You are on page 1of 7

ISANG PAGSUSURI SA NOBELA NG

BATA, BATA… PA’NO KA GINAWA?


ni LUALHATI BAUTISTA

UNANG BAHAGI : PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Bilang Termino Pahina Kahulugan Patunay Pangungusap


1 Asiwang 230 Di-bihasa / Tumawa nang Asiwa ako sa
hindi sigurado. mahina, asiwang mga kinikilos
tawa si Raffy. niya sa akin.
2 Amba 6 Anyo ng kamay T’yak na Inambaan siya
na waring maraming kurot ng kaniyang
mananakit. at amba ng asawa.
suntok at mura.
3 Balitaktakan 191 Mainitang pag- “Nagtataka lang Ang haba ng
uusap. ako, jhonny,” sabi balitaktakan ng
ni Lea sa gitna ng mag-asawa sa
balitaktakan ng kabilang bahay.
dalawang
tauhang
pinanonood nila.
4 Binalingan 197 Tinignan o Nakatanga ang Hindi binalingan
binigyan mga bata sa si vince ng
pansin. nangyari at kaniyang
binalingan ni Lea ginugusto.
ang mga ito.
5 Bitiw 137 Pagbitaw o pag- Nang mapansin Bumitiw siya sa
pakawalan. siya, bitiw agad aking
sa takot. pagkakahawak.
6 Dangal 2 Katangian o Gimbal sa Naglingkod siya
kalagayan ng “pagkadungis” ng sa kanyang
pagiging kanilang mga bayan nang may
mahusay. “dangal”. dangal.
7 Dumadarag 5 Pagdabog o Dumadarag na Padarag na
pagtadyak ng lumayo si Ojie, at ikinasa ang baril.
galit. nakadaan
papunta kay
Ding.
8 Debalwasyon 174 Ang pagtaas ng Nangonti ang Nagkaroon
pangkalahatang dolyar at nag- nanaman ng
presyo ng mga karoon ng debalwasyon sa
produkto at panibagong piso kontra
serbisyo. debalwasyon ang dolyar.
piso.
9 Ehersisyong 5 Pagpapaunlad Ehersisyong Ang
ng kalusugan. sayaw. pagkakaroon ng
patuloy na
ehersisyo ay
magbubunga ng
masiglang
pangangatawan.

Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
10 Gimbal 2 Nagulat o na- Gimbal sa Nagimbal ako sa
istorbo sa “pagkadungis” ng nangyari sa
pangyayari. kanilang mga aksidente.
“dangal”.
11 Ipinukol 59 Pagtapon o Sumibat ang Ipinukol ng bata
pagbato ang patalim sa mata ang bato.
isang bagay. ni Maya pero
natimpi siya,
kap’rasong irap
lang ang ipinukol
niya kay Ojie at
nakangiting nag-
abot siya ng
kamay kay Raffy.
12 Karangalan 6 Mataas na Gusto ng nanay may magandang
pagkilala o ng tropeo, gusto reputasyon na
paggalang. ng nanay ng karangalan ang
karangalan. mga magsasaka.
13 Kamuwangan 5-6 Kaalaman o pag Ano ba naman ang sanggol ay
kakaroon ng ang kamuwangan walang
sapat na ng mga kamuwang
karunungan pipituhing taon muwang sa
upang sa mga timpalak- mundo
umintindi sa kagandahan? pagkasilang nito.
isang bagay. Laro ang tingin
nila sa lahat ng
bagay komo laro,
gagawin lang nila
pag gusto nila.
14 Kalaunan 135 Hindi nagtagal Pero kalaunan ay Nag away ang
marami pang mag-asawa pero
napansin si Lea kalaunan ay
kay Ojie. nagkasundo din.
15 konotasyon 77 Mungkahi o Ang konotasyon Ang diksyunaryo
pahiwatig naman, parang ang
bukod sa magpakamartir, pinagkukuhanan
malinaw o tiyak ano? ng tiyak na
na kahulugan konotasyon para
ng isang salita. sa kanilang tula.
16 musmos 4 May katangian Kung mananatili Maraming
at pag-iisip ng siyang ligtas sa musmos ang
isang bata. mundo ng isang nakakaawa dahil
musmos, naisip ni sa kapabayaan
Lea. ng magulang at
gobyerno.
17 Mag-aruga 31 Pag-aasikaso, Imbis na mag- Ang mga
pag-iintindi o aruga ng mga magulang ang
pag-aalaga. problemang maaruga sa
kakaharapin ay kanilang mga
nag-uubos ng anak.
maghapon sa
pakikipag
saranggola kay
Ojie at pakikipag-

Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
chinese checker
kay Maya.
18 Mariin 186 Sobra ang Inihagis nito sa Mariin niya itong
pagkakalagay o lapag ang maliit ibinaon sa lupa.
pagkakadikit ng nang sigarilyo at
isang bagay sa tinakpan ng
isang pang mariin, parang
bagay. do’n ibinubuhos
ang inis niya.
19 Napipirmi 2 Napapahinto o Pati mga Ang paglabas ng
napapatigil. manonood ay bahay ay
ngayon lang masiglang gawin
napipirmi. para sa katawan
hindi yung
papirmi pirmi
lamang sa loob
ng bahay.
20 Nakasukbit 223 Nakasabit o Nakasukbit sa Nakasukbit ang
nakapatong ang mga balikat ang kaniyang salamin
isang bagay. bag ng pinaka- sa kaniyang
iportanteng damit.
gamit para sa
pitong araw na
darating.
21 Naghudyat 165 Senyas, Isa pang araw na Kay-lakas ng
senyales o naging hudyat ng mga
palatandaan. makasaysayan sa tao sa buong
bansa, dahil mundo ukol sa
naghudyat ng pagbabago ng
isang maigtingat klima.
makabuluhan
daluyong!
22 Nagkisaw-kisaw 2 paghilab ng Kanina’y Nagkisaw ang
tiyan dahil sa nagkisaw-kisaw tubig sa
dami ng tubig na ang mga tao, paglangoy ng
na nainom. reklamuhan kabi- mga isda.
kabila, paypayan,
singhakan.
23 Nagmamarakulyo 5 Gumagawa ng Dumarami ang Kadalasan ang
eksena. mga batang mga loko loko
nagmamarakulyo. ang nagsisimula
nagmamarakulyo
para lamang may
ipag-away na
tao.
24 Napahindig 161 Sumandal o Napahindig si Napahindig si
napasandal. sister Ann, itay matapos
natutop ang mapagod sa
dibdib. kaniyang
ginagawa.
25 Nang-usig 35 Pinag-isang Nang-usig ang Pinag-uusig ang
leksiyon. mata’t tinig ni pulisya sa isang
Ojie. pagtitipon.
26 Napabuntong 26 Paghinga ng Napabuntong Napabuntong
hininga malalim habang hininga si Lea. hininga ang

Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
naghihinagpis o aking ina dahil sa
may maghapon na
nararamdaman. walang tigil sa
paglilinis sa
bahay.
27 Napagsino 18 Nakilala o Napagsino ni Lea Napagsino ng
naramdaman. ang boses ng dalawang mag-
nanay ni Ding. kaibigan na hindi
ang ama nila ang
kausap nila.
28 Natilamsikan 2 Natamaan o Lingunan ang Natalamsikan
nasagi. mga babaing ako ng mantika.
natalamsikan.
29 Pumuna 7 Nagbibigay May mga
komento pumuna sa
tungkol sa
ibang bagay o
pangyayari sa
pagnanais na
maiparating sa
kinauukulan
ang negatibong
emosyon.
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50

IKALAWANG BAHAGI: PAGSUSURI SA NOBELA


I. PAMAGAT:
A. ANG MAY-AKDA - Lualhati Bautista
B. PANAUHAN -
C. MGA TAUHAN

Bilang Tauhan Katangian Uri ng Tauhan Patunay Pahina


Isang ganap na
ina nila Ojie at
Maya. Isa siyang
Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
guro na may
matatag na
paninindigan at
1 Lea kahalagahan ng
kababaihan sa
lipunan.

Panganay na
2 Ojie anak ni Lea at
Raffy
Bunsong anak ni
3 Maya Lea kay Ding
Unang asawa ni
4 Raffy Lea

kaopisina at
Jhonny matalik na
5 Deogracias kaibigan

Ang principal ng
pinapasukang
Mrs. Zalamea paaralan ng mga
6 anak ni Lea.
Pangalawang
7 Ding asawa ni Lea

D. TAGPUAN - Ang istorya ay umiikot sa isang tipikal na buhay ng ordinaryong pamilya sa loob ng
tahanan at paaralan, kung saan nagtatrabaho ang pangunahing tauhan.

