You are on page 1of 2

Pamamaraan ng Pagtingin Bilang Pagbasa

Mga Pamamaraan sa Proseso ng Pagbasa ng Biswal

1. Pagpili at Pagtanggal (Selection and Omission) - sa bawat pagsisiyasat at pagtingin ay


kagaya rin ng kilos ng hindi pagtingin. Ang anumang bagay na nakakakuha ng ating
atensyon ay kung ano ang ating pinili samantalang ang mga bagay na binalewala ay
tinanggal natin.

2. Kuwadro (Frame) - ang pagpili ng detalye at pagbibigay ng atensyon at pagpokus ng


isang partikular na imahe sa ibinigay na espasyo.

3. Kahalagahan at Ebalwasyon (Significance and Evaluation)- maingat, sinadya o


kusang-loob na pagpili ng nilalaman sa loob ng isang kuwadro

4. Pagkakaayos (Arrangement) - kung paano ang mga simbolo o mga imahe ay


nagrupo, naihiwalay o pagkakasunud-sunod para makabuo ng teksto.

5. Pagkakaiba at Koneksyon (Differentiation and Connection) - pagtingin na parang hindi


kaugnay na mga konsepto at kinalabasan na konektado sa pagitan at kabilang ang
mga senyas, simbolo, elemento, larawan o teksto.

6. Pokus (Focus) - ay isang pagganap ng pagdalo nang malapitan o pagiging maingat


sa isang kaganapan, tao, bagay o eksena para makalikha ng isang kawili-wiling teksto
na mahalaga sa atensyon.

7. Konteksto

Mga Kagamitang Metodolohikal: Lugar at Pamamaraan

A. Lugar

1. Produksyon
Mga Tanong:
Kailan ito nagawa?
Saan ito nagawa?
Sino ang gumawa?
Ito ba ay nilikha para sa iba?
Sa anong mga teknolohiya nakabatay ang produksiyon nito?

Anong sosyal na pagkakakilanlan ng lumikha, ang may-ari at ang paksa ng


imahe?
Ano ang relasyon ng lumikha, ng may-ari at ang paksa?
Ang porma ba ng imahe ay nabuo mula sa pagkakakilanlan at relasyon?

2. Imahe
Mga Tanong:
Ano ang ipinapakita? Ano ang kabuuan ng imahe? Paano it naisaayos?
Ito ba ay isa sa mga serye?
Saan nakuha ang imahe sa tingin ng mga tagamasid , at bakit?
Ano ang “vantage point” ng imahe?
Ano ang relasyon na nabuo sa pagitan ng kabuuan ng imahe?
Ano ang gamit na nagawa ng kulay?
Paano naapektuhan ng teksto ang teknolohiya?

Ano ang genre ng imahe? Ito ba ay dokumentaryo. Soap opera, melodrama,


bilang halimbawa?
Ano ang tinutukoy ng mga imahe?
Ano-ano ang mga kaalaman na ipinapakita?

3. Tagapagmasid
Mga Tanong:
Sino ang mga orihinal na tagapagmasid ng imaheng ito?
Saan at paano ipinakita nang orihinal ang mga teksto?
Paano ito umikot?
Paano ito itinago?Paano ito muling ipinakita?
Saan nakaposisyon ang mga tagatingin kaugnay ng kabuuan ng imahe?
May kapsyon ba ang imahe?
Posible bang may higit sa isa ang interpretasyon ng imahe?

Paano binibigyan ng interpretasyon ang imahe mula sa iba’t ibang


tagapagmasid?

Paano nagkakaiba ang mga tagapagmasid na ito. mula sa kinabibilangang


grupo, kasarian, lahi, at iba pa.

B. Modalities

1. Teknolohikal - tumutukoy sa anumang uri o aparatu na nadisenyo na maaaring


makita o kaya’y mapabuti pa ng likas na bisyon
2. Komposisyonal - nilalaman, kulay at espesyal na organisasyon

3. Sosyal - antas ng ekonomiya, sosyal at politikal na ugnayan, institusyon at


kinaugalian na umiikot sa imahe at sa pamamagitan nito maaaring makita at magamit.

You might also like