You are on page 1of 35

Ang Karanasan ng mga Magulang ng mga Estudyanteng

Mayroong Espesyal na Pangangailangan sa mga Pampublikong


Transportasyon sa Santa Rosa Laguna

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa Nina

Ariles, Seanmark
Pareño, Jasmine
Santelices, Josa Casandra
Sta. Ana, Kin Mealy
Tampoc, Mary Rhyme
Tobeo, Airam Myles
Vallejo, Adriana Eliza

HUMSS 11 Y1-2

Ipinasa kay:
Bb. Imee O. Quadra
Tagapayo
Mayo 2023

PAGHAHANDOG

Unang-una sa lahat, buo at taos puso naming inihahandog ang pananaliksik na ito sa

ating Makapangyarihang Diyos. Iniaangat namin sa Kaniyang pangalan ang pag-aaral na

ito sapagkat hindi Siya nagkulang sa pagbibigay ng biyaya, husay, katatagan, at gabay sa

aming mga mananaliksik.

Sa aming mga magulang na patuloy ang pagbibigay ng pinansyal at suportang

emosyonal, na siya ring nagbigay ng pangaral at gabay sa paggawa ng pag-aaral na ito,

lubos ang aming pasasalamat sa inyo.

Sa aming mga kaibigang walang dalawang-isip sa pagbigay ng suporta at hindi

pagtanggi sa mga tulong na aming kinailangan upang maisagawa ang pananaliksik na ito,

at ang aming karamay mula umpisa hanggang sa huling hakbang ng aming pag-aaral, ang

aming pasasalamat ay lubos at titiyakin naming maipabatid iyon sa inyo.

Sa mga kapwa mananaliksik na kabahagi ng pag-aaral na ito, na naglaan ng pagod,

tiyaga, sikap, at oras upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

At sa huli, sa aming mga mahal at kagalang-galang na mga guro, na walang-sawa ang

pagbibigay ng patnubay at gabay, mula sa pinaka-unang hakbang hanggang sa huli ng

pag-aaral na ito, sa walang tigil na pag-unawa, lubos at taos-puso ang aming pasasalamat

sa inyo.

Mga Mananaliksik
PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasagawa at magwawakas kung wala ang tulong,

kontribusyon, at pagpapalakas ng loob ng mga taong nakapaligid sa aming mga

mananaliksik. Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga taong nagbigay ng oras,

karanasan, at kaalaman upang makamit namin ang kawakasan ng pananaliksik na ito.Ang

mga mananaliksik sa paksang “Ang Karanasan ng mga Magulang ng mga Estudyanteng

Mayroong Espesyal na Pangangailangan sa mga Pampublikong Transportasyon sa Santa

Rosa Laguna” ay pinapabatid ang ganap at taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod:

- Sa Poong Maykapal na Siyang nagbigay ng gabay upang maisagawa ang pag-aaral ito.

- Sa pamilya ng mga mananaliksik na nagbigay at patuloy na nagbibigay ng walang

sawang suporta.

- Sa mga kalahok ng pananaliksik na nagbigay ng pagtugon at impormasyon upang

mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa.


- Sa aming guro sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik sa walang sawang pag-gabay, pag-suporta, at pag-bibigay kaalaman upang

makamit ang tagumpay ng pag-aaral.

- Sa mga mananaliksik, na nagsumikap upang maisaayos at matapos ang pag-aaral.

- Sa mga mapagkakatiwalaang website ng iba’t ibang paaralan, unibersidad, pamantasan,

at iba pang pinagkalapan ng mga kaugnay na mga pagaaral at literatura.

- Sa mga pahayagan na malaki ang naging kontribusyon upang lubos na maunawaan ang

mga impormasyon sa pag-aaral na ito.

- Sa mga guro ng mataas na antas ng sekondarya ng Pamantasan ng Our Lady of Fatima

– Laguna na nagbigay ng kanilang pagsusuri sa pananaliksik na ito.

Muli, taos-puso ang aming pagbibigay ng kahalagahan sa inyong katapatan at kahandaan

na makapagbigay ng iba’t ibang kaalaman sa pag-aaral na ito. Hindi magiging

matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala ang tulong, pakikibahagi, at suporta ng

mga nabanggit sa itaas.

Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMANPahina

Pamagat…………………………………………………………………………………….i
Paghahandog………………………………………………………………………………ii

Pasasalamat…………………………………………………………………………….iii-
iv

Talaan ng nilalaman……………………………………………………………………v-
vii

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

➢Panimula………………………………………………………………………………..1

➢Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………………..

➢Layunin ng Pag-aaral………………………………………………………………….

➢Paradigma………………………………………………………………………………..

➢Saklaw at Delinasyon……………………………………………………………………

➢Katutunan ng mga Katawagan…………………………………………………………

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

➢Literatura………………………………………………………………………………

➢Pag-aaral……………………………………………………………………………

KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Disenyo ng pag-

aaral…………………………………………………………………………………….

Lokal ng pag-
aaral…………………………………………………………………………………….

Taktika ng paglikom ng
datos………………………………………………………………………………………...

Hakbang sa paglikom ng
datos………………………………………………………………………………………...

Instrumento ng
pananaliksik………………………………………………………………………………...

Istatistikong
pamamaraan………………………………………………………………………………...

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang pagkakaroon ng kapansanan ay isang napakabigat na aspeto buhay ng mga

taong mayroon nito. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong 1.3 bilyong tao, katumbas ng
16% ng populasyon ng mundo, ang may malaking kapansanan at patuloy itong dumarami

dahil sa pagdami ng populasyon. Ang kapansanan ay nanggagaling sa pag-uugnay ng

mga indibidwal na mayroong mga kondisyong pangkalusugan tulad ng cerebral palsy,

down syndrome, depression, at iba't ibang personal at pangkapaligiran na mga

kadahilanan tulad ng negatibong pananaw, kakulangan sa access sa transportasyon at mga

gusali na hindi accessible sa mga may kapansanan, at limitadong social support. Ang

karanasan at lawak ng kapansanan ay malaki ang epekto ng kapaligiran ng isang tao.

