You are on page 1of 5

ANG SIKRETONG REKADO

Kwento ni: Grace D. Chong

“ Talaga, ‘Tay, ako na po ang magluluto para sa atin?” tanong ni Teo. “ T-


talaga, anak, “ mahinang sagot ni Tatay Ador. Halos hindi siya
makapagsalita dahil sa kirot ng kanyang paa.“K-kasi hindi naman ako
pwedeng magluto at m-mahiga nang sabay,” pilit niyang pagpapatawa kay
Teo. Natigilan si Teo ! Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot.
apat siyang matuwa dahil, sa wakas, pinapayagan na siya ng tatay niya na
magluto ! nang mag-isa niya! Pero nalulungkot siya dahil ngayon lamang
niya nakitang nanghihina ang tatay niya. Nakagisnan na kasi niyang siyay
laging inaalagaan nito. Baliktad ngayon. At parang turumpo si Teo sa pag-
aalaga sa kanyang tatay. Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit na
mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa kusina.
Pinapaypayan niya ang tatay niya para hindi mainitan.Nang umaga ng
araw na iyon, si Tatay Ador ay tulad lang ng dati ! malakas at malusog.
Matapos paliguan ang kanyang dyip at magpaalam kay Teo pinaandar na
niya ang dyip papunta sa bukid. Ngunit habang inaatras niya ito palabas sa
kalye, mabilis na dumaan ang isang malaking trak. Nabangga ng
humaharurot na trak ang dyip ni Tatay Ador. KRRASSS! Pero hindi man
lamang tumigil ang kaskaserong drayber ! tuloy ! tuloy pa rin ito sa
pagpapatakbo ng trak niya.Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay na
sumasaklolo. “Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa tatay mo! At agad
nilang dinala ito sa health center. Ang lahat ay nakahinga nang maluwag
nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero
malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang
bahagi ng katawan niya. “Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang
magpahinga sa kama ng ilang araw” Pagdating sa kanilang bahay, inihiga
ni Tatay Ador ang masakit niyang katawan. Pero alang-alang kay Teo pilit
niyang ipinapakitang malakas pa rin siya. mas nasasaktan kasi siyang
nakikitang nag-aalala si Teo para sa kanya. “T-Teo, n-narinig mo ba ako?”
tanong niya rito. “ '-ikaw na ngayon si Chef Mateo!”“Chef?! Ako?!” tanong ni
Teo na natuwa sa narinig. 'nilapag niya ang pamaypay at kumuha ng
puting papel, gunting at pandikit.“A - anong ginagawa mo?” tanong ni Tatay
Ador.“'sang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” Gusto ni
Teo na magmukhang isang tunay na chef. Ngayon, makikita na niya ang
laman ng maliit na banga sa ibabaw ng pinakamataas na estante sa
kusina. Naglalaman iyon ng sikretong rekado. Tuwing magluluto ang tatay
niya, dumudukot siya rito at ibinubudbod sa niluluto niya.“Tay, ano po ang
laman ng bangang iyan? Pwedeng makita?” hiling niya sa tatay niya noong
maliit pa siya.“Pagdating ng araw,” sagot ni Tatay Ador, sabay kindat kay
Teo. “sa nanay mo iyan. ipinasaniya sa akin noong bigla siyang
nagkasakit.”Mag-iisang taon pa lamang noon si Teo. “Noong mamatay ang
nanay mo, hindi ko inakalang makakahiligan ko ang pagluluto tulad niya, “
laging sinasabi ni Tatay Ador. Mukhang pati si Teo ay nakakahiligan na rin
ang pagluluto pero sabi ni tatay niya. “ Manood ka lang muna, anak,at
maghugas ng plato. saka ka na magluto, kapag malaki-laki ka na.”Pero
ngayon pa lamang, dahil sa aksidente, pinayagan magluto si Teo. At,
magagamit na niya ang sikretong rekado! Napakahalaga talaga ng
sikretong rekado! Matagal nang kumbisido si Teo tungkol dito. Laging
