You are on page 1of 16

PASKO NG PAG-ASADAIN

MGA TAUHAN:

Selestina - isang ina na nawalan ng kanyang paboritong anak na siyang ugat kung bakit siya nawala sa
kanyang katinuan.

Manuel- isang ama na hindi nagkukulang sa paggabay sa kanyang mga anak.

Minerva- may sama ng loob sa kanyang ina kaya mas pinipili na lamang nitong umasta na parang wala
siyang pakialam sa kanyang ina kahit na sa loob loob niya’y nangungulila siya sa kanyang ina.

Gabriel /Gab- lasinggero ngunit hindi dahil sa masama siya kundi dahil sa gusto lamang niyang
magapakasaya at makalimutan ang pangungulila nito sa kanyang ina.

Karen – ang punakabata na kahit gaano pa siya itakwil ng kanyang sariling ina ay hinsi pa rin ito
sumusuko at hindi pa rin nagsasawang iparamdam sa kanyang ina na mahal na mahal niya ito.

ORAS: Gabi ng Disyembere 24

EKSENA: Maaninag sa isang maaliwalas na salas ang isang upuan at isang simpleng Christmas
tree na animo’y naging saksi na sa istorya ng pamilyang ito.
Mag-uumpisa ang lahat sa pagdating ng ama ng pamilya at sasalubungin naman ito in Karen,
ang pinakabatang anak nito, na abala sa pag-aayos ng Christmas Tree.

KAREN:
Tay, nandiyan na po pala kayo. Maupo po muna kayo, halatang pagod kayo eh.
(nagmano)

MANUEL:
Kaawaan ka ng Diyos anak. Nga pala anak idagdag mo itong mga to.
(sabay abot sa mga biniling palamuti para sa Christmas tree)
Kamusta naman ang iyong pag-aaral anak? May projects kaba?
Kailangan mo ba ng pera?
(tanong nito kasabay ng pag-upo nito sa upuan)

KAREN:
Wala naman pong problema tay.
Biglang papasok si Minerva na abala sa pakikinig ng musika sa kanyang telepono kasabay ng
paggalaw ng ng kanyang ulo na sumasabay sa musika at sinasabayan pa nito ang kanta.
Si Karen naman ay bumalik sa Christmas tree at inilagay ang mga palamuti na iniuwi ng
kanyang ama.

MANUEL:
Anak?
(wika nito kay Minerva)
Minerva, kamusta naman ang pag-aaral mo?

MINERVA:
Animo’y nahimasmasan nang mapagtanto nito na kinakausap siya ng kanyang Manuel,
tinanggal nito ang kanyang earphone at ibinaling ang atensiyon nito sa Manuel.
Ano po iyon itay?

MANUEL:
Sabi ko kamusta na ang pag-aaral mo? Nag-aaral ka rin ba ng mabuti?

MINERVA:
Ah, oo naman tay ako pa, tsaka wala naman pong problema.
Sa katunayan nga dito lang naman sa bahay na ito may problema eh.
Yung kasama nating baliw. Yung andoon sa kwarto.
Yung may kausap na manika.
(at bigla siyang tumawa na may halong panghuhusga)
MANUEL:
Anak, h’wag ka namang ganyan sa nanay mo.
Kahit ano pa mang mangyari, nanay mo pa rin siya.
Sana naman alam mo yan.

MINERVA:
Of course naman tay, I know it naman eh and I don’t forgot naman eh
It’s just that nakakainins lang kasi
Ang ingay-ingay ng bruhang matandang yon. Kaimbyerna!
Biglang lumabas sa mula sa kwarto si Selestina at tinungo ang salas kung nasaan ang mag-
aama.

