You are on page 1of 9

6

Module 33

Filipino
Mga Panghalip

181
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong pag-


aaral? Talaga namang sa bawat modyul na iyong binasa ay may
maraming kaalaman kang matutuklasan. Sana’y isaisip mo ang lahat
na iyong natutuhan.

Mga Dapat Matutuhan

Sa modyul na ito ay matutuhan mo kung paano nagagamit nang


wasto ang mga panghalip.

Subukin Natin

Alin ang panghalip na angkop sa pangungusap? Isulat ang


tamang sagot.

1. Si Aling Berta ay isang masipag na ina. (Ako, Siya, Ikaw) ay may


apat na anak na uliran.

2. Samahan (ikaw, mo, ako) si Lina.

3. Sina Tatay, Nanay at ako ay maagang aalis. Pupunta (kayo, kami,


sila) sa lalawigan.

4. (Kami, Niya, Ikaw) pala ang bagong kaibigan ni Adel.

5. Nagpasalamat si Aling Petra sa Diyos. Dahil sa (ikaw, siya,


Kanya) naging mababait ang kanyang mga anak.

182
Pag-aralan Natin

Nakaranas ka na bang sumama sa iyong mga kaibigan? Ano ang


iyong naramdaman? Basahin natin at tunghayan ang kuwentong na
nasa ibaba.

Lito: Aga, sasama ba si Kathy kina Boyet mamaya?


Aga: Oo, Lito, sasama siya sa kanila.
Lito: Sina Kenneth, Ogi at Arlene ay tila gusto ring sumama.
Aga: Talaga bang gusto nilang sumama?
Lito: Ay, oo, talagang-talagang gusto nilang sumama.
Aga: Bakit naman gusto nilang sumama?
Lito: Kasi, maganda raw ang panonoorin nila.
Aga: Ganoon ba, kung ganoon ay tayo na.

Talakayin Natin

Pansinin mo ang usapan ng dalawang bata.

1. Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit? Ano ang


mga salitang iyon?

183
2. Naalala mo pa ba kung ano ang tawag sa mga salitang may
salungguhit?

• Ang mga salitang iyan ay tinatawag na panghalip. Ang mga ito


ay mga salitang pamalit sa isang pangngalan upang ang isang
pangungusap ay hindi naging kabagut-bagot o nakakainis na
basahin o pakinggan.

Tingnan mo kung paano pinalitan ang mga pangngalan sa


pangungusap sa ibaba.

1. “Aga, sasama ba si Kathy kina Boyet mamaya?


Oo, Lito, sasama siya sa kanila.
- Ang siya ay ipinalit sa pangalang Kathy at ang kanila naman ay
ipinalit sa pariralang pangngalang kina Boyet.

2. Sina Nora at Liza ay bumili ng tinapay sa kanto.


Sila ay bumili nito doon.
- Ang sila ay ipinalit sa pariralang pangngalan na sina Nora at
Liza;
- Ang nito ay ipinalit sa pangngalang tinapay at ang doon ay
pinalitan ang pangngalang kanto.
3. Narito ang mga panauhin.
Narito na sila.
- Ang panauhin ay pinalitan ng sila.

Narito ang mga halimbawa ng panghalip.

ako kami nila kita ito atin


ikaw, ka tayo niya nito kanila inyo
siya sila kanya amin iyo atbp.

O, kaya mo na ba? Sagutin mo ang mga pagsasanay upang lubos


mo pa itong maunawaan.

184
Gawin Natin

Basahin ang tula. Punan ito nang wastong panghalip. Piliin ang
mga panghalip sa mga salitang may salungguhit.

Ang Aking Aso


A. de Guzman

1.Siya, Ako, Ikaw ay may alaga na asong mataba


Kulay 2.ko, nila, nito ay itim, buntot ay mahaba;
Si Nanay at tatay laging natutuwa
Sa 3.akin, sila, kanyang pagtahol, babaw at kakatwa.

Doon sa 4.ating, aming, kanilang bahay;


5.ako, siya, sila ay laging bantay;
Matapat na lingkod naming mamamahay,
Kapag natutuwa si Ama’t si Ina,
6.Siya, Kami, Sila ay nag-uuwi, pagkaing sagana.

