You are on page 1of 14

STI COLLEGE CALOOCAN

109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

MGA DAHILAN NG MGA MENOR-DE-EDAD SA PAGSALI NG

FRATERNITY

Sherwin Bautista

Sairah Bernabe

Jericho Canchela

Kenchi Ricarte

Rodelito Tangonan
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa henerasyon ngayon, patuloy ang pagbuo ng fraternity kung saan

nahihikayat ang mga menor-de-edad na sumapi sa mga grupong gaya nito na kung

saan ay maaring dumanas sila ng pisikal na pananakit na maaaring ikapahamak ng

kanilang buhay ayon kay Resula noong taong 2017 ang salitang fraternity ay galing

sa salitang latin na Frater na nangangahulugang kapatiran o samahan. Ngunit bago

ka maging miyembro ng kapatiran kinakailangan mo munang makapasa sa mga

pagsubok, initiation o hazing. Ang problema nga lamang ay hindi lang pag-aabuso,

pagpapahirap, at pagpapahiya ang puwedeng maranasan ng biktima. Maari rin

niyang maranasan ang matulog ng panghabang buhay o tinatawag na pagkamatay.

Maraming nagsasabi na isa sa mga kabutihang dulot ng pagsali sa fraternity ay ang

pagkakaroon ng bagong kaibigan at para maging in sa mata ng ibang tao

nakakatulong deumano ang pagiging miyembro ng fraternity dahil puwede ka

magkaroon ng proteksyon sa iyong sarili.sa mga malalaking eskuwelahan ay

maraming mga organized group o fraternities na pagpipilian ang mga estudyante

kaya naman kung ikaw ay hndi miyembre ng kahit anong kapatiran maaari ka

nilang pagtripan at maging kawawa.ngunit,ang isa sa pinakamalaki at matinding

dahilan na din siguro ay ang kagustuhang maging sikat o popular sa eskuwelahan.

Kapag miyembro ka nga naman ng isang kapatiran, ang iyong pangalan ay may

dating sa mga tao o estudyante sa paaralan.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

Pangkalahatang Tanong-Pananaliksik

Ano-ano ang mga dahilan ng pagsali ng mga menor-de-edad sa Fraternty?

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito maintindihan nang husto ang fraternity, mga

dahilan kung bakit nahihikayat ang mga menor-de-edad na sumali sa organisasyong

ito at ang mga paraan ng pagsali sa isang grupong gaya nito na kung saan may

benipisyo at epekto na maaring maidulot nito sa gustong maging miyembro at ibang

tao.

Pangkalahatang Layunin

Sa kasalukuyang pag-aaral, inaasahan ng mga mananaliksik na masasagot

ang mga sumusunod na layunin:

 Matukoy ang maaaring maidudulot ng fraternity sa buhay ng isang menor-

de-edad

 Masuri ang mga layunin ng mga samahang ito upang matukoy kung dapat

bang gumawa ng mga batas upang kontrahin ang mga ito.

 Maisa- isa ang mga dahilan ng mga menor-de-edad na nahuhumaling sumali

sa mga ganitong klase samahan

 Matukoy kung maari ba itong makakasira sa pag aaral ng isang menor-de-

edad o makatulong.
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
 Makabuo ng mga solusyon upang maiwasan at matigil na ang mga maling

nagagawa nito sa mga menor-de-edad

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at kapaki-pakinabang

makatutulong sa mga sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral upang mapalawak

at mas maunawaan nila ang kahulugan ng samahang fraternity, magamit sa pag-

aaral at maibahagi sa mga kapwa mag-aaral upang maiwasan ito.

Para sa mga Guro

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga guro upang mas magabayan

ang kanilang estudyante at maituro ang mga maaaring kalagayan ng sasali sa

samahang fraternity.

Para sa mga Mananaliksik

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mananaliksik upang masagot

ang mga katanungan ng mga tao pati na ang mga mananaliksik na kabilang din sa

menor-de-edad na kakaunti ang kaalaman sa fraternity.