MINERVA:
My God! Speaking of the devil. The devil is here!
Let’s give her a round of applause!
Palakpak naman diyan.
(sabay pumalakpak naman siya at tumngin ng masManuel sa ina)

MANUEL:
Minerva, kasasabi ko lang ha.
KAREN:
Hay nako tay, di ka pa ba sanay kay ate.
Ganyan na iyan simula pa noon.
Kung umasta eh akala mo kontrabida sa isang sikat na teleserye.
(wika nito na katatapos lang mag-ayos ng chritmas tree)

SELESTINA:
(habang naglalakad at masayang inaayusan ang manika)
Ayan! Maayos ka na ulit.
H’wag ka ng magpapaka-dumihan ulit ha.
Kapag ginawa mo pa yan papaluin ka na ni mama.
Habang nasa ganoong kalagayan ang ginang ay bigla-bigla na lamang itong sumigaw at umiyak.
Anak!... Sinong gumawa sayo nito?
Anak sumagot ka, ba’t di ka sumasagot. May nanakit ba sa’yo?...
(tatawa, iiyak at bigla-biglang magagalit)
Sinong nanakit sa’yo? Sabihin mo at igaganti kita.
At bigla bigla nalang siyang umiyak ng malakas sa ‘di malamang kadahilanan. Agad namang
nataranta ang kanyang anak at malumanay nitong nilapitan.

KAREN:
Nay! Ano pong nangyari?
(nag-aalalang nagtanong)

SELESTINA:
Sino ka? Ikaw ba ang pumtay sa anak ko?
Ikaw! Hayop ka! Bakit mo pinatay ang anak ko?
(Galit na galit na tanong nito sa anak.)

KAREN:
Nay ako po si Karen. Anak niyo po ako! Nay nakalimutan niyo na ba ako?
(Mangiyak-ngiyak na tanong ng bata.)

SELESTINA:
Anak?
(napakamalumanay na sabi ng ginang)
Anak?...Anak kita?...
(wika nito na animo’y bumalik ito sa katinuan)
Wala akong anak na katulad mo!
Biglang nagbago ang ihip ng hangin at animo’y sinaniban ng masamang espiritu si Selestina
nang bigla niyang sabunutan si Karen.

KAREN:
Nay! Nasasaktan po ako.
(nagmamakaawang sabi ng bata)
Inawat naman nito ng Manuel at agd-agad na inilayo si Karen kay Selestina. Dinala naman ulit
ni Manuel angkanyang asawa sa kanyang silid.

MANUEL:
(habang pilit na inaalalayan si Selestina patungong kwarto)
Halika na, may sorpresa ako.
Agad-agad namang tumalima si Selestina na dalin siya ni Manuel sa kanilang silid.

MINERVA:
Para ka kasing ewan Karen.
Alam mo na ngang hindi matino yan, kinakausap mo pa kasi.
(medyo inis na wika nito sa kapatid)

KAREN:
Pero ate sabi nga ni itay, nanay pa rin natin siya.
Dapat lang natin siyang alagaan.

MINERVA:
Ewan ko sayo, bahala ka nga diyan.
Bakit kasi pinagpipilitan mo pa yang sarili mo
eh di ka naman niyan itinuturing na anak.
Mag-aral ka nalang para di ka matulad dyan sa nanay mo.
Sabay lagay ng earphone sa kanyang tenga at pumikit na animo’y tinatangay ang kanyang diwa
ng kanta

KAREN:
Pero ate, kawawa naman si nanay.
Walang sagot na natanggap si Karen mula kay Minerva.
Ate, di mo ba mahal si inay?
Biglang lumabas si Manuel upang balikan ang kaniyang mga anak.

MANUEL:
Mga anak naman, magpapasko na bukas.
Hindi ba kayo masaya at kahit na papaano eh kumpleto ang ating pamilya?
Na kahit ganyang ang inay niyo ay nakikita niyo pa rin siya at nakakasama?

MINERVA:
Nakikita at nakakasama lang tay,
pero ni minsan hindi naming naramdaman na minahal
at pinahalagahan niya kami bilang mga anak niya.

