You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Paggamit ng Angkop na Pantukoy


Kakayahan: Nagagamit ang angkop na pantukoy upang mabuo ang pangungusap

Isulat sa patlang ang pantukoy na bubuo sa pangungusap. Gamitin ang


pantukoy na ang o ang mga.

1. ___________ kulay sa ating watawat ay asul, pula, dilaw, at


puti.
2. ___________ pangulo ng Pilipinas ay inihahalal ng mga
mamamayang Pilipino.
3. Inilipad ng malakas na hangin ___________ tuyong dahon sa
lupa.
4. Huwag mong kalimutang isuot ___________ I.D. mo.
5. Handa na bang makinig ___________ mag-aaral ni Bb. dela
Peña sa ikatlong baitang?
6. ___________ “Lupang Hinirang” ay sabay-sabay na inaawit ng
mga estudyante.
7. Hinahabol ng asong kalye ___________ itim na pusa.
8. Nakapila na ___________ mamimili sa labas ng tindahan.
9. Ano ___________ paksa ng sanaysay na isinusulat mo?
10. ___________ pamilya ni Rene ay magbabakasyon sa Palawan.
11. May butas ___________ unahang gulong ng bisikleta mo.
12. Sina Michael, Sarah, at Jonas ___________ anak nina G. at Gng.
Villamor.
13. Nakita mo ba ___________ listahan ng mga bagong nars?
14. Isa-isang ipinaliwanag ng punong guro ___________ tuntunin
ng paaralan.
15. Ibibigay ni Lorena ___________ lumang damit at kumot sa mga
napinsala ng bagyo.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Paggamit ng Angkop na Pantukoy (Mga Sagot)


Kakayahan: Nagagamit ang angkop na pantukoy upang mabuo ang pangungusap

Isulat sa patlang ang pantukoy na bubuo sa pangungusap. Gamitin ang


pantukoy na ang o ang mga.

Ang mga
1. ___________ kulay sa ating watawat ay asul, pula, dilaw, at
puti.
Ang
2. ___________ pangulo ng Pilipinas ay inihahalal ng mga
mamamayang Pilipino.
ang mga
3. Inilipad ng malakas na hangin ___________ tuyong dahon sa
lupa.
ang
4. Huwag mong kalimutang isuot ___________ I.D. mo.
ang mga
5. Handa na bang makinig ___________ mag-aaral ni Bb. dela
Peña sa ikatlong baitang?
Ang
6. ___________ “Lupang Hinirang” ay sabay-sabay na inaawit ng
mga estudyante.
ang
7. Hinahabol ng asong kalye ___________ itim na pusa.
ang mga
8. Nakapila na ___________ mamimili sa labas ng tindahan.
ang
9. Ano ___________ paksa ng sanaysay na isinusulat mo?
Ang
10. ___________ pamilya ni Rene ay magbabakasyon sa Palawan.
ang
11. May butas ___________ unahang gulong ng bisikleta mo.
ang mga
12. Sina Michael, Sarah, at Jonas ___________ anak nina G. at Gng.
Villamor.
ang
13. Nakita mo ba ___________ listahan ng mga bagong nars?
ang mga tuntunin
14. Isa-isang ipinaliwanag ng punong guro ___________
ng paaralan.
ang mga
15. Ibibigay ni Lorena ___________ lumang damit at kumot sa mga
napinsala ng bagyo.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com

You might also like