

Ang aklat, na ngayon ay taglay ng kasaysayan, ay


dapat muling ilathala sa edisyong faksimili noon pa man.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 205


Hindi ito naganap. Nakakaawa!

Kaya G. Petr, na naroon sa kabilang panahon at


búhay, ibig kong makipagkamay. Parehong matanda na
tayo. Ngunit kaysayáng gunitain ang mga panahon noong
kabataan, noong kinalulugdan ang anumang bago, at hindi
inisip ang kamatayan, at hindi natatakot sa anumang bagay.

SALIN NI R OBERTO T. A ÑONUEVO

206 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


On Hasek, Author of the Good
Soldier Svejk

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 207


A Day in the Country

208 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


On Teige

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 209


A Few Minutes Before
Execution: May 1945

210 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


A Meeting After the War

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 211


An Interview About the Art of
Writing

212 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


GLOSARYO NG MGA PANGALAN AT
MGA L UGAR

APOLLINAIRE, Guillame (1880-1918), makatang Frances;


Polaco ang ina at Italiano ang ama, dumating sa
France noong kaniyang kabataan para maglingkod
sa Hukbong Frances noong Unang Digmaang
Pandaigdig at nagtamo ng mga sugat sa digmaan
noong 1916. Mahusay na makata at tagapagtanggol
ng mga Cubist. Isinalin ni Seifert ang marami sa
kaniyang mga tula.

BEZRUČ, Petr (1867-1958), sagisag-panulat ni Vladislav


Vasek, makatang pinakakilalá sa kaniyang
koleksiyon ng mga lirikong tula na Silesian Songs
(1909).

BIEBL, Konstantin (1898-1951), makatang Czech na


nagpakamatay noong panahon ni Stalin.

BOHEMIA, kanlurang bahagi ng lugar na dati’y tinatawag


na “The Lands of the Bohemian (o Czech) Crown.”
Ang gitna ay ang Moravia, at ang silangan ay
Silesia, na ngayon, liban sa maliit na bahagi, ay
pag-aari na ng Poland. Ngayon ang Bohemia ay ang
bumubuo sa kanlurang bahagi ng Czech Republic.

BRETON, André (1896-1966), nangungunang


Surreaslistang Frances na binigyang-tuon ang
mga panaginip, ang unconscious, at ang mga
pangkaraniwang detalye ng araw-araw na buhay sa
kaniyang pagkatha.

CANAL de Malabaila (1745-1826), nagpatayo ng Canal


Gardens noong 1970 sa Vinohrady sa Prague.
Dating harding botanikal na ginamit para sa mga
eksperimentong siyentipiko. Bahagi na ngayon ng
Rieger Park.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 213


ČAPEK, Karel (1890-1938), mandudula, peryodista, at
nobelistang Czech, nabibilang sa mga katangi-
tanging kalalakihan ng First Republic; awtor ng
R.U.R, War with the Newts, at Insect Play.

CENDRARS, Blaise (1887-1961), Frances na makata at


sanaysayista, gumagamit ng mararahas na imahen
at maikli at tuwirang lengguwahe sa pagtula;
nakaimpluwensiya kay Seifert.

CHOTEK GARDENS, parke malápit sa Hradcany sa


Prague, ipinangalan sa maharlikang Czech na
nagpaunlad sa bahaging iyon ng Hradcany noong
siya’y maging gobernador ng Bohemia.

CLAM-GALLAS Palace, palasyo sa Prague na itinayo sa


pagitan ng 1713 at 1719 ni Fischer von Erloch; may
lagusan na kilalá dahil sa disenyo nitong Caryatid-
Titans na ginawa ni Mathias Braun; isang katang-
tanging ehemplo ng arkitekturang Baroque sa
Prague.

CLEMENTINUM, grupo ng mga gusaling may disenyong


Baroque mula sa ika-17 at ika-18 siglo, sa Charles
Bridge, sa kanang bahagi ng Ilog Vlatva. Dáting
kinalalagyan ng departamento ng pilosopiya ng
Charles University ngunit sa kasalukuyan ay gusali
na ng Czech State Library .

