You are on page 1of 19

Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

EPISTEMOLOHIYANG FILIPINO SA
KARUNUNGANG PILIPINO

ni BAYANI S. ABADILLA

ANO ANG KARUNUNGAN? PAANO NAHUHUBOG ANG


KARUNUNGAN? ANO ANG KATUTURAN NG KARUNUNGAN SA BUHAY?
ANO ANG RELASYON NG KARUNUNGAN SA KATOTOHANAN? ANO
ANG KATOTOHANAN?

Masasagot ang mga katanungan ng paglilinaw sa sikolohikal na kahalagahan


o sikohistorya (psychohistory). Ang paglilinaw ay nakatuon sa larangan ng siyensya
na humahabi at nagtatakda sa iba-ibang larangan ng karunungan. Sa pangkalahatan,
may dalawang pangunahing saklaw o parametro ang siyensya: (1) karunungan
tungkol sa tao; at (2) karunungan tungkol sa natural na kalikasan. Parehong may
sari-saring sangay o disiplina ang dalawang pangunahing larangan ng siyensiya o
karunungan. Halimbawa, sosyolohiya at bayolohiya. May kaangkinan ng bawat
sangay ng siyensiya.

Sa siyensiya, talino ang lumilikha ng karunungan. Ang iba-ibang larangan ng


siyensya ay katotohanang galing sa talino. Lahat ng nalilikhang karunungan ay
galing sa karanasan ng sangkatauhan, ng magkaiba sa lahi. Sa dinamismo ng buhay,
umiiral ang diyalektikal na talino at karunungan. Malikhain ang talino: umuunlad
ang karunungan...

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 1


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Ang bawat larangan ng siyensya/agham ay may katugmang disiplinang


tumutuklas at lumilinang sa mga partikular na karunungan. Ang mga karunungang
maka-agham—bago kilalaning totoo- ay isasalang muna sa mahigpit na proseso ng
agham.

Ang proseso ng isip na umaayon sa organikong batas ng buhay ay


konsepto/dalumat. May konseptong magaling may konseptong masama. Ang
batayan ng kagalingan ng konsepto ay kung mabisang nakawawasak ng katangahan.
Kabalintunaan ang reyalidad ng katangahan. Magkasalungat sa mga elemento sa
sikohistorya ang katotohanan at kabalintunaan at may pamantayang etikal.

Ang totoo sa lahat ng sangay o larangan ng siyensya- kapag naangkin ng isip-


ay katalinuhang kapaki-pakinabang sa buhay. Sa tandisang pagtugon ng isip sa hatak
ng kalayaang ibinubugso ng pangangailangan nakalilikha ang talino ng karunungan.
Samantala ang pagtugaygay ng isip (pag-aaral) sa kalikasan/katangian, saklaw at
tibay ng anumang karunungan at epistemolohiya o maka-agham na pag-aaral. Sa
katuturan, ang epistemolohiya ay disiplina ng isip sa walang humpay na pagtugon
sa hatak ng kalayaang itinakda ng pangangailangan. Ang kalayaan ay pagkilala sa
pangangailangan. Pangangailangan ang kabuluhan ng kalayaan. Pagbabago ang
katuturan ng kalayaan. Ang pagbabago ay pag-asa. Lahat ng bagay ay nagbabago.
Ang hindi lang nagbabago ay pagbabago. Sa diyalektikal ng buhay—nagaganap ang
pagbabago sa karunungan o pamumuhay. Sabihin pa, tumatalino ang isip; umuunlad
ang buhay.

HINGGIL SA EPISTEMOLOHIYA
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 2
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Sa siyensya pinagtitibay ang totoo o karunungan (pagtanggap ng lipunan)


pagkatapos ng masinop na prosesong makaagham: haka, obserbasyon, ebalwasyon,
validasyon at konklusyon. May pinagmumulan o ugat ang mga bagay-bagay –
natural o likha ng tao. Sa siyensya ng karunungan o epistemolohiya, ang ugat ng
kaalaman o impormasyon ay etimolohiya. Ang anumang bagay ay may dahilan sa
pag-iral. Ang pagtugaygay sa anumang bagay o impormasyon o kaalaman mula sa
pinakaugat o likas na kinahahantungan sa pinakahuling anyo o katangian ay isang
pag-aaral na siyentipiko.

Ang simula at likas na galaw ng mga impormasyon/kaalaman o mga bagay na


abstrakto/ teoretikal sa kabuluhan at katuturan (significance and effect) ay
teknolohiya sa siyensya. Ang inter-aktibong galaw o magkakaugnay na mga
kaganapan ng mga kaalaman ay ontolohiya. Ang bulas at pag-unlad naman ng
kaalaman ay ontonehiya. Ang mga kaalaman/impormasyon ay likha ng buhay at
nakasanib sa buhay. Hindi pa karunungan ang mga kaalaman, impormasyon lang.

