You are on page 1of 1

Collaboration Training Workshop sa Journalism ng Palta Parish at PNHS, Matagumpay

na Naisagawa

Matagumpay na naisagawa ang Collaboration Training Workshop sa journalism ng Palta


Parish at Palta National High School noong Disyembre 20,2022 na ginanap sa School Media
Learning Resource Center ng nasabing paaralan. Pinangunahan ito ni Assistant Parish Priest Rev.
Fr. Benju Royce De Jesus at Campus Flash adviser Gng. Juvy Z. Aracosta at co-adviser Gng.
Daisy Rose Tabinas Padayao.
Ang nasabing training workshop ay dinaluhan ng mga miyembro ng SocComm,
LecComm, Tingraw staffs, Fr. Ed Zafe na ipinaliwanag ang kahalagahan at kapangyarihan ng
salita sa “pag-catalyzed” ng isang komunidad at simbahan, G. Ricky Tud at Mamiruch
Fernandez na tinalakay ang iba’t ibang paraan upang maging epektibong manunulat sa
pahayagan at mahusay na mamamahayag, Campus Flash writers at advisers.
Pahayag ni Gng. Aracosta, “Ang purpose kasu satuyang training workshop is ma-
acquaint ang mga writers ning mga trends and then mas mapakarahay, mapagayon ang pagsurat
tanganing mas magtao sa mga readers, sa estudyante buda sa parish kung ano ngalan su mga
dapat na information na alam ninda.” Aniya, ito ang dahilan kung bakit mga ekspert at
mahuhusay na manunulat at tagapayo ng pahayagan ang inimbitahang dumalo.
Binigyang-diin rin niya na naging matagumpay ito dahil bilang isang tagapayo ng school
publication may mga konsepto sa nasabing pagsasanay ang hindi niya pa nabigyang-linaw sa
mga estudyante na tinalakay sa workshop. Dagdag niya pa, nakatulong rin ito sa mga manunulat
ng pahayagan na Tingraw na mapagtibay ang kanilang kaalaman bilang manunulat sa nasabing
talakayan.
Gayunpaman, inaasahan na makikipagtulungan ang Campus Flash Publication ng PNHS
sa pagtulong sa pahayagan na Tingraw sa pagsusulat ng mga artikulo.

You might also like