COCTEAU, Jean, (1895-1963) Frances na makata at


manlilikha.

DEVĚTSIL, organisasyon at kilusang pampanitikan mula


sa Czecholoslovakia.

DE VIGNY, Alfred (1797-1783), Frances na makata ng


panulaang Romantiko.

DOMINOIS, Fuscien (1888-1938), Frances na propesor ng


Czech sa Paris, nanirahan nang maraming taon sa
Czechoslovakia.

214 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


DUBÍ, bayan malápit sa Teplice sa Bohemia.

EFFENBERGER, Vratislav (18923—), teoriko at kritikong


Prague na sumulat tungkol sa Surrealismo.

FARGUE, Léon Paul (1876-1947),Frances na Simbolista,


isang “namamasyal sa Paris,” makata ng maindayog
na wika at matulaing guni-guni.

FUČIK, Julius (1903-1943), Czech at Komunistang


manunulat, peryodista, pinatay ng mga German.

GAVARNI, Paul (1804-1866), Frances na ilustrador,


karikaturista.

GIRGA, Ota, pabliser na Czech.

GRANDMOTHER’S VALLEY, dáting tiráhan ng lola


ni Božena Němcová. Tingnan sa ibaba ang
NĚMCOVÁ.

HALAS, František (1901-1949), makatang Czech, kaibigan


ni Seifert.

HASĚK, Jaroslav (1883-1923), awtor ng The Good Soldier


Švejk (1921-23), isang libro ng mga katawa-tawa,
nakayayamot, walang-pakundangan, at pasipistang
kuwento; masiste at isang klasikong akda para
sa maraming Czech hábang itinuturing namang
palasak na panlalapastangan ng iba.

HOLAN, Vladimir (1905-1980), makatang Czech, malapít


na kaibigan ni Seifert, na noong sumakabilang-
buhay ay inalayan niya ng tulang “Homage to
Vladimir Holan.”

HORA, Josef (1892-1945), Czech na manunulat ng mga


tulang liriko, kaibigan ni Seifert, nag-edit ng isa sa
mga suplemental na magasin ng Pravo Lidu.

HOŘEJŠÍ, Jindřich, makatang Czech na nag-aral sa


France at nanirahan doon nang siyam na taon;

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 215


nagsalin ng 50 tomo ng literaturang Frances.

HRADČANY, buról ng Prague sa dakong itaas ng Malá


Strana na kinatatayuan ng Prague Castle at St.
Vitus’ Cathedral.

HRUBÍN, František (1910-1971), makata,


tagasalin,mandudula, at peryodistang Czech.

JACOB, Max (1876-1944), avante-garde na makata mula


sa Paris, naging mananampalataya ng Katolisismo,
dinakip at pinatay ng mga German noong 1944 dahil
nagmula sa lahing Hudyo.

JESENSKÁ, Milena (1896-1944), peryodistang Czech,


isa sa mga naging pag-ibig ni Kafka, maybahay
ng modernist na si Jaromír Krejčar, namatay sa
Ravensbrück concentration camp sa Germany.

JEWISH CEMETERY, kilaláng sementeryo sa dáting


ghetto ng Prague; sa loob nito nagsisiksikan ang
mga patong-patong na lumang lapida, ang iba’y
mula pa sa panahong Renasimyento.

JUNE, magasing Czech na pinapatnugutan ni S.K.


Neumann.

KAMPA, isla sa Ilog Vltava, karatig ng Malá Strana, sa


Prague; may tahimik na mga kalsada, mga lumang
palasyo, at mayaman sa makasaysayang danas.

KARLŠTEJN, kastilyo sa katimugan ng Prague; ipinatayo


noong 1348 ni Haring Charles IV ng Bohemia (at
Banal na Romanong Emperador) upang maging
opisyal na tiráhan ng Emperador at tesoreriya ng
mga yaman ng kaharian.

