You are on page 1of 86

Araling Panlipunan Grade 10

Unang Markahan
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-Ekonomiya

Topics under this module

 Ang Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

 Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagbagyo,
Pagbaha, at Storm Surge
 Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Paglindol at
Tsunami
 Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagputok ng Bulkan
 Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: El Niño at La Niña
 Mga Ahensiya ng Pamahalaang Responsable sa Kaligtasan ng mga
Mamamayan
 Climate Change: Aspektong Pulitikal, Pang-ekonomiya, at Panlipunan
 Climate Change: Mga Programa, Polisiya, at Patakaran
 Climate Change: Mga Epekto sa Kapaligiran, Lipunan, at Kabuhayan
 Mga Suliraning Pangkapaligiran: Waste Management
 Mga Suliraning Pangkapaligiran: Mining
 Mga Suliraning Pangkapaligiran: Quarrying
 Mga Suliraning Pangkapaligiran: Deforestation
 Mga Suliraning Pangkapaligiran: Flash Flood
 Ang Unemployment
 Ang Globalisasyon
 Mga Pangunahing Institusyong Nagsusulong ng Globalisasyon
 Ang Sustainable Development
 Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Consumerism
 Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Energy
Sustainability
 Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Poverty
 Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Health Inequalities
 Iba’t Ibang Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable
Development

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Ang Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Pagkatapos ng araling ito ang mag-aaral ay:

 naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu; at

 nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?

 Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Halina at ating alamin ang mga sagot sa araling ito!

Kontemporaryong Isyu
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya,
opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon.
 Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao
 Kasabay o kapanahon.

Halimbawa:

 Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, at rasismo ( si

Pangulong Rodrigo Duterte ay kontemporaryo ni US Pres. Donald Trump, si
Adolf Hitler ay kontemporaryo ni Benito Musolini))
 Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser
(Taasan ang buwis sa mga softdrinks pati na ang sa powdered Juice drink para
pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan)
 Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin,
ingay, at iba pa)
 Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na
babasahin

Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu

 Ang terorismo ay isa sa mga pinakatampok na kontemporaryong isyu. Dito pa
lamang sa Pilipinas, usap-usapan ang walang awang pagpatay o makataong
pagpapalaya sa mga bihag mula sa mga kamay ng mga rebeldeng pangkat. Isyu
rin ang pagbibigay ng ransom sapagkat ang pagtugon dito ay tila pagsuporta na
maaaring nagdudulot ng paglago ng kanilang masamang gawain.
 Sa konteksto naman ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan,
at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan,
mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal
at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng angkop at makabuluhang
talakayan o interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang lahat ay
nagbibigay ng kani-kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong
isyu.

Halimbawa:
Isa sa mga gustong muling ipatupad ng bagong presidente ng Pilipinas ay ang death
penalty. Dahil ito ay mainit na isyu sa pagitan ng human rights advocates at ng death
penalty supporters, maaaring magkaroon ng debate ang mga estudyante ukol dito.
Maaaring hatiin ang klase sa pro at anti. Mahalaga ang paggabay ng guro sa maselang
usaping ito.

Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa

Lipunan at Daigdig

 Nalilinang ang kritikal na pag-iisip

 Naiuugnay ang sarili sa isyu
 Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu
 Nahahasa ang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga

Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media.

 Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit nito sapagkat nahuhubog nito

ang kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa.
 Sa pagbabasa, nahuhubog din ang kasanayang pangwika at panggramatika.
 Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig.
 Sa dulo nito, makabubuo ng lipunang mulat, mapanuri, at matalinong tumutugon
sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.

Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig

 Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at

daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
 Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat
mas maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang kasalukuyang
konteksto.
 Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
Mapabibilis at mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop
ang kaalaman sa kasalukuyan.
 Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang
mga kaganapan sa lipunan.

Pagnilayan
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong
isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?
Dagdag Kaalaman
Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang
isyu o usapin. Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin
hanggang ngayon.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya,
opinion, o paksa sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon.
 Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan,
pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw.
 Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at
impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga
pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at
aktibong partisipasyon..
 Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig ay makakatulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

Halina atin pag-usapan ang isyung ito.

Duterte claims drug money funding terrorism in Mindanao

By Audrey Morallo (philstar.com) | Updated May 31, 2017 - 7:30pm
Government troops take positions as they head to the frontline as fighting with Muslim
militants in Marawi city enters its second week, Tuesday, May 30, 2017, in the southern
Philippines. Philippine forces pressed their offensive to drive out militants linked to the
Islamic State group after days of fighting left corpses in the streets and hundreds of
civilians begging for rescue from a besieged southern city of Marawi. AP/Bullit
Marquez

MANILA, Philippines — President Rodrigo Duterte claimed on Wednesday that drug

money was used to finance both past and present terrorism activities in the Philippines,
not so-called Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) funding from the Middle East, as he
admitted that the government had suffered “tremendous” losses in the clashes in
Marawi City.

Speaking before military personnel from the Philippine Navy celebrating its 119th
founding anniversary, Duterte said that so-called ISIS did not have much support to
local Islamist groups as the government was able to stanch the supply of money from
the Middle East.

The president said that drug money had been used to support terrorist activities in the
Philippines, even claiming that Marawi City, the scene of deadly clashes that left 89
militants, 21 soldiers and 19 civilians dead, had turned into a center of
methamphetamine, locally known as shabu, production.
“There was a time until now that the terrorism activities in the Philippines is funded and
fueled by drug money. Alam namin na walang masyadong tulong ang ISIS sa Middle
East. Nakukuha naming yung pinapadala nila by just examining papers,” the president
said as he admitted that deaths were to be expected in any war, including the war on
drugs.

He said that as Manila launched a deadly crackdown on illegal drugs many producers of
illicit narcotics turned to terrorist groups for protection.

“And for all — lahat — Christians and the Moro, who were into shabu sought sanctuary
amongst the terrorists for protection and to ensure the success of their business. So
much so that even Manila was already flooded, and we have to put an apparatus to stop
it,” he said.

Headlines ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

The Philippine drug war has claimed between 7,000 to 9,000 lives, according to human
rights groups and government critics. The Philippine National Police, however, disputes
this and says that this number is inflated. It pegs the number of deaths related to the
war on drugs at around 4,000.

The chief executive said that he had been warning about the threats of ISIS to the
country and just last week admitted that ISIS had already arrived in the Philippines,
contradicting what the Philippine military was saying at that time that there were no ISIS
fighters in the country.

Duterte also admitted that the government had incurred “tremendous losses” in more
than a week of fighting between security forces and Maute and Abu Sayyaf fighters in
Marawi City. He said that this was expected considering that the soldiers were the
“invading force” and the militants had already set up their defenses.

“And in Marawi now, I’m sad to tell you that we have suffered tremendous losses.
Because we are the invading force, and they have been set up there for a long time
waiting for the soldiers of the republic to come,” he said.

The chief executive also said that the Philippine government was able to cut the supply
of support from the Middle East.

He said one of the recipients of the funding was Superintendent Maria Cristina Nobleza,
the former deputy regional director of the PNP crime laboratory in Davao City, who was
caught after she allegedly tried to help one Abu Sayyaf fighter in Bohol escape. The
president said that Nobleza was an active player in the terrorism business of the group.

PNP Director General Ronald Dela Rosa said at that time that Nobleza was caught
“sleeping with the enemy.”
“And one of those who was the recipient of a huge amount is a member of the
Philippine National Police. Yung si Nobleza. She was not only in cahoots, but she was
an active player in the terrorism business. She was the one who was apprehended in
Bohol when she tried to extricate the remaining Abu Sayyaf who were on the run at the
time,” the chief executive said.

The president said that the “nonchalant” attitude of Filipinos was partly to blame for the
terrorist problems in Mindanao and in other parts of the country.

“This is my take. Hinayaan kasi natin ang droga,” he said.

Duterte placed Mindanao under martial law Tuesday last week following the foiled
attempt of Philippine security forces to arrest Isnilon Hapilon, a subleader of the
notorious Abu Sayyaf, and other leaders of the Maute group of bandits.

Clashes ensued between the two groups as the Islamist militants holed themselves up
in parts of the city, leading to street-to-street combats
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagbagyo, Pagbaha, at Storm
Surge

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng kalamidad; at

 natatalakay ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa
bansa gaya ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang ibig sabihin ng kalamidad?

 Ano-ano ang kalamidad na kalimitang nararanasan sa Pilipinas?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang
mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.
 Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga
sa mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong makabangon agad
mula sa dagok ng matitinding kalamidad.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbagyo

Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang
kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo.

 Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na
sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan,
karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.
 Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo
ang mainit at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil
sa init ng dagat at habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area
(LPA) sa paligid. Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba
pang malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay
iinit din at bubuo ng mga ulap.
 Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng 20 bagyo kada taon. May apat na
uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang PAGASA ang tumututok at
nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon.
 Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga bagyong
Ondoy (2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala sa mga bayan
at lalawigang tinamaan nito

Bagyong Sendong.
Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbaha
Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang
malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at

walang tigil na pag-ulan sa komunidad.
 Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig.
 Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang
bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking
lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na
malapit sa anyong tubig.
 Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari-
arian. Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag
nababad ang sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga).

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge

Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.

 Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng

tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto
sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan
ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).
 Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa
naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga
tao, kaya, maraming namatay.
 Mahirap iwasan ang pagdaluyong-bagyo dahil hindi ito napipigilan. Ang maaari
lamang gawin para makaiwas dito ay ang paglikas tungo sa mas mataas na
lugar kung may nakaambang bagyo o pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat.

Pagnilayan
Sa iyong palagay, natuto na ba ang mga Pilipino sa mga karanasan mula sa malalakas
na pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang
kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo. Ang
bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na
sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan,
karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.
 Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang
malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang baha ay
ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil
na pag-ulan sa komunidad.
 Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.
Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng
tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto
sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan
ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 natatalakay ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa

bansa gaya ng paglindol at pagtama ng tsunami; at
 naiuugnay ang mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagkakaroon ng mga
kalamidad.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Maliban sa pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong, ano-ano pa ang kalamidad na

nararanasan at maaaring maranasan sa Pilipinas?

Alamin ang sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang
mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.

Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso

Isinalin ang post na ito noong 20 Mayo 2012 7:53 GMT

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa'yo sa mga pahinang nasa
wikang Ingles, maliban kung nakasaad.]

Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na

kalamidad ng Bagyong Sendong (international name: Washi), na nagdulot ng
malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang
nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao noong Disyembre
2011 at winasak ang mga tirahan at kabuhayan ng libu-libo, binaha naman ang mga
lalawigan ng Cebu, Davao, Bukidnon, Maguindanao, Compostela Valley, Negros, Leyte
at Aklan sa Katimugang Pilipinas. Isang matinding pagguho ng lupa naman ang
naganap noong Enero 2012 sa Pantukan, Mindanao, isang bayan na umaasa sa
pagmimina, kung saan 31 ang namatay at daan-daan ang nawawala.

Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide,

sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipinong netizen ang ilang katanungan.
Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka
ang lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito
nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin upang maiwasan o
mapaghandaan ito sa hinaharap?

Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de Oro, pagtotroso
at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo:
 Original Quote
Noong Enero 2009, nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha. Maraming
matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng pagbaha sa loob ng
apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang nakalipas, dumating ang mas malupit na
delubyong hatid ng Bagyong Sendong.

Dinulot ng iligal na pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang pagkasira ng kalikasan

at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng mga ilog. Nakaharang din siguro sa
natural na daloy ng tubig ang ilang istrakturang gawa ng tao.

Mapa ng Lawak ng Pagbaha sa Siyudad ng Cagayan De Oro

Gumawa ang Ateneo Physics Laboratories ng isang mapa tungkol sa lawak ng

pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat [fil] ang pamahalaang Aquino, dahil hinayaan
nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang malalaking kompanya sa ating bansa:

Pinahihintulutan ng gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing

korporasyon at ng kapatid nitong gahamang dayuhan. Pinahihintulutan ng gobyerno na
gahasain ng magkapatid ang ating likas na yaman kapalit ng konting kita at
pamumuhunan ng mga ito.

Tinukoy naman ni Lisa Ito [fil] ang pagkasira sa mga natural na kagubatan upang
makapagtanim ang mga malalaking korporasyon ng mga pangunahing produktong
iniluluwas ng bansa:

Laganap din ang kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya,

jatropha, saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang grupo na
Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa National Institute of Geological
Sciences, ang CdO ay lalong nagiging bulnerable sa baha dahil sa kumbersyon ng
2,000 ektarya ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed upang gawing taniman ng
pinya ng Del Monte Philippines—isa sa pinakamamaking exporter ng pinya sa buong
mundo.

Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na banggitin ang isang geo-
hazard na pag-aaral na ginawa ng Unibersidad ng PIlipinas, kung saan tinukoy ang
mga kakulangan ng gobyerno sa nangyaring trahedya ng Sendong. Ilang kabataang
aktibista ang bumatikos kay Pangulong Noynoy Aquino dahil hindi nito nilagdaan ang
P5 bilyong badyet na nakalaan sa paghahanda sa mga sakuna, na maari sanang
nagamit upang mabawasan ang dinulot ng pagbaha:

 Original Quote
Paulit-ulit naming sinasabi na isang sakuna ang rehimeng Aquino, dahil hinayaan nitong
mangyari ang nakaambang na trahedya mula sa malalakas na pag-ulan: Una, dahil
tinanggal mismo ni Noynoy ang pondo sa pambansang badyet ng 2011 na nakalaan
sana sa paghahanda laban sa mga sakuna. Ni isang sentimo mula sa P5 bilyong
‘Calamity Fund’ ang nakarating sa Hilagang Mindanao, o kahit sa ibang rehiyon man sa
bansa. Pangalawa, dahil patuloy niyang sinusuportahan ang maramihan at ‘legal’ na
pagtotroso ng mga korporasyon.

Litrato mula MindaNews na nagpapakita ng mga trosong nanggaling sa mga lugar ng

pagtotroso at umabot sa siyudad ng Iligan.

Binasura naman ng Politika 2013 ang taktika ng mga publisista ng mga malalaking
kompanya na ilayo at iligaw ang usapin mula sa pagmimina at pagtotroso
Pag-aralan Natin!

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Paglindol

Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, ang paikot na hanay ng mga aktibong bulkan
sa Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit nakararanas ang bansa ng mga paglindol.

 Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot

ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon.
 Kung ang malakas na paglindol ay mangyayari sa lugar na maraming tao,
maaari itong kumitil ng maraming buhay at magdulot ng malawakang pagkasira
ng mga ari-arian.
 Isang malakas na lindol ang tumama sa Pilipinas noong 2013 kung saan ang
pinakanaapektuhan ay ang Gitnang Visayas, partikular ang Bohol at ang Cebu.
 Maraming bahay, gusali, kalsada, tulay, at iba pang estruktura at ari-arian ang
nasira ng lindol na ito.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagtama ng Tsunami

Kung minsan, ang pagtama o paghampas ng tsunami ay hindi maihihiwalay sa
paglindol.

 Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na nililikha
ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog
ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng
daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa
dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa.
 Ang paghampas ng tsunami ay mapanganib din sa buhay, ari-arian, at
kabuhayan ng mga nakatira sa malapit sa dagat.
 Naranasan ito sa Japan noong 2011 at nagdulot ng malaking pinsala.
 Nangyari ang isang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas noong 1994, sa pagitan
ng Batangas at Mindoro, kung saan umabot sa anim na metro ang taas ng mga
alon na dulot ng 7.1 magnitude na lindol sa ilalim ng dagat.

Mga Gawain at Desisyon ng mga Tao sa Pagkakaroon ng Kalamidad

Mas maraming tao ang apektado ng mga kalamidad kaysa mga tunggalian ayon
sa Worldwatch Institute na nakabase sa Washington DC.

 Ang climate change ay ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga

kalamidad sa kasalukuyan.
 Ang global warming ay resulta ng pakikialam ng mga tao sa kalikasan.
 Ang deporestasyon, pagnipis ng ozone layer, at pagguho ng lupa ay
nagbibigay-babala sa kahaharaping mga suliranin, subalit walang gaanong
ginagawang paraan ang mga tao para maiwasan ito.
 Ang pag-unlad ng tao ay mula sa kalikasan. Ang pagiging hindi balanse nito ay
patungo sa pagtaas ng kalamidad.
 Kailangang maunawaan ng mga tao na tayo ay may kinalaman din sa
pagkakaroon ng mga kalamidad.

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa pagharap sa kalamidad

gaya ng pagputok ng bulkan; at
 nasusuri ang mga epekto ng pagsabog ng bulkan sa pamumuhay ng mga
apektado nito at sa kabuhayan ng bansa.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang maaaring mangyari kapag pumutok ang bulkan at paano natin ito
mapaghahandaan?

Alamin ang sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang
mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.

Pag-aralan Natin!
Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagputok ng Bulkan
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa ng
palagiang seismic and volcanic activities. Nangyayari ang maraming mahihinang
paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa rehiyon.

 Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa

anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan
ng iniluluwang materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
 Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi
nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang
gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay mula sa
ilalim ng lupa at makakikita ng maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
 Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang
tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay
umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at
sa pressure sa ilalim ng lupa.
 Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang
pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang Bulkang Pinatubo ay isang
aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon,
malapit sa Zambales, Tarlac, at Pampanga.
 Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito
ng sulfur dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall o pag-
ulan ng abo na umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar
(volcanic mudflow).
 Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo. Tinatayang
umabot sa 800 ang namatay habang 100,000 katao naman ang nawalan ng
tirahan at kabuhayan sa Gitnang Luzon.

Mga Paghahandang Nararapat Gawin kung may Puputok na Bulkan

Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang
aktibidad ng lahat ng bulkan sa Pilipinas. Ito ang nagbibigay ng mga babala kung may
napapansin silang kakaibang aktibidad sa paligid o sa ilalim ng bulkan.

 Kapag naglabas na ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung

pinalilikas, lumikas na.
 Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang
magdala ng tubig, flashlight, at radyo. Kung kakayanin pa, isama ang mga
alagang hayop.
 Sundin ang lahat ng paalala at babala ng mga kinauukulan upang hindi malagay
sa panganib ang buhay.
 Kahit pa tapos na ang pagputok ng bulkan ay maaari pa rin itong sundan ng
mahihinang pagsabog pati na rin ng paglindol. Huwag piliting bumalik sa lugar
hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan.

Mga Epekto ng Pagputok ng Bulkan

Ang pagsabog ng bulkan ay dulot ng kalikasan. Maraming tao ang naliligalig dahil sa
nakapipinsalang epekto nito. Gayunpaman, nagdudulot rin ito ilang kabutihan.

Mabubuting Epekto
 Ang mga abo at pyroclastic na materyal mula sa bulkan ay nakapagpapataba ng
lupa, mainam ito sa produksiyon ng mga pananim.
 Ginagamit sa mga industriya ang mga materyal na galing sa bulkan tulad
ng perlite, pumice, at scoria pati na rin ang ibang mineral tulad ng borax at sulfur.
 Kapag hindi na aktibo ang bulkan, nakukulong ang init upang makapagbigay
ng geothermal steam para sa produksiyon ng elektrisidad.

Hindi Mabubuting Epekto

 Pagbagsak ng abo (ash fall)
 Pagdaloy ng mga pyroclastic material
 Pagsabog sanhi ng singaw (phreatic explosion)
 Pangalawang pagsabog at mga kasunod pa
 Paglindol
 Pagragasa ng lahar

Pagnilayan
Gaano na kahanda ang mga Pilipino sa pagsabog ng bulkan?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng

malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa
anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan
ng iniluluwang materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma na nagmumula sa
ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa
pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.
 Kapag naglabas na ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung
pinalilikas, lumikas na.
 May mabubuting epekto ang pagputok ng bulkan. Ang mga abo at pyroclastic na
materyal mula sa bulkan ay nakapagpapataba ng lupa at mainam ito sa
produksiyon ng mga pananim.
 Maraming tao ang nagdurusa dahil sa mga nakapipinsalang epekto ng mga
pagsabog ng bulkan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagbagsak ng abo, pagdaloy ng
mga pyroclastic material, phreatic explosion, mga pagsabog, mga paglindol, at
pagragasa ng lahar.

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng El Niño at La Niña;

 natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa pagharap sa kalamidad
gaya ng El Niño at La Niña; at
 nasusuri ang mga epekto ng pagtama ng El Niño at La Niña sa Pilipinas.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang El Niño at La Niña? Bakit mga banta ito sa kaligtasan at kabuhayan ng
mga Pilipino?
 Paano ang tamang paghahanda sa pagharap sa mga kalamidad gaya ng El Niño
at La Niña?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang
mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, El Niño, at La Niña.

ba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagtama ng El Niño at La Niña

Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Pacific Ocean. Ito ay nasa hilagang bahagi ng
ekwador. Dahil sa lokasyon nito, isa ito sa pinakanaaapektuhan ng El Niño.

El Niño
 Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang penomenon sa Gitna at Silangang
Equatorial Pacific.
 Tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na
nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.
 Ang pagtama ng El Niño sa Pasipiko ay tuwing ikalawa hanggang ikasiyam na
taon. Karaniwang nag-uumpisa ito sa pagitan ng Disyembre hanggang Pebrero.
 Kapag tumama na, tumatagal ito hanggang unang hati ng kasunod na taon; may
pagkakataong mas tumatagal pa ito.
 Ang El Niño ay sinusundan ng La Niña.

La Niña
 Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Niño.
 Tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat na
nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon.
 Sa Pilipinas, laging kakambal ng La Niña ang malalakas na pagbagyo, pag-ulan,
at pagbaha.
 Ang kondisyon ng La Niña ay nagiging dahilan ng pagdami ng
bagyo (cyclone) sa Western Pacific.

Pag-aralan Natin!
Paghahanda para sa El Niño at La Niña
Hindi gaya ng ibang natural na kalamidad gaya ng pagbagyo, paglindol, o pagputok ng
bulkan, mas nababantayan at napaghahandaan ang pagdating ng El Niño at La Niña at
mas malilimitahan ang pinsalang maaari idulot.

 Bago pa tumama ang El Niño sa bansa, dapat tiyak na ng pamahalaan na ang

mga tao ay handa na sa lahat ng negatibong maaaring idulot ng penomenong
ito.
 Gayundin, dapat seryosong nakikiisa at nakikibahagi ang mga tao sa paglaban
sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.
 Dapat planuhin at ihanda na ng mga magsasaka ang kanilang mga sakahan.
Halimbawa, iakma ang mga pananim sa abnormal na panahon at gawan ng
paraan upang tumagal ang patubig kung sakaling lumala pa ang sitwasyon.
 Sa lahat, dapat laging may baong tubig at pamaypay kung lalabas ng bahay.
Magsuot ng preskong kasuotan. Ugaliin ang regular na pag-inom ng tubig.
 Para sa La Niña, dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan
ng tubig upang hindi magdulot ng pagbaha.
 Dapat laging alerto ang mga tao sa maaaring idulot ng pagbagyo, malakas na
pag-ulan, at pagbaha.

Mga Epekto ng Pagtama ng El Niño at La Niña sa Pilipinas

Malaki ang maaaring maging epekto ng El Niño at La Nina sa buong mundo. Sa
Pilipinas, nagdudulot ang mga ito ng matitinding pag-init, tagtuyot, pagbayo, at pagbaha
na tumatagal ng ilang buwan.

 Tuwing may El Niño, asahang makararanas ng matinding init sa kahit saang

sulok ng Pilipinas. Maraming pananim ang nasisira at natutuyo kaya marami ring
magsasaka ang nalulugi at nagkukulang o nawawalan ng suplay ng pagkain.
 Marami rin ang nagkakasakit at nahi-heat stroke dahil sa sobrang init. Hindi
lamang perwisyo sa pakiramdam ang naidudulot ng El Niño kung hindi maging
sa buhay at kabuhayan.
 Sa kabilang banda, tuloy-tuloy na pag-ulan naman ang dala ng La Niña. Dahil
katatapos lamang ng matindi at mahabang El Niño sa bansa, ipinalalagay na
makabubuti ang paparating na La Niña upang makabawi ang mga lugar na
sinalanta ng tagtuyot.
Subalit, kahit madidiligan nito ang mga natuyong lupain, pinag-iingat pa rin ang
lahat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Pagnilayan
Gaano na kahanda ang mga Pilipino sa muling pagtama ng El Niño at La Niña sa
bansa?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng

malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ang El Niño ay tumutukoy sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng
dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon. Ang pagtama ng El
Niño sa Pasipiko ay tuwing ikalawa hanggang ikasiyam na taon. Karaniwang
nag-uumpisa ito sa pagitan ng Disyembre hanggang Pebrero.
 Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Niño. Sa Pilipinas,
laging kakambal nito ang malalakas na pagbagyo, pag-ulan, at pagbaha.
 Hindi gaya ng ibang natural na kalamidad gaya ng pagbagyo, paglindol, o
pagputok ng bulkan, mas nababantayan at napaghahandaan ang pagdating
ng El Niño at La Niña at mas malilimitahan ang pinsalang maaari idulot.
 Malaki ang maaaring maging epekto ng El Niño at La Nina sa buong mundo. Sa
Pilipinas, nagdudulot ang mga ito ng matitinding pag-init, tagtuyot, pagbayo, at
pagbaha na tumatagal ng ilang buwan.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Ahensiya ng Pamahalaang Responsable sa Kaligtasan ng mga Mamamayan

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng

mga mamamayan sa panahon ng kalamidad; at
 naipakikita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagitan ng mga mamamayan at ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Paano hinaharap ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang mga suliraning

kaugnay ng mga sakuna o kalamidad?

Alamin ang sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Iba't ibang Kalamidad sa Komunidad at Bansa
 Pagbagyo, pagbaha, at abnormal na pagtaas ng tubig (storm surge)
 Paglindol at tsunami
 Pagputok ng bulkan
 El Niño at La Niña

Pag-aralan Natin!
Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Responsable sa Kaligtasan ng mga
Mamamayan
Isa-isahin natin ang mga kagawaran at ahensiyang responsable sa kaligtasan ng
mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration

(PAGASA)
 Nagbibigay ng ulat-panahon
 Nagmo-monitor ng paparating na bagyo at nagbibigay ng mga signal at paala-ala
 Ang PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section ay responsable sa
pagbabantay sa antas ng baha sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

 Nagbabantay ng mga aktibidad ng iba’t ibang bulkan
 Nagbibigay ng mga babala at paala-ala kung may peligro

National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

 Nakatalaga sa pagbabawas ng panganib na maaaring idulot ng mga kalamidad
 Naninigurong handa ang lahat sa paparating na kalamidad

Department of Transportation and Communications (DOTC)

 Nagbabantay sa pangkalahatang kalagayan ng transportasyon at komunikasyon

tuwing may kalamidad

Department of Science and Technology (DOST)

 Nakatutulong sa paghadlang o pag-iwas sa malawakang pinsala ng kalamidad

gamit ang makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng Project NOAH
Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

 Nagbabantay sa mga sasakyang panghimpapawid tuwing may kalamidad

Philippine Coast Guard (NCG)

 Nagbabantay sa mga sasakyang pandagat tuwing may kalamidad

Philippine Information Agency (PIA)

 Nagbibigay ng mga ulat tungkol sa mga relief and rescue operation na ginagawa
kapag may kalamidad

National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

 Naniniguradong may sapat na suplay ng elektrisidad kapag may kalamidad

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

 Nagbabantay at nagpapanatili ng kaayusan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila

Pag-aralan Natin!
Disiplina at Kooperasyon sa Panahon ng Kalamidad
 Sa kasalukyan, maraming seminar na isinasagawa ang gobyerno at mga non-
governmental organization (NGO) upang magbigay-kaalaman kung paano
maging handa sa mga paparating na kalamidad.
 Dahil sa mga karanasan, marami tayong napupulot na aral kung paano
maiiwasan o malilimitahan ang mga pinsala.
 Naging mas alerto ang mga kagawaran at ahensiya. Marami na ring mga non-
governmental organization ang tumutulong sa paghahanda.
 Ngunit lahat ng adhikain ng gobyerno, maging ng mga NGO ay hindi magiging
matagumpay kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan.
 Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at
pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang kaligtasan at mapadali ang
pagpapatupad ng mga plano.
 Sa disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan, maraming buhay at ari-arian
ang maaaring mailigtas.

Mga Kamalian, Pagtutuwid, at Paalala sa Panahon ng Kalamidad

 Sa kabila ng mga karanasan, masasabi nating kulang pa rin tayo sa
paghahanda.
 Marami pa rin sa atin ang matitigas ang ulo, ipinagwawalang bahala ang mga
ulat at babala na humahantong sa pagkapahamak.
 Sa panahon ng kalamidad, maging kalmado at alerto. Manatiling may alam at
laging handa sa mga nangyayari sa paligid. Laging tumutok o makipag-ugnayan
sa mga ahensiya ng gobyerno.

Pagnilayan
Gaano ka, sampu ng iyong pamilya, kahanda sa darating na mapaminsalang
kalamidad? Gaano kahanda ang Pilipinas kung sakaling dumating ang sinasabing “the
big one?”

Mahahalagang Kaalaman
 Nakararanas ang Pilipinas ng iba't ibang uri ng kalamidad gaya ng pagbagyo,
pagbaha, abnormal na pagtaas ng tubig (storm surge), paglindol, tsunami,
pagputok ng bulkan, El Niño, at La Niña.
 May mga kagawaran/ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng
mga mamamayan tulad ng:
o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA),
o Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
o National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC),
o Department of Transportation and Communications (DOTC),
o Department of Science and Technology (DOST),
o Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),
o Philippine Coast Guard (PCG),
o Philippine Information Agency (PIA),
o National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at
o Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
 Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at
pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang kaligtasan at mapadali ang
pagpapatupad ng mga plano.
 Sa panahon ng kalamidad, maging kalmado at alerto. Manatiling may alam at
laging handa sa mga nangyayari sa paligid. Laging tumutok o makipag-ugnayan
sa mga ahensiya ng gobyerno.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Climate Change: Aspektong Pulitikal, Pang-ekonomiya, at Panlipunan

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng climate change; at

 natatalakay mo ang aspektong pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan
ng climate change.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang climate change? Kailan naramdaman ng sangkatauhan ang

pagbabagong ito?
 Paano mo ilalarawan ang aspektong pampulitika, pang-ekonomiya, at
panlipunan ng climate change?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Climate Change
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo.
Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at
nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.
 Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases sa atmospera.
 Ilan sa mga epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding
pagbagyo, pag-ulan, pagbaha, wildfires, heat waves, at iba pa.

Pag-aralan Natin!
Climate Change: Aspektong Panlipunan
Sa kabila ng mga nakalatag na polisiya tungkol sa climate change, tila hindi nito
natutugunan ang marami pang suliraning panlipunan.
 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto
sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
 Ang polisiya ng pakikibagay (adaptation policy) ay nakatuon sa mga personal na
salik (gaya ng kalusugan at edad), sa mga katangiang pangkapaligiran (gaya ng
pag-iwas sa baha), at sa panlipunang salik (gaya ng hindi pagkakapantay-pantay
ng kita, ang pagkakaroon ng social networks, at panlipunang katangian ng mga
kapitbahay).
 Ang peligro ng mga tao sa climate change ay hindi lamang sa kung gaano
kahantad sa mga pagbaha o heatwaves, gayundin ang potensiyal na pagliit o
pagkawala ng kanilang kaligtasan mula sa mga pangyayari o kalamidad. Ang
panlipunang kahantaran (social vurnerability) ay ang kawalan ng abilidad ng mga
tao, samahan, at lipunan na malampasan ang negatibong epekto mula sa
napakaraming suliranin kinahaharap.

Climate Change: Aspektong Pang-ekonomiya

Maraming teoretikal at empirikal na tanong ang nananatiling masalimuot.
Iminumungkahing magkaroon ng ibayo pang pag-aaral ng integrasyon sa mga polisiya
upang mapagtuonang-pansin ang mahahalagang gawain at mapanatili ang
pandaigdigang pagkakaisa.

Mahahalagang Gawain:
A) Lumilikha ng mga bagong metodo para sa:

 pagbibigay-halaga (evaluate) sa mga benepisyong pangkapaligiran

 pag-alam at pagtataya ng mga gastusin sa kabila ng masalimuot na mga plano
at proyekto
 paggawa ng pagpipiliang polisiya kahit walang katiyakan
 pagpayag sa pagiging flexible sa mga tugong pampolisiya

B) Lumilikha ng mahahalagang gabay para sa pagpili ng polisiyang nanatiling may bisa

sa praktikal na kondisyon

C) Tumututok sa mga praktikal na gawain sa pamamagitan ng paglikha ng mas kapaki-

pakinabang, na kung saan ang mahusay na impormasyon ay pahahalagahan.

Mula 2003 hanggang 2030, ang buong mundo ay maaaring gumastos ng tinatayang 16
milyong dolyar sa energy infrastructure lamang.

Climate Change: Aspektong Pampulitika

Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Gayunman, wala pang
makabuluhang balangkas para sa polisiya na nag-aalok nang buo at matibay kung
paano dapat kayanin ng mga pamahalaan ang mahabang panahong hamong pulitikal
ng climate change.
Mga Hamong Pulitikal:
1. Peligro ng Pangasiwaan

 Ang nananaig na siyentipikong pangkalahatang kasunduan (scientific

consensus) sa epekto ng climate change ay laging pinagdududahan ang antas
ng urgency at severity ng ginagawang pagtataya.

2. Pagrepaso sa Plano

 Ang epektibong aksiyon sa climate change ay nangangailangan ng pagrepaso sa

ibang paraan tungo sa pangmatagalang plano ng mga pamahalaan.

