You are on page 1of 7

Sawikain

Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa:

1.) Bukas ang Palad = Matulungin


Ang matulungin ay ang palaging handang tumulong na
ayon sa iyong sarili o kusa at handang tumulong sa kahit anong
panahon o oras at handa rin magbigay ng tulong,serbisyo o
“assistance”

2.) Kabiyak ng Dibdib = Asawa


Ang asawa ay tumutukoy sa pagpapakasal o kaya
sa isang pares ng mga tao na nagsasama dahil
sa kasal o matrimonyo.

3.) Kilos Pagong = Mabagal


Ang “kilos pagong” ay idiomatikong pananalita na
ang ibig sabihin ay mabagal kumilos hindi lang sa
isang pagkakataon o bagay kundi sa halos lahat ng
pagkakataon at bagay.

4.) Pag-iisang Dibdib = Kasal


Ang kasal ay isang banal
na seremonya na pinagsasaluhan
ng babae at lalaki na
nangangakong mamahalin,
aalagaan, at hindi iiwan ang
isa't isa sa harap ng Diyos
sa hirap at ginhawa. Isa
itong sakramento na nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng
simbahan at ni Hesukristo na siyang bumabasbas sa mga
ikinakasal.

5.) Nagsusunog ng Kilay =


Masipag mag-aral
Mahalagang mag-
aral ng mabuti upang matubusan ang
bawat patak ng luha, at pawis na
tumagaktak sa mukha ng iyong magulang. maipagmamalaki mo ang
sarili mo pati na rin ang iyong mga
magulang. para rin ito sa ikauunlad
mo sa iyong kinabukasan. at upang
maging kasiya siya ang lahat ng
taong tumulong sayo na makapag-
aral.
Palaisipan
Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok
ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin
ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa
isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga
palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa
seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang
kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa
matematika.

Halimbawa:

1. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan


ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging
tatsulok. Ano ito?

Sagot: pizza pie

2. Baboy ni Pedro, balat ay pako.

Sagot: langka
3. Sinampal muna bago inalok.

Sagot: sampalok

4. Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao.

Sagot: sigarilyo

5. Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at


unahan ng globo.

Sagot: titik “G”


Salawikain
Ang mga salawikain ay mga kasabihan o kawikain na nagbibigay o
nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal at sa
pakikipagkapwa.

Halimbawa:

1. “Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.”

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang


gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan
upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may
mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang
mangailangan ng pera.

2. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”


Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos,

kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo

ang mimithing biyaya.

3. “Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi


umaayaw.”

Kahulugan: Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o
magtagumpay, dapat patuloy lang sa buhay hanggang sa makamit ang
inaasam.
Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran. Tayo ang gumagawa ng
desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May kakayahan tayong
magsumikap upang marating natin ang ating nais marating kasama ng
panalangin.

4. “Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang


tuloy.”
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa
bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

5. “Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.”

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din


ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay
tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

You might also like