You are on page 1of 8

I.

Pamagat: Geyluv

II. Kahulugan ng Pamagat:

Ito ay isang kwento kung saan pinamagatang Geyluv

na tumutukoy sa pagmamahalan ng mga bakla.

III. May-akda: Honorio Bartolome de Dios

IV. Tungkol sa May-akda:

Tubong Bulacan si Honorio Bartolome de Dios. Bata

pa lamang siya ay napansin na niyang may kakaiba

sa kanyang pagkatao kung kaya't ito ang nag udyok

sa kanya upang hanapin ang kaniyang sarili at upang

malaman kung ano ba talaga ang kanyang kasarian.

Pumasok siya sa seminaryo at doon nag-aral. Doon

din niya sinimulan ang hakbang sa paghahanap ng

kanyang sarili. Marami siyang mga pinag daan

makuha lamang ang mga impormasyong gusto

niyang malaman at mga sagot sa kanyang mga

katanungan. Nais niyang malaman kung saan ba ang

lugar at kung ano ang ginagampanan ng mga

baklang katulad niya sa ating lipunan. At dahil doon,

naging inspirasyon niya ang kanyang mga sagot sa

kanyang mga nilikha na nagpapakita ng mga

kinakaharap ng katulad niyang mga bakla sa lipunang

puno ng panghuhusga, mapagsamantala, at walang

pantay na pagtrato ng mga tao.


V. Buod:

Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng

kumpanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa

Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa

isa't isa. Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw

na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan

kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa

panahong naging malapit si Mike kay Benjie,

kakatapos lang nilang maghiwalay ng gerlpren niyang

si Carmi.Madalas magkasama sina Mike at Benjie.

MInsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya

ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses,

habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na

mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi

pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira

magkasama sa apartment ni Benjie upang mas

maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nila

mangyari sa relasyon.

VI. Pagsusuri

A. Istilo ng Paglalahad

Istilo ng paglalahad.

Kakaiba ang istilo ng paglalahad nang may-akda

sapagkat ginamitan nita ito ng dalawang perspektibo.


Perspektibo ng dalawang pangunahing karakter sa

kwento.

B. Tayutay na Ginamit

Pataasan ng ihi (Magmamalabis) - Pagtataasan ng

puri o dangal ng isang tao. Ginamit ang ganitong uri

ng tayutay upang mas madaling maintindihan ng mga

mambabasa dahil mas pamilyar sa mga ito ang

ganitong salita.

VII. Mga Pansin at Puna sa:

A. Mga Tauhan:

Benjie- Isang baklang takot na uli magmahal at

magtuwala dahil minsan na itong nasaktan.

Pansamantala niyang sinasaryan ang kanyang puso

sa mga lalaki gayun din sa mga babae. Isa rin siyang

program officer sa opisinang kanyang pinapasukan at

inilalarawan siya sa kwento bilang isang mataray na

bakla.

Mike- Sumusulat ng mga artikulo. Aton sa kanya,

hindi raw siya bakla.

Carmi- Pinakahuling nakarelasyon ni Mike. Gusto na

nitong lumagay sa tahimik ngunit tumutol si Mike

sapagkat hindi pa siya sigurado o hindi pa siya tiyak

kung magpapakasal ba siya rito.


Joan- Kasamahan ni Benjie sa trabaho na may gusto

kay Mike.

B. Panahon at Tagpuan

Walang tiyak na mga tagpuan ang nasa kwento

ngunit ibinanggit lamang rito ang mga lugar na

kanilang pinuntahan gaya na lamang ng bar, Mt.

Pinatubo, Pampanga at Zambales.

C. Galaw ng Pangyayari

Base sa kwento, para lamang silang nagkukuwento

sa isa't-isa. Kinukwento nila kung paano sila

nagkakilala, paano sila naging magkaibigan, at kung

paano nila natutunang mahalin ang isa't-isa.

VIII. Mga pagpapahalaga ayon sa nilalaman

A. Kalagayang Sosyal ng mga Tauhan:

Benjie- Isang baklang mayroong sariling paninindigan

at paniniwala.

