You are on page 1of 3

# Katutubong Tagalog Paggamit sa Pagpapaliwanag

Salita Pangungusap
1. Bangkaw Sibat Gamitin mo ang Ang sibat ay tumutukoy
bangkaw panglaban sa lamang sa tagalog na salita
ating mga kalaban. na sibat na isang armas o
kagamitang pangdigma na
isang mahabang kahoy na
may patalim ang dulo.
2. Baba Ama Ang aking baba ay isang Ang salitang baba ay
tanyag na manunulat tumutukoy lamang sa
noong 2012. salitang tagalog na ama na
haligi ng pamilya na siyang
kapares ng ina.
3. Oripon Alipin Utusan mo ang oripon Ang oripon ay isa sa mga
na maglinis ng bahay at pinakamababang uri ng tao
isinop ang mga sa lipunan. Ito ay ang mga
nakakalat na gamit. taong naninilbihan sa
kanilang panginoon o amo.
4. Banwa Pamayanan, Lumisan ka na dito Ang banwa ay isang
Bayan Mattheo, bumalik ka na pamayanan o lugar na
sa iyong banwa. nasasakupan ng isang
namumuno.
5. Iloy Ina Napakaswerte mo Ang iloy o ina sa tagalog ay
naman sa iyong Iloy! ang ilaw ng tahanan na
Ikaw ay tanggap na kapares ng baba na kapares
tanggap niya! nito.
6. Binukot Prinsesa, Marahil ikaw ay isang Ang mga binukot ay mga
babaeng binukot kung kaya babaeng itinago at ikinulong
itinago naman hindi mo kayang sa madilim na silid ng bahay,
tumapak sa lupa! sila ay hindi pinapaarawan,
hindi pinapatawak sa lupa
sapagkat ito ay sagrado.
7. Rajah Pinuno Tawagin mo ang rajah! Ang rajah ang siyang
May mga papuntang namumuno sa iasang banwa
mga manlulusob sa ating o pamayanan. Siya rin ang
banwa galing timog. pinakamapangyarihan dito.
8. Pangangayaw Pag-lusob Ihanda na ang mga Ang pangangayaw ay ang
armas at mga kagamitan paglusob o pagsalakay sa
para sa ating isang banwa upang
pangangayaw! maisakatuparan ang nais ng
isang grupo.
9. Aba Diyos Kailangan nating Ang Aba o Diyos ay ang mga
manalangin sa ating Aba pinaniniwalaan nating
nang dinggin niya ang pinakamapangyarihan sa
ating mga nais iparating. lahat ng tao. Hindi sila/siya
nakikita o nahahawakan
ngunit sila/siya ay sinasamba
at ginagalang.
10. Kampilan Espada Sa halip na ang Ang kampilan o espada ay
pagtugtog ng kudyapi isang matalim at mahabang
ang iyong atupagin ay piraso ng metal na kalimitang
mas magandang sanayin ginagamit bilang pangkitil o
mo ang paghawak ng pangsaksak ng mga hayop
isang kampilan.. pati na rin ang tao.

Gawain 2
Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o kasalukuyang ginagamit lamang ng
mga tao sa kanto at bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang salita ng
taon batay sa kung papaano ito lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
GG- Ang paglaganap ng salitang GG or Good Game ay dahil na rin sa patuloy ng pagkahumiling
ng mga kabataan pilipino sa mga online games tulad ng mobile legends. Kalimitang ginagamit
ang gg sa umpisa ng laro bilang pagbati na galingan sa paglalaro Hindi lamang sa laro maaring
gamitin ang salitang GG, maari din itong gamitin kung ikaw ay hindi sinagot ng iyong
nililigawan, maari din itong gamitin kapag ikaw ay hiniwalayan na ng iyong kasintahan. Ang
salitang ito ay nangangahulugan lamang ng pagkatalo o pagkabigo. Ito ay magandang itanghal
bilang salita ng taon sapagkat ito ay napapanahon at ito ay nagagamit ngayon ng mga libu-libong
kabataang pilipinong nahuhumalang sa mga online games.
New Normal- Ang new normal ay tumutukoy sa isang bagong estado ng ekonomiya at lipunan
pagkatapos ng isang krisis. Ginagamit ang salitang ito bilang indikasyo ng pagbabago. Kalimitan
itong nakikita sa mga artikulo, karatula at pati na rin sa telebisyon sa ngayon sapagkat akmang
akma ang salitang ito gamitin sa mga panahon ng krisis. Gamit na gamit ang salitang ito ngayon
dahil sa COVID-19 na pandemya na pumigil o nagbago sa mga kalakaran o lagay ng isang
lipunan kung kaya naman karapat dapat itanghal na salita ng taon.
Ayuda- Ang ayuda ay ang salaping ipinamimigay ng pamahalaan bilang tulong pinansyal,
materyal o makakain ng tao sa mga panahon ng krisis o pandemya. Hindi lamang sa tulong ng
pamahalaan ginagamit ang salitang ito, ginagamit na rin ng mga pilipino ang salitang ito ngayon
sa tuwing tatanggap ng biyaya, regalo, pati na rin ang mga malilit na pagbibigay tulad ng pahingi
ng allowance ng mga anak sa kanilang magulang. Minsan ring ginagamit ang salitang ito sa
paghingi ng mga balato sa mga nanalo sa isang kompetisyon. Lumaganap ng lubos ang salitang
ito dahil naging mainit na usapin ang ayuda dahil na rin sa hindi pantay na distribusyon nito sa
bansa at dahil na rin sa korapsyon. Malaki ang pag-asa nitong maitanghal bilang salita ng tao
dahil ito ay importante sa ngayon at napapanahon.
Kwarantin- Ang kwaratin o quarantine sa ingles ay nangangahulugang pagpapatupad ng
pagbubukod ng isang pasyente na nakakaranas ng isang nakakahawang sakit upang maiwasan
ang pagkalat nito. Ginagamit din ang salitang ito sa ngayon bilang tawag sa pagkulong ng sarili
sa bahay at pagtanggi sa mga gala o paglibot. Mayroon din namang gumagamit ng salitang ito
bilang kaparusahan ng kanilang magulang sa kanilang mga anak na nagresulta ng hindi nito
paglabas ng bahay. Lumaganap ng husto ang salitang ito dahil sa pagpapatupad ng mga uri ng
kwarantine ng ating gobyerno sa bawat lalawigan ng bansa, palagi rin itong makikita sa mga
telebisyon kung kaya naman naging sikat ang salitang ito. Maari itong gawing salita ng taon ng
2020 dahil sa makabuluhang paggamit nito sa panahon ng krisis sa ngayon.
Umay -Ang pagkaumay ay pagkasuya o pagkasawa sa anumang kinakain na karaniwang masebo
o matamis. Sa panahon ngayon, maraming kabataan na miyembro ng Generation Z ang madalas
na gumagamit ng salitang ito bilang indikasyon ng hindi pagkagusto o hindi pagsangayon sa
isang bagay o isang pangyayari. Ginagamit din ito bilang pagtugon na hindi ka masaya sa naging
resulta ng isang pangyayari. Mayroon ding gumagamit ng salitang ito kapag sila ay nakakakita
ng magkasintahan habang sila ay wala pang kapareha. Lumaganap at sumikat ang salitang ito
dahil na rin sa malilikot na isip ng kabataan sa ngayon na nagbubunga ng paggamit ng kung ano
anong salita para sa isang bagay. Tunay na napapanahon ang salitang ito dahil sa modernisasyon
ng lipunan kung kaya naman maari din itong itanghal bilang salita ng taon ng 2020.

You might also like