You are on page 1of 1

Husay sa Pagsusulat at pagbabalita sinukat sa Division Schools Press Conference

Ginanap ang taunang Division Schools Pres Conference na may temang “Shaping the Hearts and
Minds into a culture of excellence CAMPUS JOURNALIST AT THE HELM” sa Cabiao National High School
noong Setyembre 21-22, 2017 sa CNHS Gym, ganap na 7:00 ng umaga.

Sinimulan ang naturang patimpalak sa pamamagitan ng isang programa na syang inumpisahan


sa isang dasal na pinangunahan ni Gng. Michelle Suba, English Teacher III. Kasunod nito, malugod na
nagbigay ng mensahe ng pagtanggap ang Junior High School Principal IV na si G. Lorenzo Joaquin sa
ngalan ng buong Cabiao National High School. Bagama’t hindi nakarating ang cabiao Municipal Mayor na
si G. Ramill Rivera, dumating naman ang kanyang representative na si G. Solomon De Guzman.

Kasunod nito, nag-iwan ng makabuluhang mensahe si Michelle Mejica, Education Program


Supervisor II ng English, “Sana hindi lang ayo nandito para lumaban, I would like to develop connections
within the other journalists,” pagbibigay pahayag ni Gng. Mejica. “Panalo na kayo sa puso ng bawat isa
sa amin,” pahabol pa ng guro.

Matapos nito, naghandog ng isang masiglang intermission number ang dalawang MAPEH
Teachers na sina Janine Abelanrdo at Jaimeer Lucas.

“ypu won’t be here today if not because of your coaches,” pahayag ni Gng. Carmencita
Gatmaitan, Education Program Supervisor ng English Jounalism. “walang lutuan na magaganap sa
judgement,” giit pa ng nasabing guro. “Enjoy your stay at Cabiao National High School,: agtatapos ni
Gng. Gatmaitan sa kanyang mensahe.

Ang buong programa ay pinangunahan ng mga tagapagsalitang sina Rochelle Galang at Loriejane
Jose.

You might also like