KONOPIŠTE Castle, palasyong itinayo sa pagitan ng


ika-13 at ika-14 na siglo; kinatatayuan ng isang
malawak na parke sa silangan ng Prague

KOŠÍŘE, isang purok sa Prague

216 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


KRALUPY, bayan sa Vltava River, malápit sa Mělnik
na binibisita ni Seifert noong kaniyang kabataan.
Binomba ng Allied Forces noong 1945 ang mga
repineriya ng petrolyo sa sentrong pang-industriya
ng bayan na nagdulot dito ng labis na pinsala.

KRUŠNÉ Mountains, mga bulubunduking mayaman sa


ore, bumubuo sa hilagang-kanlurang hanggahan
ng Czech Republic at Germany; matarik sa bahagi
ng Czech at naglipana ang mga bahay-paliguan sa
bayan ng Teplice, Jáchymov, Dubí, at iba pa.

LORI, tingnan ang SOMKOVÁ.

MÁCHA, Karel Hynek (1810-1836), Czech at dakilang


makata ng panahong Romantiko; pinakilalá sa
kaniyang dramatikong tula na Máj (May) (1836).

MALÁ STRANA, bahagi ng Prague sa gawing kaliwa ng


pampang ng Ilog Vltava, nása ibaba ng Hradčany
Castle, may makikipot na kalsada, matatarik na
kalyehon, at mga lumang bahay at palasyo; madalas
na paksa ng mga kuwento ni Neruda. (Minsan
isinasalin bílang “Little Side” o “Little Town.”)

MALEVICH, Kazimir (1878-1935), Ruso, pintor ng estilong


Suprematista.

MARAT, Jean Paul (1743-1793), pinunò ng Rebolusyong


Frances, pinagsasaksak hanggang sa mamatay ni
Charlotte Corday noong 13 Hulyo 1793.

MARINETTI, Filippo Tommaso (1876-1944), makatang


Italiano, ipinanganak sa Alexandria, Egypt,
nagpasimula ng Futurismo sa panitikang Italiano.

MASARYK, Tomáš Garrigue (1850-1973), pangunahing


tagapagtatag ng Chechoslovak Republic, Presidente
mula 1918 hanggang 1935. Siya ang bumuhay
sa diwa ng liberal na demokrasya, pambansang
kasarinlan, at pag-anib sa France at England.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 217


Namatay noong 14 September 1937, sa panahong
nagbabanta ang puwersa ni Hitler at ng Germany.
Labis na nagluksa ang madla sa kaniyang
pagpanaw.

MORAVIA, silangang bahagi ng Czech Republic

MORSTADT, Vincenc (1802-1875), Czech na pintor at


graphic artist, kilalá sa kaniyang mga dibuho ng
mga bayan ng Czech, na hindi lámang mahalaga
dahil sa pagkamasining kundi dahil na rin sa
historikong kabuluhan ng mga ito.

MOZART, Wolfgang Amadeus (1756-1791), nagkaroon ng


maraming kaibigan sa Prague at bumisita rito nang
tatlong beses; isinulat ang Don Giovanni para sa
Prague, na nagkaroon ng estreno noong 1787 sa
Stavovskě Theater. Sa maraming paraan, iniuugnay
si Mozart sa siyudad ng Prague at Bohemia.

MUCHA, Alphons (1860-1939), Czech na ilustrador at


pintor ng estilong art nouveau, lumipat sa Paris,
naging tanyag dahil sa kaniyang mga poster (para
kay Sarah Bernhardt at ibang kilaláng personalidad
mula sa teatro at para sa mga komersiyal na
establisimyento).

NÁCHOD, matandang bayan sa silangang Bohemia,


na may mansiyon at parkeng may disenyong
Renaissance.

NĚMCOVÁ, Božena (1820-1862), awtor ng Grandmother


(1855), isang klasikong prosang Czech, ginugol ang
kaniyang kabataan sa Ratibořice malápit sa Česká
Skála at Chvalkovice; ang kaniyang lola, na siyang
paksa ng akda, ay namuhay sa mga bayang ito sa
Bohemia noong kaniyang kasibulan.

