You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang buhay kolehiyo ay hindi biro. Nandyan ang mga mahahabang pagsusulit at

maiimpluwensyang kaibigan. Sa pagpasok sa unibersidad ay siguradong mararamdaman ang

kakaibang hamong dala nito. Isa sa mga kahaharapin sa buhay kolehiyo ay ang mabigat na

gawaing pang-akademiko. Bukod dito ay nandyan din ang peer pressure, problemang

pinansyal, at marami pang iba. Sa kolehiyo ay hinuhubog ang mga kakayahan at isipan ng mga

estudyante upang maihanda sa mas mapanghamong kinabukasan.

Gaya nang nabanggit, mapanghamon ang buhay kolehiyo at kaakibat nito ang hindi

sapat na pagtulog. Ayon sa pag-aaral ng National Sleep Foundation, animnapu’t tatlong

porsiyento (63%) ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay hindi nagkakaroon nang sapat na tulog.

Para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, hindi na bago ang mga gabing walang tulog.

http://www.sleepfoundation.org/

Sa pag-unawa sa sitwasyong ito ay mas mainam na mainitndihan ang pagtulog. Ang

pagtulog ay isa sa mahalaga at likas na gawain na kinakailangan ng tao sa kaniyang araw-araw

na pamumuhay. Ayon sa Wikipedia, ang pagtulog ay isang natural na estado ng pagpapahinga

ng katawan na nagaganap sa mga hayop (kasama roon ang tao). Habang tumatanda ang isang

tao, bumaba ang oras na ginugol nito sa pagtulog. Ang isang pangkaraniwang matanda ay

nangangailangan ng pito hanggang walong oras na tulog. Mayroon namang isang artikulo na

nagsasabi na ang ating utak ay patuloy pa ring nagdedebelop hanggang sa ika-dalawampu (20)
taong gulang kaya naman ang mga teenagers ay dapat na nakakatulog ng 9¼ na oras sa isang

araw.

Sa kasalukuyang panahon, lumiliit ang oras na iginugugol ng mga mag-aaral sa pagtulog.

Ang hindi pagkamit ng nararapat na bilang oras ng tulog ay tinatawag na sleep deprivation.

Malaki ang epekto ng kakulangan ng tulog sa buhay ng mga mag-aaral. Mapurol na memorya,

maikling pasensya at mahinang pangangatawan ay ilan lamang sa mga naidudulot ng hindi

pagkakaroon ng hindi sapat na tulog. Dahil dito ay nasasakripisyo ang mainam na pagkatuto ng

mga estudyante. Samantala, sinuportahan naman ito ng National College Health Association.

Ayon sa kanilang nakalipas na pag-aaral, 25 porsiyento ng suliranin sa pag-aaral ay isinisisi sa

hindi sapat na pagtulog. Dahil sa kakulangan sa tulog, bumababa ang grado ng mga mag-aaral.

Bukod sa lubos na epekto ng hindi sapat na pagtulog sa academic performance ng mga mag-

aaral, marami pa itong epekto lalo na sa kalusugan—nakakaapekto ito sa mental, pisikal, at

emosyonal na aspekto ng tao.

Sa isang banda, bagama’t alam ng nakararaming mag-aaral ang dahilan ng kanilang

pagkapuyat, hindi pa rin naiiwasan ang ganitong pangyayari. Sa katunayan, maraming

mapagkukuhanan ng mga epektibong solusyon at payo upang malutas ang suliraning ito. Ang

pagtulog ay mahalaga sa buhay ng tao lalo na sa mga mag-aaral na lubos na kailangan ito. Sa

kasanayan ng mga mag-aaral na magpuyat ay nasasakripisyo ang kanilang pag-aaral at maaring

mauwi ang ganitong pamumuhay sa mga mas malalang sakit na lubos na pagsisihan. Isang

malaking suliranin ang hindi pagkakaroon nang sapat na tulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo at

hindi ito dapat ipagwalang-bahala. Dahil sa mga naidudulot nito sa buhay ng mga mag-aaral ay

nararapt itong bigyang pansin at lunasan.


2. Layunin ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay ng impormasyon hinggil sa epekto ng hindi

sapat na pagtulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo at naglalayong matugunan ang mga sumusunod

na tanong:

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil sa hindi sapat na pagtulog?