Ang mga kaalaman ay anyo (abstrakto/konkreto) ng mga kaganapan (datos)


sa buhay, nasasabat ng mga sentido ng tao at naiimbak ang mga ito sa memorya.
Samantala, ang karunungan-- na lantay ng katotohanan – ay likha ng pagsusuri ng
talino sa mga datos na nasa memorya mula sa mga pamamaraang maka-agham. Sa
buhay humahango ng karunungan ang isip. Diyalektikal (nag-aakitan, nagsasanib,
nagpipingkian at nagbabago) ang organikong kalikasan/ katangian ng mga bagay/
nilalang sa buhay. Sabihin pa nagkakaisa ang mga tao sa prinsipyo: nagsasalungatan

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 3


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

ang mga uri ng mga tao sa prinsipyo. Sa karunungan, ang diyalektika ay nasa anyo
ng tesis, antitesis at sintesis.

SIMULA AT PAGSULONG NG TALINONG PILIPINO

Matutukoy ang karunungan o talino ng sambayanang Pilipino mula sa


sinaunang sibilisasyon. Sa tala ng kasaysayan, nagsimula ang talino ng Pilipino
noong panahon ng Plestosin, 250,000 – taon bago kay Kristo (Dr. Jaime B.
Veneracion, “Agos ng Dugong Kayumanggi,” 1987). Ang sinaunang mga tao sa
archipelago/kapuluan ay unggoy (Homo Erectus). Matagal sila na naghahagilap ng
kakainin. Nalikha ang mga unggoy sa dinamismo ng kalikasan. Ang sinauna’t
orihinal na pangalan ng kapuluan ay Islas Maniolas. Si Ptolemy, griyegong
topograpistang gumawa ng mapa, ang naglapat ng pangalang Islas Maniolas sa mapa
ng mundo.

Isang gintong mohon, sa punto ng karunungan ang pagkiskis sa dalawang bato


ng mga sinaunang nilalang sa kasaysayan ng lahing kayumanggi. Ang sitwasyon ng
pagkikiskisan ng Homo Erectus sa dalawang bato ay malinaw na sandali ng paggawa
ng apoy ang nililikha sa pagkiskis ng bato. Nang dumiklap ang init, sa pagkiskis ng
kamay sa dalawang bato, umiglap sa isip ng Homo Erectus ang talino. Ito ang
etimolohiya ng talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino. Kaugnay nito, noong
sinaunang panahon, ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay at katawan ang wika o
lengguwahe ng mga Homo Erectus. Ito naman ang pinagmulan ng etimolohiya ng
ngayo’y wikang Pilipino. Ang mga tunog at mga letra, na kaangkinan ng wika, ay
nakikilalang alibata. Ang alibata, sa disiplina ay pagsasaayos ng mga tunog ng mga
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 4
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

salita o baybayin. Mga korelasyon ang tunog ng wika sa mga ingay na nalilikha ng
kalikasan. Ito ang sensasyon sa kalikasan. Tao ang pinakamalakas na anyo ng
kalikasan.

Sa pagbaybay ng mga kataga o salita. Ang mga salita ay tumutukoy o


kumakatawan sa mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy
at nalalasahan. Mula sa mga bagay na tumitimo sa sentido, nakabuo ng mga ideya
ang mga sinaunang Pilipino.

Ideomotor ang nagpapakilos sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga


ginagawa ng mga tao sa pamumuhay. Idea ang nilalaman ng ideomotor. Sa
salimuhaan ng mga tao sa iba’t-ibang larangan ng buhay ay umiiral ang ideya. Sa
kaganapang panlipunan/sosyal ang praktika at teorya ng mga ideya ay sintaktiks.
Ang sintaktiks ay isang sangay ng semyotika...

Sa pamamagitan ng talino at paggawa umunlad nang umunlad ang


pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Sabihin pa, paggawa ang talino: talino ang
paggawa. Karunungan ang nalilikha ng talinong gumagawa. Ang karunungang
ginagamit ng isip ay naghahatid ng kaunlaran. Sa malayang galaw ng isip at talino
ng sinaunang Pilipino nakalikha sila ng iba ibang kagamitan sa produksyon ng mga
pangangailangan sa pamumuhay. Sa mga kagamitan sa produksyon nalinang ang
mga lupain—pagsasaka. Natutuhan ang mabisang pangingisda. Nakahabi ng tela.
Naghayupan. Noon, talino ang ideomotor ng kabihasnan at paggawa ang
kapangyarihan ng talinong naghahatid ng kaunlaran, katiwasayan at kagandahan.