MANUEL:
Hanggang ngayon ba naman Minerva
hindi mo pa rin mantindihan ang inay mo.
Wala siyang paborito sa inyo.
KAREN:
Ang bitter mo naman po ate. Simple lang naman ang gustong sabihin ni itay eh.
Ate, hindi naman dahil sa broken hearted ka eh pati na kami nadadamay.
Hindi naman yata dahil sa iniwan ka eh kakalimutan mona na may pamilya ka.
(wika niya na may halong biro)

MINERVA:
(humarap kay Karen)
Di bale nang broken Karen, ang mahalaga hindi ako baliw tulad ng ina mo.
tsaka isa pa, hindi ako matutulad dyan,
nawalan lang ng paboritong anak kinalimutan na tayo.
Kasi ako, iwan man ako paulit-ulit ayos lang
kasi maganda ako at maraming nagkakagusto sa ‘kin.
(wika nito na halatang inis)

KAREN:
Di mo kasi naiintindihan ate eh,
Pakinggan mo naman kasi si itay.

MINERVA:
Wag ka na ngang sumabat Karen.
(at ibabaling ulit ang atensiyon sa Manuel)
Tay naman obvious naman na si Bea ang paborito niya diba.

KAREN:
Ate, may sakit si Bea kaya siya ang laging inaalagaan ni Inay.
Kapag ikaw ang nasa kalagayan ni Inay gagawin mo din ang ginawa niya.
Tsaka isa pa hndi naman niya tayo pinabayaan eh,
Pinanganak tayong normal, hindi gaya ni Bea.

MINERVA:
Ay ganon ba? Weh? Di nga? Oh edi ikaw na Karen.
Ikaw na maraming alam. Sabat ka ng sabat eh.

MANUEL:
Tama naman si Karen anak ah.
At isa pa kug nagkulang man ang inay niyo sa inyo,
Pinilit ko namang punuan iyon diba?

MINERVA:
Hay ang drama naman tay. Wag niyo sa siyang ipagtanggol pa.

KAREN:
Bakit ate, ano bang alam mo sa nararamdaman ni inay?
MANUEL:
Mga anak itigil niyo na yan, gabi na. tsaka isa pa,
h’wag niyo namang ginagawang biruan ang inay niyo.
Kita niyo naman na ganyan na ang kalagayan niya.
(malumanay pa ring sabi ng kanyang Manuel)

KAREN:
Pasensyan na po itay. Di na po mauulit.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng mag-aama ay biglang dumating si Gab na lasing.

GAB:
Hey guys, how are you. Merry Christmas everyone.
May bagong balita ba sa pamamahay na to?

MANUEL:
Anak san ka na naman ba galing ha? Gabi na at lasing ka pa.
Anak ilang beses ko ba sasabihing masama ang labis na pag-iinom mo.

GAB:
Bakit itay? Kapag umuwi ba ako ng maaga.
Magiging normal na yung baliw mong asawa, hindi naman diba.
MINERVA:
Tama ! Galing mo Gab!

MANUEL:
Bakit kapag ba uminom ka magiging normal ba siya.
Hindi rin naman diba?

KAREN:
Ate, Kuya di niyo pa rin ba naiintindihan.
Nakakawa na nga ang kalagayan ni inay nakuha niyo pang gawin siyang biro.
Na sana imbes na ispin niyo kung anong makabubuti sa pamilya natin at kay inay.
Na kung sana inisip niyo kung paano natin maibabalik si inay sa dating katinuan niya.
Eh di sana may maganda naman kayong nagawa.
Yung hindi puro kayo sumbat kay inay.

MINERVA:
Ay nagsalita ang mabait, nasasabi mo lang yan kasi mapapel ka Karen.
Pero para sabihin ko sayo tumino man yang ina mo di ka rin niyan kikilalalin na anak.
Kaya kung ako sayo wag mo nang aksayahin ang oras mo sa baliw na yon hayaan mo
nalang si itay.

GAB:
Minerva naman, nakalimutan mo naba.
Paano niya papabayaan si itay eh siya ang paborito ni itay.

MANUEL:
Mga anak ano ba, di pa ba kayo titigil ha?
Tama naman si Karen ha. Puro lang kayo sumbat
Hindi kayo marunong tumanaw ng utang na loob sa ina niyo.

MINERVA:
Utang na loob? Tay wala kaming utang sa baliw na yon.