Para sa mga Administrador

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga administrador upang maituro

ang tamang kaugalian at kung ano ang dapat iwasan ng mga mag-aaral.
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin lamang ang mga dahilan ng mga menor-

de-edad sa pagsali sa fraternity at ang mga maidudulot nito sa kanilang buhay.

Isinasagawa ang pag aaral na ito sa STI College Caloocan. Sinimulan noong Hulyo

taong kasalukuyan at inaasahang matapos sa Oktubre taong kasalukuyan.

Katuturan ng Salita

Hazing- ang kadalasang initiation rite ng mga fraternity sa mga neophyte o iyong

mga bagitong gustong maging miyembro ng "kapatiran". Bernardo (2017)

Batayang Konseptwal

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga dahilan

ng mga menor-de-edad sa pagsali sa fraternity at ang mga naidudulot nito sa

kanilang buhay.
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Balangkas Konseptwal

Input Proseso Output

Gagamitin ng mga Ang proseso ng Mungkahi ng mga

mananaliksik ang mga pananaliksik na ito ay mmananaliksik na makabuo

sumusunod na teksto: ang pagsusuri ng ng isang vlog na

- ANG MABUTI AT teksto batay sa uri nito makatutulong maipakita ang


MASAMANG DULOT
NG PAGSALI SA na Impormatibo, mga posibleng dahilan at
FRAT, ALAMIN!
Deskriptibo, mangyari sa mga menor-de-
- I JUANDER: Ano ang
dahilan ng pagsali ng ilan Naratibo, Persweysib, edad kung gugustuhin
sa mga fraternity at
gang? Prosidyural at nitong mapasali sa

- EPEKTO NG Argumentatibo samahang fraternity.


FRATERNITY

- Ano nga ba ang epekto ng


fraternity at sorority sa
karakter ng mga kabataang
Pilipino?

- Top 10 dahilan kung


bakit sumasali and isang
estudyante sa Fraternity
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura buhat sa

lokal at banyagang mga sulatin na makatutulong sa pagpapaunlad ng pag-aaral na

ito.

Lokal na Literatura

Ayon kay Nicdao (2008), Maraming maaaring dahilan ang mga Menor-de-

edad sa pagsali sa fraternity. Isa na dito ang belongingness o ang pagkakaroon ng

kaibigan at ayon sa kanila nakikita talaga nila ang suporta sa isa’t-isa. Maliban dito,

ang pagpapalakas ng loob o self-confidence dahil sa mga pagsubok na madadaanan

sa pagsali sa fraternity, lumalakas ang kanilang loob lalo na kung malagpasan na

nila ang initiation rites o hazing. Mayroon ding nakukuhang ugali ang mga sasabak

sa pagsubok tulad ng pagiging wild, astig, sabay sa uso at sobrang bilib sa sarili at

hambog, Ito ang mga negatibong ugali na makikita sa karamihan na miyembro ng

fraternity kaya nagbago ang pananaw ng mga mamamayan dito. Ngunit para sa mga

kasapi dito, ito daw ay talagang nakakatulong sa kanilang mga sarili.

Batay sa sinabi ni Rivera (2008), isang blogger na may sariling opinyon sa

nasabing fraternity. Ang mga fraternity ay may iba't ibang layunin. Una, meron

silang ipinaglalaban at makabuluhang ibinubuhay. At isa naman ay may mga

fraternity naman na gusto lang bumuo para gamitin ang pwersa ng fraternity upang

gamitin sa pang-aabuso at ayon kay Rivera ito ay dapat iwasan. Hindi dahil masama
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
ang kapangyarihan kundi dahil ikaw ay dapat lumakas ikaw pa ay magiging

mahina.

Ayon naman kay Bajade (2008), isang matalinong alumni ng UP ay

gumawa ng isang blog tungkol sa fraternity. Kung hindi lang naging isyu, usap-

usapan o sumikat ang tinatawag nilang hazing na isang uri ng pagsubok na dapat

pagdaanan na gustong sumali sa samahan na gustong salihan. Naging isyu ang

hazing dahil mayroon nang napahamak ang buhay o sumakabilang buhay na.

