You are on page 1of 2

4:

AUDIO VIDEO
Ted Failon: Arestado po sa buy-bust
operation ang isang barangay kagawad at
kanyang kapatidsa San Pablo city, Laguna.
Ang kagawad pa raw ang nagsisilbing lookout
ng grupo. Exclusive, nagpapatrol, Dennis
Datu.

STINGER

(SILNAT): Buy-bust operation RAW: Buy-bust operation

Datu (VO): Target lang sana ng buy-bust ang


umano’y drug pusher na si Magtanggol,
Alimagno, pero ikinagulat ng mga pulis nang
biglang lumitaw ang kanyang kapatid na si
Nimpha Aumentado, barangay kagawad ng
San Gregorio, sa San Pablo city, Laguna.
Kaya maging ang kagawad, inaresto na rin.
Isinagawa ang operasyon matapos ituro si
Magtanggol ng mga naunang naaresto na siya
ang supplier ng shabu.

(SOT):
LEAD-IN: Nagtaka po ang ating…
LEAD-OUT: …parehas na sasakyan.

Datu (VO): Sa cellphone na nakumpiska sa


kagawad, nadiskubre na siya pala ang
nagsisilbing mata ng grupo laban sa kilos ng
mga pulis. Nakita rin sa text message ang
pag-alerto ng kagawad sa mga kasamahan sa
pagbebenta ng droga, nang makipagpulong
ang hepe ng pulisya sa barangay council.

(SOT):
LEAD-IN: Si Nimpha po…
LEAD-OUT: … lumulutang na po ang
kanyang pangalan.

Datu (VO): Pitong sachet ng shabu ang


nakumpiska sa magkapatid. Tumanggi
magbigay ng pahayag si kagawad, pero
umamin naman ang kanyang kapatid sa
pagbebenta. Kinasuhan na ang magkapatid ng
paglabag sa Republic Act 9165.
4:

Datu (PKG): Inirekomenda na ng San Pablo


city police sa DILG na masibak sa pwesto ang
naarestong barangay kagawad, habang
patuloy pang iniimbestigahan kung may iba
pang mga barangay officials na sangkot sa
bentahan ng iligal na droga. Dennis Datu,
ABS-CBN news, San Pablo city, Laguna.

STINGER

You might also like