GAB:
Isa pa hindi namin siya sinusumbatan. Nagsasabi lang kami ng totoo.
MANUEL:
Naisip niyo ba ha?
Wala kayo dito kung di dahil sa inay niyo.
Utang niyo pa rin sa kanya ang buhay niyo.

GAB:
Bakit tay, sigurado ba kami na siya ang ina namin.
Ni minsan nga di namin naramdamang magkaroon ng ina eh.

KAREN:
Kuya ano ba? Wala na nga kayong respeto kay inay pati ba naman kay itay.
MINERVA:
Eh paano, mas kinakampihan pa ni itay yung baliw na asawa niya kaysa sa atin na mga
anak niya.

MANUEL:
Wala akong kinakampihan sa inyo. Sinasabi ko lang ang tama.
Sana naman kahit ngayong pasko lang pakinggan niyo naman ako mga anak.
Na sana kahit ngayong pasko lang ituring niyong ina ang inay niyo.
Na sana kahit ngayong pasko lang iparamdam niyo na mahal niyo siya.
Kahit siya nalang, ayos na sakin iyon.
Maiparamdam niyo lang sa kanya na mahal niyo siya sapat na, kahit kalimutan niyo na
akong ama niyo.

GAB:
San na naman ba mauuwi ang kadramahan natin na to?
Hay, makapag pahinga na nga.

MINERVA:
Ako din magpapahinga na, kalimutan mo na ang pasko tay.
Ipagdiwang man natin yan o hindi, wala pa ring magbabago.
Kahit nga wala ng pasko eh. Wala ding namang silbi yan.
MANUEL:
Anak nakalimutan mo naba? Ang pasko ang nagpapatunay na may pag-asa pa ang lahat
Pagkat may Diyos tayong tagapagligtas.

GAB:
Ahhy, ganun ba tay.
Sige ha matulog na ko baka kasi dalawin pa ako ng Diyos na sinasabi mo.

KAREN:
Kuya ano bang pinagsasabi mo?
Pumasok na si Gab at Minerva sa kanilang mga silid. Naiwan na lang sina Karen at
kanyang Manuel sa salas.

MANUEL:
Ilang oras nalang anak magpapsko na.
Anong gusto mong regalo?

KAREN:
Isa lang naman talaga ang gusto ko tay eh,
ang maging isang masayang pamilya tayo.
Ngunit parang malabo na yatang mangyari
kasi ayan nagbago na ang mga ugali nila ate at kuya
Tapos si inay naman, nakakaawa na ang kalagayan niya.
MANUEL:
Anak, walang imposible sa Diyos basta manalig lang tayo.
Maniwala ka lang at tanggapin siya sa puso mo,
Kasi anak, hindi nagbibigay ng pagsubok ang Diyos na di natin kayang lampasan.
Walang imposible basta manalig ka lamang.

KAREN:
Buti ka pa tay di ka nagkukulang sa paggabay sa amin.
Pero si inay…?
Itay ayokong sisihin o sumbatan si inay pero tama naman ang mga kapatid ko
Parang di niya kami itinuring na anak.
Minsan naisip ko na din kung anak nga ba niya talaga kami.

MANUEL:
Mahal kayo ng inay niyo,
Marami siyang pagkukulang at alam ko yon.
Pero sana intindihin niyo kasi siya mismo hindi kompleto
At nangangailangan din diya ng pagkalinga.
Sana anak h’wag kang magsasawang ipakita na mahal mo siya kahit na sinasaktan ka
niya,
KAREN:
Opo itay…
Tay si inay.
Habang nag-uusap ang mag Manuel ay biglang lumabas ang kanilang ina. Umiiyak na
hawak hawak an gang manika.

KAREN:
Tay si inay.

MANUEL:
Dito ka lang anak ako ng bahala.
Baka kung ano pang gawin ulit sayo ng inay mo.
Magpahinga ka nalang ha.

KAREN:
Sige po itay, alagaan niyo pong mabuti si inay ha.
Nagtungo na si Karen sa kanyang silid habang ang kanya namang tatay ay abala sa
paggabay kay Selestina patungo sa kanyang silid.