Banyagang Literatura

Madaming mga posibleng magawa na krimen ang samahang fraternity

ngayon. Ayon kay Bongalon (2015), ang fraternity ay para sa mga lalaki at sa

pakikipagsalamuha nito samantala ang Sorority naman ay samahan ay para sa mga

babae at sa pakikipagsalamuha din nito. Sa samahang Sorority, ang kadalasang

problema dito ay sa kanilang pisikal na itsura at sa Fraternity naman ay mas mataas

ang pagkakataon na sila ay makagawa ng krimen. Ang mga bagong miyembro ay

may pagsubok na dadaanan at ang kadalasang ginagawan ng krimen ay ang mga

miyembro din ng samahan.

Ayon kay Pike (2000), Mas tumataas ang mga pag-aaral tungkol sa

samahang fraternity dahil din sa pagtaas ng mga problemang naidudulot nito.

Marami raw na masamang epekto ang samahang ito lalo na sa mga kabataan dahil

ang mga kadalasang kasali sa samahang ito ay mga estudyante.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Villa (2008), isa sa mga benepisyo ng fraternities ay ang

madaling makakuhang trabaho. Oo, mahirap ang maghanap ng trabaho ngayon

ngunit may iba namang paraan kung paano mapadali ang pagkuha ng

trabaho. Maaring sa pag-aaral ng mabuti sadahilang kapag maganda ang grado ay

maraming tatanggap sayo, marami rin kasing nasisira ang kanilang pag-aaral dahil

sa samahang ito, kapag nasira ang iyong pag-

aaral madali ka pa kayang makakakuha ng trabaho?

Ayon naman kay Baer (2009), sabi nila ang fraternities ay tumutulong sa

kapwa nila kasama, pero sa panahon ngayon nakatulong kaya sila? Maraming

lumalabas sa mga lathalain na maraming na mamatay dahil sa hazing. Sa tingin

niyo ito ba sila na nakatulong sa kapwa nila kasama? Makadudulot sila ng

kasiraan sa mga kabataang walang malay makakasira din ito sa ating pag-aaral.

Ang pagsali sa mga ilegal na fraternity ay maaring maging mabuti o masama sa

sinumang sasali dito. Ngunit maaring depende na rin siguro yun sa tao kung paano

niya panghawakan ang ano mang sitwasyon patungkol sa pagsali niya sa mga ilegal

na fraternity.

Dahil sa pananakit ng katawan, napilitan ang isang 16-anyos na high school

student sa Urdaneta City, Pangasinan na aminin sa kanyang ama ang hirap na

dinanas sa isinagawang initiation ng sinalihang fraternity. Sa ulat ni Alfie Tulagan

ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabi ng

binatilyo na itinago sa pangalang Jay-R, na napilitan siyang sumali sa fraternity

dahil pinagbantaan ang kanyang buhay. Kwento ng biktima, isang kapwa mag-aaral
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
sa Camantiles National High School ang nanghikayat sa kanya na sumali sa

fraternity. Sinubukan umano niyang tumanggi pero tinakot siyang bubugbugin at

pinagbantaan ang buhay kaya napilitan na siyang sumali. Mula sa paaralan,

piniringan umano at dinala si Jay-R sa kalapit na bayan sa Manaoag kung saan

isinailalim na siyang sa hazing. Ayon sa biktima, nakatikim siya ng mga sampal at

hambalos sa katawan mula sa tinatayang 20 miyembro ng fraternity. Kaugnay nito,

nagbabala naman ang Department of Education na mananagot ang pamunuan ng

paaaralan kapag napatunayan na nabuo ang fraternity sa loob mismo ng

eskwelahan.

Banyagang Pag-aaral

Marami nang balita patungkol sa mga krimen na ginawa ng samahang

fraternity. Ayon sa Anti-Hazing Act of 1995, Republic Act No. 8049 ay ang Anti-

Hazing Law. Sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasailalim sa hazing o

initiation ang miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon.