Kapag hindi accessible ang kapaligiran, lumikha ito ng mga hadlang na madalas ay

paghihigpit sa kakayahan ng mga may kapansanan na lubusan at epektibong makilahok

sa lipunan sa parehong antas ng iba. Upang mapabuti ang pakikilahok ng mga indibidwal

na may kapansanan sa lipunan, kinakailangan na solusyunan ang mga hadlang na ito at

tulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Pisikal na Espesyal na Pangangailangan

Ang mga kondisyon na nagdudulot dito ay pinsala sa utak na maaaring makuha

ng isang indibidwal. Ilan sa mga kondisyon ay pagkakaroon ng pinsala sa spinal cord,

spina bifida; na kapag lumala ay maaaring umabot sa mga pisikal na kapansanan gaya ng

paralisis, at multiple sclerosis, pinsala sa myelin sheath na sumasaklaw sa spinal cord na


maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas. Sa kaibahan sa isang taong biglaan na may

pisikal na espesyal na pangangailangan o unti-unting nagkakaroon nito, ang kakayahang

mag-adjust sa kanilang bagong normal na sitwasyon ay maaaring mas natural sa isang

taong ipinanganak na may pisikal na espesyal na pangangailangan. Narito ang ilang mga

karaniwang pisikal na espesyal na pangangailangan kasama ang ilang impormasyon

tungkol dito:multiple sclerosis, allergies at asthma, juvenile arthritis, leukemia, muscular

dystrophy, epilepsy.

Multiple Sclerosis - Ito ay matagalan, ata karaniwang nakakabaldang sakit ng central

nervous system. Ang mga sintomas nito ay maaaring banayad lamang gaya ng paglabo

ng paningin at pamamanhid ng biyas. Mayroon ding ilang kaso kung saan mas malubha

at tumatagal ang sintomas gaya ng pagkapalarisa, kawalan ng ulirat, hindi mapigil na

pag-ihi o pag-dumi, at kawalan ng paningin.

Spina Bifida - Ito ay isang uri ng neural tube defect(NTD) na karaniwang natuklasan

bago at kapag naipanganak. Ang termino ay nangangahulugang lamat sa gulugod o cleft

spine, o hindi ganap na pagsara ng gulugod. Sa ilang mga kaso ng mga batang may spina

\\\\\\\\\\bifida na mayroon ding kasaysayan ng hydrocephalus o dating kilala bilang tubig

sa utak ay nakakaranas ng problema sa kanilang pag aaral. Maaaring mayroon silang

kahirapan sa pagbasa, sa pakikinig, pagkakaroon ng maliit o limitadong abilidad sa

matematika, at kahirapan sa pagpapahiwatig at pang-unawa sa mga salita.

Epilepsy o Seizure Disorder - Ito ay isang neurological condition na maaaring tumama sa

sinumang indibidwal na walang pinipiling edad o sekswalidad. Ito ay sakit na resulta ng

abnormal electrical activity sa utak. Ang pagkasira o pagkawala ng tamang kaayusan ng


electrical activity., nagreresulta ito sa pansamantalang pagkawala ng malay na maaaring

humantong sa convulsions; at kapag bigla namang tumaas ang electrical activity ay

nagbubunga ito ng epileptic seizure.

Developmental na Espesyal na Pangangailangan

Ang mga kapansanan sa development ay isang pangkat ng mga

kondisyon

dahil sa isang kapansanan sa pisikal, wika, pag-aaral, o sa pag-uugali.

Nagsisimula ang mga kondisyong ito sa panahon ng pag-unlad ng isang

indibidwal, maaaring makaapekto sa pang araw-araw na pagkilos, at karaniwang

tumatagal nang pang-habang buhay sa ilang tao. Karaniwang malalaman ang mga

pangangailangan sa pag-unlad sa unang yugto ng buhay ng isang tao, subalit

mayroong ibang hindi agad nahahalata hanggang sa maabot ng isang indibidwal a

ang tiyak na antas ng edukasyon. Mga kondisyon o kapansanan na nakapalibot sa

“developmental”, down syndrome, autism, dyslexia, dyscalculia, dysgraphia,

dyspraxia, aphasia or dysphasia, auditory processing disorder, visual processing

disorder.

● Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) - Ito ay kundisyon

kung saan mayroong kakulangan sa pagkaka-hubog ng utak ng isang tao,

na nagdudulot ng labis na pagka-balisa o kawalan ng kakayahang


makapag-pokus ng isang indibidwal. Mayroong tatlong klase ng ADHD

na maaaring makita sa kabataan.

1. ADHD Inattentive Type (ADHD-IA) - Madaling nadidistract o

paglilipat-lipat ng atensyon ng isang may ADHD.

2. ADHD Hyperactive Type (ADHD-HI) - Nahihirapan pumirmi o

labis na hindi mapakali ang indibidwal.

3. ADHD Combined Type (ADHD-CT) – Nararanasan ng may

ADHD ang mga sintomas ng ADHD-1A at ADHD-CT.

● Autism Spectrum Disorder (ASD) - Ito ay ang umbrella term para sa

grupo ng mga complex neurodevelopmental disorders na bumubuo sa

autism. Isa itong kondisyon na nakakaapekto sa komunikasyon at pag-

uugali ng mga taong autistic. Ang iba’t ibang potensyal na kasanayan,

pagkakaiba at antas ng kakayahan na mayroon ang mga taong autistic ay

tinatawag na Autism Spectrum.