MANUEL:
Halika na, samahan na kita sa silid mo ha. Matutulog na tayo.

SELESTINA:
(galit na may halong pagtataka)
Sino ka?... Ikaw ba ang pumatay sa anak ko.

MANUEL:
Hindi ako. Hindi ko pinatay ang anak mo. hindi ko yun magagawa,
Asawa mo ako. Ako si Manuel.
(malumanay na sagot nito)

SELESTINA:
Ako si Selestina… hihi
(kinikilig nitong abot sa kanyang kamay upang makipagkamay)
Asawa kita? Talaga? Asawa kita?
MANUEL:
Oo, asawa mo ako at mahal na mahal kita.
Mahal na mahal ko ang mga anak natin.
(mangiyak-iyak na wika nito)
Mahal na mahal ko kayo.
(sabay niyakap ang asawa nito)

SELESTINA:
(biglang tinulak si Manuel)
Sino ka? Ikaw ang pumatay sa anak ko?
Biglang nagwala si Selestina ngunit agad naman itong naawat ni Manuel at matagumpay
na dinala nito sa kanyang silid. Maya-maya’y lumabas ulit si Selestina na may hawak na
isang bote lason at pilit nitong pinapainom sa kanyang anak—ang manika na itinuring
na niyang anak.
SELESTINA:
Oh ayan, matutulog ka na. Gatas ka na muna ha.
(pilit nitong ipinapainom sa anak niyang manika ang nakaboteng lason)
Sige na anak,
maggatas ka na para lumaki ka agad.
Tapos matutulog na tayo.
(animoy naasar si Selestina dahil ayaw uminom nang manika na hawak niya)
Ayaw mong mag gatas, sige ako nalang.
Akmang iinumin na ni Selestina nag nakaboteng lason nang biglang nakita ito ni
Minerva na biglang lumabas sa kanyang silid pagkat may kausap ito sa kanyang
telepono. Kahit na ipinapakita at ipinaparamdam ni Minerva sa kanyang ina na wala
siyang pakialam rito ay hindi rn nito natiis nang Makita niya sa ganoong kalagayan ang
kanyang ina. Nataranta si Minerva at agad nitong inagaw ang bote ng lason sa kanyang
baliw na ina.

MINERVA:
(matapos nitong agawin ang bote ng lason)
Ano bang ginagawa niyo ha? Gusto niyo na bang mamatay?
Ano nay, gusto niyo na bang iwan kami ha.
(naiiyak na wika nito)
SELESTINA:
Bakit mo inagaw yung gatas ni Bea.
Sino ka ba ha?sino kaba?

MINERVA:
Nay naman anak mo ako, di mo naba ako naaalala
Nay miss na miss na kita.
Bakit ba lagi nalang si Bea, nakalimutan mo na bang may iba ka pang anak?
Nakalimutan mo naba na andito pa kaming nagmamahal sayo.
Nay naman, wala ba talaga kaming puwang sa puso mo.

SELESTINA:
Umalis ka ditto mamatay tao ka,
Hayop ka umalis ka ditto.
Pinatay mo ang anak ko. Pinatay mo si Bea.
Akmang sasaktan na sana ni Selestina si Minerva nang biglang sumigaw si Gab.

GAB:
Hoy! Baliw, ako ang pumatay sa anak mo.
Oo ako ang pumatay kay Bea.
(biglang lumapit ito kay Selestina)
Subukan mong saktan ang kapatid ko at papatayin din kita.
Naiintindihan mo!
(galit na galit na sigaw nito sa kanyang ina)

SELESTINA:
(bigla nitong pinagsasampal si Gab)
Ikaw ang pumatay sa kanya,
Pinatay mo ang anak ko!
(bigla na itong umiyak at napaupo nang muli)
bakit mo pinatay si Bea, bakit mo pinatay ang anak ko?

MINERVA:
Gab ano bang sinasabi mo, nababaliw ka na rin ba?