masarap ang luto ng tatay niya, lalo na ang paborito ni Teo na pinakbet at
igado.“T-Teo, hiwain mo” umpisang turo ni Tatay Ador pero mabigat na ang
talukap ng kanyang mga mata dahil sa mga gamot na ininom. Nakatulog
na siya bago matapos ang sinasabi.“Tay , huwag kayong mag-alala. Ako
nang bahala. Marunong na akong magluto! Makikita nyo,” bulong ni Teo.
ahan-dahan siyang lumabas at pumunta sa kusina. Pinakbet? Kayang-
kaya niyang lutuin ito. Madalas niyang napapanood ang tatay niya kapag
nagluluto siya nito. At napanood pa niya sa kanyang paboritong programa
sa TV na Cooking Hour.'sinuot ni Teo ang sombrero ng chef at ang apron
ng tatay niya.“Puwede na! Mukha na akong chef,” bulalas niya nang nakita
ang sarili sa salamin. Sumisipol siyang tumuntong sa isang batibot para
abutin ang kaserola.“Mateooo!” Parang boses iyon ni Apong ion, ang
may-ari ng atisan mga ilang kanto lang mula sa bahay nila. “Mateooo!” Si
Apong ion nga! May dala-dala itong pombrera at isang malaking
atis.Nang makita si Teo, napasigaw ito, “Anong ginagawa ng malaking
puting sombrerong ‘yan sa ulo mo? At bakit nakasuot ka ng malaking
apron?”“Chef po ako, Apong ion, chef ako!” sagot ni Teo na lulundag-
lundag.“shif?! Anong shif?! Tanong ng matanda na kumukunot ang noo
kayat nagmukhang ampalaya ang kulubot nitong mukha. Ngayon lamang
niya narinig ang salitang ito, at hindi pa siya nakakakita ng sombrero ng
chef.“'sang magaling na kusinero po ang chef, Apong ion! May sakit si
Tatay kaya ako po ang tagaluto ngayon.”“Kalokohan!” sagot ni Apong ion
sa kanyang magaspang na tinig na kinatatakutan ng lahat ng bata maliban
kay Teo. “Bakit? Akala mo ba, ikaw lang ang marunong magluto? Heto ,
ipinagluto ko kayo ng tatay mo. At alisin mo ‘yang suot mong sombrero-
kay pangit!” kakak ng matandang paengkang-engkang na umuwi.“Salamat
po, Apong. ani Teo na medyo naguguluhan.Hindi malaman ni Teo kung
matutuwa siya o malulungkot. Natutuwa siya na kahit kilala si Apong ion
sa pagiging masungit at kuripot, naalala pa sila nito ng tatay niya. Pero
nalulungkot din siya dahil maaantala na naman ang kanyang pagiging chef
nang isang araw.Kinabukasan, pagkatapos na makakain ng putaheng dala
ni Apong ion, mabuti-buti na ang pakiramdam ni Tatay Ador, pero hindi
pa rin siya makalakad.“Ngayon, magiging chef ka na para sa susunod
nating kakainin.” sabi niya kay Teo.Agad naming nagsuot ito ng kanyang
sombrero ng chef at abot-tainga ang ngiti.“Teooo! Si Mang Popoy, ang
kaibigan niyang nakatira sa dulo ng bayan ang dumating. Ibinigay kay Teo
ang isang mangkok ng arroz caldo.Ay naku! Sabi ni Teo sa sarili, iniisip
kung kailan kaya niya malalaman kung ano ang sikretong
rekado.Kinabukasan at sa sumunod na araw, may mga dumating pang
pagkain. Nagdala sina Titser Ligaya at Titser Milagring ng pansit na may
halong carrots na korteng bulaklak. Nagpadala naman si Mayor Belisario
sa drayber niya ng inihaw na hito. Nasorpresa si Teo dahil pati si Apo
Meyor ay nagpadala ng maputi at malapot na sopas na nakalagay
sa putting kaserola.Kailan pa kaya ako magiging chef Mateo? Tanong ni
Teo sa sarili habang ipinapasok ang mga pagkain sa kuwarto ni Tatay
Ador.“Aba, dapat kang matuwa, anak, “sabi ng tatay niya, na paika-ikang
lumalakad sa palibot ng kanyang kama. “Ang dami nating natatanggap na
mga pagpapala. Napakabait ng mga tao-dumalaw sila sa akin at nagbigay
ng napakaraming pagkain!”“natutuwa naman po ako, “Tay,” sagot ni Teo.