3. Paglikha ng Pampulitika at Pampublikong Consensus para sa Aksiyon

 Bumabangon ang tanong na ito: Ano ang magagawa ng mga pamahalaan upang
makahikayat ng suporta para sa climate change?

4. Implikasyon para sa Hustisyang Panlipunan

 Ang gastusing panlipunan at pang-ekonomiya ay magiging malaki.

Pagnilayan
Ramdam mo na ba ang epekto ng climate change? Gaano na katindi? Paano ka
tutugon sa hamon nito?

Dagdag Kaalaman
 Nagsimula ang usapin ukol sa climate change noong unang bahagi ng 1970 sa
ilalim ng pangulo ng USA na si Richard Nixon at ng North Atlantic Treaty
Organization (NATO) na sinundan ng World Climate Conference noong 1979.
Ang Montreal Protocol na nilagdaan noong 1987 ay tumutugon sa pagnipis
ng ozone layer na nagpuprotekta sa mundo sa matinding init ng araw na
humahantong sa climate change.
 Noong 1994, ang United Nations Framework Convention for Climate Change
(UNFCCC) ay pinasinayaan. Ito ang nangunguna sa taunang pagpupulong ng
mga bansa upang pagtuonan ng pansin ang pagresolba sa climate change.
 Ang Kyoto Protocol na isang kasunduang nalikha noong 1997 at ganap na
ipinatupad simula noong 2005 ay tila bigo sa pagresolba ng climate change dahil
sa hindi pagsang-ayon ng mga maimpluwensiyang developed countries tulad ng
USA at Australia na may matataas na antas ng carbon emissions at ang kawalan
nila ng kakayahang kontrolin ang mga ito.
 Humantong ang mga bigong kasunduan tulad ng Kyoto Protocol sa mga
boluntaryong hakbang ng mga bansa na lumikha ng mga paraan upang supilin
ang climate change tulad ng Climate and Clean Air Coalition to Reduce Short-
Lived Climate Pollutants na kinabibilangan ng USA, Canada, Mexico,
Bangladesh, at Sweden na naglalayong iwasan ang mga sanhi ng climate
change tulad ng methane, black carbon, at hydrofluorocarbons (HFCs).
 Mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa usapin ng climate change. Ito
ay nagbibigay ng kahandaan at kapangyarihan laban sa panganib na dala ng
pagbabago ng klima kaysa sa pagiging mga tagamasid o onlookers lamang.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo.
Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at
napapatuloy. Iniuugnay ito sa pagtaas ng antas ng carbon dioxide sa atmospera
mula sa paggamit ng fossil fuels.
 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto
sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
 Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspektong pang-ekonomiya ay ang
paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga
benepisyong pangkapaligiran.
 Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Ilan sa mga
hamong pulitikal ay ang peligro ng pangasiwaan, pagrepaso sa plano, paglikha
ng pampolitika at pampublikong consensus para sa aksiyon, at ang implikasyon
para sa hustisyang panlipunan.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Climate Change: Mga Programa, Polisiya, at Patakaran

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na natatalakay ang iba’t ibang programa, polisiya, at
patakaran ng Pilipinas at ng mga pandaigdigang samahan tungkol sa climate change.

 Ano ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng mga pandaigdigang

samahan tungkol sa climate change?
 Bakit ang paano tumutugon ang Pilipinas sa mga programa, polisiya, at
patakarang ito?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Climate Change
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo.
Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at
nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.
 Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases sa atmospera.
 Ilan sa mga epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding
pagbagyo, pag-ulan, pagbaha, wildfires, heat waves, at iba pa.

Aspektong Pampulitika, Pang-ekonomiya, at Panlipunan ng Climate Change

 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto
sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
 Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspektong pang-ekonomiya ay ang
paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga
benepisyong pangkapaligiran.
 Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Ilan sa mga
hamong pulitikal ay ang peligro ng pangasiwaan, pagrepaso sa plano, paglikha
ng pampulitika at pampublikong consensus para sa aksiyon, at ang implikasyon
para sa hustisyang panlipunan.

Pag-aralan Natin!
Kooperasyon at Pananalapi
Malaking hamon sa sangkatauhan ang climate change. Dahil dito, ang mga
pamahalaan at mga pandaigdigang samahan ay nagsasama-sama upang tugunan ang
hamong ito ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga
patakaran.

Pandaigdigang Kooperasyon
 Napakahalaga ng pakikibahagi ng sangkatauhan sa pagtugon sa hamon
ng climate change. Dahil dito, pinaiigting ng United Nations Development
Programme, sa pakikipagkaisa ng mga pamahalaan, mga pandaigdigang
institusyon, at mga pribadong sektor ang global partnership sa pagpapalaganap
ng mga adhikain ng UN Millennium Development Goals (MDGs), mga paraan ng
pag-unlad, at pagharap sa climate change.
 Kasama rito ang pagtulong sa 2.6 bilyong mahihirap sa buong mundo,
paggalang sa kalikasan, wastong pamamahala ng lahat ng nabubuhay
na species at likas na yaman, alinsunod sa mga tuntunin ng pangmatagalang
pag-unlad (sustainable development) ng mga bansa na mapakikinabangan ng
susunod pang henerasyon.
Pananalapi
 Upang maisakatuparan ang mga programa, plano, polisiya, at parakaran hinggil
sa climate change, ang International Monetary Fund ay nakatutok sa pagpapayo
ukol sa pinansiyal na aspekto nito, mga reporma, at paghikayat sa mga
mamamayan na panatilihing luntian ang kapaligiran.
 Ang Climate Investment Funds ay programa ng mga nagsanib-puwersang
malalaking institusyong pampinansiyal sa daigdig tulad ng Asian Development
Bank, World Bank, European Bank, at Inter-American Development Bank na
makatutulong sa 72 mahihirap na bansa ukol sa pagpupondo ng mga programa
para sa low-carbon emissions at climate resilient development.

Teknolohiya at Edukasyon
Malaking hamon sa sangkatauhan ang climate change. Dahil dito, ang mga
pamahalaan at mga pandaigdigang samahan ay nagsasama-sama upang tugunan ang
hamong ito ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga
patakaran.

Teknolohiya
 Ang pagsasanib-puwersa ng malalaking institusyong panteknolohiya tulad
ng Google at Food and Agriculture Organization ng UN ay makapagbibigay ng
tulong panteknolohiya upang mapalawak at masubaybayan ang mga
makabagong ideya ukol sa mga pang-agrikulturang hanapbuhay na apektado
ng climate change.
 Bilang pagsuporta naman sa Artikulo 6 ng UN Framework Convention on Climate
Change (UNFCCC) na tumatawag sa mga pamahalaan ng mga bansa na pag-
ibayuhin ang edukasyon, pagsasanay, at kamalayang-publiko ukol sa climate
change, ang UN Environment Programme ay nagbabahagi ng mga
makabuluhang pampublikong impormasyon ukol sa pagbabago ng klima sa
pamamagitan ng website na Climate Change Information Network (CC: iNet) na
nagpapalaganap ng mga kaalaman para sa sustainable development.

Edukasyon at Pagsasanay
 Ang pagsasanay ng mga dalubhasa ukol sa climate change ay isa sa mga
programa ng mga bansa upang masolusyonan ang suliraning ito.
May fellowships and research grants tulad ng International Climate Protection
Fellowships sa Germany at ang Pathways to Climate Change Adaptation, mga
libreng 5-Linggong-Kursong alok ng University of Geneva.
 Ang UN Institute for Training and Research (UNITAR) ay nag-aalok ng Green
Development and Climate Change Programme upang palakasin ang kakayahan
ng bawat indibidwal at institusyon sa mga umuunlad na bansa na pag-ibayuhin
ang kaluntian ng kapaligaran.
Mga Programa, Polisiya, at Patakaran para sa Climate Change sa Pilipinas
Ayon sa Seksiyon 16 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, dapat protektahan at isulong
ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan sa isang balanse at malusog na
kapaligiran. Ito ang batayan ng paglikha ng Republic Act No. 9729, kilala bilang Climate
Change Act of 2009 na pinagtibay noong Hulyo 27, 2009.

Ito ang tugon ng Pilipinas ukol sa banta ng climate change, alinsunod sa pangako sa
ilalim ng UNFCCC. Nakasaad sa batas na ito ang pagbabalangkas ng pamahalaan ng
mga programa at proyekto, mga plano at estratehiya, mga patakaran, ang paglikha
ng Climate Change Commission, at ang pagtatatag ng National Framework Strategy
and Program on Climate Change.

Bunga nito:

 Ang Climate Change Commission ay itinataguyod upang makipag-ugnayan,

bumalangkas, sumubaybay, at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hinggil
sa pagbabago ng klima.
 Ang Promotion of Green Development Project ay
isang partnership ng Department of Trade and Industry-Regional Operations
Group ng Pilipinas at ng Deutsche Gesellschaft für Internationale
Zusammenarbeit (GIZ) ng Germany. Ito ay naglalayong mapahusay ang
kakayahan ng mga negosyanteng gumamit ng mga matatalino at environment-
friendly na mga estratehiya upang mapaunlad ang ekonomiya at kapaligiran.
 Ang Republic Act No. 8749 na kilala rin bilang Philippine Clean Air Act ay
isinabatas noong 1999. Ito ay naglalayong mapanatiling malinis at libre
sa greenhouse gas emissions ang hangin sa bansa.
 Ang Philippine Task Force on Climate Change (PTFCC) ay binuo upang
pagaanin ang negatibong epekto ng climate change at magsagawa ng isang
mabilis na pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa.

Pagnilayan
Kaugnay ng climate change, epektibo ba ang mga programa, polisiya, at patakarang
ipinatutupad ng Pilipinas at ng mga pandaigdigang samahan?

Dagdag Kaalaman
 Ang World Health Organization ay nagbibigay ng isang komprehensibong
programa upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa buong
mundo laban sa panganib na dulot ng climate change.
 Ang Paris Agreement na nilagdaan noong Disyembre 2015 ay isang kasunduan
sa loob ng balangkas ng United Nations Framework Convention on Climate
Change (UNFCCC) na nagpapababa sa greenhouse gas emissions sa mga
bansa sa buong mundo.
 Ang UN Poverty and Environment Initiative ay isang programang sumusuporta
sa pambansang pagpaplano ng pag-unlad, paglaban sa kahirapan, at pagsupil
sa climate change.
 Ang UN Collaborative Initiative on Reducing Emissions from Deforestation and
Forest Degradation (REDD) ay inilunsad sa mga developing countries noong
Setyembre, 2008 upang palaganapin ang kaalaman at makabuluhang paglahok
ng lahat ng mga stakeholders, kabilang ang mga katutubo at iba pang
komunidad na umaasa sa mga kagubatan. Layunin ng REDD na mabawasan
ang carbon emissions sa mga kagubatan at mag-ambag sa
pambansang sustainable development.

Buod
Malaking hamon sa sangkatauhan ang climate change. Dahil dito, ang mga
pamahalaan at mga pandaigdigang samahan ay nagsasama-sama upang tugunan ang
hamong ito ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga
patakaran. Binibigyan ng halaga ang pandaigdigang kooperasyon, pananalapi,
teknolohiya, edukasyon, at pagsasanay. Bilang kasapi ng UN, tumutugon ang Pilipinas
sa hamon ng climate change.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Climate Change: Mga Epekto sa Kapaligiran, Lipunan, at Kabuhayan

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na natataya ng mag-aaral ang mga epekto ng climate
change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng mga tao sa Pilipinas at sa daigdig.

 Ano-ano ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng

mga tao sa Pilipinas at sa daigdig?
 Paano makikibahagi ang bawat indibidwal sa paglaban sa mga epekto ng climate
change?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Climate Change
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo.
Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at
nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.
 Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases sa atmospera.
Aspektong Pampulitika, Pang-ekonomiya, at Panlipunan ng Climate Change
 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto
sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
 Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspektong pang-ekonomiya ay ang
paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga
benepisyong pangkapaligiran.
 Ang climate change ay isang napapanahong isyung politikal. Ilan sa mga
hamong politikal ay ang peligro ng pangasiwaan, pagrepaso sa plano, paglikha
ng pampolitika at pampublikong consensus para sa aksiyon, at ang implikasyon
para sa hustisyang panlipunan.

Mga Programa, Polisiya, at Patakarang Pandaigdigan para sa Climate Change

Malaking hamon sa sangkatauhan ang climate change. Dahil dito, ang mga
pamahalaan at mga pandaigdigang samahan ay nagsasama-sama upang tugunan ang
hamong ito ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga
patakarang may kaugnayan sa:

 Pandaigdigang Kooperasyon
 Pananalapi
 Teknolohiya
 Edukasyon at Pagsasanay

Mga Epekto ng Climate Change

Ang climate change ay may malaki at seryosong epekto sa kapaligiran, lipunan, at
kabuhayan.

Kapaligiran
 Dahil sa carbon dioxide at fossil fuels, nagiging mainit ang kapaligiran.
Ang cryosphere o nagyeyelong bahagi ng mundo (halimbawa, Antarctic at Arctic)
ay natutunaw. Ang mga karagatan ay nagiging mas mainit, mas mataas, at mas
asidiko. Dahil dito, maaaring mamatay ang mga hayop.
 Ang malalakas na bagyo o unos ay nagdudulot ng mga pagbaha at labis na
pinsala sa mga buhay at ari-arian, gayundin ang matitinding tagtuyot.
 Dahil sa dumadalas na forest fires, nauubos ang mga puno sa kagubatan.
Ang heatwaves ay nagdudulot din ng malulubhang pinsala.

Lipunan
 Namimiligro ang kalusugan ng mga tao dahil sa paglaganap ng mga sakit tulad
ng cholera, dengue, mga komplikasyong dulot ng malnutrisyon, at marami pang
iba lalo na sa mga bansang umuunlad pa lamang.
 Marami ring nagdurusa at nasasawi dahil sa hika, TB, heat stroke, skin cancer,
at mga katulad nito dahil sa maruming hanging sanhi ng polusyon at usok mula
sa wildfires at sa matinding tag-init.
 Sa mga bansa sa Africa, ang malaking banta sa agrikultura na dulot ng climate
change ay nagreresulta sa panganib sa seguridad ng pagkain.
 Napaparalisa din ang daloy ng transportasyon dahil sa mga pagbaha.

Kabuhayan
 Ayon sa ulat ng International Food Policy Research Institute, dahil sa halos
kalahati ng populasyon ng mundo ay nakatira sa developing countries, ang
pagbabago ng klima ay may negatibong epekto sa pagsasaka at pangingisda.
 Ang mga magsasaka ay nahihirapan dahil nababawasan ang suplay ng tubig
para sa kanilang mga panananim dulot ng matinding tagtuyot. Nahihirapan din
silang labanan ang pag-atake ng mga peste.
 Ang industriya ng pangingisda ay pinakaapektado sa Bangladesh at Angola na
kung saan namamatay ang mga isdang pang-export. Nababawasan ang kita ng
mga mangingisda, masyadong naaapektuhan ang mga pamilya.

Pag-aralan Natin!
Mga Paraan ng Paglaban sa mga Epekto ng Climate Change
 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinapatupad ng mga
pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat isa ay makatutulong
din sa paglaban sa mga epekto ng climate change sa sariling kaparaanan.
 Upang mabawasan ang carbon footprints o mga bakas na ambag sa
nakapipinsalang carbon emissions, tayo ay maaaring gumamit ng compact
fluorescents bulbs, renewable energy sources (tulad ng hangin, sikat ng araw,
tubig), at ang paghugot sa naka-plug na linya ng TV, computer, at iba
pang electronics kapag hindi naman ginagamit.
 Ang pagre-recyle ng mga papel, karton, salamin, at metal, at ang paggamit
ng reusable o recyclable packaging ay mas mainam. Makababawas ang mga ito
sa basurang dati ay inilalagak sa landfills na nagpapakawala
ng methane (masamang gas).
 Nakababawas din sa paggamit ng gasolinang nagpapainit sa kapaligiran ang
paglalakad, pagbibisikleta, pagka-carpooling, pagsakay sa tren, at iba pang
katulad nito.

Pagnilayan
Ang mga epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ay
nakaaalarma. Inilalagay nito ang kinabukasan ng sangkatauhan sa peligro kung hindi
maaagapan. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa iyong komunidad
upang mabawasan ang carbon footprints?
Mahahalagang Kaalaman
 Ang climate change ay may malaki at seryosong epekto sa kapaligiran. Ang
malalakas na bagyo o unos ay nagdudulot ng mga pagbaha at labis na pinsala
sa mga buhay at ari-arian, gayundin ang matitinding tagtuyot.
 Ang pamumuhay ng mga tao sa lipunan ay apektado rin ng climate change.
Namimiligro ang kanilang kalusugan dahil sa paglaganap ng mga sakit tulad
ng cholera, dengue, mga komplikasyong dulot ng malnutrisyon, at marami pang
iba.
 Ang climate change ay nakaaapekto sa kabuhayan. Ayon sa ulat ng IFPRI, dahil
sa halos kalahati ng populasyon ng mundo’y nakatira sa mga developing
countries, ang pagbabago ng klima ay may negatibong epekto sa pagsasaka at
pangingisda.
 Dahil kapuluan, ang Pilipinas ay sensitibo sa climate change. Bukod sa mga
negatibong epekto nito sa pangingisda, ang produksiyon ng mga pangunahing
pananim tulad ng palay, mais, at trigo ay namimiligro din dahil sa pagtaas ng
temperatura.
 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinatutupad ng mga
pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat isa ay makatutulong
din sa paglaban sa mga epekto ng climate change sa kani-kaniyang paraan.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Suliraning Pangkapaligiran: Waste Management

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng suliraning pangkapaligiran;

 natatalakay ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa sariling
pamayanan; at
 nasusuri ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning
pangkapaligiran sa sariling pamayanan.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang ibig sabihin ng suliraning pangkapaligiran?