● Down Syndrome - Ito ay ang pinaka-karaniwang diagnosed na

chromosomal syndrome. Ang mga taong may ganitong karamdaman ay

mayroong dagdag na kopya (Trisomy) ng 21 chromosomes, na

humahantong sa pagpapaunlad ng mental (Bawas ang katalinuhan) at mga

pisikal na karamdaman. Ang sanhi ng sakit na ito ay naipapaliwanag at

nauunawaan; gayunpaman, ang mga kadahilanan ng kapaligiran na

mutagen ay naglalaro sa ganitong paraan.


Pag-uugali o Emosyonal na Espesyal na Pangangailangan

Ito ay isang kondisyon na kung saan ay hindi mapigilan ng isang

tao ang pag iisip, pagkabalisa, hindi mapigilan ang kanyang emosyon at

iba pa, na nangangailangan ng gabay at tulong ng isang propesyonal na

may sapat na kaalaman o makakilatis ng pag uugali ng isang indibidwal.

Ang mga kondisyon o sakit na ito ay; obsessive compulsive disorder,

dissociation, post-traumatic stress disorder, pagkabalisa, depresyon,

attention deficit (hyperactivity) disorder, bipolar. Ang mga kondisyon na

nabanggit ay maaaring naging resulta ng stress, gaya ng pagiging

financially unstable, problema sa pamilya, trauma noong sila ay bata pa at

marami pang iba. Malaking tulong ang mga propesyonal katulad na

lamang ng therapists na siyang nagbibigay tulong at suporta sa mga taong

nakakaranas ng mga nabanggit.

1. Obsessive Compulsive Disorder - Ay isang karamdaman kung saan hindi

mapigilan ng isang tao ang kanilang sarili sa pag-iisip o pag-uugali ng

paulit-ulit. Ito ay maaaring resulta ng pagkabalisa or stress. Ang mga tao

na may ganitong kondisyon ay naaakit na gumawa ng bagay na biglaan na

lamang nilang naiisip para maiwasan ang stress.

2. Post-Traumatic Stress Disorder - Ay isang karamdaman na kung saan

natritrigger ang karanasan ng isang tao, maaaring dahil sa mga hindi

magandang karanasan. Katulad na lamang ng bangungot, pagkabalisa at

matinding pag-iisip.
3. Depresyon - Ito ay karamdaman na nakakaapekto sa pag-iisip at at

pagkilos ng isang tao. Ang depresyon ay nagbigay ng lubhang

kalungkutan at pagkawala ng interes sa mga bagay bagay.

Sensory Impairment

Ito ay ang mga taong may kapansanan o espesyal na pangangailangan. Gaya ng

kapansanan o problema sa pandinig, paningin, paggalaw sa mga parte ng katawan at iba

pa na maaaring makikinabang sa mga teknolohikal at sosyal na pag-unlad tulad ng

auxiliary aids at adaptive equipment, gaya ng isang mahusay na train service dog o Type-

N-Speak, na makakatulong sa kanilang pag-aaral at pakikipag komunikasyon. Ang mga

tao na mayroong kapansanan ay limitado lamang ang kanilang mga kayang gawin kung

sila ay maihahalintulad sa mga normal na tao. Mabilis mong matutukoy o malalaman

kung ang isang tao ba ay sensory impaired sapagkat sila ay may mga katangian na wala

ang isang normal na indibidwal. Halimbawa na lamang kapa ang isang tao ay may suot

na “hearing aid” sa tainga, sila ay may sakit o kapansanan sa pandinig. Isa pang

halimbawa ng sensory impaired na tao ay, may salamin ito na suot. Maaring ito ay

malabo ang mata o yung iba naman ay bulag. Mayroong mga akomodasyon sa mga

paaralan at lugar ng trabaho sa buong bansa para sa mga indibidwal na may sensory

impairments.
Kabulagan - Ay pagkawala ng karapatan na makakita. Kapag sinabing

kabukagan, ito ay tuluyan ka nang nabulag. Ito ay maaari na naging resulta ng

pagkakaroon ng sakit sa mata katulad na lamang ng glaucoma at cataract.

Pagkabingi o kahinaan ng pandinig - Resulta ito ng pagtanda, pagkakaroon ng

diperensya sa tainga at malalakas na tunog na nakabasag ng eardrum. Ang mga

nabanggit ay mga resulta ng pagka-bingi ng isang tao. Habang ang tao ay

tumatanda, may malaking posibilidad na ito ay unti-unti na mawalan ng pandinig.

Kapansanan sa paningin - Ang kaibahan nito sa kabulagan ay, ito ang unti-unti

ng pagkabulag o paglabo ng mata ng isang tao. Samantalang ang kabulagan

naman ay dahil sa nagkaroon ng sakit sa mata na naging resulta ng pagkabulag.

Ang transportasyon ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na

buhay, lalo na para sa mga magulang ng mga batang may mga espesyal na

pangangailangan na umaasa sa pampublikong transportasyon upang makapag-access sa

mga mahahalagang serbisyo tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at mga

aktibidad sa komunidad. Ang pampublikong transportasyon ay nagbibigay ng abot-kaya

at komportableng pagpipilian sa paglalakbay para sa mga pamilya, ngunit para sa mga

magulang ng mga estudyante na may mga espesyal na pangangailangan, ang pag-

navigate sa mga sistema ng pampublikong transportasyon ay maaaring isang hamon at

kadalasan na pagdudulot ng stress. Ang mga magulang ng mga estudyante na may mga

espesyal na pangangailangan ay nakakaranas ng iba't-ibang hamon sa paglalakbay sa