Mayroong katapat na kaparusahan ang lalabag sa batas na ito. Isinagawa ang batas

na ito dahil sa pagkamatay ni Leonardo Villa noong 1991.

Sa pag-aaral nina Marshall K. Cheney, LaNita W. Harris, Mary J. Gowin at

Jamie Huber noong Pebrero taong 2014. Ang mga miyembro ng fraternity at

sorority ay may mas mataas na antas ng paninigarilyo kaysa sa iba pang mga mag-

aaral sa kolehiyo. Sinusuri ng sistematikong pagsusuri na ito ang mga pag-aaral na

kasama ang pagiging miyembro ng fraternity o sorority sa kanilang pagsisiyasat sa

mga pag-uugali sa paninigarilyo.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Mga Kalahok/Pamamaraan: Ang mga pag-aaral na nakilala sa MEDLINE,

PsychInfo, JSTOR, CINAHL, ERIC, at Google Scholar na nalathala sa pagitan ng

2003 at 2013 ay kasama kung isinama nila ang fraternity at pagiging kasapi ng

sorority, ay isinulat sa Ingles, na inilathala sa isang journal na sinuri ng peer at

nagkaroon ng paninigarilyo bilang variable na kinalabasan. Siyamnapung pag-

aaral ang kinilala para sa pagsusuri.

Mga Resulta: Ang mga miyembro ng fraternity/sorority ay mas malamang na

maging mga nondaily na naninigarilyo. Ang mga miyembro na nanirahan sa

fraternity/sorority house ay may mas mataas na antas ng paninigarilyo kaysa sa

mga miyembro na nanirahan sa ibang lugar. Ang fraternity/sorority member

smoking ay nauugnay sa alkohol at iba pang paggamit ng sangkap. Ang

impluwensya ng mga patakarang walang paninigarilyo sa fraternity/sorority

member smoking ay napagmasdan din.

Mga Konklusyon: Ang pagiging kasapi ng fraternity/sorority ay nauugnay sa mas

mataas na antas ng paninigarilyo, ngunit ang asosasyong ito ay naiimpluwensyahan

ng iba pang paggamit ng sangkap at mga kadahilanan sa kapaligiran.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City
Kabanata III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga metodolohiya, disenyo at paraan

ng pananaliksik sa mga dahilan ng mga menor-de-edad sa pagsali ng fraternity.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib na pananaliksik. Ayon kay

Bhat (2010), Ang deskriptib na pananaliksik ay naglalayong maipapaliwanag ang

mga katangian ng populasyon at ang paksa na pinag-aaralan. Nakapokus sa tanong

na “ano” ng pananaliksik sa halip na “bakit”. Ang deskriptib na pananaliksik ay

angkop sa pag-aaral na ito dahil mailalahad at maipapaliwanag ang mga dahilan ng

mga menor-de-edad sa pagsali sa fraternity.

Seting ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito mula sa STI College Caloocan.

Pagpili ng Kalahok

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Purposive Sampling dahil mayroon

lamang partikular na personalidad at katangian ang kailangan na kalahok. Ayon kay

Patton (1990), ang piling kalahok sa Purposive Sampling ay mayroong tiyak na

katangian. Ito din ay madalas na ginagamit sa kwantitatib na pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Saliksik. Ang mga mananaliksik ay naghanap at nagbasa ng limang teksto

na may kaugnayan sa fraternity.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

Matapos maghanap ng bilang ng tekstong may kaugnayan sa fraternity,

nagsawa ng pagsusuri ng teksto batay sa uri at katangian nito.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

Kabanata IV

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng nakalap na mga datos,

interpretasyon, analisis, at presentasyon ng limang tekstong kalahok ayon sa mga

dahilan ng pagsali ng mga menor-de-edad sa fraternity. Ang mga sumusunod ay

nagpapakita ng talahanayan ng pagsusuri ng teksto batay sa uri at katangian nito.

You might also like