You are on page 1of 6

Crisanto C.

Yco MAEd 1-A Ika – 2 ng Pebrero, 2019

I. Panimula

Sa ating lipunan isa na siguro sa mga pinakamalaking isyu ngayon


ang mga usapin patungkol sa mismong diskriminasyon sa pagpili ng kasarian. Unang
tingin pa lang sa akdang “Dalawa ang Daddy ni Billy” ni Michael P. Guzman ay papasok
na agad sa isipan na ang kwentong ito ay tungkol sa mga kilala nating mga LGBT.
Madalas at karamihan ngayon sa ating lipunan ang pagdami ng mga ganitong uri tao na
pinaglalaban ang nais makamtan na karapatan at pagtanggap sa mismong lipunan.

II. Buod

Pinagmamalaki ng bata sa kanyang sarili na dalawa ang kanyang


tatay. Ang isa ay tinatawag niyang “Daddy” at ang isa naman ay tinatawag niyang
“Papa”. Bawat araw ay masaya ang kanilang pamilya. Simula pa lang ng araw ay
nagpapatugtog na ng kanta ang kanyang Daddy at nilalapatan nila ito ng sayaw.
Katulad din ng isang karaniwang mag-anak ay sabay-sabay silang kumakain na iisang
pamilya. Sa isang silid kung saan natutulog si Billy ay nakalagak doon ang isang
larawan ng kanyang ina. Alam ni Billy na iyon ang kanyang ina subalit ito ay wala na.

Libangan ni Billy ang magbisikleta sa parke kasama ang kanyang


Daddy at Papa. Sa pagsisimula ng kanyang pag-aaral ay nagagalak si Billy dahil
nakikita niya na iisa lamang ang mga tatay ng kanyang kamag-aral sapagkat sa kanya
ay dalawa ang kanyang tatay.

Subalit isang araw ay umiiyak si Billy ng sunduin siya ng kanyang


Daddy at tinanong kung bakit ito umiiyak. Sinagot naman ito ng kanyang guro na
nakipag-away ito sa kanyang kamag-aral. Pinaliwanag naman ni Billy na lagi siyang
tinutukso ni Jay, na kamag-aral, na bakla daw ito dahil sa kadahilanang bakla daw ang
dalawa niyang tatay. Kaya niya ito nasuntok at itinulak sa playground.

Tinanong siya ng kanyang Daddy kung alam niya ba ang kahulugan


ng Bakla, subalit sinagot niya naman itong hindi. Pinaliwanag ng kanyang Daddy na
“Bakla ang mga tawag ng marami sa mga boys na nagmamahal ng ibang boys.”
Tinanong naman ni Billy na masasabi bang bakla din siya dahil lalaki din siya at pareho
niyang mahal ang kanyang dalawang Daddy, ngunit pinaliwanag naman ito ng kanyang
Tatay na may iba’t ibang uri ng pagmamahal. Mahal ni Billy ang kanyang Daddy at
Papa dahil magulang niya ito at mahal din siya dahil nila siya, subalit ang tinutukoy
niyang pagmamahal ay tulad ng isang mag-asawa.
Sinambit ng kanyang Tatay na lubos niya itong maiintindihan kapag
ito ay nasa wastong gulang na, subalit may mga tao pa din tulad ng nanay ni Jay na
kahit matanda na ay hindi parin naiintindihan ang mga katulad ng mga Tatay ni Billy. Sa
katapusan ng kwento ay natanong ni Billy sa kanyang Daddy kung magiging bakla din
ba ito paglaki niya, sinagutan niya naman ito ng isang pahayag na “ Billy, paglaki mo,
puwede kang maging anumang gusto mong maging!” at masayang niyakap si Billy ng
kanyang dalawang Daddy.

III. Sangkap ng Maikling Kwento

1. Tauhan

Billy – isang bata na may dalawang tatay. Napansing naiiba ang


kanyang pamilya dahil nakikita niya sa karaniwang pamilya na mayroon lamang itong
isang nanay at isang tatay.

Daddy – ang pinaka-tatay ni Billy na kung saan ay maituturing bakla


dahil pakikisama niya sa isa pang lalaki, na tinatawag ngayon ni Billy bilang Papa,
pagkatapos mamatay ng Nanay ni Billy.