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 5


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Nabibihisan ng karunungan ang isip sa proseso ng humanisasyon. Ito ang


diyalekto ng talino at paggawa. Marunong at mababait ang lahing kayumanggi
noong sinaunang sibilisasyon. Pinatunayan ito ng kanilang mabulas at
namumulaklak na kabihasnan. Ang maunlad at maginhawang kabihasnan ay dulot
ng mga sumusunod:

1. Talino—paggawa
2. Kalayaan at kasarinlan
3. Masaganang likas na yaman ng kapaligiran.

ANG TALINO NG BAYAN SA SAPOT NG SIMBAHAN

Ang paglapat ng poder ng kolonyalismong Espanyol (1565) sa bansa ay


tahasang nakapaghasik ng kulturang ungas na lumawig sa loob ng 333 taon. Sa
kulturang ungas tiwalag ang talino sa pagkatao ng sambayanang Indiyo (daw).
Simbahan ang naghasik at luminang sa malaganap na katangahan. Kaalinsabay ng
tumatatag at lumalawak na katangahan sa kamalayan ng mga Indiyo ay mahusay
namang nahuthot ng bansang Espanya ang mga likas na yaman sa bansang kolonya
(Pilipinas).

Sa simula pa lang ng kolonyang pamamahala (governance), sinunog agad ang


lahat na pamana ng lahi ng mga karunungang nahabi ng sinaunang kabihasnan.
Likha daw ng mga demonyo yaong karunungang likha ng mga katutubong nilupig,
ayon sa mga lobong nakadamit tupa (mga prayle). Sa pamamagitan ng panlilinlang

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 6


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

at pandarahas ng simbahan at gobyernong praylokrasya nagupi o naluno ang


bait/tino (good sense) ng sambayanang kayumanggi na inalipin at binusabos. Ang
doktrina ng simbahan, sa litanya ng prostitusyon, nagpasalin-salin sa mga
henerasyon ay tahasang sumisira sa bait/tino ng mga katutubong inalipin.

Malawak at matining (hegemoniko) ang kabalintunaan at kabalbalan


(erroneous knowledge) sa kulturang ungas na milyenaryan ang kilatis. Habang ang
sikil na kamalayan o bait (collective unconscious) ang sambayanan na likas ang
talino (innate intelligence) ay nananatiling nasa isip lamang bilang katotohanan
(psychological fact) dahil sa mabangis na sensura ng simbahan at gobyernong
kolonya.

Sa loob ng 333 taon (1565-1898) luno ang katinuan at lumpo ang pagkatao ng
madlang indiyo. Nangyari iyon bunga ng sistematikong indoktrinasyon ng simbahan
at panikil ng gobyerno sa talino ng madla. Mahigpit ang sensura ng gobyernong
Praylokrasya. Habang masigsasig ang simbahan sa pagpapatatag ng kulturang ungas
sa pamamagitan ng dasal, misa, binyag, kumpisal, piyesta na kumondisyon o
humutok sa kaisipang alipin. Diwang torang-garing ang katangian ng malaganap na
isipan: nasa diyos ang biyaya ang tao ang dapat magmakaawa.

Ang kulturang ungas ay isang litanya ng duyan at kabaong. Ibig sabiin ang
tangang madla ay kumakain, nagbabawas, nagugutom, gumigising—nang gayun at
gayon lang—habang nagtatrabaho hindi nila natatamasa ang makatwirang kaparte
sa mga biyayang kanilang pinagpapawisan. Sapagkat sa kairalan ang madalng indiyo

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 7


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

ay alipin-walang katwiran, walang dangal. Ang buhay ng alipin ay sumunod,


sumunod nang sumunod lang hanggang mamatay.

Sa lipunang kolonyal may tumataliwas sa kalakaran, sila ang matitinong tao.


Taong-labas (social deviance) ang lumihis sa kalakaran. Samantala “utak de kahon”
(stereotype consciousness) ang asal alipin. Umiiral lamang sa kultura ang
katangahan sa pamamagitan ng mga aparato ng ideoloihya ng estado, ito ang mga
institusyon na kumokontrol sa isip ng madla. Sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol, simbahan, pamilya at gobyerno pawang mga aparato ng ideolohiya.

Hindi permanente ang katangahan o kulturang ungas. Nawasak ito ng


katinuan. Noong 1896, sumiklab ang digmaang Pilipino-Espanyol. Sa dimensyong
pulitiko-kultural ang 1896 ay natipong katinuan sa anyong sama ng loob na biglang
sumambulat. Ang katinuan ng mabuting talino ay pwersang ideolohikal o sikomotor.
Sa diyalektika ng buhay nagtutunggalian ang ideolohiyang mabuti at masama-ito
ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at pagkatao.