pampublikong transportasyon, tulad ng pag-navigate sa mga komplikadong oras ng


biyahe, at pag-manage sa mga espesyal na pangangailangan ng kanilang anak habang

nasa biyahe. Ang mga hamong ito ay maaaring magdulot ng dagdag na stress at anxiety

sa mga magulang, na nakapagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kalusugan at

kabutihan.Sa kabila ng kahalagahan ng pag-unawa sa mga karanasan ng mga magulang

ng mga estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan sa pampublikong

transportasyon, mayroong limitadong pananaliksik tungkol sa paksa. Ang mga

kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa mga karanasan ng mga indibidwal na may

kapansanan o sa kakayahang ma-access ang mga sistema ng pampublikong

transportasyon, kaysa sa mga perspektibo at karanasan ng mga magulang ng mga

estudyante na may mga espesyal na pangangailangan. Kaya't layunin ng pag-aaral na ito

na masuri ang mga naging karanasan ng mga magulang ng mga estudyante na may mga

espesyal na pangangailangan sa pampublikong transportasyon. Ito ay su-suriin ang mga

hamong hinaharap ng mga magulang, kanilang mga estratehiya sa pagharap dito, at ang

epekto ng kanilang mga karanasan sa kabuuan ng kanilang kalagayan. Ang mga

natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng mga kaisipan para sa mga

tagapag pasya, mga nagbibigay ng transportasyon, at mga pangkat na nagtataguyod ng

mga karapatan ng mga taong may kapansanan upang mapabuti ang pagiging accessible at

kasamaan sa mga sistema ng pampublikong transportasyon para sa mga pamilya na may

mga espesyal na pangangailangan.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa karanasan ng mga magulang ng mga

estudyanteng mayroong espesyal na pangangailangan sa mga pampublikong

transportasyon. Ang pangunahing suliranin ay ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga

magulang ng mga estudyanteng may espesyal na pangangailangan sa lungsod ng Santa

Rosa Laguna.

Ang pag aaral na ito ay naglalayong sikapin na bigyan ng kasagutan ang mga

sumusunod na suliranin.

1. Ano ang mga hirap na naranasan ng mga magulang na may anak na mayroong

espesyal na pangangailangan?

2. Paano nasisigurado ng mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak na

mayroong espesyal na pangangailangan pagdating sa transportasyon?

3. Paano makakatulong sa mga magulang na mapunan ang mga espesyal na

pangangailangan ng kanilang anak?

4. Ano ang nararamdaman ng magulang kapag may ibang pagtrato sa kanilang anak

na may espesyal na pangangailangan sa pampublikong transportasyon?

5. Paano nasosolusyunan ng mga magulang ang pagsubok na kinakaharap nila

pagdating sa pagsakay ng kanilang anak sa pampublikong transportasyon?

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral tungkol sa magulang na may anak na may espesyal na Ang

pangangailangan sa pang-publikong transportasyon ay upang masuri kung ano ang mga

hamon at mga suliranin na kinakaharap ng mga magulang na ito sa paghahanap ng


tamang transportasyon para sa kanilang anak. Kabilang sa mga pangunahing layunin ng

pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Tuklasin ang mga hamon na kinakaharap ng mga magulang sa pagpili ng tamang

transportasyon para sa kanilang anak na may espesyal na pangangailangan.

2. Alamin kung paano nakakaapekto ang mga limitasyon ng mga pampublikong

transportasyon sa kalidad ng buhay ng mga bata na may espesyal na

pangangailangan at kanilang mga magulang.

3. Magbigay ng mga rekomendasyon at solusyon upang mas mapabuti ang

kalagayan ng mga magulang at mga bata sa pangangailangan ng tamang

transportasyon.

4. Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan at karanasan

ng mga magulang sa pakikipag-ugnayan sa mga institusyon ng transportasyon at

mga tagapagbigay ng serbisyo.

Sa pangkalahatan, layunin ng pag-aaral na ito ay upang matulungan ang mga magulang

na may anak na may espesyal na pangangailangan na masiguro ang kaligtasan at kalidad

ng transportasyon ng kanilang mga anak sa mga pampublikong transportasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral
1. Pag-unawa sa mga hamon na kinakaharap ng mga magulang: Ang mga magulang ng

mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan ay kadalasang nahaharap sa mga

natatanging hamon na maaaring mahirap para sa iba na maunawaan. Ang pag-aaral ng

kanilang mga karanasan ay makakatulong sa atin na mas maunawaan ang mga hamong

ito at ang epekto ng mga ito sa buhay ng mga magulang.

2. Pagpapabuti ng suporta para sa mga magulang: Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga

karanasan ng mga magulang ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan,

matutukoy natin ang mga lugar kung saan kulang ang suporta at bumuo ng mga

estratehiya upang mas mahusay na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Maaaring kabilang dito ang pagbibigay ng mas maraming mapagkukunan at serbisyo,

pagpapabuti ng komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at tagapagturo, at pagbibigay

ng emosyonal na suporta.

3. Pagpapabuti ng edukasyon ng mga mag-aaral na may mga espesyal na

pangangailangan: Ang mga magulang ay gumaganap ng isang kritikal na papel sa

edukasyon ng kanilang mga anak, lalo na ang mga may espesyal na pangangailangan. Sa

pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga karanasan, matutukoy natin ang mga paraan

upang mas maisangkot ang mga magulang sa proseso ng edukasyon at mapabuti ang mga

resulta para sa mga mag-aaral.

4. Pagbibigay-alam sa mga pagsisikap sa patakaran at pagtataguyod: Ang mga karanasan

ng mga magulang ng mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan ay

maaaring magbigay ng mahalagang mga pananaw sa epekto ng mga patakaran at batas sa

mga pamilya. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin upang isulong ang mga
pagbabago na mas makakasuporta sa mga pamilya at mapabuti ang mga resulta para sa

mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan.