Ngunit isang araw lungkot ay dumalaw


Nang 7.ikaw, siya, ako ay makitang mata’y malamlam,
Katawa’y matigas, hindi maigalaw
Amin 8.ikaw, siya, ako tinanaw na mata’y luhaan.

Wala na si Itim, 9.ako, sila, siya ay pumanaw din,


Ngunit alaala’y nakintal, natanim;
Ang aso man palang tapat sa tungkulin
Puso ay dakila, dapat na mahalin.

185
Kung ang kuha mo ay 7-9, dumiretso ka sa “Mga Dagdag na
Gawain.” Ngunit kung ang kuha mo naman ay 6 pababa, sagutin mo
muna ang ‘Mga Dagdag na Gawain.’

Mga Dagdag na Gawain

Lagyan ng tamang panghalip ang mga sumusunod na


pangungusap.

Halimbawa: Si Rose ay bumili ng aklat.


Siya ay bumili ng aklat.

1. Si Rosa at ako ay nagtungo sa paliparan. __________ ang


naghatid sa aming tiyahing na umalis patungong Maynila.

2. Ang tatay ni Boy ay mabait. ___________ ay laging tumutulong sa


amin.

3. Niyaya ko si Annie. Ang sabi ko sa kanya, “__________ nang


umuwi.”

4. Sina Annie, Rosa at Boy ay pawang mababait na mga bata.


__________ ay laging tumutulong sa kanilang mga magulang.

5. Tinanong ako ni Peter, “Pupunta __________ ba sa amin mamaya?

186
Tandaan Natin

Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang ginagamit


bilang pamalit sa pangngalan. Ginagamit ito kung ang
pangngalan ay di nais banggiting muli sa pangungusap.

Pangngalang Panghalip
Papalitan
Isahan Dalawahan Maramihan

Unang ako kata, kita, ta kami, tayo


panauhan

Ikalawang ikaw, ka kayo


panauhan

Ikatlong siya sila sila, nila


panauhan

Sariling Pagsusulit

Tingnan kung mapapalitan mo ng wastong panghalip ang mga


pangngalang may salungguhit na iyong makikita sa mga
pangungusap.

Hal. Maalalahanin at masunurin sina Lea at Lita.


Maalalahanin at masunurin sila.

1. Si Pangulong Arroyo ang pangulo ng ating bansa.


________________________________________________

187
2. Magalang at mapitagan si Tito.
________________________________________________

3. Ang tsubibo ay nakatatakot sakyan.


________________________________________________

4. Narito na ang mga panauhin, sabi ni Jose.


_______________________________________________

5. Sina Linda at Alwin ay magpinsan.


_______________________________________________

Kung ang kuha mo ay 4 o 5, binabati kita. Maaari mo nang pag-


aralan ang susunod na modyul. Kung ang kuha mo ay 3 o pababa,
sagutin mo pa ang ‘Pagyamanin Natin!’

Pagyamanin Natin

Punan ng wastong panghalip ang sumusunod na pangungusap.


Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ako Sila
Tayong ikaw kanya

1. __________ ang mga namumuno sa aming klase.

2. “Ang inuutusan ng ating guro ay __________,” sabi ni Donnell.

3. __________ ang bahala sa lahat ng gastusin sa ating pagkain.

4. __________ lahat ay dapat na tumulong sa pangangalaga sa


ating kalikasan.

5. Sa __________ pa rin uuwi si Bert.

188
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin

1. Siya
2. mo
3. kami
4. Ikaw
5. Kanya

Gawain 1

1. Ako 6. Sila
2. nito 7. siya
3. kanyang 8. Sila
4. aming 9. siya
5. siya

Mga Dagdag na Gawain

1. Kami
2. Siya
3. Tayo
4. Sila
5. ka

Sariling Pagsusulit
1. Siya ang pangulo ng ating bansa.
2. Magalang at mapitagan siya.
3. Ito ay nakatatakot sakyan.
4. “Narito na ang mga panauhin,” sabi niya.
5. Sila ay magpinsan.

Pagyamanin Natin

1. Sila
2. ikaw
3. Ako/Sila
4. Tayong
5. kanya

189

You might also like