Kung lalagumin ang historical na reyalidad ng kolonyalismong Espanyol sa


Pilipinas, mula sa anggulo ng karunungan at espisipikong nakatuon sa kagalingan
ng pagkatao, ng sambayanan, mauunawaan natin ang katangian ng bait ng bayan o
talino ng sambayanan sa sumusunod:

1. Winawasak ng talino ang katangahan;


2. Hindi habang panahon nasisikil ang talino;
3. Ang talino ay katinuan;

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 8


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

4. Agn talino sa lantay na kahulugan, kabuluhan at katuturan ay totoo, magaling


at mabuti;
5. Nahuubog ang talino ng mga karanasan;
6. Ang mga masasaklap na karanasan na tumitimo sa isip, ay talinong
mapanghimagsik;
7. Ang talino na ideomotor ay napakalakas na pwersa na batas ng kasaysayan;
8. Talino ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at sa pagkatao ng
sambayanan;

Sa isang bansang estado na republika ng diwa o pilosopiyang pulitikal,


nakaprograma ang diwa ng demokrasya na tumutugon sa kapakanan, kabutihan at
kagalingan ng taong bayan sa pamamahala na lahat ng larangan ng pamumuhay ng
taong bayan.

(sa kahingian ng kabatiran (insight) hinggil sa katagang Republika, sinipi


natin ang ilang “buntis na linya” ng tulang Republikang basahan ni Teodoro A.
Agoncillo.)

REPUBLIKANG BASAHAN

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?


Ang tingin sa tanikala ay busilak na kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi


Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 9


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing!

Sa antas ng epistemolohiyang, diwang kaluranin ang karunungang


kumukontrol sa isip ng sambayanan. Mekanismo ng edukasyon at pabatirang
pangmadla ang daluyan ng mga kaisipabng mula sa kanluran. Bukod dito, katulong
din ang simbahan/relihiyon sa paglupig sa bait ng bayan.

Sa buong larangan ng pamumuhay sa Pilipinas ay nakasalalay sa matinik na


saplot o mekanismo ng makabagong kolonyalismo. Ang kabuhayan, pulitika at
kultura ng sambayanang Pilipino ay nagigiling sa makinaryang ekopulitikal IMF
(international monetary fund) at WB (world bank) ng “matitinding” naghaharing uri
sa daigdig. Sa dimensyon ng heopulitika, napisan sa limang bansa-Amerika,
ingglatera, alemanya, italya at hapon-ang “matitinding” naghaharing uri sa daigdig.

Ang konsentrikong daloy ng mga negosyo ng mga “matitinding” naghaharing


uri ng daigdig ay nakatining sa sistema ng monopolyo kapitalismo. Global ang
operasyon. Pangunahing IMF at WB sa mga institusyong “namamahala” sa mga
negosyo ng mga matitinding naghaharing uri sa daigdig.

Daihl sa monopolyo kapitalismo, patuloy na sinasalasa ng mga krisis ang


bansang estado ng Republika ng Pilipinas. Ang entong epekto at pagkasalaula ng
pagkatao ng sambayang Pilipino. Sa ganitong realidad, malinaw na nangyayari, araw
araw, ang kontradisyon ng mga institusyon at pagkatao. Ang kontradiksyon ay
nagaganap sa antas ng kabuhayan, pulitika at kultura.

Sa loob ng 333 taon na kolonyalismo ng Espanyol umiral ang kulturang


ungas—umiiral pa hanggang sa kasalukuyan. Higit pang lumala. Sapagkat patuloy
na dumadami ang populasyon nanatili rin sa kasalukuyan ang dalawang antas
(parang langis at tubig) ng kaisipan sa kamalayang panlipunan. Diwang kolonyal

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 10


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

ang dominante. Ang nasa ilalim ng madlang isip (mind set or zeitgeist) ang sikil ng
nagkamalayang makabayan, maka-uri at makatao. Ang patuloy na lumilinang sa
namamayaning balintunang kamalayan ay mga aparato na ideolohiya ng estado:
pamilya, simbahan, pabatirang madla, edukasyon atgobyerno. Ang mga aparato ng
idelohiy ay kontrolado ng mga dayuhan at lokal na mga naghaharing uri sa
lipunanang Pilipino.

