You are on page 1of 1

2017 DSPC, muling binuksan.

Muling binuksan ang 2017 Division Schools Press Conference ng Disbisyon ng Hilagang
Samar na dinaluhan ng mga batang manunulat upang madetermina kung sino ang
pinakamagaling sa probinsya, noong ika-5 ng Oktubre, 2017 hanggang ika-7 ng Oktubre, 2017
sa Pambujan National High School.
Sa taong ito maraming eskwelan ang lumahok, sekondarya man o elementarya kaysa
nakaraang taon dahil ngayon ay nadagdagan ang mga kasali, samantala may mga eskwelahan
parin na walang kalahok sa pangkatang paligsahan sapagkat kulang sila ng mga pasilidad at
tanging sa indibidwal na paligsahan ang mayroon sila.
Sinimulan ito sa isang palatuntunan na pinangunahan ng ating pangunahing pandangal na
si Mr. Noe M. Hermosilla, tagapatnugot ng SGOD sa ilalim ng Dibisyon ng Hilagang Samar.
Ang tema ng 2017 DSPC ngayon ay “Campus Journalism: LEADing and EMPOWERing
ASEAN Nations” na pinunto ng pangunahing pandangal ang paghamon sa mga batang
manunulat na mapalawak ang kanilang abilidad dahil ayon sa kanya “We are going to join
global”.
Pagkatapos ng palatuntunan nagkaroon ng isang pulong pansolidaridad para pumili ng
mga gurong mamamahala sa mga paligsahan at para rin sabihan sila ng mga dapat gagawin.
Pagkatapos, sinimulan ang mga paligsahan kagaya ng pagsulat ng balita, pagsulat ng
lathalain, pagsulat ng editoryal, pagsulat ng agham at teknolohiya, pagsulat ng isports, pagguhit
pan-editoryal, at pagwawasto at pag uulo ng balita sa lahat ng kalahok sa elementarya at
sekondarya.
Kinabukasan, ay ginanap naman ang paligsahan sa pangkatang patimpalak, ang
desktop publishing, at pagsasahimpapawid ng radyo na sinalihan naman ng mga eskwelahang
nag-aasam na manalo muli.
Sa huling araw ng 2017 DSPC ay ang parangal para sa mga nanalong batang manunulat
at sila rin ang sasama sa 2017 RSPC na gaganapin sa ika-5 hanggang ika-7 ng Nobyembre, 2017
sa Baybay City, Leyte.

You might also like