You are on page 1of 4

Lakandiwa:

Ako po’y inyung lakandiwa, nasa inyung harapan


Galing pa po sa malayo, buhat pa sa Hilatan
Paaralan na nabibilang, sa syudad ng Guihulngan
Ako’y bumabati sa sa inyu mga kagalang-galang
Taglay ko rin ang pag-asang balagtagasa’y magtagumpay
Patimpalak sa bigkasa’y mga makatay mahusay.Sa paligsahang ito kat’wiran ang kanilang taglay
Captain America Vs. Aliguyon; sino ang karapatdapat na maging bayani ngayon?

Captain America: Captain America!


Aliguyon: Aliguyon!
Lakandiwa:
Paksang aking ilalatag patiwari mahalaga
Pag-uusapan dito ay karapatan ng dalawa
Maging bayani, sila’y karapat-dapat ba?
Itong banyaga? o itong mula sa ating bansa.
Kaya ang inyong lakandiwa ay muling nag-anyaya
Dalawang mambibigkas, na mahuhusay at kilala
Sanay salubungin ninyo nga palakpak ang dalawa
Panig na ihaharap nila suriin at magpasya

Captain America:
Mula sa tindig at kisig ng pangangatawan
Halata namang, kaya n’ya tayong ipaglaban
Galing nya’t husay makikita sa pakikapaglaban
Tiyak kong pagiging bayani ay kayang panindigan
Captain America sa ating makabagong panahon
Tulay sa pagpapatibay ng bansa at mga nayon
Ang Amerika’t Pilipinas titibay ang koneksyon
Ano? Kaya ba itong gawin ng iyong Aliguyon?

Aliguyon:
Kung katapangan at kakayahan ang pag-uusapan
Si Aliguyon na ang tiyak nating maaasahan
Nasa ating sariling bansa ating matatagpuan
Siya’y tinay na nararapat para sa kabayanihan
Sa modernong panahon at makabagong henerasyon
Ang kabataan man sa teknolohiya
Banyagang bayani mo ay hindi na namin kailangan
Pagpapatibay ay kaya naming gawan ng paraan
Captain America:
Ano ngayon, kung bayani ko’y mula sa ibang bansa
Taglay namang kapangyarihan sa iba’y di Makita
Sa ating modernong teknolohiya siya ay nalikha
Ang sundalong may prinsipyo ang kailangan ng bansa

Aliguyon:
Bakit mob a iniidulo si Captain America
‘Di naman natin kailangan ang mga banyaga
Nakalimutan mong noon tayo’y nasasakop nila?
Itong ating bansa’y inalipin ng mga banyaga
Paggiging Pilipino ay iyo ng kinalimutan
Dapat tangkilikin ang ating sarling panitikan
Bansang ating sinilangan bansang ating kinagisnan
Tatak Pilipinas nakabaon sa kanyang pangalan

Captain America:
Banyaga na kung banyaga may ambag naman sa ating bansa
‘Di maipagkaila galing kakailanganin
Upang tuluyang malutas ating mga suliranin
Captain America dapat na gawing bayani natin
Lahat nalang kayo ay puro natin pinagmulan
Pag-usapan naming natin an gating kasalukuyan
Kilalang kilala s’ya ngayon ng mga kabataan
Ang Aliguyon mo ba’y kilala ng ating bayan?

Lakandiwa:
Ating ng natunghayan mga makatang maglalaban
Nagmula pa sa bayang kanilang kinabibilangan
Itong isa ay nagmula sa Barangay Hibaiyo
Ito namang magandang dalaga’y sa Basak dumayo

Captain America:
Walang katumbas na kapangyarihan siya ay may taglay
Sa ating bansa kayan n’yang ialay ang kanyang buhay
Pantay rin makipaglaban sa kanyang mga kaaway
Tiyak sa labanan walang duda s’yay magtatagumpay
Karapat-dapat na bayani si Captain America
Pagkat siya ay banyaga’t maraming alam sa taktika
Ang kanyang kalaban ay kayang kaya n’yang mapatumba
Sa kanyang isipan at diwa s’ya ay palaging handa
Aliguyon:
Sa wika, tayo ay kanilang naiimplwensiyahan
Karapatang Pilipino’y dapat nating ipaglaban
Panitikan, wag sana natin itong kalilimutan
Sa pagka Pilipino’y, ito ang pagkakilanlan
Pantay kung makipag-away sa kanyang mga kalaban
Kapakanan at dignidad ay kanyang iniingatan
Kaya niyang ipaglaban bansa nating kinagigisnan
Kahit kamataynman ang kanyang maging hantungan
Lakandiwa:
Naihayag na ang panig ng dalawang magtatalo
Kayo’y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo
Sila’y papalaho sa impormasyon at mga isyu
Kaya’t inyong pagtimbangin upang inyong mapagsino

Captain America:
Mga hinaing ko’t opinion pakinggan mong mabuti
Captain America nararapat na maging bayani
Taglay niyang katangian di kayang higitan nino man
Yang Aliguyon mo ay kayang kaya nyang matumbasan
Huwag puro pagkakakilanlan ating pag-usapan
Pagkat tayo’y nasa modernong panahon, kaibigan
Katawan kayang ialay tayo lang ay protektahan

Aliguyon:
Anong sabi mo? Yan ba’y isang pagmamahal sa bayan
Ikaw nga pantasya’t banyaga pay sinusuportahan
Ipinariwara mo na ang kayamanan ng bayan
Aliguyon ang nararapat sa posisyon na iyan
Bakit mo ba kakalimutang ang mga nakaraan?
Kung sa nakaraan, tayo’y nabigyan ng kalayaan
Mga mahal nating bayani ay nakipagpatayan
Ninanais n kalayaan natin ay makakamtan
Capatin America:
Bakit ba mahalaga sayo ang pagkakakilanlan?
Matagal nayan at karapat-dapat nang kalimutan
Sapagkat itong bansa natin ay walang kaunlaran
Dahil patuloy tayong nabubuhay sa nakaraan

Aliguyon:
Si Aliguyon ang dapat na maging bayani ngayon!

Captain America:
Captain America ay dapat na gawing bayani na!

Lakandiwa:
Saglit munang pinipigil nitong inyong lakandiwa
Pagtatalo ng dalawang mahuhusay na makata
Sapagkat itong dalawa’y tila nag-iinit kapwa
Mga inilahad na katuwiran hindi masawata
Tumatatak ito maging sa ating puso at diwa
Sadyang ang ating bansa’y puno ng mga salinlahi
Saan mang sulok may nagkakaisa’t may minimithi
Ngayong napakinggan na natin ang dalawang makata
Malalaman na ninyo ang hatol ng lingkod n’yong aba
Isadiwa kanilang opinyon sa napiling paksa
Kayo’y umibig man, at manalig sa mga banyaga
Huwag kalimutan ang ating sarili’t inang wika
Isiping mabuti ang kapakanan ng ating bansa

Lakandiwa: Leo B. Tamban


Captain America: Develyn D. Barnido
Aliguyon: Jelaika T. Berangberang

You might also like