You are on page 1of 4

BRU-HA-HA-HA-HA-HA BRU-HI-HI-HI-HI-HI

Ni: KIANAFORTEZ

Maniwala ka man o hindi, may kapitbahay ako na bruha. Ang pangalan niya ay Mrs.
Magalit. Patay ang buhok niya. Mala alambre ito. Malaki ang butas ng kanyang ilong. Matalas
siyang tumingin pero maganda ang kaniyang ngipin. Puting-puti at kumikinang kung siya’y
tumatawa……
“BRU-HA-HA-HA-HA-HA
BRU-HI-HI-HI-HI-HI”
Humahagalpak ng tawa si Mrs. Magalit. Noong nanonood siya ng mga komedyang
artista sa plasa.
“BRU-HE-HE-HE-HE-HE
BRU-HA-HA-HA-HA-HA”
Bakit ko nasabing bruha si Mrs. Magalit? Hindi dahil mukha siyang bruha at ibang klase
siyang tumawa kundi dahil hindi siya pumapasok sa bahay namin kapag may walis sa pintuan.
Sabi ni Lola (sumalangit nawa ang kaluluwa niya) ang mga bruho’t bruha ay takot sa bahay na
malilinis. Panangga laban sa kanila ay walis tambo sa may pinto. Mayroon pang dahilan ,
kaliwang kamay ang pansubo ni Mrs. Magalit, ganyan daw ang mga Bruho’t Bruha kung
kumain sabi ni Lola. Hindi ako talagang takot kay Mrs. Magalit, ayoko lang siyang makita sa
gabi. Kapag malalim na ang gabi at nanonood siya ng TV, nakakakilabot siyang tumawa.

“BRU-HO-HO-HO-HO-HO
“BRU-HO-HO-HO-HO-HO”

Dumadagundong ang malulutong niyang halakhak . Para tuloy naramdaman kong


nanginig ang lupa. Noong minsang nadapa si Mrs. Magalit lumipad ang mapuputi at
makikinang niyang ngipin.

“BRU-HA-HA-HA-HA-HA
BRU-HE-HE-HE-HE-HE
BRU-HI-HI-HI-HI-HI
BRU-HO-HO-HO-HO-HO”

Naghagalpakan, hagikgikan, at halakhakan ang mga salbaheng taong nakakita sa


kaniya .Parang nagmukhang bruho’t bruha sila sa aking paningin.

“BRU-HU-HU-HU-HU-HU
BRU-HU-HU-HU-HU-HU”
Humihikbi -hikbi si Mrs. Magalit habang pinupulot ang nabungi niyang postiso.
Naawa ako sa kaniya at inalalayan ko siya. Napadaan kami sa aming bahay at minabuti
kong yayain siyang pumasok para makapagpahinga. Nakalimutan kong kalilinis lang ni
nanay at naiwan niya ang walis sa may pintuan.

“Naku! Hindi na ako papasok iha at marumi ang aking tsinelas.”

Pinilit ko parin siyang pumasok at pumayag naman siya. Laking gulat ko nang hindi
siya natakot sa walis. Inalok ko si Mrs. Magalit ng meryenda. Ginamit niya ang kaliwang
kamay sa pagsubo.

“Alam mo iha, nirarayuma itong kanang kamay ko kaya di ko magamit.”

Napahiya ako. Maling-mali ang aking akalang bruha si Mrs. Magalit. Tinitigan ko siya
nang husto at aking napuna na matanda na siya. Maputi na ang mukhang patay niyang
buhok. Malaki ang butas ng ilong niya dahil medyo hirap na siyang huminga.Matalas
siyang tumingin dahil malabo na ang kaniyang mga mata.

“Hay naku iha, Mahirap tumandang mag-isa wala na akong asawa. Walang anak
at walang apong tulad mo.”

Ang lungkot ni Mrs. Magalit kaya binuksan ko ang TV para siya ay maaliw sabay
kaming nanood ng komedya.

“BRU-HA-HA-HA-HA-HA
BRU-HE-HE-HE-HE-HE
BRU-HI-HI-HI-HI-HI
BRU-HO-HO-HO-HO-HO”

Ayan ang halakhak naming dalawa nang magkandaiyak na kami sa kakatawa .


Simula noon hindi na Bruha ang tawag ko kay Mrs. Magalit kundi….

LOLA:)
Ang Filipino ay Wikang Mga patalastas sa mga programa,
Ginagamit ito na lakas at sigla;
Panlahat, Ilaw at Lakas sa Mungkahing produkto ng isang
Tuwid na Landas artista,
Ang tibay at galing ay hindi naman
Ni : Jennifer L. Aguilar
pala.
“Ito ay espada sa
Inaabuso rin nitong kabataan,
anumang laban,
Sa pagkakahaling sa lamiyerdahan
Lakas na sa wari’y sigla Gawaing proyekto sa paaralan,
ng tanggulan,
Ang sasabihin pa na siyang dahilan.

At ilaw sa dilim nitong Ginagamit nitong mga talipandas,


kapanglawan,
Upang makaiwas sa hatol ng batas,
Sa pagkakagumon sa yaman at
At gabay sa landas na lakas,
dapat tawiran.” Ito ang paraan ng kanilang
pagtakas.
Ang bagay na ito’y makintab sa
Ginagasta niyong mga kumaliwa,
langis,
Sumigaw sa kalyeng umayaw sa
Pinatalas noong panahong mabilis
lisya,
May bahid ng digma’t mga
Ngunit itong sagot sa mga
pagtitiis,
problema,
Hinasa sa dila pati na hinagpis.
Hindi naman nila lubos na unawa.
Ginagamit ito ng mga pulubi,
Sa musikang tugtog nitong mga
Sa daang mabilis at nagmamadali,
kwerdas,
Kanyang pangungusap sa
Hindi na marinig ang tunay na
nagdaang hari,
lakas.
Ay tinumbasan lang ng mapait na
Tila nagwari lang na isang alamat,
ngiti!
Simula ay ingay, gulo itong wakas.
Mistulang sandata ng kalalakihan
At sa pagtitiis ng kabayanihan,
Sa ibig na liyag na kadalagahan,
Tila nalimutan ang pinanggalingan,
Sa puhunang laway sa nililigawan,
Sa marmol na bato sa Kamaynilaan,
May asawa na pala nang
Doon lang naukit ang
magkabistuhan.
pinaghirapan...
Ito ri’y kalsada ng mga pinuno,
Upang makarating sa nais na
p’westo
Ibinabayubay bago pa maupo,
Sa masa na hayok sa bagong
gobyerno.

You might also like