You are on page 1of 1

I. TAMA o MALI.

Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI


kung hindi.

1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon / imahe ang isang manwal.


2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.
4. Kadalasang pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal.
5. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang isang manwal.
6. Hindi na kailangang ilagay ang patunguhan kung ang ginagamit na papel ay ang
itinatawag na stationery.
7. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.
8. Ang katawan ng Liham ay may apat na bahagi.
9. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
10. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo

II. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat
pahayag. (2 puntos bawat isa)

1. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t


ibang impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso,
at iba pang detalye hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa.
2. Sa pamamagitan ng ________________, nabibigyang-ideya ang mga
mambabasa ng inisyal na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang manwal.
3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _______________. Isang
halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng mga manggagawa.
4. Maaaring maglagay ng ______________ sa huling bahagi ng manwal kung
saan nakalagay ang iba pang impormasyong gustong idagdag na maaaring
balikan ng mga gumagamit nito.
5. _______________ ang paggamit ng wika sa mga manwal upang malinaw na
maihatid ang mga impormasyong nakasulat dito.

III. ENUMERASYON.

Magbigay ng 6 bahagi ng isang liham-pangnegosyo.

IV. SANAYSAY. Sagutin ang mga tanong:

Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. (10 puntos bawat
isa)

1. Ano ang kahalagahan ng manwal sa isang indibidwal at sa isang kompanya?

2. Ano ang maitutulong ng wasto at mahusay na pagsusulat ng lihampangnegosyo?

You might also like