You are on page 1of 10

Kasaysayan ng Pagsasalin ng

wika sa Pilipinas

Ulat ni: Albert Segundo


Ikalawang Kasiglahan:
1. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal
sa mga teatro. Noong panahong iyon ay teatro
ang siyang pinakapopular na libangan ng mga tao
sapagkat wala pa noong mga sinehan at
telebisyon. Mapapansin din ang dami ng mga
salin sa iba't ibang uri o genre ng panitikan
sapagkat sa panahon ng Amerikano nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang mga
iyon mula sa Kanluran.
2. Naging masigla noon ang pagsasalin
sa wikang pambasa, lalo na ang mga
akdang klasika. Ang panahong ito ay
maituturing na ikalawang yugto ng
kasiglahan sa pagsasaling-wika sa
Pilipinas - nang pumalit sa España ang
America bilang bagong mananakop.
3.Ang pakikipag-ugnayang intelektwal sa ibang
bansa ng mga Pilipino na nasimulan bagamat
naging limitadong-limitado noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila ay naging liberal sa
panahon ng Americano. At sapagkat ang
pagtatamo ng edukasyon ang pangunahing
patakarang pinairal ng America sa Pilipinas,
masasabing "bumaha" sa ating bansa ang iba't
ibang anyo at uri ng karunungan mula sa
Kanluran. Sa larangan ng malikhaing panitikan,
masasabi ring uhaw na uhaw na tinanggap ng mga
manunulat na Pilipino ang mga bagong kaalaman
4. Anupat hindi nagbago ang kasiglahan ng mga
tagapagsaling-wika sa pagsasalin ng nabanggit na
mga uri ng panitikan sa paglakad ng mga taon.
Ang totoo, hanggang ngayon ay patuloy parin
ang pagsasalin sa Filipino ng mga akdang klasika
ng daigdig bagamat karamihan ng mga
pagsasalin ay sa paraang di-tuwiran. Sa ibang
salita , ang isinasalin ay hindi orihinal na teksto
kundi isa na rin salin. Kalimitan, ay nagiging
tulay na wika ay Ingles.
5. Narito ang ilang halimbawang salin:

• Agustin, Dionisio, et al. "Don Quizote" (mula sa Ingles ng


nobelang "Don Quixote de la Mancha" ni Cervantes, 160 P.
Vera and Sona, Co. 1940).

• Alejandro, Rufino. "Rubaiyat at Oedipus" mula sa "Rubaiyat


at Oedipus" ni Omar Khayyam;Maynila: MCS enterprises
1972).

• "Ang Prinsipe at ang Pulubi" (mula sa "The Prince ang the


Pauper" ni Samuel Langhome Clemens (Mark Twain, pseud),
1835; Maynila; Philippines Book Co.1971).Villalon,A.B " Ang
Iliad at Odyssey" (mula sa "Iliad and Odyssey" ni Homer,
Maynila;PBC, 1972).Panganiban,Jose Villa. "Julio Cesar"
6.Mababanggit na marami pang mga dulang
isinalin ni Tinio, mga klasikong akdang
pandulaan ba lumaganap sa Europe at
ipinalabas niya sa piling teatro sa
Kamaynilaan, lalo na sa Central Center of the
Philippines. Layunin niyang mapaabot sa
kanyang mga kababayan ang mga kilalang
piyesang pandulaan ng daigdig sa
pamamagitan ng wikang higit nating
naunawaan at tumatalab sa ating kamalayan.
7.Mga Salin na Isinakomiks.( National Klasiks
Illustrated, 1973)
 
• Kasaysayan ng Dalawang Lungsod. (Salin ng A
Tale of Two Cities )
• Robinhood. (Salin ng Robinhood)
• Ang Negosyante ng Venice. ( Salin ng The
Merchant of Venice.)
• Wuthering Heights. ( Salin ng Wuthering
Heights)
• Natutulog na Kagandahan. (Salin ng The
Sleeping Beauty)
8. Ang totoo'y hindi lang national
bookstore ang nagsagawa ng ganitong
proyekto. Ang ibang publisher man ay
naglimbag din ng mga saling-akda. Ang
Goodwill Bookstore, halimbawa ay
naglathala ng koleksyon o antolohiya ng
mga klasikong sanaysay nina Aristotle,
Aquinas, Kant at iba pang Pilosoper.
9. Ang Children's Communication Center ay
may proyekto rin sa pagsasalin ng mga akdang
pambata. Ilan sa mga naipalathala nito ay ang
mga sumusunod : Mga Kuwentong Bayan Mula
sa Asia, Rama at Sita, Palaso ni Whijam, Mga
Isdang Espada at iba pa.
10. Anupat sa pagdaraan ng mga taon ay
patuloy ang pagsasalin sa Filipino ng
karamihan ay ang materyales na mula sa Ingles
kalimitan ay putaki o kanya-kanya; kung
minsan organisado

You might also like