 Bakit malaking suliranin sa Pilipinas ang pagtatapon ng basura? Paano ito
masusolusyonan ng pamahalaan?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pagnilayan
Sa iyong palagay, gaano na kahanda ang Pilipinas sa mga darating pang higit na
mapaminsalang kalamidad tulad ng paglindol at posibleng pagtama ng tsunami?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa na dulot ng
pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon. Kung ang
malakas na paglindol ay mangyayari sa lugar na maraming tao, maaari itong
kumitil ng maraming buhay at magdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-
arian.
 Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na nililikha
ng pangyayari sa ilalim ng tubig tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog
ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ang paghampas ng tsunami ay
mapanganib din sa buhay, ari-arian, at kabuhayan ng mga nakatira sa malapit sa
dagat.
 Kailangang maunawaan ng mga tao na tayo ay may kinalaman din sa
pagkakaroon ng mga kalamidad.

Pag-aralan Natin!
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
 Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o
maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
 Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya
at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira
ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo
ng buhay na bumubuo sa kalikasan.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

 waste management
 mining
 quarrying
 deforestation
 flash flood

Pag-aralan Natin!
Mga Epekto ng Maling Pagtatapon ng Basura
 Tungkulin ng tao na alagaan at pagyamanin ang kapaligiran. Kasabay ng
lumalalang climate change at global warming, lumalala rin ang masamang
kalagayan ng kapaligiran.
 Ayon sa National Solid Waste Management Commission ng Pilipinas, nasa
tatlong milyong tonelada o mahigit isang milyong trak ng basura ang naiipon sa
Metro Manila kada taon.
 Sinasabing nasa 25% ito ng basurang naiipon sa buong bansa at ang
pangunahing dahilan nito ay ang lumulobong populasyon.
 Subalit ayon sa Ecological Solid Waste Management Act, hindi lahat ng basura
ay dapat napupunta sa mga landfill. Sa bahay o baranggay pa lamang, dapat ay
ihinihiwalay na ang mga nabubulok, hindi nabubulok, at ang maaari pang
pakinabangan.
 Dahil sa maling pagtatapon ng basura, nagkakaroon ng problema sa ekolohikal
na aspekto ng kapaligiran. Maraming hayop sa dagat ang namamatay sapagkat
nakakain o pumapasok sa katawan nila ang basura.
 Bukod dito, nawawalan din sila ng tirahan sapagkat nasisira ang mga coral reefs.
Nakukontamina ang hangin, tubig, maging ang lupa.
 Dahil sa mga negatibong epekto, nagsasagawa ang gobyerno at iba’t ibang
samahan ng mga programa at pamamaraan upang maisagawa ang wastong
pagtatapon at pagbubukod-bukod ng mga basura.

Pag-aralan Natin!
Waste Management
Ang waste management ay ang akmang termino sa wastong pangungolekta, paglilipat,
pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito
upang mapangasiwaan nang maayos upang makaiwas sa masasamang epekto ng
basura sa kalusugan at kapaligiran.

Maaring mabawasan ang basura sa pamamagitan ng pagsunod sa prinsipyo ng:

Reduce

Ang susi sa pagbabawas (reduction) ng basura ay pangangalaga o

pagtitipid (conservation) – ang matalinong paggamit sa mga pinagkukunan (resources),
at ang paggamit ng kaunti lamang upang maiwasan ang basura.
Reuse

Maaaring muling pakinabangan o gamitin ang mga gamit kaysa sa itapon o kaya
naman, ibigay o ipasa sa iba.

Recycle

Simple lamang ang panuntunan: Huwag itapon ang mga bagay o gamit na maaari pang
i-recycle.

Pag-aralan Natin!
Waste Management sa Pilipinas
 Sa Alituntunin 11, Seksiyon 6 ng Ecological Solid Waste Management Act,
ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa
mga pampublikong lugar.
 Ang halimbawa ng mga pampublikong lugar ay mga daan, bangketa, bakanteng
lote, kanal, estero at parke, harapan ng establisimiyento, maging sa baybay-ilog
at baybay-dagat. Kung sakaling may lumabag sa probisyong ito, nakasaad din
ang pagbibigay ng citation ticket.

Pagnilayan
Sa kabila ng pagkakaroon ng Ecological Solid Waste Management Act, bakit hindi pa
rin masolusyunan ang problema sa basura sa Pilipinas?
Mahahalagang Kaalaman
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.
 Dahil sa maling pagtapon ng basura, nagkakaroon ng problema sa ekolohikal na
aspekto ng kapaligiran. Maraming hayop sa dagat ang namamatay sapagkat
nakakain o pumapasok sa katawan nila ang basura. Bukod dito, nawawalan din
sila ng tirahan sapagkat nasisira ang coral reefs. Nakukontamina ang hangin,
tubig, maging ang lupa.
 Ang waste management ay ang akmang termino sa wastong pangongolekta,
paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng mga tao.
Isinasagawa ito upang mapangasiwaan nang maayos upang makaiwas sa
masasamang epekto ng basura sa kalusugan at kapaligiran. Maaring
mabawasan ang basura sa pamamagitan ng pagsunod sa prinsipyo ng reduce,
reuse, at recycle.
 Sa Alituntunin 11, Seksiyon 6 ng Ecological Solid Waste Management Act,
ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa
mga pampublikong lugar.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Suliraning Pangkapaligiran: Mining

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 natatalakay ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa sariling

pamayanan; at
 nasusuri ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning
pangkapaligiran sa sariling pamayanan.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang pagmimina? Bakit may ganitong gawain?

 Paano nakaaapekto ang pagmimina sa pamayanan? Paano ito masusolusyonan
ng pamahalaan?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
 Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o
maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
 Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya
at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira
ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo
ng buhay na bumubuo sa kalikasan.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

 waste management
 mining
 quarrying
 deforestation
 flash flood

Pag-aralan Natin!
Pagmimina o Mining
 Ang pagmimina o mining ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga
metal, di-metal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum,
tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa.
 Ito ay ginagawa sa pamamagitan na pagpipiga, paghahango, o paghuhugot.
 Ang pagmimina ay isa sa mga pangunahing industriyang nakatutulong sa pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa.
 Sa liderato ni dating Pangulong Noynoy Aquino, maraming negosyante mula sa
ibang bansa ang pinaunlakan upang mamuhunan sa pagmimina.
 Dahil dito, malaking dolyares ang pumapasok sa bansa. Nagbubukas din ito ng
mga bagong trabaho para sa mga Pilipino.
 Dahil rin sa pagmimina, umuunlad ang ibang lugar sa Pilipinas.

Mga Negatibong Epekto ng Pagmimina

Sa kabila ng maraming benepisyo ng pagmimina, naisasakripisyo naman ang
kalagayan ng kapaligiran.

 Ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological

Diversity (2009), ang 23 malaking minahan sa bansa ay matatagpuan sa
natitirang key biodiversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre, at
Mindanao.
 Naaapektuhan ng pagmimina ang samu’t saring likas na yaman. Sa legal na
proseso ng pagmimina, may karapatang gamitin ng minahan ang mga yamang-
tubig na bahagi ng miniminang lupain. Dahil dito, ang mga ilog at lawa na
pinakikinabangan ng mga komunidad para sa kanilang irigasyon, paglalaba, at
inuming tubig ay nakukontamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa
mga ilog, nagkakaroon ng mga fishkill, katulad nang nangyari sa Leyte na sumira
sa kabuhayan ng mga mangingisda.
 Nagkakaroon ng mga trahedya dulot ng pagmimina at ng mga inabandonang
minahan. Ayon sa SOS-Yamang Bayan Network, hindi dapat pinahihintulutan
ang pagmimina sa lugar na may mataas na banta ng pagbaha, pagguho, at iba
pang maaaring magdulot ng trahedya. Bukod dito, mahigit 8,000 inabandonang
minahan na ang hanggang ngayon ay nananatiling nakatiwangwang, di-naaayos,
at hindi man lamang napag-aaralan. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng
pagguho o peligro mula sa lindol o pagbaha.

Pag-aralan Natin!
Mga Hakbang ng Pamahalaan sa Pagharap sa mga Suliranin ng Pagmimina
Dahil sa di-mabubuting epekto ng pagmimina, nagpatulad ng mga batas para maiwasan
ang mga ito.

Philippine Mining Act

 Naisabatas ito noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan
at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng
mga industriyang nagsasagawa nito.
 Ipinatutupad ito upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong
bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
 Layunin din ng batas na ito na bigyan ng makatuwirang kadahilanan ang
pagmimina para mapalago ang kalagayan ng bansa nang hindi naisasakripisyo
ang kapaligiran at karapatan ng mga apektadong pamayanan.

Executive Order No. 79

 Ito ay ipinatutupad upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran,
masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng
karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng
pagmimina.
 Layunin nitong maitaas ang revenue ng gobyerno mula sa pagmimina, mapabuti
ang mga pamantayang pangkapaligiran, maglahad ng kabuang pambansa at
panlokal na batas ukol sa pagmimina.
 Nakasaad rin dito na pagmumultahin ang sinumang lumabag sa mga
pamantayan ng batas.

Philippine Mineral Resources Act of 2012

 Ang batas na ito na ay naglalayong aregluhin ang mga makatuwirang

pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga mineral
resources.
 Naglalayon din itong siguraduhin ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay
ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na
komunidad.

Pagnilayan
Ang pagmimina ay nagdudulot ng parehong mabubuti at di-mabubuting epekto sa
kabuhayan ng tao at kapaligiran. Sa iyong palagay, dapat bang ipagpatuloy ito o
tuluyan nang ipatigil ng pamahalaan? Bakit?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.
 Ang pagmimina o mining ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga
metal, di-metal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum,
tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
pagpipiga, paghahango, o paghuhugot.
 Naaapektuhan ng pagmimina ang samu’t saring likas na yaman. Nagkakaroon
din ng mga trahedya dulot ng pagmimina at ng mga inabandonang minahan.
 Dahil sa di-mabubuting epekto ng pagmimina, ipinatutupad ang mga batas ukol
dito gaya ng Philippine Mining Act, Executive Order No. 79, at Philippine Mineral
Resources Act of 2012.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Suliraning Pangkapaligiran: Quarrying

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 natatalakay mo ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa sariling

pamayanan; at
 natutukoy mo ang mga dahilan at epektong pangkapaligirang dulot ng pagku-
quarry.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang pagku-quarry o quarrying?

 Bakit may ganitong gawain?
 Gaano kalaki ang epekto nito sa pamayanan?
Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
 Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o
maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
 Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya
at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira
ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo
ng buhay na bumubuo sa kalikasan.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

 waste management
 mining
 quarrying
 deforestation
 flash flood

Pag-aralan Natin!
Pagku-quarry o Quarrying
 Ang pagka-quarry o quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga bato,
buhangin, at iba pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog,
paghuhukay, o pagbabarena.
 Madalas na ang kinu-quarry ay ang mga bundok na pinagkukunan ng mga bato
at ang tabindagat na pinagkukunan ng buhangin.
 Ang malalaking bato ay pinagpipira-piraso sa nais na laki depende sa
pangangailngan. Tinatawag itong graba.
 Ang mga graba, buhangin, at iba pang materyales ay madalas gamitin sa
paggawa ng mga kalsada at estruktura.

Mga Dahilan ng Pagku-quarry

 Ang materyales na magmumula sa pagku-quarry ay ginagamit sa paggawa ng
mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba.
 Malaki ang kontribusyon ng pagku-quarry sa kaunlarang panlipunan ng isang
pamayanan sapagkat natutugunan nito ang kagamitang panangkap na
kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad.
 Bukod dito, nagkakaroon din ng karagdagang oportunidad sa trabaho, partikular
ang mga enhinyero, mekaniko at iba pa; at sa negosyo partikular sa
konstruksiyon.
 Nababawasan din ang gastusin ng pamahalaan sa pag-aangkat ng aggregate
resources mula sa ibang bansa dahil sa pagku-quarry sa sariling lugar.

Mga Epekto ng Pagku-quarry

 Ang polusyon sa hangin na dulot ng alikabok at usok na nagmumula sa
kuwarihan ay isa sa masasamang epekto ng quarrying. Bukod sa polusyong
dulot nito, maaari ding pagmulan ito ng mga sakit sa baga.
 Sa proseso ng quarrying, mula sa pagkalap ng materyales hanggang sa
paghulma nito, lumilikha ito ng malakas na ingay mula sa mga makina at iba
pang kagamitan.
 Lumilikha rin ito ng mga basura o quarry waste na maaaring makasira sa
kapaligiran partikular na sa katubigan sapagkat naiipon ang mga ito sa ilalim.
 Ang pinakamatinding epekto ng quarrying ay ang pagkasira ng biodiversity at
balanseng ekolohikal. Ang biodiversity ay kinabibilangan ng mga tao, mga
hayop, mga halaman, at iba pang maybuhay. Ang lahat ng ito ay konektado sa
isa’t isa.

Iba pang epekto ng quarrying:

 pagkasira ng mga tanawin

 pagguho ng bundok
 pagkasira ng mga kuweba
 pagbaha at pagkawala ng sustansiya ng lupa
 pagdumi at pagkasira ng mga ilog at baybayin
 kaguluhan sa lupain
 pagkawala ng mga lupain
 pagkawala ng buhay at kabuhayan

Pagnilayan
Sa patuloy na paglaki ng populasyon, lumalaki rin ang pangangailangan ng mga tao
kaya patuloy pa rin ang quarrying. Paano mababalanse ang paggamit at pangangalaga
nito? Ano kaya ang maaaring alternatibo upang hindi masira ang mga kalupaan at ang
kapaligiran?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.
 Ang pagka-quarry o quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga bato,
buhangin, at iba pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog,
paghuhukay, o pagbabarena.
 Ang materyales na magmumula sa pagku-quarry ay ginagamit sa paggawa ng
mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba.
 Ang pinakamatinding epekto ng quarrying ay ang pagkasira ng biodiversity at
balanseng ekolohikal. Ang biodiversity ay kinabibilangan ng mga tao, mga
hayop, mga halaman, at iba pang maybuhay. Ang lahat ng ito ay konektado sa
isa’t isa.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Suliraning Pangkapaligiran: Deforestation

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natatalakay ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa sariling

pamayanan;
 natutukoy ang mga dahilan at epektong pangkapaligirang dulot ng paghahawan
ng kagubatan o deforestation.

Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:

 Ano ang deforestation?

 Bakit sa kabila ng mga negatibong epekto ay patuloy ang mga tao sa
paghahawan ng kagubatan?
 Paano ka makikibahagi sa paglalapat ng solusyon sa suliraning pangkapaligirang
ito?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
 Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o
maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
 Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya
at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira
ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo
ng buhay na bumubuo sa kalikasan.
Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

 waste management
 mining
 quarrying
 deforestation
 flash flood

Pag-aralan Natin!
Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation
 Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa pagpuputol
ng mga puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng anumang sagabal sa
pamamagitan ng pagsusunog hanggang maging mahawang lupa o lugar para sa
mga hangaring agrikultural o komersiyal.
 Kadalasan, ginagawa ito sa dalawang paraan–pagkakaingin at clear cutting.
Sa pagkakaingin, tinatabas at sinusunog ang mga puno sa kagubatan upang
pagtaniman. Sa clear cutting, pinuputol nang walang habas ang mga puno sa
anumang kadahilanan.
 Hindi lahat ng deforestation ay sinasadya ng tao. Ang iba ay kombinasyon ng
gawa ng tao at likas na salik katulad ng wildfires at tuloy-tuloy na overgrazing na
humahadlang sa pagtubo ng mga puno.

Mga Dahilan ng Deforestation

 Ang pangunahing dahilan ng deforestation ay agrikultural. Isinasagawa ito para
gamitin sa pagtatanim upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao o
pagpapatubo ng mga damo para sa mga hayop.
 Ang mga troso ay ginagawang papel, kasangkapan, kabahayan, panggatong, at
iba pa.
 Hinahawan din ang mga gubat o bundok para sa urbanisasyon. Sa proseso,
pinapatag ang mga kagubatan upang tayuan ng mga gusali at kabahayan.