5. Pangkalahatan - Ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga karanasan ng mga magulang

ng mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan ay mahalaga para sa

pagpapabuti ng buhay ng mga pamilyang ito at pagtiyak na natatanggap ng mga mag-

aaral ang suporta na kailangan nila upang magtagumpay.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahong papel na ito ay sumasaklaw ng mga piling

indibidwal na siyang nakapagbibigay ng mga tama at totoong impormasyon na

pagdaragdag ng kaalaman sa mga mananaliksik at mga mambabasa kung saan ang mga

napag-alaman at ang mga bagong kaalaman ng mga mag-aaral ng Baitang 11 ng Pangkat

HUMSS 2 ng Pamantasan ng Our Lady of Fatima - Laguna, taong panuruan 2022-2023

ay pinagsama-sama.

Ang mga respondente ay mga magulang na manggagaling at kasalukuyang naninirahan

sa Santa Rosa, Laguna. Ang mga magulang na ito ay pinili dahil sila ay may sapat na

kaalaman, kakayahan, at may kinalaman sa nasabing pananaliksik.

Paradigma →

Ang batayang konseptwal o conceptual framework ng pag-aaral na ito ay gagamitan ng

input-process-output model.
INPUT PROSESO AWTPUT

• Nais malaman ng mga • Ang mga mananakiksik ay pagsasagawa ng • Inaasahan ng


mananaliksik ang mga interbyu at magsusulat ng kwestyuner upang mga
Karanasan ng mga malaman ang mga pinagdaanan ng mga mananaliksik
Magulang ng Isang Magulang ng mga estudyanteng mayroong na makalap ng
Estudyanteng espesyal na kapansanan mga datos na
Mayroong Espesyal na kailangan nila
Pangangailangan sa upang malaman
mga Pampublikong Ang Karanasan
Transportasyon sa ng mga
Santa Rosa Laguna. Magulang ng
Isang
• Ang mga napiling Estudyanteng
respondents sa Mayroong
pananaliksik na ito ay Espesyal na
ang mga magulang sa Pangangailanga
Sta Rosa Laguna na n sa mga
may Anak na Pampublikong
estudyanteng mayroong Transportasyon
espesyal na sa Santa Rosa
pangangailangan. Laguna na
kanilang
ininterbyu.

PARADIGMA NG PAG-AARAL

Sinasaad sa Input ang tanong na nais masagot ng mga mananaliksik na Ang

Karanasan ng mga Magulang ng, Isang Estudyanteng Mayroong Espesyal na

Pangangailangan sa mga Pampublikong Transportasyon sa Santa Rosa Laguna.

Ipinapakita naman sa proseso ang paghahanap o pagaalam ng datos gamit ang

kwestyuner na gagawin ng mga mananaliksik, makikita den sa proseso ang pagsasagawa


ng interbyu sa mga napiling respondents.Sa Output magaganap ang konklusyon at ang

mga sagot sa tanong na hinanda ng mga mananliksik.

Katuturan ng mga Katawagan

Para lubos na maunawaan ang talakayan ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

kahulugan ng mga salitang ginamit ay inilatag ng mga mananaliksik:

Multiple Sclerosis- Ang multiple sclerosis (MS) ay isang nakakabagabag na autoimmune

na sakit ng central nervous system (CNS) na nakakaapekto sa utak, spinal cord, at optic

nerves. Ito ay kinabibilangan ng pamamaga, pagkawala ng myelin (protektibong balot ng

mga nerve fibers), at pagkakaroon ng mga peklat na tissue sa CNS, na maaaring

magdulot ng iba't ibang mga sintomas.

Public Transportation- Ang public transportation ay ang paggamit ng pampublikong

sasakyan, tulad ng mga bus, tren, jeepney, o taxi, upang maghatid o magdala ng mga tao

sa kanilang patutunguhan. Ito ay binabayaran ng mga pasahero at kinokontrol ng

pamahalaan o ng mga pribadong kumpanya. Sa Tagalog, ito ay tinatawag na

"pampublikong transportasyon."

Spina Bifida- Ang spina bifida ay isang depekto sa kapanganakan kung saan hindi

nagsasara ng maayos ang spinal column sa panahon ng fetal development, na nag-iiwan

ng butas o pagbukas sa spine. Ito ay maaaring magresulta sa pinsala sa spinal cord at

nerves, na maaaring magdulot ng iba't ibang mga problema sa pisikal at neurological.


Epilepsy or Seizure Disorder- Ang epilepsy o seizure disorder ay isang uri ng

karamdaman sa utak na nagdudulot ng mga hindi kontroladong pag-atake o seizure.

Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) - Ang ADHD o

Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder ay isang kondisyon sa pag-iisip na

nakakaapekto sa pagpapahinahon, pagmamalasakit, at pagiging aktibo ng isang tao.

Karaniwang makikita ito sa mga bata, ngunit maaari rin itong magpatuloy sa pagtanda.

Autism Spectrum Disorder (ASD) - Ito ay ang umbrella term para sa grupo ng mga

complex neurodevelopmental disorders na bumubuo sa autism. Isa itong kondisyon na

nakakaapekto sa komunikasyon at pag-uugali ng mga taong autistic. Ang iba’t ibang

potensyal na kasanayan, pagkakaiba at antas ng kakayahan na mayroon ang mga taong

autistic ay tinatawag na Autism Spectrum.

Down Syndrome - Ito ay ang pinaka-karaniwang diagnosed na chromosomal syndrome.

