You are on page 1of 2

1. Paano mo mailalarawan si Mr. Leeds?

Bakit nais ipakita o ibuking ni Ben Zayb ang


sikreto sa likod ng palabas niya?

-dahil puno raw ng pandaraya ni mr. leeds. gumagamit daw siya ng mga salamin.

2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais panoorin ito ng pangkat nina Ben Zayb.

-ang kakaiba sa kanyang palabas ay nabubuhay niya ang isang ulo na nagngangalang
imuthis. at nais nilang ibuking si mr. leeds na ang kanyang palabas ay puno ng
pandaraya.

3. Ano ang kadayaan sa palabas? Natuklasan ba ito ni Ben Zayb?

-ang kadayaan na tinutukoy nila dito ay yung paggamit daw umano ng salamin. hindi
nagtagumpay si benzayb sapagkat hindi niya ito tinignang mabuti sapagkat ang salamin
na kanyang hinahanap ay nasa ilalim lamang ng plataporma.

4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay sa kanyang buhay?

-Isinalaysay niya na nanggaling pa raw siya umano sa ika-apatnapung siglo sa panahon


ni Amasis.Ayon kay Imuthis, ipinagutos siyang patayin ni Gaumata, ang
salamangkerong impostorn sapagkat ayaw niyang ibunyang ni Imuthis na sila ay
mandaraya. Ginamit ng mga mananakop ang mga prayle dahil alam nilang sila’y
mapakikinabangan sapagkat ang mga prayle noon ay ang pinakamataas na posisyon
sa lipunan. Sila ay sinusunod ng mga gobernadorsilyo, kapitan heneral, guwardiya sibil
at iba pang may mga posisyon sa gobyerno. Kahit ang kapitan heneral, ang taong
kumakatawan sa hari ng Espanya, siya ay nasa ilalim pa rin ng mga Prayle dahil ang
mga Prayle ay mayroong kapangyarihang gawin ang kanilang mga kagustuhan. Takot
ang mga tao sa mga Prayle kasi sinasabi ng mga Prayle na kailangang sundin ang
kanilang sinasabi kung hindi sila ay hindi makakapunta sa langit. Itong pananakot na
hindi maligtas ang kaluluwa ay nakapagbigay ng kapangyarihan para masunod ang
kagustuhan ng mga prayle.

5. Kaninong buhay mo maihahambing ang buhay ni Imuthis?

-Maihahalintulad ko ang buhay ni Imuthis sa buhay ng mga bakla na tulad ko sapagkat


hindi kami nabibigigyan ng oportunidad na ipahayag ng malaya ang aming
nararamdaman. Ang mga tao ngayon ay tulad ng mga prayle noon, hindi man kami
isinumpa tulad ni Imuthis ngunit nararamdaman namin ang malamig na pagtanggap ng
mga tao sa lipunan na parang unti-unti na rin kaming pinapatay Tulad ni Imuthis,
kaming mga bakla ay nagmamahal rin kaya’t sanay bigyan niyo kami ng karapatan na
mahalin kung sino at ano ang gusto namin. And I thank you!

6. Bakit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa isinalaysay ni Imuthis?


Sapagkat nabanggit ni Imuthis ang pagmamalupit noon sa kanya ng mga prayle
maging ang pagmamalabis, mapagsamantala at pagkukunwari ng mga prayle na
nakaapekto sa mga prayle sapagkat nakita nila ang totoong nangyayari sa Pilipinas.

7. Kung ikaw si Padre Salvi, Ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni


Imuthis.

-Makakaramdam ako ng kahihiyan at kawalang dangal. Sapagkat ako’y isang prayle.

8. Bakit nais ipahinto nina Don Custodio at mga prayle ang palabas?

-Sapagkat nagpapakita ito ng Kawalang dangal at Kawalang-relihiyon. At nais talaga


nilang ibuking si Mr. Leeds ngunit hindi nila ito nagawa.

9.Sa iyong palagay, makatwiran ba ang pagpapatigil ng palabas?

-Hindi. Sapagkat wala namang ordinansa ang nagbabawal para sa mga ganitong
palabas.

10. Nagtagumpay ba ang pangkat sa pagpapatigil ng palabas? Bakit oo bakit hindi?

-Hindi, sapagkat hindi nila nabuko ang ginawang pandaraya ni Mr. Leeds bukod pa
riyay naapektuhan sila sa sinabi ni Imuthis kumbagay convincing ang kanyang mga
sinabi.

You might also like