Ang mga naghaharing uri sa Pilipinas ay binubo ng mga sumusunod:


1. Uring kapitalista (dayuhan at lokal)
2. Propitaryo-komprador (asendero-komersyante)
3. Burukrata-komprador (negosyanteng Pulitiko)
4. Edukador-komprador (nagnenegosyo sa edukasyon)
5. Komprador-tagapamahayag (naegosaynte sa mass media)
6. Banal na awtoridad (mga taong simbahan)

Sa perspektibang pangkarunungang nakatuon sa kagalingang pambayan at


pambansa—lung lilimiing mabuti—mapapansing ang sistema ng edukasyon sa
kasalukuyan na mistulang punerarya ng utak ang akdemya at ang mga guro ay
embalsamador ng talino. Kaugnay into, ang iondustriya na apbatirang pangmadla ay
tahasang palengke ng kaisipan na may presyo ang mga ideya, paglilibang, paghakot
ng katangahan at pagkatao ng mga gumaganap sa teknolohiya ng mass media.

(ang kahulugan , kabuluhan at katuturan ng kultura ay nakalundo sa


pagpapahalagang pantao (social values) at hindi tamagn ituring na industriya lang
na ina’t hindi ang kikitaing salapi—sa anyo ng tubo sa puhunan o suweldo.)

Sa kaslukuyang namamayaning kulturang ungas-nasa ISIP ang nagpapagalaw


sa lahat ng larangan ng buhay—ang Pilipins ay tahasang napakagandang pamilihan
o palengke. Pinakikinabangang mabuti ng matitinding naghaharing uri sa daigdig
nag industriya ng utak (consciousness industry) sa Pilipinas. Sa industriya ng utak,
puwersa ng palengke (na tinatantos ng tubo at presyo) ang nagtakda sa kilatis ng

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 11


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

pag-uugali, gusto, hilig, propesyon at paggawa. Sa umiiral na komersyalismo—


walang puwang ang kabutihan ng pagkatao. Sa siyensya, ang karunungan hinggil sa
pagpapahalagang pantao ay axiolohiya. Ang axiolohiya ay kabutihan ng tao ang
pinapanday na talino.

ANG EPISTEMOLOHIYANG PILIPINO

Ang makinig sa sabi-sabi walang bait sa sarili—ito ang aral ng buhay. Sa diwa
ng konteksto ng kabutihan ng sambayanang Pilipino, ang kasabihan ay pumukaw-
diwa sa katalinuhan ng bayan. Ang talino ng mga Pilipino, sa ideyal na kalakaran ay
karanasan ng bayan—sininop ng sistema ng edukasyon—na nagiging karunungang
namamatnubay ng bayang patuloy na lumilikha ng mga pangangailangang
panlipunan para sa kabutihan, kaginhawaan at katiwasayan ng sambayanan—ito na
praxis (karanasan at karunungan).

Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiy na


pawang resaresa (intricacies) ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang
Filipino—at ginagamit ng sambayanang Pilipino sa pamumuhay at tiyak na
maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at kagandahan sa kalooban ng mga Pilipino.
Tanging wikang Filipino ang saligan ng Epistemolohiyang Filipino—ng batis
(source) ng antas-antas na pag-unlad ng talinong Pilipino.

Ang wikang Filipino ay hindi miyum lamang ng pagtuturo. Sinasalamin ng


wikang Filipino ang pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga
Pilipino.ang wika ay mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan.

Hinid antipatiko ang epistemolohiyang Filipino sa daloy ng pandaigdigang


karunungan. Sa halip yaong makatotohanang mga karanasan ng ibang lahi sa daigdig
ay masinop na kinilatis ng edukasyong Pilipino para sa pambansang kapakanan at
kabutihang pambayan.

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 12


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Ang mahigpit na balakid sa epistemolohiyng Pilipino ay dogmatismo at


panatisismo na (lason) sa matinong pag-iisip.

Ang katotohanan ay mapagpalaya. Sa katotohanan lumalaya ang isip sa


katangahan. Sa pamamayani ng kabalintunaan/kabalbalan, masakit ang katotohanan.
Ngunit nagtuturo ang totoo. Ang tao o bayang tanga—walang pag-asa!

Sabi ni Voltaire ang karunungan ay kapangyarihan!

FILIPINOLOHIAY SA KALINANGANG PINOY

Filipinolohiya (kilatis ng talino ng madla na gumagana o tumutugon sa


kahingian ng panahon sa batas ng kasaysayan) ang hilab ng pamumuhay sa bansa na
itinatadhana ng talino sa paggawa sa simbuyo ng kalayaan at antas ng kasarinlan o
soberanya.ang kalinangan ay kalahatan naman ng iniisip at ginagawa o nililikha ng
sambayanan na itinatakda ng batas ng buhay na dinamiko o masaklawing umiiral sa
bansa.