Tahanan ni Lea: Sa bahay na ito, masaya na naninirahan sina Lea, Ding, Maya, at Ojie. Maraming
masasaya, malulungkot, at hindi makakalimutan na memorya na nangyari dito.

Paaralan; Dito,nagsimulang maipakita ni Maya ang kanyang mga talento sa ibang tao. Dito din nagsimula
ang istorya.

Pinagtatrabahuhan ni Lea: Ang lugar na ito ang dahilan kung bakit nagkatagpo ulit nina Raffy at Lea,
dahilan ng pagkakakilala ni Ojie sa kanyang ama.

E. ORAS/ PANAHON – Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa
nobela ang patayang nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng
mamamayan.

II. BANGHAY
A. BUOD - Hanggang sa ang bata ay hindi na bata kundi ama. Ano ang ituturo niya sa kanyang anak?
Lahat ng dapat niyang matutunan ngayon pa lang, hindi pagkamasunurin kundi pagkibo pag may sasabihin
at paglalaban pag kailangan. Lahat ng panahon ay hindi panahon ng takot o pagtitimpi, lahat ng panahon
ay panahon ng pagpapasiya.

III. TUNGGALIAN AT SULIRANIN


A. SULIRANIN – Ang mga suliraning pampamilya na inilahad ng may akda sa nobela ay nag-uugat sa
magkaibang pamamaraan sa pagdidisiplina sa anak, pang-iinsulto at paulit ulit na pananariwa sa mga
naging kamalian at pagiging makasarili ng asawa. Walang magangdang maidudulot ang hindi paglimot sa

Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
mga nakaraang pagkakamali. Hindi rin ito nakakatulong sa paglutas ng suliranin sa loob ng pamilya. Ang
suliraning sikolohikal ay naipakita sa paghahanap ni Lea ng pagmamahal at pagtanggap, pagiging
butangero ni Raffy, pagiging madikit sa kanilang ina ni Ding at kawalan niya ng kasiguruhan at katiyakan sa
sarili. Sa katauhan ng principal, ang suliranin ay nag-ugat sa mataas na pagtingin at pagpapahalaga nito sa
kanyang sarili. Minsan ay hindi nakapagdudulot ng magandang kalalabasan ang panghihimasok ng mga
magulang sa kanilang mga anak kung lubos na panghihimasok ang gagawin ng mga nakakatanada sa
buhay ng kanilang mga anak. Ipinakita sa nobela ang nagiging epekto ng bawat suliraning kinakaharap ng
lipunan. Tulad ng mga napapariwarang mga kabataan at pagkasira ng pamilya.
B. TUNGGALIAN – Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa rin ang
tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa
nobela ang kaniyang katatagan na kahit pilit na siyang pinapaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya
ang kaniyang trabaho at kahit na iniwan na siya ng dalawa ay nanatili pa rin siyang metatag para sa
kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga taong mahikig
manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa ang kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na
maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong nagmamalinis. Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na
kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili siyang metatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy
pa rin siya sa kaniyang buhay kahit wala ang mga ito.

IV. KAPANAPANABIK AT KASUKDULAN


- Si Lea ay kakabalik lamang sa gala ng kaniyang mga katrabaho at kanyang nalaman tungkol sa aksidente
ng kaniyang anak na si Maya at Ojie. At umabot ang balitang itong sa kanyang asawa at kinakasama sa
ibang bahay, ang ama ng kaniyang dalawang anak, at si Lea ang sinisi sa pangyayari. Ipinamuka kay lea
ng kanyang asawa at kaniyang kinakasama na siya ay isang pabayang ina at ang kaniyang pagtatrabaho
ay isang gawaing madamot para sa kaniyang mga anak. Si Ding ay nakipaghiwalay kay Lea matapos ang
insidente. Gustong makuha ni ding ang kaniyang anak kaya ito gumawa ng paraan na ibunyag ang
kanilang relasyon. Sa mga pangyayare, napunta ang lahat ng ito na tila parang isang malaking
katanungan kay Lea ukol sa kanyang halaga sa pagiging ina at pagkababae. Napagtanto ni Lea daladala
ng malubhang puso, na gustong kunin at ihiwalay si Maya at Ojie sa kaniya ng mga kanilang ama.
V. RESOLUSYON AT KAKALASAN
- Si Ojie at Maya ay nakapagdesisyon na manatili sa puder ng kanilang ina. Nagtatapos ang nobela sa
araw ng pagtatapos ni Ojie sa kaniyang pag-aaral na si Lea ay nagbigay ng maiksing mensahe sa
panibagong panimula ng kanilang buhay at mapaganda pa ang nasa paligid at lipunan.
VI. WAKAS
- Natatakot si Lea sa kaniyang kaisipan na mawala ang kaniyang mga anak, subalit sa kabila ng kaniyang
takot ay ipina-ubaya ni Lea na makapagdesisyon sina Ojie at Maya at nangako padin sakanila na siya
parin ang kanilang ina anuman ang maging desisyon ng magkapatid.

