You are on page 1of 3

School PASIG ELEMENTARY SCHOOL Grade Level ONE

Teacher MARIA SHEENA T. BALDEMOR Learning Area MOTHER TONGUE


DAILY
Date & Week 15 Day 1 Quarter IKALAWA
LESSON
September 16, 2019
PLAN Time
7: 55- 8:45 am
Checked by:

I. LAYUNIN:
A.Pamantayang Pangnilalaman Nagkapagpapamalas ng positibong pag-uugali sa
paggamit ng wika,

B.Pamantayan sa Pagganap Napahahalagahan ang pagbasa at pagsulat bilang


mga gawain sa pakikipagtalastasan.

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto MT1ATR-Iia-i-1.1


Nakikinig nang mabuti at may positibong
reaksiyon habang binabasa ang kwento

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro LAMP-BOW – MTB p.11
2. Mga Pahina sa Kagamitan Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4.Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo powerpoint presentation,mga larawan,tsart,tarpapel

IV. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/ o Laro: Pahulaan ang mga kilos.
pagsisimula ng bagong aralin
Pabaunutin sa mahiwagang kahon ang isang bata ng salita at
ipasakilos ito. Hayaang hulaan ng buong klase. Kung sino
ang makahula ay siya namang magsasakilos at
magpapahula.
- basa - tulog – gulat- sulat - tuwa

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng larawan ng kuwago


Kilala ba ninyo ang ibong ito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Alam ba ninyo na gustong parusahan si Wako ng mga


bagong aralin
kasamahan niyang kuwago?
Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa ating
“prediction chart”

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagbasa ng guro sa kwento.


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Si Wako ang Matalinong Kuwago
Si Wako ay isang kuwago. Kakaiba siya sa lahat ng kuwago. Siya
ay mahilig magbasa at magsulat. Hindi siya tulad ng ibang kuwago
na tulog nang tulog. Lahat ng aklat ay binabasa ni Wako.
Isang araw, nagpulong ang lahat ng mga kuwago upang
parusahan si Wako. Ngunit ipinaliwanag ni Wako ang
kahalagahan ng pagbabasa at nang pagiging marunong magsulat.
Sinubukan ni Wako na magkuwento. Nagulat ang matatandang
kuwago sa galing ni Wako.
Lahat ng mga Kuwago ay tuwang-tuwa na makinig sa kanya.
Tinuruan sila ni Wako na magbasa at magsulat ng bilang.
Magmula noon ay nagbago ang buhay ng mga kuwago. Hindi na
sila tulog nang tulog. Sila ay naging mahilig sa pagbabasa at
pagsusulat.
Naging modelo para sa kanila si Wako.
- Pagbasa ng mga bata sa kwento nang sabayan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagtalakay:
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Tungkol saan ang kwento?
Bakit kakaiba sa lahat ng kuwago si Wako?
Ano ang hilig niyang gawin?
Ano ang gustong gawin ng mga kuwago kay Wako?
Bakit nagulat ang ibang kuwago kay Wako?
Nais mo bang gayahin si Wako?
Mahalaga ba ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat?

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Pangkat I: “Ay Kulang”


Formative Assessment)
Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagdidikit ng
nawawalang bahagi ng katawan
ng kuwago sa larawan.
Pangkat II: “Artista Ka Ba”
Isadula ang ginawa ni Wako upang siya ay tumalino.
Gamitin ang iba’t ibang bahagi
ng katawan.
Pangkat III: “Bumilang Ka”
Bilangin ang mga aklat na nabasa na ni Wako.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Pangkatang Gawain:


na buhay Pangkat 1 – “Ay Kulang” Pagbuo ng puzzle.
Pangkat 2 – “Artista Ka Ba? – Ipasadula ang mahalagang bahagi.
Pangkat 3 – “Bumilang Ka” – Bilangin ang mga aklat na nabasa ni Wako.
Pangkat 4 – Iguhit Mo
Damdamin ng mga kuwago matapos matutong magbasa sa tulong ni
Wako.

H. Paglalahat ng aralin Nauunawaan ang kwentong napakinggan sa pamamagitan ng


pagbibigay ng reaksyon habang binabasa ang kwento.
I. Pagtataya ng aralin Iguhit ang malaking mata kung tama at maliit na mata kung mali.
1. Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pagbasa at
pagsulat._____
2. Si Wako ay mahilig matulog.
3. Tuwang-tuwang nakinig ang mga kuwago sa kwento ni
Wako?_______
4. Naparusahan ng mga kuwago si Wako.____
5. Ang pagbabasa at pagsusulat ay mahalagang
matutuhan ng lahat.______

J. Karagdagang Gawain para sa takdang Iguhit si Wako.


aralin at remediation Sumulat ng 3 pangungusap tungkol sa kanya.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
.

Puna:

___________ na bilang ng mga mag-aaral mula kabuuang bilang na ________


ang nakakuha ng _____________ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

You might also like