Papa – isa rin sa mga tinuturing tatay ni Billy na kasama sa bahay at


masasabing asawa ng Daddy ni Billy pagkatapos mamatay ng kanyang nanay.

Nanay ni Billy – inilarawan sa isang retrato na magandang babae na


may kalong na sanggol at masasabing siya ang nanay ni Billy. Hindi bianggit ang
pinaka eksaktong nangyari sa kanyang pagkawala subalit masasabing patay na.

Jay – kamag-aral ni Billy kung saan ito ang tinulak at sinuntok niya sa
playground dahil sa panunukso nitong Bakla kay Billy dahil sa kanyang dalawang
Daddy.

Nanay ni Jay – nagsasabing bakla ang dalawang Tatay ni Billy.

Teacher Grace – nagkwento sa Daddy ni Billy kung bakit ito umiiyak


ng sunduin na siya sa paaralan.

2. Tagpuan

Bahay – Lugar na mailalarawan na masaya ang buong pamilya ni


Billy dahil kasama niya ang kanyang dalawang Daddy at tulad din ng karaniwang
pamilya kahit na walang kasamang ina ay sabay-sabay pa rin sila kumain ng kanyang
dalawang Tatay.

Paaralan – Lugar kung saan dito nagkaroon ng palaisipan ang


batang si Billy dahil iba sa karaniwang pamilya ang mayroon siya. Dito niya rin
naranasan ang magkaroon ng diskriminasyon at mamulat sa katotohanan patungkol sa
kanyang dalawang Daddy.

3. Banghay

a. Simula

Nagsimula ang kwento sa paglalarawan na dalawa ang tatay ni


Billy na kung saan Daddy ang tawag niya sa isa at Papa naman sa isa pa.

b. Saglit na kakikintalan

Tulad ng karaniwang pamilya, masayang namumuhay ang pamilya ni


Billy na parang normal na mag-anak. Sabay-sabay silang kumakain ng almusal,
tanghalian, at hapunan.

c. Papataas na aksyon

Nang magsimula ng mag-aaral si Billy napansin niyang naiiba ang


kanyang pamilya sa pamilya ng kanyang mga kamag-aral sa kadahilang dalawa ang
kanyang tatay di tulad ng iba na isa lang ang tatay.

d. Kasukdulan

Nang minsan sunduin si Billy ng kanyang dalawang Daddy ay


dinatnan nila itong umiiyak. At nabanggit nga ng kanilang guro na nakipag-away daw ito
sa kanyang kamag-aral dahil sa panunukso ng kanyang kaklase na bakla daw siya
dahil bakla daw ang kang dalawang tatay.

e. Pababang Aksyon

Pinaliwanag ng kanyang mga Daddy ang ibig sabihin ng bakla. Bakla


ang tawag sa dalawang lalaki na nagmamahalan na tulad ng isang mag-asawa.

f. Wakas

Sa katapusan ng kwento natanong din ng bata na magiging bakla din


ba siya katulad nila at mahinahon na sinagot naman ito ng kanyang Daddy na pwede
siya kahit ano pang kasarian ang pipiliin niya at sabay nila itong niyakap ng may ngiti sa
kanilang mga labi.

IV. Uri ng Maikling Kwento


1. Kwento ng Tauhan – Inilalarawan sa kwento ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsipagganap sa kwentong “Dalawa
ang Daddy ni Billy”.

2. Kwento ng Sikolohiko – Ipinadarama ng kwentong “Dalawa ang


Daddy ni Billy” sa mga mambabasa ang mga damdamin ng mga tauhan sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan nito.

V. Paningin

Kung bibigyan ng pansin ang pamagat ng mismong kwento ay


nakakaakit na itong basahin dahil maglalaro sa isipan mo paano at bakit naging dalawa
ang Daddy ni Billy. Papasok din sa isipan ang mga usaping pangkasarian. Sa panahon
ngayon ay isa na siguro sa mga talamak na isyu ang mga karapatang pangkasarian. Sa
patuloy na pag-ikot ng mundo ay patuloy din itong nagbabago. Sadyang humihiwalay
na ang ibang tao sa nakasanayan at nais ng pagbabago lalong lalo na sa ganitong
usapin. Makikita sa mga akdang ito ang paghihimagsik at pakikibaka ng mga kapatid sa
ganitong kasarian ang pagkamit nila ng pantay na pagtingin, kalayaan at karapatan na
nakakamit din ng karaniwang mamamayan. Hindi lamang Adan at Eva, kundi pwede na
rin ang Adan at Adan, at dalawang Eva ang pwedeng magsama sa iisang bubong
bilang pamilya.

