You are on page 1of 4

BUWAN NG WIKA

Emcee Script

INTRODUCTION
B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

G: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang


isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.
Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang
tao.

B: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na


nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa
mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

G: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na


ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang para sa pakikipag-
komunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan
bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

B: Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay


uumpisahan na natin ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong
Buwan ng Wika na may temang:

B & G: “Filipino: Wika ng Saliksik”

I. PAMBANSANG AWIT at PANALANGIN

G: At bilang pasimula, magsitayo po ang lahat para sa Pambansang Awit


ng Pilipinas sa kumpas ni Bb. Jessabel Bagasol, guro sa Ikalimang
Baitang na susundan ng panalangin ni Gng. Janice Salem, guro sa
Ikalawang baitang.

[Pambansang Awit ng Pilipinas]


[Panalangin]
III. PAMBUNGAD NA SALITA

B: Tinatawagan po ang ating butihing Koordinator sa Filipino, Gng.


Marilyne Rabang upang magbigay ng Pambungad na salita. Bigyan po
natin siya ng masigabong palakpakan!

IV. PALABAS

G: Maraming Salamat, Gng. Rabang.


Sir Jesiemel, alam mo ba na bantog noon ang balagtasan at tula sa mga
Pilipino?

B: Oo, Maam Jeanette. Aking nabasa sa Noli Me Tangere na isinulat ni


Jose Rizal na bahagi sa kanilang pyestahan ang mga ganoong uri ng
palatuntunan.

G: Tama.. Tunghayan natin ngayon ang isang balagtasan na itatanghal ng


mga piling mag-aaral ng Nagbacalan West Elementary School.

V. MENSAHE

B: Maraming Salamat sa inyong pagtatanghal. Aba at kahit sa murang


edad ay kahanga-hanga na. Ngayon naman po ay tinatawagan ang
punung-guro ng ating paaralan, G. Elpidio C. Cacayorin para magbigay
ng kanyang mensahe. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!

VI. PAGPAPAKILALA NG MGA OPISYALES

G: Marami pong Salamat sir. Labis po kaming nasisiyahan sa iyong mga


pananalita. Naniniwala po kami na hindi lamang kaming mga guro ang
isa sa mga sikreto sa likod ng mga okasyong gaya nito…

B: Pinakamahalaga siyempre ay ang mga magulang ng mga bata na


ginagawa ang lahat para masuportahan at maibigay ang lahat ng mga
pangangailangan ng kanilang mga anak.
G: Sa puntong ito, tinatawagan ko si Bb. Frennelyn Dumlao, Guro sa
Ikaanim na baiting para ipakilala ang mga opisyales ng ating paaralan.

VII. PANUNUMPA NG MGA OPISYALES AT PAGBIBIGAY NG MENSAHE

B: Para sa panunumpa ng mga opisyales, aking tinatawagan si Hon. Ma.


Luisa Pascua, Punong Barangay ng Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte.
Pagkatapos ng panunumpa, ating pakinggan ang kanyang mensahe.

VIII. PALABAS

B: Maraming Salamat po sa inyong mensahe Hon. Maria Luisa Pascua.

G: Hindi lang ang mga mag-aaral ng Nagbacalan West Elementary school


ang magagaling at may talento. Maging ang kanilang mga magulang
ay mayroong itinatagong talento rin. Atin ngayong tunghayan ang
inihandang presentasyon ng mga PTA officers!

IX. PAGBIBIGAY NG PARANGAL

B: Maraming Salamat sa ating mga PTA officers sa inyong presentasyon.


Ngayon, atin nang bigyan ng pagkilala at parangal ang mga mag-aaral
na nanalo sa ating mga patimpalak ngayong Buwan ng Wika.

X. PALABAS

G: Binabati ko ang mag-aaral na nanalo sa mga patimpalak. Hindi


natatapos ang pagbibigay ng aliw ng ating mga mag-aaral. Ating
tunghayan ang palabas ng mga mag-aaral ng Nagbacalan West
Elementary School!

XI. PANGWAKAS NA PANANALITA

B: Napagaling mga bata. At ngayon, atin ng pakinggan ang pangwakas


na pananalita ni Gng. Winielyn Buduan, pangulo ng General Parent-
Teacher’s Association.
G: Maraming Salamat Gng. Buduan. Binabati namin ang lahat ng
nagtaguyod sa Culmination ng Buwan ng Wika ngayong taon.
Gayundin ang mga bata ang mga magulang. Kung hindi dahil sa inyo,
hindi magiging matagumpay ang programang ito.

B: Dito na nagwawakas ang ating programa.

G: Ako po si Gng. Jeannete Ortal.

B: At ako naman po si G. Jesiemel Bacena

B&G: Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Wika ng saliksik.


Maraming Salamat!

You might also like