May tatlong dimensyon o larangan ng buhay na pinaiiralan ng Filipinolohiya


sa kalinangan:
1. Ekonomiya o pambansang kabuhayan.
2. Pulitika o malawak na katuturan ng buhay
3. Kultura, kadluan ng totoo, tama, mabuti at maganda sa kapamuhayan ng
sambayanan.
Magkakaugnay na larangan ng buhay ang tatlong dimensyon ng praktika at
teorya o praxis (sabayang paggana ng talino at paggawa na kinasasangkutan ng sipag
at tiyaga ng sambayanan)

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 13


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Bawat larangan ng buhay ng sambayanan ay kinaiiralan ng batas ng


kontradiksyon—mula ng sumulpot at umiral ang mga uri ng pagkatao sa
sibilisasyong Pilipino. Tampok sa esensya at porma ng kontradisyong yaong mga
pananaw ng buhay, paniniwala at paninindigan ng mga uri ng pagkatao na nag-
aakitan, nagsasanib, nagpipingkian at humahantong sa pagbabagong
sosyohistorikal. Sa madaling sabi, ang batas ng kontradiksyon ng lipunang Pilipino
ay tunggalian ng mga uri ng pagkatao.

Aktibong kasangkot ang estado/gobyerno sa tunggalian ng mga uri ng mga


pagkatao. Sapagkat estado ang kasangkapan ng mga nagtutunggaliang mga uri ng
mga pagkatao sa pagtatamasa nila ng kapangyarihan, kasiyahan at kaligayahan. Sa
gayon ang pakikibaka ng mga uri ng pagkatao ay nakatuon sa paghawak o
pagkontrol sa poder ng estado.

Ekonomiya o bati sng bhay ang pangunahing problema na kinasasangkutan


ng tunggalian ng mga uri ng pagkatao. Halimbawa: sigalot ng uring kapitalista at
uring manggagawa at hidwaan sa lupa ng uring magsasaka at uring propitaryo o
panginoong may lupa at mga asendero. Kaipala, relasyon sa produksyon ng mga
pangangailangan sa buhay ng lipunan (bigas, damit, aklat, gulay, isda...) ang
larangan ng awayan ng mga uri ng mga pagkatao ng mga Pilipino.

Tumatagos sa antas ng pulitika ang hidwaan sa ekonomiya. Ang anyo ng


tunggalian ay nasa kilatis ng ganap at halaga (facts and values) ng mga batas o
polisiya ng uring umuugit sa gobyerno. Nangyayari sa tatlong pangunahing
institusyong sosyo-politikal (malakanyan, kongreso, korte) yaong mga usaping
makauri na nagbabangayan sa punto ng karapatan, kapakanan at katarungan o
makauring interes.
Kaugnay nito, nakasanib sa estado ng bukrukrasya ng estado (mekanismo ng
kapayapaan at kaayusan o instrumentalidad ng pagsasamantala at pang-aapi—
depende sa nagpapahalaga) ang buong hilab ng batas ng kontradiksyon o tunggalian

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 14


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

ng mga uri ng pagkatao na masasalamin sa teksto ng mga papeles o dokumentong


susushay sa kairalan (status quo).

Sumasapaw at naiinin yaong mga kaganapan sa ekonomiya at pulitika—ito


yaong sng kilatis ng kalinangan sa lantay na katuturan ng kataga/termino. Kultura
ang awra ng buhay. Ibig sabihin yaong sosyo-historikal na praxis ng bayan ay
sagradong diwa (kinikilala at iginagalang) sa pamumuhay ng sambayanan sapagkat
kadluan ang kultura ng gusto (tama at mabuti) sa mithiin (katuturan ng buhay) ng
sambayanang lumilikha ng kanyang kasaysayan.

Ang pulso ng kultura ay likas na umaayon sa pamantayang etikal. Wisyo ng


bayan ang pamantayang etikal na pinaiiral ng “teknolohiyang etikal” sa
siyensya/agham ng pagpapahalagan pantao o axiolohiya. Ito ang katuturan ng
kawikaang: kumakain ang tao para mabuhay pero hindi sa pagkain lamang ang
halaga ng pamumuhay.

Ang sidhi ng buhay ay obhektibong nakatuon sa kagandahan. Sa kagandahan


anlilinang ang pagkatao—naghuhunos. Ito ang kabatirang antropolohikal sa
pagkataong Pilipino na nagmumula sa homo erectus pilipinensis (veneracion).
Nagbago ang tao (Pilipino) muls sa hayop (bakulaw) sa pamamagitan din ng
paggawa ay patuloy pang nagbabago sa nahuhubog na katauhang kultural. Talino na
pinanday ng paggawa ang “pumipino” sa katauhang kultural. Naiwawaksi sa
katauhang bayolohikal ang likas na kabangisan sa pagkatao sa patuloy na pag-unlad
ng talino sa isip.