NĚMĚC, František (1902-1963), kaibigan ni Seifert na


manunulat ng mga lirikong tula at nang maglaon ay
naging katangi-tanging awtor ng mga kuwentong

218 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


pampahayagan na hango sa mga kaso sa hukuman.

NERUDA, Jan (1834-1891), makatang Czech at awtor ng


mga kuwentong tungkol sa búhay sa mga eskinita at
mga lumang bahay sa Malá Strana sa Prague; inedit
ni Seifert ang isang tomo ng kaniyang mga akda.
Hiniram ni Pablo Neruda, makatang Chileno, ang
kaniyang pangalan bílang sariling nom de plume
dahil nagustuhan niya ang tunog nito.

NEUMANN, Stanislav Kostka (1875-1947), Czech at


Komunistang makata.

NEZVAL, Vitězlav (1900-1958), Czech na makata,


Surrealista, tagasalin, miyembro ng Devětsil mula
1922.

OLD TOWN SQUARE, may kolum (na may Birheng Maria


at mga Anghel) na itinuturing ng maraming Czech,
na natamo ang kanilang kasarinlan mula sa Austria-
Hungary, na simbolo ng matandang monarkiya.

OLŠANY, purok sa Prague na kilalá sa malaking


sementeryo rito.

PETŘÍN Hill, buról sa Prague na may observation tower


at pahilig na riles (na inumpisahang gamítin muli
noong 1895), at nalililimang mga parke at hardin.

PEOPLE’S HOUSE, isang gusali sa kalye Hybernská sa


Prague na naging lunsaran ng mga aktibidad ng
mga Sosyo-Demokratiko at naging palimbagan ng
Pravo Lidu, ang pahayagan ng nasabing politikal na
partido.

PÍŠA, Antonín Matěj (1902-1966), makatang Czech,


manunulat para sa iba’t ibang pahayagang Sosyo-
Demokratiko, kaibigan ni Wolker. Mula 1925 ay
sumulat na lámang ng panunuring pampanitikan at
mga ribyu, at nag-edit ng maraming akda, kasáma
na ang kay Seifert.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 219


RATIBOŘICE, tingnan ang NĚMCOVÁ.

REVERDY, Pierre (1889-1960), Frances na makata ng


prosa at tulang tuluyan, katuwang nila Apollinaire at
Jacob.

RIMBAUD, Arthur (1845-1891), makatang Frances,


isang henyo, natapos sumulat ng mga tula noong
siya ay labingsiyam na taóng gulang pa lámang,
naglakbay sa mga eksotikong lugar noong siya ay
dalawampung taóng gulang hanggang sa siya ay
mamatay.

ROYAL PAVILLION, tinatawag rin na Belvedere, isang


gusaling may arkitekturang Renaissance at may
galeriyang pinagdadausan ng mga laro ng tennis;
malápit sa Hradčany, sa Prague.

ROYAL ROAD, ang tradisyonl na ruta na dinaraanan ng


prusisyon tuwing seremonya ng pagpuputong ng
korona sa mga Haring Czech, magmumula sa Tyn
Cathedral sa Old Town Square, lalagos sa mga
kalsada ng Old Town, daraan sa Charles Bridge,
sa mga kalye ng Malá Strana, patúngo sa sa
Castle and St. Vitus’ Cathedral sa gawing itaas ng
Hradčany.

ROŽMITÁL Castle, kastilyong itinayo noong ika-14 na siglo


sa Central Bohemia, malápit sa bayan ng Příbram.

RUDOLF II (1552-1612), Hari ng Hapsburg ng Bohemia,


sa kaniyang pamumuno naging sentro ng
astronomiya, alkimiya, sining, at mistisismo ang
Prague Castle.

RYBA, Jan Jakub (1765-1815), Czech na kompositor, koro


maestro sa Rožmitál, kumatha ng isang Czech na
misang pamasko.