Mga Epekto ng Deforestation

 Kapag nagpatuloy ang malawakang pagpuputol at pagsusunog ng mga puno,
magdudulot ito ng di-mabubuting epekto sa forest ecosystem at sa iba
pang ecosystem na may kaugnayan dito. Ang mga ugat ng puno ay kumakapit
sa lupa upang hindi ito matangay ng tubig. Kung kaya, kapag nawala ang mga
puno, ang karaniwang epekto ay pagguho ng mga bundok at pagbaha.
Gumuguho ang lupa patungo sa mga daan at kabayanan. Ang mga gumuhong
lupa ay maaari ring mapadpad sa mga lawa, batis, at sa iba pang anyong tubig.
Dahil dito, maaaring maapektuhan ang kalidad ng tubig na siyang nagiging
dahilan ng pagkakasakit ng mga tao.
 Ang pag-aalis ng mga puno ay pag-aalis din ng mga palyo (bubong) sa
kagubatan na siyang humahadlang sa matinding sikat ng araw at tumatangan sa
init sa gabi kung kaya matindi ang temperaturang nararanasan na nagdudulot ng
pagkamatay ng mga halaman at hayop. Nawawalan din ng tirahan ang mga
hayop. Dahil dito, maaaring magdulot ito ng pagkalipol.
 Ang deforestation ay itinuturing na isa sa mga pangunahing sanhi ng climate
change dahil sa epekto nito sa carbon cycle ng daigdig. Tumataas din ang
temperatura sa kapaligiran sapagkat wala nang mga punong nagbabalanse ng
lamig at init. Ang mga puno ay mahalaga sa water cycle. Sinisipsip nito ang ulan
at lumilikha ng water vapor na napupunta sa atmospera. Kung kaya, kapag
nagpatuloy ang deforestation, marami sa mga kagubatan ang magiging disyerto
o tigang na lupa.

Pag-aralan Natin!
Mga Solusyon sa Pagsugpo ng mga Suliranin ng Deforestation
 Ang ilegal na pagpuputol ng mga puno ay dapat matuldukan. Dapat ding
ipagbawal ang clear cutting upang mapanatiling buo ang mga kagubatan. Kung
magkakaingin, dapat maliit na bahagi lamang ng bundok o gubat ang gagamitin.
 Upang mapigilan ang paglala ng epekto ng deforestation, dapat nang bawasan
ang pagdami ng carbon dioxide sa atmospera. Ibalik din ang pamumuhay at
tirahan ng mga hayop at panatilihing ligtas ang mga ito.

Mga batas sa Pilipinas ukol sa pangangalaga ng mga kagubatan:

 Republic Act No. 9175 o Chain Saw Act of 2002

 Republic Act No. 7586 o National Integrated Protected Areas System Act of 1992
 Presidential Decree No. 705 o The Forestry Reform Code of the Philippines
 Philippine Decree No. 1152 o Philippine Environment Code
 Republic Act No. 9154 o Mt. Kanlaon Natural Park Act of 2001
 Republic Act No. 7611 o Strategic Environmental Plan for Palawan Act

Pagnilayan
Kaya bang isulong ang industriyalisasyon nang hindi naisasakripisyo ang kapaligiran?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,

kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.
 Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa pagpuputol
ng mga puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng anumang sagabal.
 Ang pangunahing dahilan ng deforestation ay agrikultural.
 Ang deforestation ay itinuturing na isa sa mga pangunahing sanhi ng climate
change.
 Ang ilegal na pagpuputol ng mga puno ay dapat matuldukan. Dapat ding
ipagbawal ang clear cutting upang mapanatiling buo ang mga kagubatan. Kung
magkakaingin, dapat maliit na bahagi lamang ng bundok o gubat ang gagamitin

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Suliraning Pangkapaligiran: Flash Flood

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy mo ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa sariling

pamayanan; at
 natutukoy mo ang mga dahilan at epektong pangkapaligirang dulot ng biglaang
pagbaha o flash flood.

Tanong:

 Ano ang flash flood?

 Bakit lalong lumalala ang flash flood habang tumatagal ang panahon?
 Gaano na kalala ang epektong hatid ng flash flood sa mga Pilipino?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
 Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o
maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
 Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya
at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira
ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo
ng buhay na bumubuo sa kalikasan.

Halimbawa:

 waste management
 mining
 quarrying
 deforestation
 flash flood

Biglaang Pagbaha o Flash Flood

 Ang biglaang pagbaha o flash flood ay isang mabilis na pagragasa ng tubig
hanggang sa bumaha o umapaw ito at makapaminsala sa mabababang lugar.
 Hindi katulad ng normal na pagbaha, ito ay maaaring mangyari sa loob lamang
ng ilang minuto o bago mag-anim na oras pagkatapos ng malakas na pag-ulan o
pagbagyo.
 Maaari ring magkaroon nito kahit walang pag-ulan, halimbawa, sa pamamagitan
ng pagkasira o pagpapaagos ng tubig mula sa mga dam o kaya naman, mula sa
pagkatunaw ng yelo.

Mga Sanhi ng Flash Flood

 Maraming dahilan at salik na nagdudulot ng flash flood. Isa na rito ang pagbagyo
na maaaring maghatid ng malalakas na pag-ulan, pagtaas ng tubig sa
dalampasigan, at pagbaha sa malalawak na kalupaan.
 Salik din ang kawalan ng maayos na lusutan ng tubig sa mga lansangan papunta
sa mga kanal dahil sa tambak ng basura.
 Ang urbanisasyon ay maaari ding makapagpabago sa natural na agusan at
makalikha ng mga bagong panganib sa pagbaha. Inuukupa ng mga gusali,
paradahan, at kalsada ang mga lupang sana ay sisipsip sa tubig-baha.
 Ang pagkatunaw ng yelo sa Arctic Ocean dahil sa global warming ay isa sa
nagpapataas ng lebel ng tubig sa karagatan. Galon-galong tubig ang
nadaragdag sa karagatan mula sa bawat kubikong piye ng buo-buong yelong
natunaw. Maaari itong magbunga ng pag-apaw ng mga sapa, ilog, lawa, at
dagat.
 Bukod sa kalamidad at iba pang penomena, maaari ding magka-flash flood dahil
sa pag-apaw, pagpapaagos, o pagkasira ng mga dam at dike.

Mga Epekto ng Flash Flood

 Ang flash flood ay nagdudulot ng malaking pinsala o pagkasira sa lipunan,

kabuhayan, kapaligiran, kalusugan, kalikasan at iba pa.
 Nasisira o napaparalisa ang sistema ng transportasyon at komunikasyon.
Naaapektuhan nito ang sambayanan at kabuhayan.
 Nasisira nito ang kagamitan sa kabahayan katulad ng refrigerator at iba pang
mga de-saksak na kasangkapan. Maaari ring matangay ang mga kagamitan.
Nakasasagabal ito sa pamumuhay.
 Nagdudulot ito ng iba't ibang sakit gaya ng leptospirosis na nagmumula sa ihi ng
mga daga na nahahalo sa tubig-baha. Nalalagay sa alanganin ang kalusugan.
 Nag-iiwan ito ng maraming basura sapagkat natatangay at naikakalat ng
biglaang pagbaha ang mga nakatambak na basura sa daanan o basurang galing
sa katubigan. Malaking problema ito sa kapaligiran.
 Nasisira nito ang mga taniman, palaisdaan, at kalikasan.

Pag-iwas sa mga Panganib na Hatid ng Flash Flood

 Siguraguhin ng bawat pamayanan na walang basurang nakatambak sa mga
daanan at daluyan ng tubig.
 Kinakailangang taniman ang kabundukan at kagubatan ng mga puno.
 Hindi dapat sunugin ang mga basura lalong-lalo na ang mga plastik, nagpapalala
ito ng global warming.
 Dapat mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang mga batas sa pangangalaga ng
kapaligiran at kalikasan.
 Mahalaga ring may alam at alerto sa mga nangyayari sa paligid.

Kapag nasa sitwasyon mismo ng flash flood:

 Manatiling kalmado upang makapag-isip nang matino.

 Bunutin mula sa pagkakasaksak ang mga kagamitang de-koryente.
 Maghanda ng pagkain, tubig, damit at emergency kit.
 Kung mayroon pang linya ng komunikasyon kaaagad na humingi ng tulong.
 Sikaping pumunta sa pinakamataas na bahagi ng bahay o kahit anong mataas
na lugar kung sakaling wala nang tsansang makalikas.
 Huwag maglakad o magmaneho kung mataas na ang tubig-baha.

Pagnilayan
Gaano na kalala ang flash flood sa Pilipinas? Paano ka makikibahagi sa paglutas ng
suliraning pangkapaligirang ito?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,

kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.
 Ang biglaang pagbaha o flash flood ay isang mabilis na pagragasa ng tubig
hanggang sa bumaha o umapaw ang tubig at makapaminsala ito sa
mabababang lugar.
 Maraming dahilan at salik ang nagdudulot ng flash flood. Ilan sa mga ito ay
ang pagbagyo, kawalan ng maayos na lusutan ng tubig, urbanisasyon,
pagkatunaw ng yelo, pagkasira ng mga dam at dike.
 Ang flash flood ay nagdudulot ng malaking pinsala o pagkasira sa lipunan,
kabuhayan, kapaligiran, kalusugan, kalikasan at iba pa.
 Dapat mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang mga batas sa pangangalaga ng
kapaligiran at kalikasan. Mahalaga ring may alam at alerto sa mga nangyayari sa
paligid.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Ang Unemployment

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto, mga uremploymenti, at mga dahilan

ng unemployment;
 natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa; at
 nakapagbibigay ng mga mungkahi upang malutas ang mga suliraning dulot
ng unemployment.

Sa Paete, Laguna, dating malago ang industriya ng paglililok. Subalit nang nauso na
ang mga produktong gawa sa bakal at plastik, dahan-dahan na itong humina. Dahil iilan
na lamang ang kailangang manggagawa ng industriya, nagkakaroon
ng unemployment sa lugar.

Tanong:

 Ano ang unemployment?

 Anong uri at dahilan ng unemployment ang nararanasan ng mga manggagawa?
 Paano nito naaapektuhan ang pamumuhay at pag-unlad ng lugar?
 Kung gusto ng pamahalaang buhayin muli ang industriya, paano ito
isasakatuparan?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Unemployment at Full Employment
 Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang
kapag ang isang tao ay pursigidong naghahanap subalit walang makita o
makuhang trabaho o pagkakakitaan.
 Ang isang ekonomiya ay nasa pinakamaunlad na kalagayan kung mayroon
itong full employment. Ibig sabihin, kung ang lahat ng gusto at maaaring
magtrabaho, dalubhasa man o hindi, ay may marangal na hanapbuhay.
 Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin sa unemployment ang bansa, hindi
na maaaring magkaroon ng full employment. Mawawala lamang ang posibilidad
ng full employment kapag ang uri ng unemployment ay hindi na nagbibigay ng
pagkakataong muling makapagtrabaho ang mga tao, kahit na mag-aral pa ng
ibang gawain o trabaho ang bawat indibidwal .

Mga Uri at Dahilan ng Unemployment
Isa sa mga suliranin ng mga umuunlad pa lamang na bansa ang kawalang hanapbuhay
o unemployment. May kinalaman ang sumusunod sa suliraning ito.

1. Voluntary

 Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtatrabaho

2. Frictional

 Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil

ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga

3. Casual

 Nangyayari sa mga may trabahong arawan o lingguhan, katulad

sa construction at sakahan

4. Seasonal

 Nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na

panahon (Halimbawa, tuwing magpa-Pasko)

5. Structural
 Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya, kaya, hindi na rin kailangan ang mga nagtatrabaho at namumuhunan

6. Cyclical

 Nagakakaroon nito kapag ang industriyang kinabibilangan ng mga manggagawa

ay nakararanas ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang
antas ng unemployment.

7. Technological

 Nangyayari kapag ang trabahong ginagampanan ng tao ay nagagawa na ng

makina o ng makabagong teknolohiya

Imperfect Mobility of Labor

Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang imperfect mobility of labor sa mga nakapag-
aambag sa unemployment. Ito ay dalumat na tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga
manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.

Sa kabuuan, nakikitang ang unemployment ay may iba’t ibang uri at dahilan, ngunit ang
kakayahan ng taong mag-iba o lumipat ng gawain ayon sa pangangailangan ng
ekonomiya ay isa sa mga salik nito.

Mga Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay at sa Pag-unlad

Dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lumalalang suliranin
ng unemployment. Malaki ang epekto nito sa bawat isa, sa industriya, at sa bansa
mismo.

Indibiduwal

 Mababang antas ng pamumuhay

 Pagtatrabaho nang mas mababa kaysa sa kakayahan
 Depresyon at iba pang suliranin pangkalusugan

Industriya

 Mas mababang pasahod dahil marami namang puwedeng “pamalit”

 Paggawa ng mga produktong tipid sa materyales upang makapagbenta ng mas
murang produkto

Pamahalaan/Bansa

 Kakaunting buwis para sa limitadong mga proyekto

 Malaking gastos para sa mga pangagailangan ng mga mamamayan
 Mabagal na paglago ng ekonomiya, na maaring makaapekto sa ugnayan sa
ibang bansa

Paglutas sa mga Suliraning Dulot ng Unemployment

Kadalasan, kapag matindi na ang unemployment at kinakailangan na ng matinding
pagkilos, dalawang uri ng polisiya ang pinamimilian ng pamahalaan.

1) Expansionary Monetary Policy

 Ang madalas na pangunahing solusyon ay ang pagbabawas ng interest

rate upang hikayatin ang mga mamamayan na umutang sa pamahalaan.
 Ang perang inutang ay magagamit upang may magugol sa pagpapatakbo ng
ekonomiya.
 Sa ganitong paraan, magkakaroon ng demand o pangangailangan sa mga
produkto at serbisyo na magiging dahilan naman upang magkaroon ng mga
panibagong trabaho.

2) Expansionary Fiscal Policy

 Ito ay tumutukoy sa direktang pagmamanipula ng pamahalaan sa ekonomiya.

 Kapag tumataas ang antas ng unemployment at hindi gumagana
ang expansionary monetary policy (halimbawa, hindi pa rin gumagastos ang mga
mamamayan), ang pamahalaan mismo ang gumagastos sa pamamagitan ng
pagbili ng produkto o serbisyo upang mas dumami ang pagkakataong
makapagtrabaho.

Pagnilayan
Paano maiibsan ang patuloy na paglala ng kaso ng unemployment sa bansa?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang
kapag ang isang tao ay pursigidong naghahanap subalit walang makita o
makuhang trabaho o pagkakakitaan.
 Ang unemployment ay maaaring voluntary, frictional, casual, seasonal,
structural, cyclical, at technological.
 Ang bawat isang uri ng unemployment ay may kani-kaniyang dahilan, pati na
epekto sa mga indibidwal, industriya, at pamahalaan o bansa.
 Upang masolusyonan ang unemployment, madalas na gumagamit
ng expansionary monetary policy at expansionary fiscal policy ang pamahalaan
ayon sa pangangailangan at kakayahan ng bansa.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Ang Globalisasyon

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 naipaliliwanag mo ang konsepto ng globalisasyon; at

 natatalakay mo ang pangkasaysayan, pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon.

 Ano ang globalisasyon? Ano-ano ang pagbabagong dala o hatid nito?

 Paano nagsimula ang globalisasyon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Konsepto ng Globalisasyon
Sa nakalipas na libo-libong taon, ang mga tao, at sa kinalaunan, ang mga korporasyon
ay bumibili at nagbebenta sa malalayong lupain (gaya ng Silk Road Trade sa Central
Asia na nag-uugnay sa China at Europe noong Gitnang Panahon). Gayundin, sa
nakalipas na mga dekada, namumuhunan ang mga tao at korporasyon sa mga negosyo
sa maraming bansa. Ang prosesong ito ay tinatawag na globalisayon. Ibig sabihin, hindi
na bago ang konseptong ito.

 Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,

kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong
udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang
panteknolohiya.
 Ang prosesong ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang
pulitikal, sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa
mga pandaigdigang komunidad.
 Ayon kay Thomas Friedman, ang bagong mukha ng globalisasyon ay mas
malaganap, mas mabilis, mas mura, at mas komplikado.
 Bagaman may iba’t ibang interpretasyon ng konsepto ng globalisasyon,
nagkakasundo ang mga dalubhasa na palalim nang palalim ang mga epekto nito
sa mga bansa.

Makikita sa graphic organizer ang ilan sa mga palatandaan ng bagong mukha ng

globalisasyon.
Pag-aralan Natin!
Pinagmulan ng Globalisasyon: Pangkasaysayan at Pang-ekonomiya
Ayon kay Northup, ang mga pagyayaring ito ay ilan lamang sa mga itinuturong simula
ng globalisasyon.

Sa kabuuan, makikitang ang bawat isang “pinagmulan” ay may kani-kaniyang

kaugnayan, impluwensiya, at ambag sa globalisasyon. Gayunman, hindi matutukoy ang
tunay na pinagmulan nito, hindi rin masusukat kung gaano kalaki ang ambag ng bawat
isang pangyayari.

