You are on page 1of 9

ARALIN PANLIPUNAN 6

UnangMarkahan (Aralin 11)

I. Layunin
Nabibigyanghalagaangmgakontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan. (AP6PMK-Ih-11)

II. Aksang Aralin

Paksa : Panghihimasok ng Amerikano


Kagamitan : larawang puzzle ng mga bayani, tsart, pandikit (scotch tape)
Mga larawang simbolo
Sanggunian: Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa, p. 216–226
DCLM II.2 AralinPanlipunan 6 CGAP6.11, d.58; Ang Bayan Kong Mahal 5,
p.77-85

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Basahin ang mga sumusunod na kataga:
  
Kartilla

 Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng
Kataas-taasan,
Bayan oKKK
  
La Liga Filipina
  
El Filibusterismo
  
Noli Me Tangere
  
La Solidaridad
  
Tunay na Dekalogo
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat isa sa paksang tatalakayin.

Karagdagang Kaalaman: Ang mga sumusunod na mga kataga ay may kinalaman sa mga
mahahalagang kontribusyon ng mga natatanging Pilipino :
1. KKK – itoang samahan naitatag ni Andres Bonifacio upang makamit ang kalayaan
gamit ang armas sa pakikipaglaban.
2. El Filibusterismo at Noli Me Tangere- mga nobelang isinulat ni Dr.Jose Rizal
na nagpapahayag sa pagmamalabis ng mga Espanyol.
3. Kartilla- naglalaman ng mga ara lna dapat sundin ng mga kasapi ng Katipunan
4. La Liga Filipina- isang kapisanang pansibiko na naglalayong ilahok ang mga tao
sa kilusang pagbabago, ito’y pinamunuan ni Rizal
5. La Solidaridad- isang pahayagan ng kilusang pangreporma n aunang inilabas noong
ika-15 ng Pebrero,1889; si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot na sinundan ni
Marcelo H. del Pilar
6. Tunay na Dekalogo-isang mahalagang sulatin ni Apolinario Mabini
B. Panlinangna Gawain :
1. Ipakita at isaulo ang mga larawan nina: Padre Burgos, Zamora at Gomez;
Graciano Lopez-Jaena, Jose Rizal, Apolinario Mabini; Macario Sakay,
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pa.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral na may tig-5 miyembro.
3. Takpan ang mga larawan. Ibigay ang mga larawang puzzle at buuin sa loob
ng limang minuto.( Ang koponang unang makakabuo ang mananalo.)
4. Talakayan.
Itanong ang mga sumusunod:
Kilalanin ang mga naturang personalidad. Sinu-sino
sila sa ating lipunan? Anu-ano ang mga naiambag
nila sa ating kasaysayan? Dapat ba silang tularan?
Bakit?

Karagdagang Kaalaman

Mga Natatanging Pilipino :


1. Paring GOMBURZA- 3 paring martir, pinaghinalaan
silang nag-alsa sa Cavite, naparusahang ng kamatayan
sa pamamagitan ng paggarote
2. Melchora Aquino- kilala bilang Tandang Sora, siya ang tumulong sa
mga Katipunero
3. Apolinario Mabini-siya ang dakilang lumpo na utak ng himagsikan
4. Lt. Blas Miranda- nanguna sa labanan ng mga gerilya
sa kanlurang bahagi ng Leyte
5. Hen.Gregorio del Pilar- pinakabatang heneral na nagtanggol sa
Pasong Tirad
6. Agueda Kahabagan- magiting na babaeng heneral sa
Katagalugan, tinaguriang Joan of Arc
7. Faustino Ablen- isang Ormocanon na nanguna sa
paglaban noong digmaan Pilipino-Amerikano
8. Cresencia San Agustin de Santos- nagsilbing nars sa Biak-na-Bato
9. Emilio Jacinto- utak ng Katipunan
10. Macario Sakay-nagtatag ng pamahalaan sa Katagalugan
11. Severino Reyes-nagpasikat ng Lola Basyang
12. Hen. Emilio Aguinaldo- nagpahayag ng kasarinlan ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1899
13. Julian Felipe- isang kompositor at
gurosamusika,angpambansangawitangpinakamahalagangkontribusyon
IV. PAGTATAYA

Pagtambalin ang mga natatanging Pilipino sa kanilang mga kontribusyon.


(Pasalita)

NATATANGING PILIPINO KONTRIBUSYON


1. Agueda Kahabagan a. nagsilbing narssa Biak-na-Bato
2. Hen.Gregorio del Pilar b. nagtatag ng pamahalaan sa Katagalugan at
napagbintangan ng maraming kasalanan
3. Lt. Blas Miranda c. babaeng heneral
4. Cresencia San Agustin de Santos d. nanguna sa labanan ng mga gerilya sa Kanlurang
bahagi ng Leyte
5. MacarioSakay e. mga paring tumuligsa sa mga prayleng
Mapangkutya

6. Dr. Jose Rizal f. batam-batang heneral na nagtanggol sa Pasong


Tirad para makatakas si Hen. Emilio Aguinaldo
7. Paring GOMBURZA g. patnugot ng pahayagan ng kilusang
Pangreporma, La Solidaridad
8. Faustino Ablen h. namuno sa Kilusang Katipunan
9. Apolinario Mabini i. dakilang paralitiko na tagapayo ni
Hen. Aguinaldo, siya ang kinilalang utak ng
himagsikan
10. Andres Bonifacio j. isa sa mga Ormocanon sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano
11. Jose Rizal i. Isang repormista na nagtatag ng La Liga Filipina,
sumulat sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo

IV. PAGTATAYA
V. TAKDANG-ARALIN
Sa isangbuong long coupon bond, magpadikit ng limang iba pang
larawan natatanging Pilipino at lagyan ng kanilangmgakontribusyon.
Isa sa natulong ng mga Amerikano sa ating bayan ay ang edukasyon. Ang Sistema ng mga Amerikano sa
edukasyon ay kabaligtaran ng Sistema ng mga Espanyol, ang Sistema ng mga Espanyol ay di pinapayagan ang mga
kababaihan at mahihirap na Pilipino na makapag-aral, pero sa Sistema ng Amerikano puwede mag-aral ang mga
kababaihan at mahihirap na Pilipino.
Ang mga Thomasites, sila ang grupo na mga Amerikanong guro na pinadala ditto sa ating bansa upang
maturuan ang mga kabataang Pilipino, dumating din sila ditto upang masanay ang mga gurong Pilipino na magturo ng
wikang Ingles. Nakuha ang kanilang pangalan sa kanilang sinakyan na barko na ang pangalan ay Thomas.
Malaki talaga ang naitulong ng mga Amerikano sa ating edukasyon, nabigyan tayo ng opurtunidad na matoto
ng wikang Ingles, opurtunidad na maipakita sa mga ibang tao na ang mga Pilipino ay hindi mapurol ang isip, na hindi
ituring kakaning itik o alilang-kanin ang mga Pilipino, kung di makita nila ang mga Pilipino na magaling, matalino, at
makita nila an gating bansana maayos at maunlad. Magagamit natin ang wikang Ingles sa eskwelahan, pagtatrabaho,
pagnenegosyo. Ang Edukasyon ay napaka importante sa buhay ng isang tao, ito lng ang paraan para tayo ay magkaroon
ng magandang kinabukasan, pagmakapal ang ating palad maabot natin ang ating pangarap. Pagdating naman sap ag-
aaral di naman kailangan na ikaw ay matalino o hindi, kung meron kang tiyaga at kung makapal ang ating palad
makakamit natin ang ating pangarap para sa ating sarili at para sa ating pamilya.

You might also like