You are on page 1of 1

“Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Inaanyayahan ang buong bansa na ipagparangalan ang wikang Filipino at mga katutubong
wika ng Filipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 sa Agosto na may temang Wikang
Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Pinagtibay ng KWF Kapasiyahan 19-03, hangad ng tema sa taóng ito na maikintal sa pambansang
kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang
bansang nagkakaunawaan.

You might also like