Ang mga taong may ganitong karamdaman ay mayroong dagdag na kopya (Trisomy) ng

21 chromosomes, na humahantong sa pagpapaunlad ng mental (Bawas ang katalinuhan)

at mga pisikal na karamdaman. Ang sanhi ng sakit na ito ay naipapaliwanag at

nauunawaan; gayunpaman, ang mga kadahilanan ng kapaligiran na mutagen ay naglalaro

sa ganitong paraan.

Obsessive Compulsive Disorder - Ay isang karamdaman kung saan hindi mapigilan ng

isang tao ang kanilang sarili sa pag-iisip o pag-uugali ng paulit-ulit. Ito ay maaaring

resulta ng pagkabalisa or stress. Ang mga tao na may ganitong kondisyon ay naaakit na

gumawa ng bagay na biglaan na lamang nilang naiisip para maiwasan ang stress.
Post-Traumatic Stress Disorder - Ay isang karamdaman na kung saan natritrigger ang

karanasan ng isang tao, maaaring dahil sa mga hindi magandang karanasan. Katulad na

lamang ng bangungot, pagkabalisa at matinding pag-iisip.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sinusuri sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

nagbibigay suporta sa mga impormasyon at detalye ng pananaliksik na ito. Ang

komprehensibong pag-aaral na ito ay iniangkala ng mga mananaliksik sa iba’t ibang

pananaw at impormasyon upang maipakita ang masusing pag-aaral sa mga karanasan sa

transportasyon ng mga magulang na may mga anak na mayroong espesyal na

pangangailangan. Inilahad dito ang mga natuklasan, konsepto, paniniwala, at teorya mula

sa mga naunang pananaliksik na may kaugnayan sa napiling pag-aaral. Ito ay

nakapagbibigay ng malalim at malawak na kaligiran ng pag-aaral at nakapagbibigay ng

katwiran sa layunin ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Literatura

(Sáez et al., 2019) “Pagtulong sa mga taong may kapansanan sa pampublikong

sistema ng transportasyon sa pamamagitan ng RF-Communication.” Ang pag-aaral na ito

ay isa sa napaka brilyant na ideya, na maaari nating iapply sa ating pampublikong

transportasyon. Ngayong 2023 ay nagkaroon ng balak ang ating gobyerno na i-upgrade


ang ating mga pampublikong transportasyon na hindi sinang ayunan ng iba ng dahil sa

kakulangan sa budget at sa oras.Ang pampublikong transportasyon ay talagang mahalaga

dahil madalas ito ang pinaka praktikal na paraan para sa mga indibidwal na makarating sa

trabaho, paaralan, medikal na pangangailangan, pagkain, at iba pang serbisyo sa kanilang

lugar. Hindi lamang ito madaling ma-access kundi abot-kaya rin ito sa mga estudyante at

sa mga taong nag-iipon ng pera para sa kanilang pamilya o para makabili ng mga

kailangan nila. Ngunit mahirap naman ito sa mga taong bulag o may problema sa

paningin. Madalas silang nahihirapan sa paghahanap ng tamang bus at sa pagbaba sa

tamang lokasyon, na kailangan pa nilang umasa sa iba para sa transportasyon. Ito ay

nagpapahirap sa kanilang paggawa, nagbabawal sa kanila na makapag trabaho at

maglibang. Kaya’t dapat mag-develop ng isang autonomous public transportation system

na maaari nating i-apply sa modern jeepney na may kakayahang pag-accommodate ng

mga taong may problema sa paningin, lalo na sa mahihirap na bansa, upang malutas ang

problemang ito.

Ayon sa pag-aaral na "Paglahok ng komunidad at mga hadlang sa

pampublikong transportasyon na nararanasan ng mga taong may kapansanan", mayroon

silang mga taong may kapansanan na sumagot sa isang survey upang mas maunawaan

ang mga hadlang na kanilang kinakaharap kapag nag-access sa pampublikong

transportasyon. Karamihan sa mga taong sumagot ay nagsabi na nakakaranas sila ng

maraming hamon kapag gumagamit ng mga pampublikong transportasyon, isa na doon

ang pagkakaroon ng problema sa mga nakakasalamuha sa mga pampublikong

transportasyon na kulang ang kaalaman sa mga taong may kapansanan. Nagkaroon din ng
malinaw na pagkakaiba sa kung paano tinatrato ng mga tao ang PWD’s (Person with

Disabilities). Sa pag-aaral na ito ay naipakita na ang isang partikular na grupo ng may

kapansanan ay nakakaranas ng mas matinding problema sa pampublikong transportasyon

kumpara sa ibang mga grupo. (Bezyak et al., 2022)

Pag-aaral

Malaki ang naging pagbabago simula ng maranasan natin ang Covid-19.

Maraming mga nawalan ng trabaho, nagkasakit, nawalan ng mahal sa buhay at

mga hindi makalabas ng bahay ng dahil sa kanilang mga kakulangan na maaari ay

pisikal at maari ring internal at marami ring mga estudyante na naghirap dahil sa

pagkakaroon ng distance learning, gayundin sa paghahanap ng ligtas na

pampublikong sasakyan. Ayon sa pag-aaral nila (Akbar & Woods, 2022)

Nalaman ang mga pangangailangan ng mga estudyante na may mga espesyal na

pangangailangan. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para sa magulang sa