VII. PAGDULOG O TEORYA


A. SIMBOLO/PAHIWATIG
B. PAKSA
C. TEMA/ MAHALAGANG KAISIPAN
D. TAYUTAY
E. IDYOMA

F. MGA BISA
1.1 BISA SA ISIP – Ang nobelang Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa ay maituturing isang napakagandang
nobela. Bagaman nakapokus ang nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong ibabaw,
ipinapahayag din sa nobela ang mga pangyayaring naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na
isinaad sa nobela kung sino ang taong nasa likod ng Martial Law, malalaman kaagad na tungkol ito
sa Martial Law sapagkat nabaingit ang pagkamatay ni Ninoy sa airport at ang protesta ng
napakaraming tao. Mas mainam pa rin ang magbasa ng makalumang nobela sapagkat may
malalaman kang impormasyon tungkol sa nangyari sa lipunan noong panahon.
1.2 BISA SA DAMDAMIN – Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang dahil sa buwan-buwan
itong dinadatnan o kaya ay nanganganak. Noong panahon, ang mga babae ay ang tanging papel
Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l
sa buhay maging karamay ng mga lalaki, sila ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak’t asawa.
Walang karapatan na gawin ang gusto niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na
rin sa pagbabago sa lipunan, nagkaroon na nang karapatan ang mga kababaihan,, hindi na lamang
pambahay kundi panlabas pa. Si Lea ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon dahil
sa ipinaglaban niya ang kanyang karapatan bilang babae sa lipunan. Maraming parte sa nobela
ang sinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa karapatan ng bawat tao sa lipunan, kung gaano kasaklap
ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y nakulong o pinatay. Mahirap
din maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa para lamang sa kaniyang mga anak, si
Lea ay isang halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Kahit sino mang ina ay gagawin
ang lahat para sa kanilang anak.
1.3 BISA SA KAASALAN – May nabasa akong pahayag sa social media na ang kabataan ngayong
panahon ay maagang nabubuntis hindi katulad noong panahon na kapag may asawa na saka
mabubuntis. May nagkomento sa pahayag na iyon na nakaagaw ng aking pansin, ang kanyang
sinabi ay “sadyang matapat na kasi ang mga kabataan ngayon kaysa noon, lola ko nga
pinagbuntis si mama na labing pitong gulang pa lamang siya, tapos ngayon sasabihin niyo na mas
mabuti pa ang kababaihan noon kaysa ngayon” para saakin, may nabasa na akong ilang akda na
nagsasaad na kapag nagustuhan ang isang babae ng isang lalaki noong panahon na kahit na ang
babae ay bata pa, ay ikinakasal na ito, kaya para nagmumukhang mas mabuti ang ginawa ng mga
babae noon kaysa ngayon. Sa lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkabilang lalake,
hindi na ito bago sa panahon ngayon, mayroon pa nga na may iba’t ibang lalake ang ama ng isang
anak dahil sa kung sino-sino lang ito nakikisama. Malungkot man isipin pero ganito na ang
nagyayare sa lipunan ngayon, mas pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag
nagbunga ang ginawa, iiyak, pagkatapos kapag hindi pinanagutan ng lalake, ipapalaglag o di kaya
ay magpapakamatay. Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat gusting maranasan
agad-agad, hindi iniisip ang mga mangyayari. Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng
tawad. Hindi masama na gawin ang gusting gawin, pero kung maaari lamang ay isipin ang mga
posileng mangyare bago gawin ang gusto. Ipairal muna ang utak bago puso.

VIII. KONGKLUSYON

IX. REAKSYON
DR. LEAH C. SAMBRANO
Propesor
FIL. 01, Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Unang Semestra
Taong Panuruan 2019-2010

Brgy. 7-B Nuestra Sra. De Natividad, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
Email: cit@mmsu.edu.ph Website: www.mmsu.edu.ph
Telefax: (077) 600-3019
l

You might also like