2. Anu-ano ang mga epekto at sanhi ng hindi sapat na pagtulog?

3. Nagdudulot ba ito ng mas malalang karamdaman?

4. Sapat ba ang kaalaaman ng mga kabataan ukol sa nasabing paksa?

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing suliranin ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng hindi sapat na

pagtulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga epektong ito ay may kaugnayan sa mental,

pisikal, at emosyonal na aspekto ng mga mag-aaral na lubos na nakakahadlang sa mainam na

pagkatuto.

Upang masagot ang suliraning ito ay kinailangang pag-aralan ng mga

mananaliksik ang mga bagay na nakapaligid sa nasabing suliranin. Kasama sa

mga tatalakayin ang mga pagtulog at kahalagan nito, sanhi ng hindi sapat na

pagtulog, at ang mabisang solusyon at rekomendasyon ukol dito.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Pinaniniwalaang malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mag-aaral sa kolehiyo - Ito ay kapupulutan ng mga mag-aaral ng mga susing

impormasyon upang kanilang malaman ang pagtulog at kahalagahan nito at ang sanhi, epekto

at solusyon ng hindi sapat na pagtulog. Higit sa lahat, ito ay may katuturan sa mga mag-aaral

sapagkat maaring maging hakbang ang pag-aaral na ito upang mabago ang kanilang

pamumuhay ukol sa hindi sapat na pagtulog.

Magulang ng mga mag-aaral sa kolehiyo - Dito ay kanilang malalalaman ang

karanasan at sitwasyon ng kanilang anak nang sa gayon ay mainitndihan nila ang mga kinikilos

nito at matulungan ang mga ito upang malutas ang kanilang suliranin. Samkatwid, magsisilbing

ugnayan ang pananaliksik na ito sa pagitan ng mga magulang at kanilang anak.

Propesor/Guro - Ito ay magsisilbing gabay sa mga guro upang makita ang suliranin na

kinakaharap ng kanilang mga estudyante nang sa gayon ay maintindihan din nila ang mga

kinikilos nito at matulungang malutas ang suliranin.

Mananaliksik – Ang kontribusyong ito ay makakaragdag sa mga katulad ng mga pag-

aaral na ito (lokal o nasyonal). At maaring makatulong sa kanilang nasabing pananaliksik.

Naniniwala ang mananaliksik na mayroong maiaambag sa lipunang ginagalawan ang

pananaliksik na ito. Sa mga nagnanais na ipagpatuloy ang mga pag-aaral. Umaasa na ang

resulta nio ay magiging basehan ng mga paglikha ng batas at sa pagkakaroon ng reporma.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa pananaliksik ng riserster ay minabuting limitahan ang saklaw ng pag-aaral. Bagama’t

nangangahulugan ang limitasyon ng hangganan ng maraming impormasyon na maaring isama

upang mapaunlad nang lubos ang napiling pag-aralan ay ginawa ito upang maging mas realistik

at mas komprehensibo ang pagtalakay sa mga paksang may kaugnayan sa pananaliksik.

Sakop ng pag-aaral na ilahad at ipaliwanang ang pagtulog. Saklaw din nito na ipagbigay

alam sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang sanhi at epekto ng hindi sapat na pagtulog at ang mga

solusyon sa suliraning ito.

Isa sa mga metodolohiyang ginamit sa pananaliksik ay ang pagsasabey. Ang mga

respondents ng sarbey ay limitado. Ito ay kinabibilangan lamang ng mga mag-aaral na nasa

unang taon ng Kolehiyo ng Agham ng Pamantasang De La Salle- Dasmariñas at ang kanilang

kabuuang bilang ay tatlumpu’t siyam.

Ang pananaliksik na ito ay limitado sapagkat nakapokus ito sa mga mag-aaral sa

kolehiyo. Tinitignan lamang ng pananalisk na ito ang mga maaring sanhi at epekto ng hindi sapat

na pagtulog sa mga mag-aaral sa kolehiyo at hindi sa lahat ng uri ng tao.

Bagamat limitado ang pananaliksik ay sisikapin nitong mailahad at maipaliwanang nang

buong husay ang mga nabanggit na paksang tatalakayin.

You might also like