VI. Suliranin

Sa mismong kuwento ang naging suliranin mismo ang hindi pantay na


pagtingin at pagtanggap sa lipunan ng mga katulad ng dalawang Daddy ni Billy na
kung saan kahit na wala naman silang ginagawang masama sa iba ay tila mababa at
nilalait pa rin sila ng iilan.

VII. Tunggalian

Tao laban sa Tao – Sa kwento ay ito ang pakikipagtunggali ni Billy sa kanyang


kamag-aral na si Jay na ang pinag-ugatan ng away ay dahil sa panunukso nitong bakla
sa kanya.

Tao laban sa kanyang Sarili – Sa kwento ay ito ang pagkakaroon ng palaisipan kay
Billy noong tumuntong na siya sa paaralan na ang karaniwang bata ay mayroon lamang
na iisang tatay at sa kanya ay dalawang Daddy. Isa pa ay yung pagdududa na baka
maging katulad din siya ng kanyang mga Daddy na bakla sa paglaki niya.

Tao laban sa Lipunan – Sa kwento ito ang pakikitunggali ng mga katulad ng mga
Daddy ni Billy sa ating lipunan dahil sa panghuhusga sa kanilang kasarian.
VIII. Bisa ng Akda

1. Bisa sa Pangkaisipan

Sa akdang “Dalawa ang Daddy ni Billy” ay naging palaisipan ang


pagkakaroon niya ng dalawang tatay. Nababago ng ganitong uri ng kwento ang
pananaw nila sa mga katulad ng mga Daddy ni Billy sa ating lipunan.

2. Bisa sa Pangdamdamin

Isang nakakaantig sa puso ang mga ganitong uri ng kwento, dahil sa


pagbibigay nila ng malungkot na karanasan sa kanilang hindi pantay na pagtingin sa
kanila ng iilan subalit nagbibigay inspirasyon upang ipahayag ang mga ganitong uri ng
kalayaan at karapatan sa kanilang mga katulad.

3. Bisang Pangkaasalan

Sa kwentong “Dalawa ang Daddy ni Billy” ay magbabago ang


pananaw, maging kaasalan sa pakikisalamuha sa mga katulad ng mga tauhan sa
kwento. Dahil sa kwentong ito ipapaalam sa atin ang mga hinaing at karapatan ng mga
tulad nila sa ating lipunan.

IX. Simbolismo

Billy – Sumisimbolo sa isang batang musmos na nais malaman ang


katotohanan sa likod ng kanyang pamilya. Gustong masagutan ang tanong na Bakit
hindi matanggap ng ating lipunan ang mga katulad ng kanyang mga Daddy.

Daddy at Papa ni Billy – Sumisimbolo sa mga kapatid na iba ang


kasarian na nais mabigyan ng karapatan, kalayaan at pantay na pagtingin tulad sa iba.

Jay at ng kanyang Nanay – Sumisimbolo sa mga taong mapanghusga


sa mga katulad ng mga Daddy ni Billy.

X. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Queer – Ang Kwentong “Dalawa ang Daddy ni Billy” ni


Michael De Guzman ay nauugnay sa teoryang querr kung sa sa kwentong ito iniaangat
ang pagtingin natin sa naiibang kasarian sa ating lipunan at ipinapakita din dito ang
pagkamit na pantay na pagtingin hindi lamang sa babae at lalake kundi sa mga
tinatawag na LGBT.
XI. Aral at Implikasyon

Nais ng mga kwentong tulad nito ang karapatan ng tao lalong lalo na
sa usaping pangkasarian. Layunin ng akdang ito na buksan ang mga mambabasa sa
pagtanggap at pagrespeto natin sa kanilang uri lalong lalo na sa ating pangkaisipan,
damdamin at asal kung paano tayo makikisalamuha sa tulad nila. Sadyang naiiba nga
sila subalit tao pa din sila nais mabigyan ng kalayaan at karapatan sa atin.

You might also like