Pawang motibasyon at intensyon ang enerhiya o ideomotor ng talino. Sa


motibasyon napupukaw ang talino. Ang pagsisikhay o pagpupursige ng talino na
makamit ang pangangailangan ay sitwasyon ng paggawa/paglikha ng tandisangpita
(will) ng intensiyon. Kasiyahan ang talino (telesis) ang pagtatagumpay na makamit
ang gusto o nais.

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 15


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Sa salimuhaan ng talino (telekinesis) dinamikong umiiral ang sibilisasyon at


kalinangan ito ang katagalan (tadhana) na tinutugunan/ginagampanan ng talino as
batas ng buhay. Ang gilas ng talino na natatakdaan ng panahon ay sikohistorya
(psychohistory). Habang sikohenesis naman ang koleltibong sarili o bigkis ng
talinong tumutugon sa pananaw sa buhay, paninindigan, paniniwala at layuning
ideolohikal. Ang sikohenesis ay kimpil ng mga uri ng pagkatao—na nag-kakaisa sa
paniniwala, paninindigan... ay aktibong nakasangkot sa batas ng kontradiksyon sa
kapamuhayang sosyal/panlipunan.

FILIPINOLOHIYA IMPERATIBO SA PEDAGOHIYA

Sa matinong sistema ng eduaksyon sadyang imperatibo ang edukasyong


Filipinolohiya: karunungan ng sambayanan na hango sa malawak na karanasan ng
sambayanan na sinisinop sa mga teorya, prinispyo at mga likhahuwaran ng mga
piling talino. Tanging Filipiolohiya lamang maitatampok ang pambansang
kalinangan na tunay na Pilipino sa diwa at gawa. Hindi ito mapasusubalian.
Katunayan, mahigpit na pinupuna ng mga kritikal na edukador ang makadayuhan o
kolonyal na edukasyon ng bayan mula ng masakop ng bansang “estadong dolyar”
ng amerika.

Ang makatuturang pedagohiya (pagtuturor at pag-aaral) ay dapat na nakatuon


sa paglingan ng pagkamakabayan (nationhood) ng pagkataong Pilipino at
makataong kaunlarang tatamsahin ng buong sambayanan. Tanging konseptong
demokrasya—hilab Filipinolohiya ang makatuturang patnubay ng talino ng bayan
na lumilikha ng kanyang kapalarang matiwasay, maluwalhati at maganda.

Sa dimensiyong teknolohikal, ang talino ng bayan sa simbuyo ng kalayaan ay


tutugon sa pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura. Ang
praxis (sabayanang paggana ng talino at lakas paggawa) ay mabiyayang ipakikita sa
taunan progresibong GDP (groseng domestikong produksiyon) na iniluluwal o
nalilikha ng ekonomikong disiplinado ang pag-unlad at umaayon sa takbo ng

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 16


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan. Samantala sa GNP (groseng


pambansang produksyon) kasali o kabilang sa kalahatan ng produksyon yaong
eksperimentasyon sa larangan ng agham at mga pananaliksik sa mga piling
karunungan na kapaki-pakinabang para sa bayan at sa bansa.

Hindi balakid o probleam ang wikang Ingles sa paglinang sa karunungan ng


bayan—bagaman higit na mahusay at mabuti ang wikang Filipino—pandayin ng
sistema ng edukasyon ang katalinuhang sosyal. Ang talino ng bayan sa diwang
Filipinolohiya sa pandaigdigang talamitan-diwa (salimuhaan ng karunungan sa
daigdig) ay kikilala at gagalang sa kalinangan ng ibang bayan sa larangan ng
heopulitika (relasyong bansa-sa-bansa) na kinasasangkutan ng pandaigdigang
kalakalan at diplomasya.

Sa kasalukuyan, pluralista ang pandaigdigang kalinangan. Puspusan itong


winawasak ng globalisasyon na pangunahing itinataguyod ng “estadong dolyar” ng
Amerika. Sa globalisasyon, na kapaki-pakinabang sa sirkulo ng malalaking
kapitalista, itinatakda ang mekanismo ng pamilihan (produksiyon at pagkonsumo)
ng mga paninda ang kilatis ng isip ng sangkatauhan nasa lambat-bitag ng monopolyo
ng kapitalsimo. Sa pandaigdigang sistemang kapitalismo tanging grupong 7
(Amerika, Inglatera, Kanada, Alemanya, Italya, Pransya at Hapon) ang mga bansang
nakikinabang sa yaman ng daigdig na nalilikha ng lakas ng paggawa ng daigdig.

