You are on page 1of 3

Ang Malikhaing Kamalayan at Walong Dulang Panradyo

Villanueva, Rene O. (2006) Ang Malikhaing Kamalayan at Walong Dulang


Panradyo. Masters thesis, University of the Philippines, Diliman.

Full text not available from this repository.

Abstract

Sa ngayon, marami nang bukal ng libangan at impormasyon ang


karaniwang mamamayan. Kabilang dito ang telebisyon, sine, magasin,
kompyuter, at iba pa. Sa kabila nito, nananatiling mahalagang tagapasa ng
kultura ang radyo, lalo ang mga dulang panradyo. Mabisa ang radyo sa
paglinang sa pagkamalikhain ng tagapakinig. Totoong marami ang
nagtuturing sa radio bilang midyum sa pakikinig pero ang dulang panradyo
ay hindi lamang midyum na pang-tainga. May kapangyarihan ito na
pakilusin ang iba pang pandama, lalo ang biswal na pandama ng nakikinig.
May kapangyarihan ang dulang panradyo na ipakita — ipalasa, ipaamoy, at
ipadamdam — ang mga pangyayari, damdamin at kaisipan sa
tagasubaybay. Radyo ang humubog at nagpaunlad sa malikhaing
kamalayan (creative consciousness) ng mag-aaral kaya siya naging isang
mandudula. Sa unang bahagi ng tesis, isasalaysay ng mag-aaral kung
paanong nahubog ng radyo ang kanyang malikhaing kamalayan. Ang
malikhaing kamalayan ang mahalagang salik sa pagkamalikhain ng isang
manunulat. Hindi lamang dito mauugat kung anong anyo o form ang pipiliin
niya (kung siya ba ay magiging makata, mandudula, kuwentista o
mananaysay). Malaki rin ang papel nito sa pang-araw-araw na pagsusulat
ng isang awtor. Saklaw nito ang halos lahat ng aspekto sa pagsusulat:
mula sa pagpili ng paksa sa paraan ng pagtalakay pagpapasya sa mga
gagamiting pampanitikang sangkap at pamamaraan at sa paggamit ng
wika upang maging epektibo ang katha. Igigiit din sa tesis na ang
malikhaing kamalayan ay hindi lamang usaping pansining. Sa
pamamagitan ng pag-unawa sa aspektong panlipunan nito, magiging mas
makabuluhan at epektibo ang pagsusulat kung mapag-uugnay ng
manunulat ang mga salik na pansining at panlipunan ng kanyang tula,
kuwento, dula o sanaysay. Ang ikalawang bahagi ng tesis ay koleksyon ng
mga dulang pangradyo na inihaharap ng mag-aaral bilang kasanayan sa
malikhaing pagsulat. Ang walong tig-kalahating oras na dulang panradyo
ay sinulat niya sa pagitan ng 2003 at 2005 para sa programang "PSR Pag-
ibig Sexualidad at Relasyon." Ang PSR ay produksiyon ng Creative
Collective Center Inc. (CCCI), isang non-government organization.
Naglingkod siya sa programa bilang head writer. Sa loob ng tatlong taon
(2003-2005), may 38 iskrip ang sinubaybayan niya. Unang
sumahimpapawid ang PSR noong Oktubre 2003 tuwing Biyernes ng gabi,
mula ikawalo hanggang ikasiyam sa DZME 1639 khz. Hanggang sa
kasalukuyan ay napapakinggan pa rin ito.

ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA


Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

DULANG PILIPINO
KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna
natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa
diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o
drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang
taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay
binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.”
Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa
kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na
nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing
sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-
araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga
sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang
mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at
pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang
anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino
ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng
kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay
para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago
pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas
na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng
dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa
epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit,
sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag,
pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop,
ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

MGA URI NG DULANG PILIPINO


Mga Katutubong Dula Mga Dula sa Panahon ng Kastila Dula sa Panahon ng mga Amerikano
Moro-Moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong
Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Pinetencia
Carillo
Puteje
Juego de Prenda
Bikal at Balak Bulaklakan Sarsuwela
Karilyo Pananapatan Dula sa Makabagong Panahon
Bayok at Embayoka Moriones
Kasayatan Dalit Alay (Flores de Mayo)
Dallot Pangangaluluwa Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema
Pamanhikan Panunuluyan
Dung-aw Tibag Dulang Musikal
Hugas Kalawang Santakrusan
Dalling-Daling Papuri/Putong
Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga
unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at
pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay
na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa,
naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona
at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala
noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga
katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila
upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga
taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga
mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang
mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.


Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay
yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

You might also like