Pag-aralan Natin!
Pinagmulan ng Globalisasyon: Pampulitika
May mga pagtatalo tungkol sa tunay na pinagmulan ng globalisasyon sa aspektong
pampulitika. Karamihan sa mga ideya ay umiikot din lamang sa mga nabanggit na
(pangkasaysayan at pang-ekonomiya).

 Kung may maidaragdag man, marahil ito ay ang ideya ni Andre Gunder Frank.
Ayon sa kaniya, nagsimula ang globalisasyon noon pang panahon ng mga
unang sibilisasyon (Frank at Gills, 1992).
 Sa kabilang banda, pinangangatawanan ng mga mananaliksik na ang ika-20
dantaon hanggang kasalukuyan ang mga dekada ng maigting na globalisasyon
sa pulitika.
 Ayon kay Berger (2000), sa mga panahong ito, malaki ang inilago ng daloy ng
kapital, palitan ng pera, at paglipat ng mga manggagawa. Dahil dito,
nagkakaroon ng mga haka-haka na ang globalisasyon ang siyang tuluyang
magpapahina sa mga estado bilang pinakamahalagang yunit-pulitikal.
 Bukod rito, marami ring nag-aakalang hindi na magiging malapit at matapat sa
sariling bansa ang mga mamamayang nasanay na sa globalisasyon.
 Magkagayunman, walang sapat na patunay ang mga pahayag na ito, bukod sa
iilang ebidensiya na bumababa ang tiwala ng mga tao sa inihalal na mga pulitiko
(hindi sa kabuuan ng pamahalaan).

Pag-aralan Natin!
*Pinagmulan ng Globalisasyon: Sosyo-kultural *
Ngunit, bakit nga ba pinipili ng mga tao na makipag-ugnayan sa ibang bansa?

 Ayon kay Yang (2010), ang globalisasyon ay daan sa pagkabuo ng global

interests, o mga magkakatulad na interes ng mga indibidwal, ng mga bansa, at
ng mga ugnayan nila.
 Maaring halimbawa ng global interests ay ang pagkakaroon ng mga karapatan.
Bagaman maraming pagkakaiba, pare-parehong may ideya ng karapatan ang
mga indibidwal, korporasyon, pamahalaan, at grupo ng mga bansa.
 Dahil dito, hindi maikakaila ang paglago ng mga usapin ukol sa karapatan. Sa
loob o labas man ng mga bansa, pinagtatalunan at ipinaglalaban ang kaniya-
kaniyang pananaw ukol dito, wala o bibihira na ang nagsasabing hindi mahalaga
ang mga ito.
 Ang pagkakabuo ng mga interes katulad nito ay nakapag-aambag sa
globalisasyon dahil sa kanilang kakayahang gawing mas katanggap-tanggap ang
buong proseso ng pag-uugnay-ugnay.
Tingnan ang paglalarawan ng konsepto ng global interests na may kinalaman sa sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon.

Pagnilayan
Saan pa patungo ang globalisasyon? Gaano pa kalayo ang lalakbayin ng tao?
Makabubuti ba ang globalisasyon sa pag-unlad o pagyabong ng moralidad at
espirituwalidad ng tao?

Buod
Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,
kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong udyok ng
pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya.
Bagamat mayroon pa ring mga balakid, unti-unting nagkakaroon ng malayang palitan
ng kaalaman, mga tao, at puhunan o kapital, mga produkto, serbisyo, at iba pa.
Ipinalalagay na ang globalisasyon ay nagsimula noong ika-11 siglo sa Asya (partikular
sa China), hindi man sinasadya, ito ay naipagpatuloy noong Panahon ng Pagtuklas ng
mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ang pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon ay maiuugnay rin sa mga pangyayaring ito.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Pangunahing Institusyong Nagsusulong ng Globalisasyon
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag mo ang kahulugan ng institusyon; at

 nasusuri mo ang mga bahaging ginagampanan ng mga panlipunang institusyon
sa pagsulong ng globalisasyon.

Tanong:

 Ano ang ibig sabihin ng institusyon? Ano-ano ang institusyong nagsusulong ng

globalisasyon?
 Bakit mahalaga ang mga institusyon sa proseso ng globalisayon?
 Paano naisusulong at napapaunlad ng mga institusyon ang globalisasyon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Konsepto ng Globalisasyon
 Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,
kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong
udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang
panteknolohiya.
 Ang prosesong ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang
pulitikal, sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa
mga pandaigdigang komunidad.
 Ayon kay Thomas Friedman, ang bagong mukha ng globalisasyon ay mas
malayo, mas mabilis, mas mura, at mas komplikado.

Pag-aralan Natin!
Ang Institusyon
 Ang institusyon ay tumutukoy sa sistema ng matitibay o subok na at laganap
nang mga panuntunang panlipunan o social rules, na siya namang humuhubog
sa mga kilos at ugnayan ng mga tao.
 Kung susuriin, ang bawat indibidwal ay may ganap na kalayaang mamili at
kumilos nang ayon sa sariling kagustuhan.
 Samakatuwid, ang ginagawa lamang ng mga institusyon ay nagbibigay ng mga
pamantayan o standards ukol sa dapat na isipin, gawin, at piliin.
 Ang institusyon ay tumutukoy rin sa establisimiyento, lipunan, o samahang
itinatag para sa isang tiyak na layunin, gampanin, at tunguhin.
Mga halimbawa ng panlipunang institusyon:

 pamilya
 paaralan
 pamahalaan
 mass media
 multinational corporation
 NGO
 international organization

Pag-aralan Natin!
Mga Gampanin ng mga Institusyon sa Globalisasyon: Pamahalaan at Paaralan
Paano kumikilos at gumaganap ng kanilang bahagi ang mga pamahalaan sa proseso
ng globalisasyon?

Pamahalaan
Pag-aralan ang talahanayan.

Ano naman ang bahaging ginagampanan ng mga paaralan sa globalisasyon?

Paaralan
Suriin ang graphic organizer.

Ang mga paraalan ang pangunahing tagapagsulong ng edukasyon o kaalaman.

Kaalinsabay ng internasyonalisasyon at globalisasyon, sinisikap ng mga paaralan na
makaagapay sila sa pandaigdigang pamantayan ng edukasyon. Bunga ito, higit na
nakikinabang ang mga mag-aaral sa lahat ng panig ng mundo sa mga pagbabagong
ipinatutupad ng mga paaralan.

Pag-aralan Natin!
Mga Gampanin ng mga Institusyon sa Globalisasyon: Mass Media
Ano ang papel ng mass media sa globalisasyon?

Mass Media
Ang mass media ay tumutukoy sa lahat ng teknolohiyang nagagamit sa
pagpapalaganap ng kaalaman sa maraming tao (halimbawa: pahayagan, telebisyon,
radyo, at Internet).

Tahasan at madaling unawain ang mga ambag ng mga teknolohiyang ito sa

globalisasyon:

1. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tao sa pamamagitan ng direktang usapan

 Ang pamamahagi ng impormasyong nagiging basehan ng mga pananaw at
pagkilos

Samakatuwid, kung magiging patas ang access sa mass media, mahihinuhang ang
bawat mamamayan, saanmang lugar, ay maaaring makapag-isip at makapagdesisyon
na may pananaw na ang kaniyang mga kilos ay hindi lamang para sa sarili o bansa,
kung hindi para sa buong mundo.

Pag-aralan Natin!
Mga Gampanin ng mga Institusyon sa Globalisasyon: International Corporation
Sa paanong paraan nakapag-aambag ang mga multinational corporation sa
globalisasyon?

International Corporation
Ang mga multinational corporation ay tumutukoy sa organisasyon o kompanyang
nagmamay-ari at nagkukontrol ng produksiyon ng mga kalakal o produkto at serbisyo
sa isa o maraming bansa maliban sa sariling bansa.

Dalawa ang maaaring ayos nito.

1. Maaaring gawin ng kompanya sa loob ng isang bansa lamang ang mga produkto
at magkaroon ng mga sangay sa ibang bansa kung saan maaaring magbenta at
sa kalaunan ay magbubuo rin ng mga produkto.

 Maaari din namang buuin ang produkto sa pamamagitan ng pagkakabit-kabit o

pagsasama-sama ng iba’t ibang bahagi nito mula sa iba’t ibang bansa.

Sa alinmang ayos, nakikitang pinag-uugnay-ugnay ng mga multinational

corporation ang mga bansa. Bagaman hindi ganap na magkakapareho ang mga
kompanya, masasabing marami rin silang pagkakatulad (halimbawa, ang paraan ng
paggawa ng produkto). Madali sa bawat isa na magpalitan ng mga manggagawa at
kapital. Sa ganitong paraan, nakapagsusulong sila ng globalisasyon.
Ipinakikita sa larawan kung paano nakapag-aambag ang mga multinational
corporation sa globalisasyon.

Pinagmulan:

http://aerospacereview.ca/eic/site/060.nsf/eng/00040.html

Pagnilayan
Nararamdaman mo ba ang epekto ng globalisasyon sa sarili, sa pamilya, at sa lipunan?
Maaari mo bang isa-isahin? Ano pa kayang teknolohiya ang susulpot? Hanggang saan
kaya aabot ang dunong ng tao?

Buod
Ang institusyon ay tumutukoy sa sistema ng matitibay o subok na at laganap nang
panuntunang panlipunan o social rules, na siya namang humuhubog sa mga kilos at
ugnayan ng mga tao. Ilan sa mga halimbawa ng panlipunang institusyon ay ang
pamilya, paaralan, pamahalaan, mass media, multinational corporation,
NGO, international organization, at iba pa. Bawat institusyon ay may bahaging
ginagampanan sa proseso ng globalisasyon.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Ang Globalisasyon

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon; at

 natatalakay ang pangkasaysayan, pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon.

Tanong:

 Ano ang globalisasyon? Ano-ano ang pagbabagong dala o hatid nito?

 Paano nagsimula ang globalisasyon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Konsepto ng Globalisasyon
Sa nakalipas na libo-libong taon, ang mga tao, at sa kinalaunan, ang mga korporasyon
ay bumibili at nagbebenta sa malalayong lupain (gaya ng Silk Road Trade sa Central
Asia na nag-uugnay sa China at Europe noong Gitnang Panahon). Gayundin, sa
nakalipas na mga dekada, namumuhunan ang mga tao at korporasyon sa mga negosyo
sa maraming bansa. Ang prosesong ito ay tinatawag na globalisayon. Ibig sabihin, hindi
na bago ang konseptong ito.

 Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,

kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong
udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang
panteknolohiya.
 Ang prosesong ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang
pulitikal, sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa
mga pandaigdigang komunidad.
 Ayon kay Thomas Friedman, ang bagong mukha ng globalisasyon ay mas
malaganap, mas mabilis, mas mura, at mas komplikado.
 Bagaman may iba’t ibang interpretasyon ng konsepto ng globalisasyon,
nagkakasundo ang mga dalubhasa na palalim nang palalim ang mga epekto nito
sa mga bansa.
Makikita sa graphic organizer ang ilan sa mga palatandaan ng bagong mukha ng
globalisasyon.

Pag-aralan Natin!
Pinagmulan ng Globalisasyon: Pangkasaysayan at Pang-ekonomiya
Ayon kay Northup, ang mga pagyayaring ito ay ilan lamang sa mga itinuturong simula
ng globalisasyon.
Sa kabuuan, makikitang ang bawat isang “pinagmulan” ay may kani-kaniyang
kaugnayan, impluwensiya, at ambag sa globalisasyon. Gayunman, hindi matutukoy ang
tunay na pinagmulan nito, hindi rin masusukat kung gaano kalaki ang ambag ng bawat
isang pangyayari.

Pag-aralan Natin!
Pinagmulan ng Globalisasyon: Pampulitika
May mga pagtatalo tungkol sa tunay na pinagmulan ng globalisasyon sa aspektong
pampulitika. Karamihan sa mga ideya ay umiikot din lamang sa mga nabanggit na
(pangkasaysayan at pang-ekonomiya).

 Kung may maidaragdag man, marahil ito ay ang ideya ni Andre Gunder Frank.
Ayon sa kaniya, nagsimula ang globalisasyon noon pang panahon ng mga
unang sibilisasyon (Frank at Gills, 1992).
 Sa kabilang banda, pinangangatawanan ng mga mananaliksik na ang ika-20
dantaon hanggang kasalukuyan ang mga dekada ng maigting na globalisasyon
sa pulitika.
 Ayon kay Berger (2000), sa mga panahong ito, malaki ang inilago ng daloy ng
kapital, palitan ng pera, at paglipat ng mga manggagawa. Dahil dito,
nagkakaroon ng mga haka-haka na ang globalisasyon ang siyang tuluyang
magpapahina sa mga estado bilang pinakamahalagang yunit-pulitikal.
 Bukod rito, marami ring nag-aakalang hindi na magiging malapit at matapat sa
sariling bansa ang mga mamamayang nasanay na sa globalisasyon.
 Magkagayunman, walang sapat na patunay ang mga pahayag na ito, bukod sa
iilang ebidensiya na bumababa ang tiwala ng mga tao sa inihalal na mga pulitiko
(hindi sa kabuuan ng pamahalaan).

Pag-aralan Natin!
Pinagmulan ng Globalisasyon: Sosyo-kultural
Ngunit, bakit nga ba pinipili ng mga tao na makipag-ugnayan sa ibang bansa?

 Ayon kay Yang (2010), ang globalisasyon ay daan sa pagkabuo ng global

interests, o mga magkakatulad na interes ng mga indibidwal, ng mga bansa, at
ng mga ugnayan nila.
 Maaring halimbawa ng global interests ay ang pagkakaroon ng mga karapatan.
Bagaman maraming pagkakaiba, pare-parehong may ideya ng karapatan ang
mga indibidwal, korporasyon, pamahalaan, at grupo ng mga bansa.
 Dahil dito, hindi maikakaila ang paglago ng mga usapin ukol sa karapatan. Sa
loob o labas man ng mga bansa, pinagtatalunan at ipinaglalaban ang kaniya-
kaniyang pananaw ukol dito, wala o bibihira na ang nagsasabing hindi mahalaga
ang mga ito.
 Ang pagkakabuo ng mga interes katulad nito ay nakapag-aambag sa
globalisasyon dahil sa kanilang kakayahang gawing mas katanggap-tanggap ang
buong proseso ng pag-uugnay-ugnay.

Tingnan ang paglalarawan ng konsepto ng global interests na may kinalaman sa sosyo-

kultural na pinagmulan ng globalisasyon.

Pagnilayan
Saan pa patungo ang globalisasyon? Gaano pa kalayo ang lalakbayin ng tao?
Makabubuti ba ang globalisasyon sa pag-unlad o pagyabong ng moralidad at
espirituwalidad ng tao?

Buod
Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,
kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong udyok ng
pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya.
Bagamat mayroon pa ring mga balakid, unti-unting nagkakaroon ng malayang palitan
ng kaalaman, mga tao, at puhunan o kapital, mga produkto, serbisyo, at iba pa.
Ipinalalagay na ang globalisasyon ay nagsimula noong ika-11 siglo sa Asya (partikular
sa China), hindi man sinasadya, ito ay naipagpatuloy noong Panahon ng Pagtuklas ng
mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ang pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon ay maiuugnay rin sa mga pangyayaring ito.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Consumerism

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng consumerism; at

 nasusuri ang mga kasalukuyang hamon sa pagtugon sa consumerism tungo
sa sustainable development.

Tanong:

Sa kasalukuyan, naniniwala ang mga mamamayan na ang kaligayahan at kayamanan

sa mundong ito ay nasusukat sa lago ng ekonomiya at komportableng pamumuhay.
Ang pagtatamo ng “magandang buhay” ay pangarap ng marami, na nagbibigay-daan sa
tinatawag na consumerism.

 Ano ang consumerism? Bakit isa ito sa mga hamon sa pagtamo ng sustainable
development?
 Paano malilimitahan, kung hindi man tuluyang masusugpo, ang consumerism?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Konsepto ng Sustainable Development
 Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa
mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso
ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang
pangangailangan.
 May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito: pangangailangan at
limitasyon.
 Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-
aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng
bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga
likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin
sa hinaharap.
 Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak
ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may
masasandigan pa rin.
 Subalit, may mga hamon sa pagtamo ng sustainable
development: consumerism, energy sustainability, poverty, at health
inequalities.
Pag-aralan Natin!
Consumerism
 Ang consumerism ay isang teorya o ideolohiyang panlipunan at pang-
ekonomiyang aspekto ng kapitalismo na kung saan ang sukatan ng isang
sibilisadong lipunan ay naaayon sa laganap na pagbebenta, pamimili, at
pagpapaikot ng pera sa ekonomiya.
 Sa pananaw na ito, ang mga mamamayan ay malalayang nakapamimili ng mga
produkto at serbisyo sa mga merkado.
 Nailalarawan din ang consumerism ng patuloy na paghahanap ng mga tao ng
mas bago, mas mahusay, o mas murang mga produkto at serbisyo; ang
pagdagsa sa mga shopping mall; ang pagkain sa mga fast food at fine dining
restaurant; at ang pagtangkilik sa mga mamahaling kagamitan o luxury goods.
 Sa USA, kung saan ito nagsimula, ang Black Friday Sale ay isang okasyon
tuwing Nobyembre na kung saan ang mga mamimili ay dumadagsa sa mga
pamilihan dahil ito ang panahong sila ay makabibili ng anumang kanilang naisin
sa pinakamababang presyo.
 Ang consumerism ay laganap din sa Pilipinas at ang mga mamamayan dito ay
malalayang nakapamimili sa mga shopping mall at maging sa Internet.