GAB:
Di ba lagi naman siyang nambibintang kung sinong pumatay kay Bea,
Kaysa sa kayo ang saktan niya, mas mabuting ako nalang.
Mas matatanggap ko siguro na ako na lamang ang saktan niya.
Siguro sa paraan na iyon mararamdaman ko naman na siuro ang presensya niya.
Na sa pamamagitan ng pananakit niya ay mapagtanto niya
na mas masakit pa ang hindi niya tayo kilalaning anak niya.

MINERVA:
Pero Gab, kahit naman anong gawin natin ,
hindi pa rin niya tayo ituturing na mga anak niya.
Kinalimutan na niya tayo. Kaya h’wag ka nang umasa na makikilala pa niya tayo.
Napaupo na lamang sa sulok ang dalawang magkapatid at maya-maya’y biglang
nagising si Manuel at pinuntahan ang kaguluhan.Habang si Selestina naman ay patuloy
ang pag-iyak—sa sa mga oras na iyon ay hindi na nagbago pa ang ihip ng hangin sa
kanya.
MANUEL:
Mga anak anong nangyari rito? Bakit umiiyak ang nanay niyo?

MINERVA:
Di pa ba kayo nasanay tay, ganyan naman yan simula pa noon ha.
(mangiyak-iyak na sabi nito)
Nilapitan ni Manuel si Selestina upang gabayan ito, malugod naman na sumunod si
Selestina nang pinaupo ito ni Manuel at sabay kinantahan. Unti-unting nakatulog si
Selestina.

MANUEL:
Pasko na sinta ko…
Hinahanap kita, paano ang pasko…
Habang kasalukuyan ang pag-awit ni Manuel ay bigla-biglang nagising si Selestina.
Nagising na animo’y galing sa masamang panaginip. Nagbalik ang kamalayan nito.

SELESTINA:
(habang patuloy pa rin sa pag-awit si Manuel)
Manuel… Manuel asawa ko?

MANUEL:
(napatigil sa pag-awit at biglang napuno ng tuwa at galak)
Selstina? Selestina naalala mo na ako?
SELESTINA:
Oo, Manuel, ikaw nga Manuel.
(napayakap si Selestina ng mahigpit kay Manuel)
Nasaan ang mga anak natin?

MANUEL:
Naroon sila. Hinihintay ka, hinihintay na maalala mo sila.
BIglang nagulat ang dalawa ng marinig nilang nag-uusap ang mag-asawa. Agad agad
na lumapit sina Minerva atv Gab sa kanilang ina. Tumayo naman ang kanilang ina
upang Salubbungin sila.
SELESTINA:
Minerva, Gab, mga anak… Mga anak ko!
(sabay niyakap nito ang dalawa)

MINERVA:
Nay? Magaling ka na ba talaga, nakikilala mo na kami?

SELESTINA:
Mga anak sorry ha… sorry madaming pagkukulang si Nanay sa inyo.
(bigla itong lumuhod at umiiyak)

GAB:
Nay, kami dapat ang humingi ng tawad sa inyo. Nay patawarin niyo kami. Hindi kami
nagging mga mabuting anak sa inyo. Nay patawad po.
Tumayo na ang kanilang ama at sinamahan na sila, nagkaroon ng kapatawaran sa puso
ng isa’t isa. Maya-maya pa’y pumasok si Karen at niyakap na rin ang kanyang ina.

KAREN:
Panginoon, maraming-maraming salamat po sa pagtupad
ng kahilingan ko ngayong pasko.
Wala nga talagang imposible sa inyo.
Maraming maraming salamat po panginoon.
Kasabay ng pagkalembang ng mga kampana ay ang masayang mga ngiti ng mag-anak
dahil sa di inaasahan napaka halagang regalong natanggap nila sa araw ng Pasko.
Habang inilalagay na ni Selestina nag bituin na siyang huling palamuti sa Christmas
tree ng mag-anak ay siya namang simbolo na ng bagong simula—isang masayng simula
sa buhay nilang magkakapamilya na itinuturing nilang pinakamahalagang regalong
natanggap nila sa kanilang buhay.

~WAKAS~

You might also like