Pakistani upang mahubog ang pag unawa sa mga batang may kapansanan at sa

kanilang karanasan sa pagkakaroon ng espesyal na pangangailangan sa pag aaral

pati na rin ang serbisyo na dapat ay binibigay sa kanila. Sa pag-usisa ng pag-aaral

na ito ay ininterview ng mga mananaliksik ang 10 pakistaning magulang na nag-

aalaga ng ibang pamana sa england na mayroong anak na may espesyal na

pangangailangan. Sinasabi dito na ang mga magulang ng mga bata may espesyal

na pangangailangan ay nahihirapan maunawaan at ipaliwanag ang kapansanan ng

kanilang anak. Ngunit hindi nila makakaila na kinahihiya rin nila ang mga
ganitong bagay ng dahil na rin sa mga tao na nakapaligid sa kanila na hindi

maintindihan ang mga pangyayari na hindi naman nila nararanasan sa pagpapalaki

ng mga bata na may mahalaga at espesyal na pangangailangan na dapat talagang

pinagtutuunan ng pansin. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay ay kinasusuklaman nila

ang sarili nila at anak nila na bakit sa sobrang daming maaaring ibigay sa anak

nila ay ang pagkakaroon pa ng kapansanan, na para bang wala silang karapatan na

mabuhay. Napaka halaga talaga na pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno hindi

lang sa bansang tinutukoy ng pag-aaral na ito ngunit sa buong mundo. Kaya

naman ang serbisyo sa sikolohiyang pang-edukasyon para sa mga bata at pamilya

ay kinakailangang makahanap ng paraan sa pag angkop para magkabilang sa

miyembro sa iba't ibang komunidad para protektahan ang karapatan ng mga bata

na may kapansanan.

Sa pagsusuri nila (Tekola et al., 2022) sa parehong urban at rural na bahagi ng ethiopia ay

natuklasan na ang mga uri ng pagkaantala o pagkakaiba sa pag-unlad ng bata na

natuklasan ng mga magulang sa maagang yugto at ang mga uri ng suporta na hinahanap

nila ay naapektuhan ng mga paniniwala sa kultura at relihiyon. Hindi talaga makakaila na

ang ating kultura at relihiyon ay may malaking epekto sa kung paano natin tinitingan at

iniintindi ang mga bagay na konektado na sa sikolohikal na pangangailangan.

Nakapaloob rin dito na nagkaroon ng mga hamon ang mga magulang tulad ng

kakulangan sa angkop ng tulong, stigma, at kakulangan sa pag-unawa ng iba, na minsan

ay magiging dulot ng hindi pagkakaintindihan ay isa sa mga naging hamon ng mga

magulang lalo na ng mga single mom/dad. Magkaugnay at marami ang mga hamong
nararanasan nila, kasama na ang pananaw ng lipunan na wala masyadong alam tungkol sa

mga taong may espesyal na pangangailangan na dapat ay natuturo at pinaiintindi ng

paaralan o ng mga makapangyarihan upang magkaroon ng maganda at friendly na

lipunan at mga kahirapan na dinaranas ng mga magulang, lalo na ng mga may

kapansanan sa ating lipunan. Lalo na sa mga pampublikong lugar at transportasyon na

hindi talaga maiiwasan magkaroon mga tao na manghuhusaga sa mga katulad nila.

Maraming mga PWD’S ang hindi nakakaalam ng kanilang karapatan sa ating lipunan.

Nakasaad sa PIDS (Philippine Institute for Development Studies) Nanawagan si Senador

Sonny Angara sa pagpapatupad ng batas ukol sa mga may kapansanan na ipinagbabawal

ang diskriminasyon sa kanila, naatasan ang ahensya ng gobyerno na magseserba ng 1

porsyento ng plantilla para sa mga nanlalait sa mga PWD’s .Nakasaad rin dito na dapat

mas madali ang proseso sa pagkuha ng ID o ng mga pangangailangan papeles ng mga

may kapansanan. (Mendez, 2018) Gayundin ang pagkakaroon ng hindi

pagkakaintindihan at pagiging alerto ng mga tao na walang sapat na kaalaman at

karanasan makisalamuha sa mga taong may kapansanan. Ang mga resulta ay may

aplikasyon para sa mga susunod na pag-aaral ng programa na naglalayong mapabuti ang

buhay ng mga bata at kanilang pamilya habang pumipigil sa stigma na kaugnay sa mga

developmental disorder.

Ayon sa “ Mga karanasan ng American/African na magulang ng mga estudyante sa

espesyal na pangangailangan at desisyon sa paaralan.” (McCray, 2022) Mahalaga na

magkaroon ang bawat isa ng kakayahan na pumili ng opsyon para sa landas na gusto
nilang tahakin. Kaya naman mayroong programa sa pagpili ng paaralan sa Estados

Unidos para payagan ang mga magulang upang magamit ang kanilang demokratikong

karapatan para piliin ang pinaka wastong paaralan para sa kanilang anak na makatanggap

ng edukasyon.Ngunit dahil nga sa mga isyung panlipunan at kalidad sa edukasyon

karamihan sa African/American na magulang ay nawalan ng tiwala sa ilang pribadong

paaralan. Dahil sa ilang panayam na inihayag ng anim na tema, nalaman ng mga

African/American na magulang na may mga hindi magandang nangyari sa pampublikong

paaralan tulad ng hindi pagiging patas, pananakot, at kakulangan ng serbisyong pang

akademiko para sa may mga kapansanan. Kaya naman sinasabi na sa pribadong paaralan

ay mas nakakapagbigay ng magandang na lugar para sa mga batang African/American na

may mga kapansanan para sa kanilang emosyonal na pag unlad. Sinasabi rin dito na para

sa magandang pagbabago sa lipunan ay dapat makapagbigay ng impormasyon ang mga

opisyal sa pampubliko at pribadong paaralan pati na rin sa mga African/American na

magulang para makagawa ng wastong desisyon upang malaman ang kanilang espesyal na

pangangailangan sa edukasyon.
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral.