Pag-aralan Natin!
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Consumerism
 Para sa mga kritiko ng consumerism, ito ay ipinalalagay na pang-ekonomiyang
materyalismo at makasariling pag-uugali. Diumano, ito ay walang kabuluhan at
maaksayang paggamit ng salapi at mga likas na yaman.
 Nanganganib ang susunod na henerasyon dahil sa walang habas na shopping
sprees; pagpapatayo ng mga shopping mall at mga katulad nito na
nagpapakawala ng nakalalasong carbon dioxide; walang tigil na paggamit at
pagdami ng mga sasakyang nagdudulot ng polusyon; maramihang paggawa ng
mga produktong elektroniko, yari sa plastik, at mga kagaya nito na nakasisira sa
kalikasan at kapaligiran; at sa sapilitang pagpaparami o pagpapalaki ng mga
hayop upang matustusan ang pangangailangan ng mga fast food restaurant.
 Sa Pilipinas, ang consumerism ay binabatikos dahil sa epekto nito sa bansa.
Halimbawa, ang pagtambak dito ng mga basurang mula sa mauunlad na
bansang tulad ng Japan at Canada ay sinasabing epekto ng labis
na consumerism.
 Ang pagputol ng mga pine tree sa tabi ng SM Baguio para palakihin
ang shopping mall na ito ay mariing tinutulan ng mga nagmamalasakit sa
kapaligiran.

Ang mga pangyayaring ito ay epekto ng consumerism na tumutugon sa pangmateryal

na kagustuhan ng mga tao na siya namang nagdadala sa kapaligiran at sa lipunan sa
peligro at sa kalabuan ng pagtamo ng sustainable development.
Pag-aralan Natin!
Mga Pagtugon sa mga Hamon ng Consumerism

 Ang consumerism ay balakid sa sustainable development dahil ito ang isa sa

mga sanhi kung bakit naisasantabi ang maraming banta sa kalikasan tulad
ng climate change, kasalatan sa tubig, at pagkawala ng mga halaman, hayop at
iba pang maybuhay.
 Ito ay paglabag sa pang-ekolohiyang limitasyon habang lumalago ang
ekonomiya. Nauubos ang mga likas na yaman. Patuloy ang pagdaragdag ng
mga kompanya ng mapaminsalang carbon footprint. Kinakalbo rin ang
kagubatan upang bigyang-daan ang mga makabagong urban center, shopping
mall, at mga bagong komunidad.
 Upang matupad ang minimithing sustainable development, ipinapayo at
isinusulong ang mga kampanya at mga disiplinadong reaksiyon gaya ng
pagtataguyod sa simpleng pamumuhay, pagtangkilik sa sariling produkto, at mga
katulad nito na sa pangkalahatang pananaw ay makababawas ng labis na
materyalismo at basura.
 Sa Pilipinas, sinimulang ipatupad ang Philippine Environment Code noong 1977
upang pangalagaan ang kapaligiran.
 Sa buong mundo, may malalaking kompanya ang nagsimulang tumutok sa
proteksiyon ng lipunan at kapaligiran. Layunin ng kanilang corporate social
responsibility na mapanatiling luntian ang kapaligiran, matustusan ang
pangangailangan ng malinis na tubig at edukasyon ng mga mamamayan sa
mahihirap na bansa, at gumawa ng mga produktong socially responsible na hindi
nakasisira ng kalikasan.

Pagnilayan
Paano ka tutugon sa mga hamon ng consumerism upang maisulong ang sustainable
development?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang
kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.
 Ang consumerism ay isang ideolohiyang panlipunan at pang-ekonomiyang
aspekto ng kapitalismo na kung saan ang sukatan ng isang sibilisadong lipunan
ay naaayon sa laganap na pagbebenta, pamimili, at pagpapaikot ng pera sa
ekonomiya.
 Para sa mga kritiko ng consumerism, ito ay ipinalalagay na pang-ekonomiyang
materyalismo at makasariling pag-uugali. Diumano, ito ay walang kabuluhan at
maaksayang paggamit ng salapi at mga likas na yaman.
 Ang consumerism ay nakikitang balakid sa sustainable development.
 Isang ang Pilipinas sa mga bansang nakikiisa sa pagtugon sa mga hamon
ng consumerism upang maisulong ang sustainable development.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Energy Sustainability

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng energy sustainability; at

 nasusuri ang mga kasalukuyang hamon sa pagtugon sa energy
sustainability tungo sa sustainable development.

Upang matamo ang sustainable development, isa sa mga hamong tinitingnan ay

ang energy sustainability ng mga bansa o ng buong mundo.

 Ano ang ibig sabihin ng energy sustainability? Bakit mahalaga ito sa pagtamo
ng sustainable development?
 Paano makakamit ang energy sustainability, isang mahalagang salik tungo sa
pagtamo ng sustainable development?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Konsepto ng Sustainable Development
 Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa
mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso
ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang
pangangailangan.
 May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito: pangangailangan at
limitasyon.
 Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-
aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng
bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga
likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin
sa hinaharap.
 Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak
ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may
masasandigan pa rin.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.

Pag-aralan Natin!
Energy Sustainability
 Ang energy sustainability ay sumasaklaw sa pagtugon sa pangangailangan sa
enerhiya ng kasalukuyang panahon at pagtiyak na hindi maisasa-alang-alang
ang kakayahan ng susunod na henerasyong tugunan ang kanilang
pangangailangan.
 Ang sustainable energy ay tumutukoy sa kahit anong enerhiya na potensiyal na
magagamit nang maayos sa hinaharap na hindi makapipinsala sa susunod na
salinlahi. Ito ay may dalawang sangkap: renewable energy at energy efficiency.
 Ang renewable energy tulad ng solar, wind, geothermal, hydroelectric, at ocean
energy ang nakikitang alternatibo sa fossil fuels, kaya, hinihikayat ang
malawakang paggamit nito.

Pag-aralan Natin!
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Energy Sustainability
 Sa kasalukuyan, laganap ang paggamit ng fossil fuels (karaniwang may
kasamang karbon, langis, at natural na gas) bilang tagatustos ng enerhiya. Ang
pagsusunog o paggamit ng fossil fuels ay nangangahulugang pagpapakawala
ng carbon dioxide sa papawirin. Ang carbon dioxide ay greenhouse gas na
nagdudulot ng climate change at global warming.
 Dahil dito, hindi makabubuting gawing pangmatagalang pinagkukunan ng
enerhiya ang fossil fuels. Hindi nito matitiyak ang energy sustainability ng mga
bansa dahil bukod sa banta sa kalusugan at kalidad ng buhay, ito ay limitado at
hindi nagagamit sa lahat ng panig ng mundo. Isang mabigat na pasanin ng
daigdig ang fossil fuels dahil sa negatibong epekto nito sa kalikasan, kapaligiran,
at karagatan.
 Sanhi ng malawakang polusyon, ang paggamit ng fossil fuels ay maaaring kumitil
ng maraming buhay. Upang matamo ang sustainable development, kailangang
may ligtas na mapagkukunan ng enerhiya sa pangmatagalang panahon.

Pag-aralan Natin!
Mga Pagtugon sa mga Hamon ng Energy Sustainability
Ang sustainable and renewable energy sources ay mga likas na mapagkukunan ng
enerhiyang magpapanatili at magagamit muli sa malawakang paraan at pinakamahusay
para sa mga tahanan at mga pang-industriyang pagawaan.

Mga Alternatibong Mapagkukunan

 Ang solar energy ay ang pinakamalinis, pinakalaganap, at pinakamahusay na
pinagmumulan ng renewable energy. Laganap na ang paggamit nito sa
pamamagitan ng mga solar panels.
 Malawakan na rin ang paggamit ng wind energy na nakatutulong nang malaki sa
mga mandaragat sa kanilang paglalayag.
 Marami nang kompanya ang namumuhunan sa paggawa ng windmills, wind
farms, at energy grids upang maipalaganap ang paggamit ng enerhiyang ito.
 Ang geothermal energy ay nakukuha sa ilalim ng lupa sa pamamagitan
ng geothermal energy stations. Bagaman limitado lamang ito (karaniwan ay
malapit sa mga bulkan), ito ay mainam na tagatustos ng electric power.
 Dahil halos 70% ng mundo ay katubigan, mataas din ang potensyal ng ocean
energy bilang mapagkukunan ng sustainable and renewable energy. Ang mga
alon ay lumilikha ng enerhiya sa pamamagitan ng ocean thermal plants. Ang
mga ilog at talon naman ay napagkukunan ng hydroelectric energy.

Pag-aralan Natin!
Mga Pagtugon sa mga Hamon ng Energy Sustainability
Ang sustainable and renewable energy sources ay mga likas na mapagkukunan ng
enerhiyang magpapanatili at magagamit muli sa malawakang paraan at pinakamahusay
para sa mga tahanan at mga pang-industriyang pagawaan.

Mga Proyekto, Programa, at Batas

 Noong 2015, tinatayang may 2.8 bilyong tao sa mundo ang wala pa
ring access sa modernong mga serbisyong pang-enerhiya. Upang
matugunan ang pangangailangang ito, may proyekto ang United Nations
Development Programme (UNDP) hanggang 2030 na magbibigay ng
pandaigdigang daan sa makabagong mga serbisyong pang-enerhiya.
Itinataguyod ng samahang ito ang energy sustainability sa pamamagitan ng mga
patakaran, pagsuportang pampananalapi, at paglikha ng kamalayan ukol dito.
 May mga komprehensibong programa din ang UNDP na tumututok sa energy
access at energy efficiency. Ang mga ito ay daan sa malawakang pag-
unlad, low-carbon energy, luntiang ekonomiya, pagsupil sa kahirapan, at higit sa
lahat, sa sustainable development.
 Ang Renewable Energy Act of 2008 ay batas sa Pilipinas na nakatuong gawing
50%-nakasalig-sa-renewable energy ang enerhiya sa bansa sa taong 2030.
 Noong 2013, ang Climate Change Commission ay nagsimulang
makipagtulungan sa Worldwatch Institute para sa isang Sustainable Energy
Roadmap. Ito ay naglalayong gawing 100%-base-sa-renewable energy ang
pinagkukunan ng suplay ng koryente sa bansa sa loob ng isang dekada.
 Sa pribadong sektor naman, ang Shell Philippines ay nangangako simula noong
1997 na mag-aambag sa sustainable development ng bansa sa pamamagitan ng
responsableng pagbibigay ng serbisyong pang-enerhiya.

Pagnilayan
Sa personal mong karanasan, nararamdaman ba ang pagkilos ng mga Pilipino para
sa energy sustainability ng bansa? Paano ka nakikibahagi sa hamon o usaping ito?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang
kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.
 May mga hamon sa pagtatamo ngsustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.
 Ang energy sustainability ay sumasaklaw sa pagtugon sa pangangailangan sa
enerhiya ng kasalukuyang panahon at pagtiyak na hindi maisasa-alang-alang
ang kakayahan ng susunod na henerasyong tugunan ang kanilang
pangangailangan.
 Hindi makabubuting gawing pangmatagalang pinagkukunan ng enerhiya
ang fossil fuels. Hindi nito matitiyak ang energy sustainability ng mga bansa dahil
bukod sa pagiging banta sa kalusugan at kalidad ng buhay, ito ay limitado at
hindi nagagamit sa lahat ng panig ng mundo.
 Ang sustainable and renewable energy sources ay mga likas na mapagkukunan
ng enerhiyang magpapanatili at magagamit muli sa malawakang paraan at
pinakamahusay para sa mga tahanan at mga pang-industriyang pagawaan.
 Ang Renewable Energy Act of 2008 ay batas sa Pilipinas na nakatuong gawing
50%-nakasalig-sa-renewable energy ang enerhiya sa bansa sa taong 2030.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Poverty

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag ang konsepto ng kahirapan o poverty; at

 nasusuri ang mga kasalukuyang hamon sa pagtugon sa kahirapan tungo
sa sustainable development.

Ang kahirapan ay hindi lamang tungkol sa kakapusan sa pera upang matustusan ng

pangunahing pangangailangan kasama na ang pagkain, damit, at tirahan.

 Ano ang kahirapan? Bakit isa ito sa mga hadlang sa pagtamo ng sustainable
development?
 Paano tutugon ang mga pamahalaan at mamamayan sa kritikal na hamon ng
kahirapan?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Konsepto ng Sustainable Development
 Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa
mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso
ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang
pangangailangan.
 May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito: pangangailangan at
limitasyon.
 Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-
aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng
bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga
likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin
sa hinaharap.
 Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak
ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may
masasandigan pa rin.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.
Pag-aralan Natin!
Kahirapan
Ayon sa World Bank Organization ang kahirapan ay:

 kagutuman,
 kawalan ng tirahan,
 pagiging masakitin at walang kakayahang magpagamot sa doktor,
 kawalan ng access sa paaralan at walang kakayahang bumasa, at
 kawalan ng hanapbuhay, may takot sa hinaharap, at nabubuhay lamang sa
kasalukuyan.

Maraming mukha ang kahirapan, nagbabago depende sa lugar at panahon, at

nailalarawan sa maraming paraan. Kadalasan, ang kahirapan ay sitwasyon o
kalagayang nais takasan ng mga tao.

Kung gayon, ang kahirapan ay isang panawagang kailangan tugunan ng lahat. Isang
panawagan para baguhin ang mundo upang mas marami ang makakakain, may
desenteng tirahan, may access sa edukasyon at kalusugan, protektado mula sa
karahasan, at tinig ng mga nangyayari sa lipunan.

Sa Pilipinas, base sa taunang survey na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority,

ang poverty incidence ay tumaas ng 1.2% sa unang semestre ng 2014 mula sa 24.6%
noong unang anim na buwan ng 2013.

Ang kahirapan ay patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino kung kaya nakikiisa

ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Millenium Development Goals (MDG). Upang patuloy
na maibsan ang kahirapan sa Pilipinas, patuloy pa rin sa pagpapatupad ng bagong
adyendang Sustainable Development Goals (SDG) para sa taong 2030.

Pag-aralan Natin!
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Kahirapan
Malaki ang progreso sa pagpapatupad ng MDG sa Pilipinas ngunit hindi ito sapat upang
mawala nang tuluyan ang kahirapan. Maraming kondisyon, kalagayan, at hamon ang
humahadlang upang matamo rin ng sustainable development.

1. Mababang kalidad ng edukasyon

Maraming paaralan ang kulang sa kagamitan at pasilidad. Kulang rin ang kasanayan ng
mga guro sapagkat hindi sapat ang mga oportunidad sa paglinang ng kanilang
kaalaman.

2. Kakulangan ng mga trabaho

Nakadepende sa ekonomiya at kalakalan ang pagkakaroon ng maraming trabaho.
Maraming OFW ang nawawalan ng trabaho dahil sa recession.

3. Talamak na graft and corruption

Malaki ang kinalaman ng mga ito sa kahirapan sapagkat hindi nagagamit at

naipamamahagi nang maayos ang yaman ng bayan sa pagpapaunlad ng pamumuhay
ng bawat Pilipino.

4. Pagtama ng mga natural na kalamidad

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang laging tinatamaan ng mga kalamidad.

Milyong-milyong ari-arian, pananim, at kabuhayan ang napipinsala dahil dito.

5. Paglaki ng populasyon

Ang population growth rate ng Pilipinas ay 2.36% kada taon at ang mabilis na pagtaas
nito ay nagdudulot ng problema sa gobyerno sapagkat mahirap matugunan ang
pangangailangan ng lumalaking populasyon gamit ang mga pampublikong serbisyo sa
kalusugan, edukasyon, suplay ng tubig, at marami pang iba.

Pag-aralan Natin!
Mga Pagtugon sa mga Hamon ng Kahirapan
Sa kabila ng mga hamong nabanggit, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng gobyerno ng
mga batas, adbokasiya, at programa upang mabawasan ang kahirapan.

1. Conditional Cash Transfer Program

Binibigyan ng cash assistance ang mahihirap na pamilya kapag naipasok na nila sa

paaralan ang kanilang mga anak. Natamo na rin ang malawakang reporma sa
edukasyon sa pamamagitan ng Kindergarten Act of 2012 at Enhanced Basic Education
Act of 2013.