ST. VITUS’ Cathedral, simbahang Gotiko, itinayo noong


ika-14 siglo, karugtong ng Royal (nang maglaon ay

220 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


naging Presidential) Palace na siyang bumbubuo
sa Hradčany Castle; sa tayog ay halos nasasakop
ang himpapawid ng Prague. Sa loob ng Katedral ay
isang kapilya para kay St. Wenceslas na may mga
nakabibighaning adorno ng malalaki at mamahaling
bato.

ST. WENCESLAS (Václav), patron ng Czechoslovakia,


dáting pinunò ng Bohemia, pinatay ng mga sundalo
ng kaniyang kapatid noong 929 o lagpas pa. Isang
medyibal na imno ng pagsamo sa kaniyang paglapit
sa Diyos para sa bayan ng Czech ang bahagi na ng
pamanang Czech, na tuwing inaawit ay nagdudulot
sa kanila ng masidhing damdamin, lalo na sa
panahon ng paghihikahos.

ŠALDA, F.X. (1867-1973), Czech na mamamahayag,


editor, kritiko, propesor ng Panitikang Romantiko
sa Charles university, editor at awtor ng Šalduv
zápisník (Šalda’s Notebooks), isang peryodiko ng
malayang panunuring pampanitikan noong 1930s.

SÁZAVA, ilog sa timog ng Prague.

SHKLOVSKY, Victor (1893-1985), Ruso, kritiko ng


literatura, lider ng Formalismo, awtor rin ng
maraming nobela.

SHULAMITE, ang maaalindog na dalagang inaalayan sa


Song of Songs.

ŠÍMA, Josef (1891-1971), Czech na Surrealistang pintor


at graphic artist, na nanirahan sa Paris noong 1921;
nagpinta ng mga mitolohikong tanawin.

SOMKOVÁ, Eleonora, kilalá bílang Lori (1817-1891),


nakilala ang makatang si Macha noong siya
ay labimpitong taóng gulang at isa pa lámang
baguhang aktres. Siya ang nobya ng makata
hanggang sa pumanaw ito noong 7 Nobyembre
1836, dalawang araw bago ang araw ng kanilang

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 221


kasal.

STAVOVSKÉ Theater, itinayo noong 1783 sa Prague.


Naging Estates Theater noong 1797. Noong 1787
ay pinagdausan ng estreno ng Don Giovanni ni
Mozart.

SUK, Ivan (1901-1958), kamag-aral ni Seifert na sumulat


ng mga berso, at nang maglaon, mga ulat, mula
sa hukuman—isang sikat na genre ng panitikang
pampahayagan sa Czechoslovakia.

TEIGE, Karel (1900-1951), teoriko ng sining at literatura;


matapat na tagasuporta ng Partido Komunista
ngunit naging kalaban nitó noong 1930s dahil sa
mga paglilitis sa polisiya ng USSR at ng Partido;
itinakwil at tinalikuran ng Partido matapos nitó.

TEREZÍN, dáting moog ng Hapsburg sa hilaga ng Prague


sa Ilog Labe (Elbe), na ginawang concentration
camp ng mga German noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga
tao at paglalagak ng mga bilanggo, na karamihan
ay mga Hudyong Czech, kapalit nila. Mayo 1935,
tinatayang nása 35,000 bilanggo ang namatay
rito; mas marami pa ang namatay sa ibang mga
extermination camp.

THUN-HOHENSTEIN, pamilya ng maharlikang Austrian na


may mga pag-aari sa mga kalupaan ng Czech mula
pa noong ika-17 siglo, kilalá sa pangangasiwa sa
Czech at Prague noong ika-19 na siglo.

TOYEN (1902-1980), ang pangalang ginamit ni Marie


Černínková, Czech na pintor, ilustrador, at graphic
artist na nanirahan sa Paris.

TZARA, Tristan (1896-1963), makatang Romanian,


tagapagtatag ng Dadaismo sa arte at panitikan.