Sa globalisasyon batbat ng mga problema ang sangkatauhan, lalo yaong mga


mamamayan ng ikatlong daigdig na kinabibilangan ng masang Pilipino. Hindi
lamang paninda ng lakas paggawa, bagkus pagkatao ng sangkatauhan ang
hinahakutan ng tubo sa puhunan ng mga dambuhalang kapitalista sa daigdig.
Kaipala, tandisang paninda na din ang tao.

Kulturang komersyalismo—sa kultong pananakop—ang isinusulong ng


globalisasyon. Ang dinamismo ng hegemonya/gahum ay naglulundo sa “isang tao,
isang mundo, isang diwa”. Sa katangiang pluralista ng kalinangan ng daigdig, ang

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 17


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

globalisasyon ay tandisang sikolohikal at pulitikal na armas sa pagwasak ng iwing


katinuan ng mga etnikong nilalang sa daigdig. Layunin ng mga naghaharing uri ng
mga tao sa daigdig, sa iskemang globalisasyon, na gawing tau-tauhan (cyber-being)
ang sangkatauhan na mamanipulahin sa kompyuter.

HIDWAAN-DIWA SA DAIGDIG

Ang buong hilab ng buhay ng sangkatauhan ay likas na kumikilos sa batas ng


kontradiksyon. Nag-aakitan, nagsasanib, nagsasalungatan hanggang magbago ang
mga personahe o uri ng pagkakataong magkakatuwang na namumuhay na
nagbabangayan sanhi ng kapakanan, karapatan at kapangyarihan. Ang sigalutan sa
diwa ay nangyayari sa larangan ng ekonomiya, pulitika hanggang sa kultura. Kilatis
ng isip o diwa—na ideolohiya—ang nagpipingkian sa umiiral na sistema ng
pamumuhay ng sangkatauhan.

May mekanismo ng pag-iral ang buong sistema ng kapamuhayan. Ito yaong


iba’t-ibang institusyong kinaroroonan ng disiplinang magkakahiwalay sa
aktibidades/gawain magkakaugnay sa makatuturang bisa (resulta ng gawain)
alinsunod sa kaugalian o kalakarang may pamantayan ng mabuti, wasto at maganda
ayon sa uri ng pagkakataong makikinabang sa mga atupaging sosyopulitikal.

Sa antas ng diwa, ang mekanismo ng umiiral na sistema ay tinatawag na


aparato ng ideolohiya sa larangan ng komunikasyon na ginagampanan ng mga
institusyon sa larangan ng komunikasyon sa talastasan o mass midya. Ang mga
institusyong kabilang sa aparato ng ideolohiya ay pamilya, paaralan, simbahan,
gobyerno at mas midya. Sila ang humuhubog sa kilatis ng kaisipang naghahayag ng
gusto o naisin at layunin o intensyon sa mga gawain o inaatupag sa pamumuhay.

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 18


Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002

Sadyang relatibo ang mga naisin o layunin sa buhay dahil umiiral sa


modernong sibilisasyon ang mga uri ng mga pagkatao na magkakasalungat ang
gusto at magkakakontra ang layunin.

Nasasangkot ang sambayanang Pilipino sa hidwaan-diwa ng mga uri ng mga


pagkatao sa sangkatauhan. Ang tunggalian ng mga uri ng pagkatao ay nagaganap
sa larangan ng kabuhayan o ekonomiya, gobyerno o pulitika at kultura. Sa tunggalian
ng mga uri ng mga bayan o etnikong katauhan sensitibong usapin o isyu ang
kalayaan at kasarinlan. Sapagkat kalakip ng kalayaan at kasarinlan ang katuturan ng
pagkatao ng bawat bayan at halaga ng patrimonya o kabansaan na nagtataglay ng
mga likas na yaman: ginto, tanso, tingga at iba pang mahahalagang elemento ng
ginagamit sa paglikha ng maraming bagay o paninda.

Sa katayuan ng Pilipinas at kalagayan ng sambayanang Pilipino na kontrolado


ng “estadong dolyar” ng Amerika imposibleng umunlad ang bansa at humusay ang
pamumuhay ng mga mamamayan. Sapagkat ang yamang nalilikha ng lakas ng
paggawang Pilipino ay matagal nang pinakikinabangan ng mga dayuhang kapitalista
sa kapinsalaan ng kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Gobyerno ng Pilipinas
ang lunsaran at sinupan ng mga dayuhan interes.

Ang buong hilab ng kapamuhayang pinoy ay pawang mahigpit na


pinagagalaw ng dolyar. Ang talino ng bayan ay nakatuon sa dolyar. Sa kalagayang
ito—na sikil ang kalagayan at napariwara ang kasarinlan—ng sambayanan, sa
katuturan ng Filipinolohiya sadyang imperatibo sa pedagohiya ang karunungang
mapagpalaya.

FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 19

You might also like