2. Waste Management at Reforestation

Ilan lamang ang mga ito sa programa ng pamahalaan upang maiwasan ang
masasamang epekto ng mga kalamidad gaya ng pagbaha, flash flood, at landslide.
Bukod sa Metro Manila, pinauunlad rin ang ibang lungsod lalo na ang nasa rehiyon ng
Mindanao upang matulungan ang mga mamamayang magkatrabaho at malinang ang
kanilang kakayahan.
3. Pagsuporta sa kalusugan

Binibigyang-halaga ng gobyerno ang kalusugan. Dahil dito, natamo na ang target na

siyam mula sa labinlimang indicator sa larangang ito kaugnay ng MDG. Nabigyang-
pansin din ang National Health Insurance Program para sa mahihirap na senior citizen,
mayroon ding direct housing assistance sa may 222,167 na pamilya mula 2011
hanggang 2013.

4. Pagsugpo sa Koruspyon

Puspusan na rin ang pagtugon ng pamahalaan sa graft and corruption, kakulangan ng

trabaho, paglobo ng populasyon, droga, at iba pang salik sa paglala ng kahirapan na
humahadlang sa pagtamo
ng sustainable development.

Pagnilayan
Sa iyong palagay, kaya bang masolusyonan ang lumalalang kahirapan sa iba’t ibang
panig ng mundo? Ang pagtugon ba dito ay isang realidad o pangarap?

Mahahalagang Kaalaman

 Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang
kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.
 Ayon sa World Bank Organization ang kahirapan ay kagutuman, kawalan ng
tirahan, pagiging masakitin at walang kakayahang magpagamot sa doktor,
kawalan ng access sa paaralan at walang kakayahang bumasa, at kawalan ng
hanapbuhay, may takot sa hinaharap, at nabubuhay lamang sa kasalukuyan.
 Ilan sa mga kasalukuyang hamon sa pagtugon sa kahirapan tungo
sa sustainable development ay ang mababang kalidad ng edukasyon,
kakulangan ng mga trabaho, talamak na graft and corruption, pagtama ng mga
kalamidad, paglobo ng populasyon, at iba pa.
 Puspusan ang pagtugon ng pamahalaan sa mga hamon ng kahirapan na
humahadlang sa pagtamo ng sustainable development.
Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Health Inequalities

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 naipaliliwanag mo ang konsepto ng health inequalities; at

 nasusuri mo ang mga kasalukuyang hamon sa pagtugon sa health
inequalities tungo sa sustainable development.

Tanong:

 Ano ang health inequalities?

 Bakit kailangang tugunan ang mga hamon ng health inequalities?
 Paano mo iuugnay ang health inequalities sa sustainable development?

Alamin ang mg sagot ssa araling ito!

Balikan Natin!
Ang Konsepto ng Sustainable Development
 Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa
mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso
ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang
pangangailangan.
 May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito: pangangailangan at
limitasyon.
 Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-
aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng
bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga
likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin
sa hinaharap.
 Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak
ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may
masasandigan pa rin.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.

Pag-aralan Natin!
Health Inequalities or Inequities
 Ayon sa World Health Organization, ang health inequalities (o health
inequities) ay tumutukoy sa hindi pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng
kalusugan sa pagitan ng mga tao ng isang bansa at sa pagitan ng mga bansa.
Ang kawalang katarungang ito ay maaaring maiwasan at malapatan ng
karampatang solusyon.
 Ang panlipunan at pang-ekonomiyang kalagayan at ang mga epekto nito sa
buhay ng mga tao ang nagdedetermina ng karamdaman at ang mga ginawang
aksiyon upang maiiwas ang mga tao sa pagkakasakit.

Halimbawa:

 Sa Pilipinas, mas mahaba ng limang taon ang inaasahang tagal ng buhay ng

kababaihan kaysa sa kalalakihan.
 Ang inaasahang tagal ng buhay ng mga taal na taga-Australia ay mas mababa
kaysa sa hindi katutubo roon.
 Ang panghabambuhay na panganib ng pagkamatay ng isang ina tuwing o
pagkatapos ng pagbubuntis ay 1:17, 400 sa Sweden, samantalang 1:8 sa
Afghanistan.

Pag-aralan Natin!
Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Health Inequalities
Ang kontekstong pangglobal ay nakaaapekto sa pagbabago at pag-unlad sa
pamamagitan ng epekto nito sa mga pandaigdigang ugnayan at pandomistikong
polisiya. Hinuhubog nito ang mga gawaing nagbibigay daan sa mga uri ng panlipunang
posisyon at herarkiya. Ang mga tao ay nauuri ayon sa kita, edukasyon, trabaho,
kasarian, lahi, at iba pang salik. Ang panlipunang herakiyang ito ay nakaaapekto sa
kalagayan ng mga tao lalo na sa usaping pangkalusugan. Ang mga hamon sa health
inequalities ay may malaking epekto sa pagtamo ng sustainable development.

Sa Buong Mundo

 Ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya sa nakaraang dalawampu’t limang

taon ay hindi pantay na naipamamahagi. Halimbawa, noong 1990, ang
pinakamayamang bansang may 10% ng kabuuang populasyon ng mundo ay
may pambansang kita na animnapung ulit na mas malaki kaysa sa
pinakamahirap na bansa.
 Ang pandaigdigang daloy ng tulong ay hindi sumasapat, mas mababa sa antas
na ipinangako. Ang resulta, sa maraming pagkakataon, may mga financial
outflow mula sa mas mahihirap hanggang sa mas mayayamang bansa. Ito ay
nakaaalarmang pangyayari.
 Ang hindi maayos na estruktura ng mga organisasyon at palatuntunang may
pagkiling sa kasarian ay may malaking epekto sa kalusugan ng kababaihan. Ang
katayuan ng mga babae sa lipunan ay may kinalaman din sa kalusugan at
kaligtasan ng buhay ng mga sanggol.
Sa Pilipinas
 May kakulangan sa pondong inilalaan para sa sa sistemang pangkalusugan at
sa pagsasagawa ng mga reporma. Ang organisasyon ng mga serbisyong
pangkalusugan ay hindi balanse sa pampribado at pampublikong sektor.
 Ang presyo ng mga gamot at iba pang kagamitang pangkalusugan pati na rin
ang pamamahagi nito ay humahadlang sa pagkamit ng patas na kalusugan. Mas
mahal pa ang mga gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Europa
at Amerika.
 Ang mga serbisyong pangkalusugan ay desentralisado kung kaya hindi ito
napamamahalaan nang maigi. Dahil dito, hindi napananatili ang magandang
serbisyo sa mga pamayanan.

Ang health inequality ay nakasalalay sa pagbibigay-lakas ay kapangyarihan sa bawat

indibidwal upang hamunin at baguhin ang hindi patas na pamamahagi ng kayamanan.

Pag-aralan Natin!
Mga Pagtugon sa mga Hamon ng Health Inequalities
 Sa Pilipinas, isa sa mga programa ng gobyerno ay ang Universal Health Care.
Natutulungan nitong mabawasan ang maternal mortality at under-five
mortality sa Pilipinas gamit ang mga de-kalidad na pamamaraan at pasilidad.
 Upang matiyak na naisasakatuparan ang mga sustainable goal, ang gobyerno ay
nagtatalaga ng Community Health Teams sa mga baranggay bilang mga
tagapagtaguyod ng kalusugan at upang matiyak na ang lahat ng mahirap na
pamilya ay miyembro ng PhilHealth na siyang gumagarantiya sa pangkalahatang
serbisyong pangkalusugan.
 Nakatutulong ang pagtiyak sa maayos na paglalaan ng badyet-pangkalusugan
para sa mga sangay ng pamahalaan kasama na ang DOH, PhilHealth,
PAGCOR, at PCSO, pati na rin ang lokal na pamahalaan.
 Dapat mabago ang oryentasyon ng mga health worker at mga organisasyon na
dapat unahin ang pangangailangang pangkalusugan ng kapwa at bayan bago
ang pansariling interes.

Pagnilayan
Sapat na ba ang pamamaraan, kasanayan, kaalaman, at pagpapahalaga ng ating
pamahalaan upang matugunan ang mga hamon sa health inequalities tungo sa
pagtamo ng sustainable development?
Mahahalagang Kaalaman

 Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang
kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.
 May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad
ng consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.
 Ang health inequalities ay tumutukoy sa hindi pagkakapantay-pantay ng
kalagayan ng kalusugan sa pagitan ng mga tao ng isang bansa at sa pagitan ng
mga bansa.
 Ang health inequalities ay nakasalalay sa pagbibigay-lakas ay kapangyarihan sa
bawat indibidwal upang hamunin at baguhin ang hindi patas na pamamahagi ng
kayamanan.
 Kumikilos na ang buong mundo sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hamon
ng health inequalities tungo sa sustainable development.

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10

Iba’t Ibang Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable Development

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na nasusuri ng mag-aaral ang iba’t ibang estratehiya
at polisiyang may kaugnayan sa pagtamo ng sustainable development na ipinatutupad
sa loob at labas ng bansa.

 Ano-ano ang estratehiya at polisiyang may kinalaman sa sustainable

development?
 Bakit aktibo at seryoso ang mga bansa sa pagtamo ng sustainable
development?
 Paano nakikibahagi ang Pilipinas sa pagtamo ng sustainable development?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Iba’t Ibang Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable Development
Noong 2002, ang UN Department of Economic and Social Affairs ay gumawa ng
patnubay para sa paghahanda ng sustainable development strategy. Ito ay nakabatay
sa limang prinsipyo:

1. Integrasyon o pagsasama-sama ng layuning pang-ekonomiya, panlipunan, at

pangkapaligiran at pagbabalanse nito sa mga sektor, mga teritoryo, at mga
henerasyon
2. Paninigurado ng malawak na partisipasyon at epektibong pagsasama-sama
3. Pagsusulong ng pag-aangkin at pagtatalaga sa mga programa
4. Paghuhubog ng kakayahan at ng isang kapaligirang nakahahalina
5. Pagbibigay ng tuon sa resulta at implementasyon

Pag-aralan Natin!
Mga Polisiya at Estratehiya Batay sa Limang Prinsipyo
Batay sa limang prinsipyo, narito ang mga tiyak na polisiya at estratehiya sa pagtamo
ng sustainable development ng mga piling bansa.

Integrasyon ng mga Polisiya

Ang sustainable development ay nakatuon sa pagbabalanse ng mga layuning pang-
ekonomiya, pangkapaligiran, at panlipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.

Halimbawa:

Ang sustainable development ng New Zealand ay nagbibigay ng pantay na tuon

sa social sustainable development na may espesyal na atensiyon sa demographic
trends, mga bagong papel ng kababaihan sa lipunan (pagbabago sa kalusugan at
pabahay), at pagpapaunlad ng mga pamayanang Maori.

Malayuang Pananaw sa Polisiya

Mahalaga rin ang pagbabalanse sa pangangailangan ng kasalukuyan at ng susunod na
salinlahi. Ang ilang bansa ay bumuo ng mga polisiyang may mahabang time frame.

Halimbawa:

Sa usaping pang-ekonomiya, ang estratehiya ng Germany ay may kinalaman

sa intergenerational equity. Iniiwasan nitong magkaroon ng mabigat na suliraning
pinansiyal o pang-ekonomiyang pasanin ang susunod na henerasyon.

Pagsusuri at Pagtataya
Ang pagsusuri ay mahalagang sangkap sa pagbabalanse ng mga layuning pang-
ekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran sa paggawa ng mga polisiya at priyoridad
sa sustainable development.
Halimbawa:

Isa sa mga sukatan ng pagsusuri na ginagamit ng mga bansa ay ang Environmental

Impact Assessment (EIA). Sa Canada, ginagamit ito upang sukatin ang epekto ng mga
polisiya sa kapaligiran bago ito isakatuparan.

Pagtutulungan ng mga Institusyon

Malaki ang bahagi ng mataas na pagtatalagang pulitikal, maayos at gumaganang mga
institusyon, at pagkakaisa ng mga ahensiyang ito sa pagtamo ng sustainable
development ng bawat bansa.

Halimbawa:

Ang responsable sa paghahanda at implementasyon ng pambansang estratehiya para

sa sustainable development ay ang National Commission on Sustainable
Development na pinamumunuan mismo ng punong ministro ng Finland.

Pag-aralan Natin!
Mga Polisiya at Estratehiya Batay sa Limang Prinsipyo
Ipagpatuloy natin ang pag-aaral.

Panlokal na Pamamahala
Ang mga pangunahing prinsipyo at direksiyon ay dapat binubuo ng pambansang
pamahalaan, subalit ang mas detalyadong pagpaplano, implementasyon, at
pagsubaybay ay dapat nasa mababang antas ng pamahalaan kasama ang pagbibigay
ng angkop na kapangyarihan at kagamitan o resources.

Halimbawa:

Ang UK ay may shared framework para sa sustainable development (ang One Future,
Different Paths) na nagtatakda ng pare-parehong layunin para sa England, Scotland,
Wales, at Northern Ireland, subalit hindi isinasantabi ang lokal na antas at pagkakaiba-
iba ng pagkilos.

Partispasyon ng mga Stakeholder

Ang aktibong pagsali ng mga stakeholder tulad ng mga negosyante, unyon ng mga
manggagawa, NGO, at mga katutubo sa mga pagbabago at implementasyon ng mga
pambansang estratehiya para sa sustainable development ay dapat likas na katangian
ng isang magandang polisiya.

Halimbawa:
Ang Government Council for Sustainable Development ng Czech Republic ay
kinabibilangan ng mga pamahalaan, negosyante, iskolar, NGO, at ibang stakeholder at
nagsisilbing umbrella group para sa pagbubuo, implementasyon, at pagbabago ng
pambansang estratehiya para sa sustainable development.

Mga Indicator at Target

Ang paglalagay ng mga quantitative indicator at target ay mahalaga at nakatutulong sa
pag-alam ng tunay na kalagayan o sitwasyon.

Halimbawa:

Sa Ireland, kasama sa ginawa ng pamahalaan upang makabuo ng mga indicator ay ang

paglalagay ng green national accounts at satellite accounting approaches para tulungan
ang kanilang economic accounts.

Pagmamasid at Pagtataya
Ang mga pambansang estratehiya para sa sustainable development ay dapat nag-e-
evolve habang dumarami ang impormasyon tungkol sa priyoridad, teknolohiya, at
polisiya upang mapagtagumpayan ang mga problema.

Halimbawa:

Ang Austria ay may Learning Strategy na nagbibigay-pansin sa pag-uulat at

pagpapahayag para mas malawak ang partisipasyon sa pagbabago at implementasyon
ng pambansang polisiya para sa sustainable development.

Pag-aralan Natin!
Mga Estratehiya ng Pilipinas sa Pagtamo ng Sustainable Development
Ang tunguhin ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD) ay matamo
ang malago o maunlad na ekonomiyang may sapat na proteksiyon sa biological
resources, diversity, at ecosystem at pangkalahatang kalidad ng kapaligiran.

Ang PSSD ay may ipanatutupad na mga estratehiya. Layunin nitong lutasin at itugma o
ibagay ang iba-iba at salungatang isyung pangkapaligiran, pang-ekonomiya,
pandemograpiko, at pangkalikasan.

Ang mga estratehiya ay kinabibilangan ng:

 Integrasyon ng pangkapaligirang konsiderasyon sa pagbuo ng desisyon

 Wastong pangangalaga ng mga likas na yaman
 Reporma sa property rights
 Rehabilitasyon ng masamang-lagay ng ecosystem
 Pagpapatatag ng residual management sa industriya (pagkontrol sa polusyon)
 Integrasyon ng mga pampopulasyong malasakit at kagalingang panlipunan sa
pagpaplano
 Paghikayat ng pag-unlad sa mga pook-rural
 Promosyon ng pangkapaligirang kaalaman
 Pagpapatatag ng pakikilahok ng mga mamamayan

Pagnilayan
 Ano ang pinakapuso o pinakaesensiya ng sustainable development?
 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa o makabahagi sa sustainable
development program para sa Pilipinas, ano ang pinakamakabuluhang polisiya
at estratehiya ang ipanunukala o idaragdag mo? Bakit?

Buod
Noong 1992, nagpahayag ng pagsang-ayon ang mga bansang kasapi ng UN
Conference on Environment and Development na bumuo ng kanilang pambansang
estratehiya upang matamo ang sustainable development programs. Noong 2001,
bumuo ang Organization for Economic Cooperation and Development ng patnubay para
sa paggawa ng pambansang estratehiya. Ang mga kategoryang ito ay nagsasilbing
gabay ng mga bansa sa pagbubuo at pagbabantay ng implementasyon ng kani-
kanilang estratehiya. Kasama rito ang integrasyon ng aspetong panlipunan sa
konsiderasyong pang-ekonomiya at pangkapaligiran. Sa Pilipinas, may ipanatutupad
ring mga estratehiya. Layunin nitong lutasin at itugma o ibagay ang iba-iba at
salungatang isyung pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pandemograpiko, at
pangkalikasan.

END OF 1ST QUARTER

You might also like