You are on page 1of 5

DEPRESYON: EPEKTO NITO SA MGA ESTUDYANTE NG DLSU-D, 2012-2013

Isang Konseptong Papel na Iniharap kay


Dr.Marcial R. Verocel
Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Pamantasang De La Salle – Dasmarinas
Lungsod ng Dasmarinas, Cavite

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa mga Pangangailangan para sa Asignaturang
Pananaliksik Tungo sa Pagkatulong Pangkaalaman

Venus Juel M. Camañero


Marco V. Dominguez
Ma.Elloisa G. Ignacio
Aki Ishitaka
Neil Partrick T. Rivera
Edgielyn N. Torres

Hulyo 2013
Rasyunal

Sa panahon ngayon marami ng mga estudyante ang nakakaranas ng depresyon

na kung saan nakakaapekto ito sa kanilang pag-aaral. Nararanasan ng mga estudyante

ang depresyon dahil sa sobrang pagiisip sa kanilang pag-aaral, pero hindi lahat ng

estudyante ay pag-aaral ang nagiging dahilan kung bakit sila nagkakaruon ng

depresyon. Marami ang dahilan kung bakit sila nagkakaruon ng depresyon pwedeng

maging dahilan ang pag-aaral, problema sa pamilya, pinansyal na pangangailangan,

pwede rin pumasok na isa sa mga dahilan ay ang kanilang buhay pag-ibig.

Ano nga ba ang Depresyon?, ang karaniwang tanong ng mga tao. Ayon sa

Handbook of Depression na isinulat nila Ian H. Gotlib at Constance L. Hammen, ang

depresyon daw isang uri ng psychiatric disorders na kung saan naapektuhan nito ang

pagiisip ng isang tao, madalas maapektuhan nito ay ang mga kababaihan. Sa marami

nang ginawang pananaliksik tungkol sa depresyon, lumalabas na ang mga estudyante

ang pinakanaapektuhan nito.

Ang isang taong nakakaranas ng depresyon ay maaaring hindi nangangailangan

ng anumang propesyonal na panggagamot dahil minsan mismong may katawan ang

dapat gumawa ng paraan upang maiwasan niya ang depresyon o magamot nya ang

kanyang sarili. Ang kanilang mga pamilya ang isa sa mga makakatulong sakanila upang

magamot o mawala ang depresyon kanilang nararanasan dahil sa pag-aaral o sa kahit

anong dahilang kung bakit sila nagkakaruon ng ganitong uri ng sakit.


Ang mga mananaliksik ay nagpasyang Epekto ng Depresyon sa mga estudyante

ang maging paksa ng kanilang pananaliksik sapagkat ninanais nilang maintindihan ang

iba’t ibang dahilan kung bakit maraming estudyante ang nakakaranas ng depresyon.

Layunin

Pangkalahatang layunin

Nilalayon ng mananaliksik na matukoy at ipakita kung anu-ano ang mga epekto

ng Depresyon sa mga estudyante sa DLSU-D. Hinahangad ng mga mananaliksik na

alamin ang iba’t ibang mga nararanasan ng mga estudyanteng naaapektuhan ng

depresyon.

Mga tiyak na layunin.

1. Ano ang depresyon at dahilan ng pagkakaroon nito sa mga estudyante?

2. Anu-ano ang mga negatibong epekto nito sa mga estudyante?

3. Anu-ano ang iba’t ibang mga paraan na makakatulong upang masolusyunan

ang negatibong mga epekto ng depresyon sa mga mag-aaral?

Metodolohiya

Gagamit ang mga mananaliksik ng deskriptibo o palarawang pamamaraan ng

pananaliksik sa pag-aaral na ito. Kasunod nito ay ang paraan ng sarbey na kung saan

gagawa ng mga tanong ang mga mananaliksik na ipapamahagi sa mga estudyante ng

DLSU-D. Kasama na din ang pagsasagawa ng interbyu o panayam sa mga napiling

mag-aaral ng DLSU-D upang mas mapalinaw pa ang gagawing pag-aaral sa riserts na

napili.
Ang pagpunta din sa aklatang Emilio Aguinaldo ang isa sa mga gagawin ng mga

mananaliksik upang makakuha ng mga datos o impormasyon sa iba’t ibag mga

babasahin na may kinalaman sa paksang gagawan ng pag-aaral. Sa bandang huli

naman, ang pagsangguni naman sa internet ay maaari ring pagkuhaan ng ilang mga

datos.
Inaasahang Bunga

Ang inaasahang bunga ng mga mananaliksik pagkatapos na maisagawa ang

pananaliksik na ito, maresolba ang mga layunin na kanilang ibinigay. Inaasahan din sa

pag-aaral na ito na makakapagbigay ng malinaw at tamang impormasyon tungkol sa

paksang ginagawan ng riserts. Kasama na din sa inaasahan na matukoy ang mga

solusyon tungkol sa paksang isinagawa,

You might also like