Mike- Isang gwapong lalaki at marami-rami ring

nagkakagusto sa kanya.

Carmi- Mabait. Isang matagumpay na babae.

Joan- Palakaibigan at masayahin.

B. Kulturang Pilipino
Nangyayari rin ang ganitong mga pangyayari sa

totoong buhay. Ang hindi masyadong pagtanggap ng

lipunan sa mga bakla. Gayun paman, ipinapakita sa

kwento ang pagiging positibo, matibay, at

pagkakaroon ng lakas ng loob ng mga bakla upang

patuloy na ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa

ating lipunan. Ipninaglalaban nila ang kanilang

pagiging tao at pinapakita nila na kung hindi nyo' sila

magawang tanggapin, sapat na sa kanila at malaking

bagay na para sa kanila ang sila'y respetohin.

IX. Pampanitikang pagtatalakay

Panlipinan- Nagaganap talaga ang ganitong mga

pangyayari sa ating lipunan. Mayroong mga

tumatanggap sa mga bakla, mayroom ding hindi.

Hindi maiiiwasan ang ganitong mga pangyayari

ngunit kung ating iisipin, dapat talaga natin silang

tanggapin dahil wala na tayong magagawa dahil

nandyan na sila. Kung hindi man natin sila magawang

tanggapin, sapat na siguro na silay respituhin dahil

mga tao rin sila na nabibilang sa ating lipunan.

Pang Moral- Ipninapa-abot sa kwento na dapat

tayong mga tao ay matutong rumispeto. Kabilang na

talaga ang mga bakla sa ating lipunan kaya't silay


ating respituhin gaya na lamang ng pag respeto nila

sa atin.

X. Teoryang pampanitikan

Troryang Queer- Ginamit ng may-akda ang teoryang

queer sapagkat kinabibilangan ito ng mga kararter na

miyembro ng LGBTQI.

Teoryang Realismo- Ginamit ng may-akda ang

teoryang realismo dahil tumatalakay ito ng mga

pangyayaring makatotohanan at nasakaihan din ito

ng may-akda na ito ay nagaganap sa ating lipunan.

Teoryang ekstensyalismo- Ginamitan ng ganitong

teorya ang kwento sapagkat gustong ipahiwatig ng

may-akda ang kalagayan o estado ng mga bakla sa

ating lipunan.

Teoryang Romantisismo- Gumamit ng ganitong uri na

teorya ang may-akda sapagat naglalahad ito ng pag-

iibigan ng dalawang indibdwal.

Teoryang Moralistiko- Gumamit ng ganitong uri na

teorya ang may-akda sapagkat guato niyang ipaabot

sa mga mambabasa na mali ang pag-disiskrimina sa

mga bakla.
XI. IMPLIKASYON

Kalagayang panlipunan- Sa ating lipunan, unti-unti

nang natatanggap ng mga tao ang mga ganitong uri

na kasarian. Gayun paman, hindi talaga maiiwasan

na mayroon talagang mga tao na mahirap silang

tanggapin. Sa aking palagay, nagiging sanhi rin ng

pagiging mataas ng mga pamantayan ng mga tao sa

ating lipunan kung kaya't ang iban mga bakla ay

natatakot ng ipakita ang tunay nilang pagkatao.

Maiiwasan lamang ang ganitong mga pangyayari

kapag ang mga tao ay marunong nang rumispeto at

tumanggap sa ganitong mga uri nang tao.

Kalagayang Pansarili- Para sa akin, ang pagkakaroon

ng respeto at pagtanggap sa katotohanan ang susi

upang wala nang diskriminasyon. Sapagkat kung

mayroon kang ganitong uri na pag uugali, magiging

malapit tayo sa pagkakaroon ng pantay-pantay na .

XII. Sanggunian

http://tl.mgamaiklingkuwento.wikia.com/wiki/Geyluv

https://prezi.com/0ftm9tqwehny/geyluv/

https://prezi.com/x3lcftrecy6u/copy-of-geyluv-by-

honorio-bartolome-de-dios/

You might also like