Ngunit nalulungkot din siya. “Pero magaling na po kayo ngayon kaya hindi
na ako magiging chef.”“Ah , kaya pala tahimik ka,” sabi ni Tatay Ador.
“Pangako, bukas, ikaw ang magluluto ng ating pananghalian. Papanoorin
lamang kita, “ pampalubag-loob ni Tatay Ador.“Talaga po, Tay?”
Kumikislap na ang mga mata ni Teo.“Oo, Teo, talaga.”“bilang chef, pwede
ko po bang gamitin ang rekado sa maliit na banga?”Nangingiti si Tatay
Ador na sumagot, “Aba, oo, Teo. Sa palagay koy panahon na” Habang
inuubos nila ang mga natira sa mga bigay na pagkain para sa kanilang
almusal, tanong ni Teo, “Pwede na po ba akong magsimulang magluto
pagkatapos kong maghugas ng plato?”“Aba, “natatawa si Tatay Ador,
“hindi ka na makapaghintay, ano?”Nagkaraan ng ilang oras, suot-suot na ni
Teo ang sombrero ng chef at apron ng tatay niya. nakaupo naman sa
malapit si Tatay ador para turuan siya. “Siguraduhin mongkumpleto ang
mga rekado, anak.” “0 kamatis, talong, ampalaya, bagoong. At, ang
pinakamahalagang rekado sa lahat” bulalas ni Teo, at inabot ang maliit na
banga.“Ang pinakamahalaga sa lahat ” bulong ni Tatay Ador.Kumakabog
ang puso ni Teo habang dahan-dahan niyang inaangat ang takip ng banga.
“Ha?!” Napatalon siya sa gulat. Tiningnan niyang mabuti ang loob ng
banga. walang laman! “Isang kapirasong papel lamang ang nandito#”“
“Hindi ‘yan isang pirasong papel lamang, Mateo, “ diin ng Tatay niya. inukot
ni Teo ang papel sa banga-may nakasulat pala roon. Binasa niya ito nang
marahan, “Kung kayoy kumakain o umiinom, o anuman ang inyong
ginagawa, gawin ninyo sa ikaluluwalhati ng Diyos. ! Corinto 56785, Bible
verse?!”Naglundagan ang mga kilay ni Teo hanggang sa kanyang
buhok.“Oo, talata nga mula sa biblia,” sagot ng tatay niya. “'sinulat ng
nanay mo at inilagay niya riyan sa banga. Nais niyang laging maalala kung
bakit dapat gawin nang tama ang kahit anong bagay.”“Kahit na po ang
pagluluto?” tanong ni Teo na nalilito.“lalo na ang pagluluto, “ diin ni Tatay
Ador. “Kasi mas maraming beses siyang nagluluto kaysa ano pa mang
gawain sa bahay. Minsan isang araw lamang siya naglalaba, naglalampaso
ng sahig, at nagwawalis ng bakuran. Pero tatlong beses siyang nagluluto
sa isang araw. Kayat umaga, tanghali at gabi, gusto ng nanay mong
makatiyak na ginagawa niya nang tama ang lahat-para sa ikaluluwalhati ng
Diyos.“Hmmm, “ tumango si Teo na nakikinig nang mabuti. “Tuwing
nagluluto ako, “ patuloy ng tatay niya, “pinapaalala sa akin kung anong ibig
sabihin ng talatang yan ! umaga, tanghali, gabi.”“Oo nga po!” Nilalarawan
ni Teo sa kanyang isip ang kanyang nanay na nagsusulat sa kapirasong
papel, at tinitiklop ito at nilalagay sa isang maliit na banga.“Akala ko po
sikretong rekado?” “Ay anak, hindi,” sabad ni Tatay Ador.“Pero bakit hindi
po ninyo sinabi sa ‘kin?” Naguguluhan pa rin si Teo.Kasi, iniisip ko noon,
napakabata mo pa para maintindihan ito.Pero nang maaksidente ako
nitong nakaraang lingo, nakita ko kung paano mo ako inalagaan. Noon ko
napag-isip-isip na.” “Kung hindi ito sikreto, e di pwede ko palang ibahagi sa
iba” natutuwang sabi ni Teo. Nasa isip niya sina Apong ion, Titser Ligaya,
Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo
Meyor ! mga matandang makakaunawa.“chef Mateo, naghihintay na ang
pinakbet mo, “paalala ng tatay niya.Habang kumukulo ang kaserola,
dumukot si Teo ng wala mula sa maliit na banga atibinudbod ito sa
kanyang pinakaunang putahe.

You might also like