You are on page 1of 1

NICK VUJICIC

Ang Pagtatagumpay ng Lalaking may Kapansanan

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian, personalidad, kakayahan, at kahinaan.


Maaaring malakas ka sa ganitong aspeto samantalang mahina ang iba, o di kaya naman ay
mahina ka sa ibang bagay subalit iyon ang kalakasan ng iba. Maaari rin namang ang mga bagay
na meron ka ay wala sa iba at ang mga bagay na meron ang iba ay wala sa iyo. Dahil dito,
masasabi natin na malaki ang pagkakaiba-iba natin sa isa’t isa, at ito ay nangangahulugang
espesyal ka. Ang iba sa atin ay may mga kakulangan sa mga bahagi ng katawan samantalang ang
iba ay kompleto. Subalit, ang kakulangang iyon ay di naging hadlang sa kanila upang sila ay
magtagumpay. Naging motibasyon at instrumento nila ang kakulangang iyon upang marating
nila ang kanilang hangarin sa buhay. Kilalang-kilala natin si Nick Vujicic. Isang lalaki na may
kapansanan, ngunit nagamit niya ito sa magandang paraan. Kung ang bawat isa sa atin ay
gagawing motibasyon ang buhay ni Nick, maaari rin tayong maging isang matagumpay na tao.

Pictorial Essay

Honey Shane Mores Mrs. Ofelia Vitto

You might also like