You are on page 1of 1

TAGUMPAY NG MALVAR DISTRICT SUB-OFFICE SA LARANGAN NG

PAMAMAHAYAG

Matagumpay na idinaos ang isang makabuluhang Press Conference sa Payapa


Elementary School noong ika-7 ng Oktubre, 2023, kung saan nagpamalas ng kanilang
kahusayan sa pagsulat at pagpapahayag ang mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan ng
Distrito ng Malvar. Ito ay bahagi ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong
magbigay daan sa mga kabataang manunulat at mamamahayag na maipahayag ang kanilang
mga kaisipan hinggil sa mga paksang may kinalaman sa kanilang kategorya.

Mayroong iba’t ibang kategorya na kinailangan ng mga estudyante na paghandaan


upang maipamalas ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng mga makabuluhang balita sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga pangunahing isyu sa komunidad at lipunan.

Sa pangunguna ng mga opisyal mula sa Malvar District Sub-Office, naging


makabuluhan ang naging pagsusuri at pag-evaluate sa mga nailahad na akda. Nahirang ang
mga mag-aaral na pinakamahusay sa bawat kategorya at kanilang ipinasiklab ang kanilang
galing sa harap ng mga hurado. Hindi lamang sa pagsusulat kundi pati na rin sa kanilang
pagganap at pagpapahayag ay ipinakita ng mga ito.

Bilang pagkilala sa kanilang husay, iginawad sa mga nahirang na manunulat at


mamamahayag ang mga sertipiko ng pagkilala. Ipinamahagi ito sa mga mag-aaral na
nagpakita ng kanilang husay at galing sa larangan ng pagsusulat at pagpapahayag.

Sa pagtatapos ng okasyon, itinaguyod ng Malvar District Sub-Office ang kahalagahan


ng pagpapalaganap ng mga impormasyon at kung paano ito ay makakatulong sa pag-unlad ng
komunidad. Sa ganitong paraan, patuloy na magsusulong ang Malvar District ng mga
programa at aktibidad na magbibigay pagkakataon sa mga kabataan na magpakita ng
kanilang galing at maging boses ng bayan sa pamamagitan ng pagsusulat at pagpapahayag.

You might also like