You are on page 1of 1

Sino ang binansagang 'Matang Lawin' ng

Katipunan?
Published April 18, 2015 3:26pm

Kilala ba ninyo kung sino ang lalaki na nagmula sa prominenteng pamilya sa


Bulacan na sumapi sa rebolusyunaryong Katipunan noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila at binansagan bilang si "Matang Lawin"?

Isinilang sa Malolos, Bulacan noong Abril 10, 1866, si General Isidoro


"Matang Lawin" Torres, na gaya ng ibang rebolusyunaryo na kahit mula sa
nakaririwasang angkan ay sumapi sa Katipunan at nakipaglaban para sa
kalayaan ng Pilipinas.

Nag-aral si Torres sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos ng kolehiyo


sa University of Santo Tomas sa kursong Bachelor of Arts.

Taong 1890 nang maging cabeza de barangay siya at palihim na sumapi sa


Katipunan, kung saan binuo niya ang Sangguniang Lalawigang Balangay
Apoy, na sangay ng Katipunan sa Bulacan.

Nang madiskubre na ng mga Kastila ang Katipunan, pinamunuan ni Torres


ang may 3,000 puwersa ng mga katipunero at nakipaglaban sa mga
mananakop.

Mula sa pagiging kolonel, itinaas ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa pagiging


heneral ang ranggo ni Torres nang buuin ang sona militar sa Central Luzon
noong 1897.

Nang pasinayaan ang pagiging Republika ng Pilipinas noong 1899, kasama si


Isadoro sa mga pumarada at pinangunahan niya ang pagmartsa ang may
6,000 puwersa ng militar.

Nagpatuloy ang pakikipaglaban ni Torres para kalayaan ng bansa hanggang


sa panahon ng pananakop ng bansang Amerika.

Nang matapos ang digmaan noong 1902, pansamantalang nangibang-bansa


si Torres kasama ang kaniyang maybahay, at bumalik sa Pilipinas noong
1903.

Sa kaniyang pagbabalik, namalagi na siya sa San Antonio, Nueva Ecija kung


saan nagsilbi siya bilang hukom tagapamayapa, konsehal at naging kasapi ng
Philippine Assembly.

Sumakabilang buhay si "Matang Lawin" sa edad na 62 noong December 5,


1928. -- FRJ, GMA News

You might also like