VANČURA, Vladislav (1891-1942), nobelistang Czech,

222 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


manunulat ng mabulaklak, maindayog at matulaing
prosa, dinakip at binaril ng mga German noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

VILDRAC, Charles (1882-1971), makatang Frances.

VLADISLAV, Jan (1923—), Czech na makata, tagasalin,


naninirahan sa Paris.

VLTAVA River (sa German, Moldau), ang ilog na lumalagos


sa Prague, mula sa timog pa-hilaga; doon ito’y
durugtong sa Ilog Labe (sa German, Elbe), at aagos
túngong Germany. Ang pinakakilalá sa mga tulay
nito ay ang Charles Bridge sa Prague (ika-14 na
siglo).

VONDRÁČEK, František, tanyag na sikiyatra sa Prague.

VRCHLICKÝ, Jaroslav (1853-1912), isa sa mga


nangungunang makatang Czech ng ika-19 na siglo;
inedit ni Seifert ang kaniyang mga gawa.

VYŠEHRAD, buról sa Prague na tanaw ang Vltava,


kinatitirikan ng sinaunang simbahan at sementeryo.

WHITE MOUNTAIN, sa labas ng bayan ng Prague, lupain


ng digmaang nagpasuko sa mga hukbong Moravia
at Protestanteng Czech sa mga Katolikong Austrian
at iba pang hukbo, noong 1620, na naging simula ng
tatlong daang taóng paghahari ng mga Hapsburg.

WOLKER, Jiří (1900-1924), awtor ng mga proletaryong


tula na may ideolohiyang Komunista.

ŽIŽKOV, bahagi ng Prague na tiráhan ng mga uring-


manggagawa kung saan isinilang at namalagi si
Seifert bílang bata.

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 223


M GA TALÂ SA I NTRODUKSIYON

i
Maihahalimbawa rito sina Julian Cruz Balmaseda, Lope
K. Santos, at Iñigo Ed. Regalado na pawang kasapi
ng Aklatang Bayan at Akademya ng Wikang Tagalog.
Si Deogracias A. Rosario ay naging pangulo ng Ilaw
at Panitik, bukod sa kabilang sa mga dalubhasa ng
Akademya ng Wikang Tagalog.

Nakasaad ang impormasyong ito sa tulang tuluyang


ii

pinamagatang “Hinggil sa aking mga Magulang,” at


napabilang sa koleksiyong Všecky krásy svéta (Mga
Gunita, 1981).

iii Mula sa introduksiyon ni George Gibian, at


matutunghayan sa The Poetry of Jaroslav Seifert, salin
mula sa Czech ni Ewald Osers, at edit George Gibian,
Cincinnati, USA: 1998, p.13.

iv Mula sa katha ni Marta Markova sa ilalim ng pamagat


na Europe since 1945: An Encyclopedia, Volume 2, edit ni
Bernard A. Cook, at hinango sa RL612PEO13k&sa

v Gibian, ibid., p. 14.

vi Gibian, ibid., p. 15.

vii Gibian, ibid. p. 15. Ang pangyayaring ito ay nahahawig


din sa mga makatang Filipino na naging regular na
parokyano sa mga birhaws o kapeterya, upang pag-
usapan ang panulaan, kasaysayan, wika, at iba pang
makapagpapalusog sa paglikha ng panitikang Filipinas.
Ang tradisyong ito ng mga panitikerong Filipino ay
mauugat noon pa mang hindi pa isinisilang si Seifert.

viii Gibian, ibid., mp. 18–19.

224 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


Mula sa Ilokano ang “angëp” na may tunog schwa, at
ix

angkop na katumbas ng “dark mist” o “fog” sa Ingles.


Samantalang ang “linnáaw” na mula pa rin sa Ilokano ay
maaaring panumbas sa pangkalahatang tawag sa “mist.”

(Endnotes)
1
2
3
4
5
6
7
8
9

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 225


M GA TALÂ SA MGA TULA

226 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT


M GA TALÂ SA REMINESCENCES

MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT 227


228 MGA PILING TULA NI J A R O S L AV S E I F E RT

You might also like