Naglalaman ito ng disenyo ng pananaliksik, lugar kung saan ginagawa ang pag-aaral,

mga halimbawa ng teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon,

pangangalap ng datos, at ulat ng istatistika.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito ay kwalitatibong

pananaliksik, upang makakuha ng mga makabuluhang impormasyon at malaman

ang mga karanasan ng mga magulang na may anak na mayroong espesyal na

pangangailangan. Ayon kay (S. Tenny, J.M Brannan, et. al., 2017) Ang kwalitatibong

pananaliksik ay naggagalugad at nagbibigay ng mas malalim na kaalaman sa mga

totoong problema sa mundo. Sa halip na mangolekta ng mga bilang ng deyta tulad

ng kwalitatibong pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay nangangalap ng

mga karanasan, pananaw, at pag uugali ng mga kalahok. Sumasagot nito ang

paano at bakit sa halip na ilan o gaano. Ang disenyo naman inilapat sa

pananalisiksik na ito ay penomenolohiya na pamamaraan. Ayon kay Creswell

(2013) sa isang penomenolohiya ng pag aaral na pananaliksik ang proseso ng

pagkolekta ng impormasyon ay sangkot ng mga pangunahing malalim na panayam

sa kasing dami ng 10 indibidwal. Ang mahalagang punto ay upang mailarawan


ang kahulugan ng kababalaghan para sa isang maliit na bilang ng mga indibidwal

na nakaranas nito Napili ng mananaliksik gamitin ang penomenolohiya ng

pamamaraan upang makalikom ng mga impormasyon sa paggawa ng interbyu kung

saan personal na gagawin ang mga pagsagot sa mga katanungan ng mga

mananaliksik sa mga magulang na may anak na mayroong espesyal na

pangangailangan pagdating sa pampublikong transportasyon.

Lokal ng Pananaliksik

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng Face to Face interview o harap-harapang

interbyu kasama ang mga tagatugon ng pag aaral na isinagawa. Ang pananaliksik ay

isinagawa sa mga SPED schools sa Sta. Rosa Laguna, partikular sa Shepherd of Faith

SpEd Center Sta. Rosa Laguna.

Taktika sa Pagkuha ng Datos

Ang mga pananaliksik ay gumamit ng face to face interview bilang isang paraan

makakuha ng mga impormasyon o datos sa mga responde at ang pagkakaroon ng mga

interbyu sa mga magulang na mayroong anak na estudyante na may espesyal na

pangangailangan ay maaaring magbigay ng malalim na impormasyon tungkol sa kanilang

mga karanasan at perspektibo sa paggamit ng pampublikong transportasyon.

Hakbang sa Paglikom ng Datos


Ang mga mananaliksik ay hihingi ng permiso o informed consent sa mga

magulang bilang tanda ng kanilang pakikilahok at pahintulot bago maisagawa

ang pag-aaral. Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga

magulang na mayroong anak na may espesyal na pangangailangan na

kasalukuyang naninirahan sa Santa Rosa, Laguna. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng kwestyuner na ipamamahagi sa araw rin ng pag-interbyu sa mga

respondente. Mayroong sapat na oras na ibibigay sa mga respondente para sagutin

ang mga katanungan na inihanda ng mga mananaliksik. Pagkatapos makapag-

sagot, ililikom at itatala ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga

respondente. Kakalkulahin at pagsama-samahin ng mananaliksik ang ang mga

magkakaparehong sagot upang makabuo ang mga mananaliksik ng bahagdan o

porsyento; at gagawin itong graph. Sa ganitong paraan, masusuri nang mabuti

ang mga datos at ang mga impormasyong ipinamahagi ng mga respondente

patungkol sa kanilang mga karanasan bilang magulang ng estudyanteng

mayroong espesyal na pangangailangan sa mga pampublikong transportasyon sa

Santa Rosa, Laguna. Dito na papasok ang pagbubuod sa mga nakalap na datos,

konklusyon patungkol sa pag-aaral, at pagpapatunay na mayroong iba’t ibang

karanasan ang mga magulang sa Santa Rosa, Laguna, ukol sa transportasyon ng

kanilang mga anak na may espesyal na pangangailangan.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik sa pag aaral na ito ay sarbey

kwestyuner. Personal na aming iinterbyuhin ang mga kalahok upang makakuha ng

impormasyon at datos na makakatulong sa aming pananaliksik. Ang personal na interbyu

ay isasagawa ng mga miyembro ng pangkat 1 sa pananaliksik na mula sa HUMSS 11 Y1-

2 mga mag aaral sa Unibersidad ng Pamantasan ng Mahal na Birhen ng Fatima(Our Lady

of Fatima University).

Ang sarbey kwestyuner ay isa sa mga instrumento ng pananaliksik na ginagamit

upang makakalap ng impormasyon sa mga kalahok. Naglalaman ito ng maraming

katanungan na siyang sasagutan ng mga kalahok para malaman ang kanilang mga

karanasan.

Informed Consent:

(May kaalamang pahintulot)

Ito ay ang pahintulot ng mga guro o nakakataas sa paaralan para ipaalam ang

mga gagawing pag aaral sa pananaliksik.

Ang pagbibigay alam sa mga guro at nakakataas na makakasiguro na ang mga

impormasyon na makakalap ng mga mananaliksik ay tama at wasto. Ipagbibigay alam


din kung sino ang mga kalahok na kukuhanan ng mga impormasyon at datos para sa

pagaaral na gagawin.

Istatistika Ng Pamamaraan

Gamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtimbang at pagsukat ng mga datos

ang percentage technique sa pananaliksik na ito. Ginamit ang istatistikong pamamaraan

na ito upang matuklasan ang kalalabasan ng pagsusuring nagawa batay sa sagot ng mga

respondente. Gayundin, ginagamit ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan at

bilang ng sagot sa isang partikular na tanong.

Ang pormulang ginagamit ay %=F/N X 100.

Kung saan :

F = Bilang ng sagot

% = Bahagdan

N = Bilang ng respondente
jj

You might also like