You are on page 1of 25

Tagapagsalaysay: Madilim, masukal, tahimik at

mapanganib. Sa gitna ng gubat, may isang lalaking


nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at
hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y
Florante.

Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong


awa! Ako'y nananaghoy, nakikiusap, humihingi ng tulong
niyo (bugtong hininga)
Florante: Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko
nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil
at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang
nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!

Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig


ang aking mga

panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan


na ayaw nyo na akong tulungan.

Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at


makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong
tulungan!

Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na


lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.

Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit,


Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
Tagapagsalaysay: Habang nagdudusa si Florante sa gubat,
isang Gererong Morong nagngangalang Aladin ang dumating
sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng
pagpapahingahan.

Aladin: O, Flerida, O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo


ang minamahal ko!

Tagapagsalaysay: Habang si Aladin ay umiiyak at


nagdudusa ay may narinig siyang tinig sa kagubatan at
pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.

Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng


isang naghihinagpis na

tao. Sino kaya siya?

Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan


sa kamay nang taksil na si Adolfo. Si Adolfong malupit
at higit pa sa halimaw kung manakit.

Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y


natapos nang siya'y

pinahirapan at pinagtaksilan.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos na marinig ni Aladin si


Florante ay nagmuni siya ng isang malaking problema.
Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap
lutasin dahil sa aking sintang inagaw.

Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang


mapansing humina ang boses na kanyang narinig.

Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na


maabutan ang taong iyon.

Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang


mga sagabal sa

pamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang


nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong
dalawang leon. Siya ay naghanda at nilusob ang mga
leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay
pinakawalan niya si Florante.Aladin: Parang nakita ko
na ang taong ito?

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si


Florante at……

Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis


dito…

Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa


kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante…
Florante: Sino ka at bakit ako narito?

Aladin: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa


iyo.

Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?

Aladin: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.

Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka


dumating. Ngunit ang

pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.

Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo


lang ang iyong pasakit?!

Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit


isinama ni Aladin si

Florante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila


nagpalipas ng gabi.
Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na
si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.

Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo


kaibigan!

Tagapagsalaysay: Inaliw ni Aladin si Florante ngunit


napansin nitong

malungkot pa rin siya.

Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang


malaman?

Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng


ako'y ipinanganak.

Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naupo upang


magkuwetuhan.

Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan


si Duke Briseo,

ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si


Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay
pinangalanan nilang Florante.
Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin
ng isang buwitre. (sinasalaysay habang inaarte ng
batang Florante)

Prinsesa Floresca: Florante! Tulong!

Menalipo: Bakit po anong problema?

Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay


dadagitin ng buwitre

kaya Dali-Dali niya itong pinana at napatay. At noon


namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking
dibdib ang aking Cupidong Dyamante. Buti na lang at
Hindi ako napahamak. (isinasalaysay habang inaarte ng
batang Florante)

Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong


nasa burol at dala ang aking pana't busog at ako'y
naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag
ako'y napagod ay nagpapahinga at naliligo ako sa batis
kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang
tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang
tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay
habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang
mga nayades)
Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama
ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y lilisan.

Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?

Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung


Hindi siya mag-

aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.

Pronsesa Floresca: Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?

Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro't


kaibigan doon.

Florante: Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si


ina upang ako'y

lumisan.

Tagapagsalaysay: Sa pagdating ni Florante sa Atenas…

Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala


si Antenor at ako ang
magiging guro mo dito sa Atenas.

Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po!

Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo?

Florante: Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.

Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.

Tagapagsalaysay: Sa isang buwang pagtigil ni Florante


sa Atenas ay

kapansin-pansin na palagi siyang tulala at di makakain.

Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay


niya si Adolfo, ang kanyang kababayan. Napansin niya
ang pinong pagkilos nito.

Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral……

Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa


pilosopiya, astrolohiya at
matematika.

Florante: Salamat po!

Tagapagsalaysay: Dito nagsimulang magalit si Adolfo


dahil nasasapawan na

siya ni Florante.

Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.

Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng


dalawang Apo. Si

Florante ang mangunguna bilang Polinise at si Adolfo


bilang Etyokles.

Tagapagsalaysay: Nang magsimula na ang dula-dulaan.


Nanlisik ang mata ni

Adolfo kay Florante.

Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang


umagaw ng kapurian ko,
dapat kang mamatay.

Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo


ang iyong kahibangan.

Tagapagsalaysay: Natapos ang pagdiriwang at di na


nakita si Adolfo.

Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating


para kay Florante.

babasahin ang sulat

Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo


ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa matagal na
panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid
ang pag-iyak)

Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa si Florante sa


Atenas bago dumating

ang kanyang sundo.

Florante: Maestro, paalam na po.


Antenor: Florante, tandaan mo palaging mag-iingat kay
Adolfo.

Florante: Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang


inyong bilin.

Menandro: Mag-iingat ka Flortante. Kapag kailangan mo


ng tulong ay nandito

lang kami.

Antenor: Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.

Menandro: Salamat po.

Florante at Menandro: Paalam na po.

Tagapagsalaysay: Pagdating sa Albanya……

Florante: (humalik sa kamay ng ama) O aking ama!

Duke Briseo: (niyakap ang ama) O bunso.


Tagapagsalaysay: Biglang may dumating na isang
mensahero.

Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang


Krotona sa inyo dahil nanganganib po na masakop ni
Heneral Osmalik.

Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante,


pupunta tayo kay haring Linceo.

Tagapagsalaysay: Pagdating sa palasyo, sinalubong sila


ni Haring Linceo.

Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak na si


Florante.

Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya


ang papalit sa aking

trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa


Krotona.

Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng


karangalan.
Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong
kahusayan sa

Atenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga


katangian ng iyong

ama.

Florante: Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang


po ang nararapat.

Tagapagsalaysay: Kasilayan ni Florante si Laura sa


hardin ng palasyo.

Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang


pangalan ng magandang

binibining iyon?

Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si


Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami ng iyong
ama.

Tagapagsalaysay: Pumasok si Haring Linceo sa loob ng


palasyo at nilapitan
naman ni Florante si Laura.

Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa


kita napapansin.

Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri.


Lagi kang

ikinukwento sa akin ng iyong ama.

Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.

Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at


aalis ka na rin.

Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at


magsisimula na ang

piging.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging…

Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka


ng maghanda para
bukas.

Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang


gabi rin po.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan…

Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong


lalakbayin.

Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang


maglingkod sa inyo,

Haring Linceo.

Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.

Florante: Salamat po.

Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik


ka.

Florante: Pangako, Laura.


Laura: Paalam.

Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng


lahat!

Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona,


nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.

Osmalik: Sugod!

Florante: Sugod!

digmaan

Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?!


(makikita sila Florante, Menandro at isa pang kawal)
Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!

Florante: Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!

Mga kawal: Mabuhay!!

Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya.


Tagapagsalaysay: Sa pagnalik nila sa Albanya ay may
nakasalubong silang mga di-binyagan na may dalang isang
babae.

Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?

Florante: Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang


babaeng iyan!

labanan

Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang


kita nakita rito.

Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?

Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.

Florante: Laura? Bakit ka nandito?

Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.

Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y


naging mabuti ka.
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng
tulong mo. May

bayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong


dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may
masamang mangyari sa kanya? Paano kung...

Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang


iyong ama sa abot ng aking makakaya.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang linggo…

Florante: Nanalo ulit tayo!!!

Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.

Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.

Tagapagsalaysay: Matapos noon ay bumalik na ang lahat


sa Albanya.

Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit


ipapadala ulti kita sa Etolya

para lumaban sa mga turko. Mag-ingat ka.


Florante: Pupunta po kami kaagad.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw ng


paglalakbay…

Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo


kaagad.

Florante: Sugod!!

digmaan

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw…

Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat


galing kay Haring Linceo.

Florante: Maraming salamat, maaari ka ng umalis.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos basahin ni Florante ang


liham, pinatawag niya si Menandro.

Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta


ako ng hari. Ikaw
muna ang mamahala dito.

Menandro: Ikararangal ko ito.

Tagapagsalaysay: Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-


iisa. Pagdating

niya ay pinaligiran siya ng mga kawal.

Florante: Anong ibig sabihin nito?!

Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.

Tagapagsalaysay: Dinala si Florante sa palasyo at


nakita si Adolfo.

Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi


nagkakausap.

Kuwentuhan mo naman ako.

Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!


Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit
ikinalulungkot ko..

Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.

Florante: Papatayin kita, papatayin kita!

Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan


ko…

Tagapagsalaysay: At doon nagwakas ang pagsasalaysay ng


buhay ni

Florante…

Florante: At ganoon nga ang nagyari.

Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking


buhay… Ang ngalan ko'y Aladin mula sa syudad ng
Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-

Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng


sarili kong ama.
Tagapaagsalaysay: Sasmantala, sa kabilang bahagi ng
kagubatan….

Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!

Adolfo: Sumama ka na lang!

Flerida: Itigil mo yan!

(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)

Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap


ngunit Hindi nila alam na

sila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-


uusap?

Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito


nagmumula. (pinakinggan

nila ito)

Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang


aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari na huwag na
itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero
upang makatakas sa kaharian.

Tagapagsalaysay: Di na nakatiis si Florante at


Aladin… Kaagad nilang

nilapitan ang kanilang sinisinta. Wari bang sabik sa


pagmamahal ng isa't-isa.

Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi


nagkita!

Laura: Mahal ko!

Aladin: Flerida! Aking sinta!

Flerida: O Aladin

Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?

Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa


bingit ng kamatayan
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo
na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan ni Adolfo…
Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at
maging ang iyong ama na si Duke Briseo.
Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong
nilalapastangan siya ni Adolfo kaya kinuha ko ang busog
at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang
hangal.

Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat.


Ngunit ngayon ay masaya na tayong lahat at magkakasama.

Tagapagsalaysay: Habang sila ay nag-uusap ay dumating


si Menandro at ang kanyang mga sundalo. Dapat ay
hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga
kasalanan nang Makita nilang maayos na ang lahat..

Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa


Albanya. Masaya ang mga tao na nakita silang maayos na
nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante
at Laura at maging Nina Aladin at Flerida matapos sila
kapwa magpabinyag.

Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam


sayo. May nagbalita kasi sa akin na sumakabilang buhay
na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa
kabila ng mga kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling
ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin
na kami ay babalik dito upang kamustahin kayong mag-
asawa. Paalam kaibigan!
Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo
at Duke Briseo ay pinalitan sila ni Florante. Sa
kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng
kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad muli at
bumalik rin sa dati ang mga tao.

You might also like