You are on page 1of 4

Summary of Walang Sugat By Severino

reyes?
I. SUMMARY:

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na
kulturang Pinay na kung tawagin ay hele hele bago quiere. [1]

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang


mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni
Tenyong na si Kapitan Inggo.

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa


pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit
kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan
ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang


bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero
ang estacion ang Guiguinto.

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak
ni Tadeo.

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na


ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.
Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi
mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog


sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng
mga Katipunero.

Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga


Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong
upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa
huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.

II. REACTION:

1) Ang dulang ito ay isang comediane humaine.[2]

2) Hindi humiwalay sa punto ng romantisismo [3] ang dula dahil


nalulugmok sa mga sumusunod: a) pangunguna ng tungkol sa pag-ibig -
nina Julia at Tenyong - masasalamin pa nga ang impluwensya ni William
Shakespeare[4] dahil mas gusto pang magpakamatay si Julia (Juliet din,
di ba?) kaysa mapangasawa si Miguel at ang katagang Oh, abang buhay
ano? di ka pa pumulas na tila hango sa O Death, where is thy sting?; b)
pagsasalaysay ng walang katiyakang balangkas - dahil ang layunin ng
dulang ito ay bigyan kasiyahan ang mga nanunood; c) pagiging sobrang
sentimental - nina Julia at Tenyong, ang taumbayan, ang mga bilanggo
lalo na ang ama ni Julia; d) puno ng pagpapakasakit at pagmamartir - ng
ama ni Tenyong at mga kasama nitong bilanggo, ang ina ni Julia ay martir
din, ang mga katipunero; e) pagbabalik sa kaayusan o pagpapanatili ng
kaayusan - decorum[5]; f) pagiging didaktiko o mapangaral - pagpapaalala
ng mga valyus ng buhay ngunit kadalasan naman ay di nasusunod; g)
pagtakas sa katotohanan o "eskapismo" - upang hindi maramdaman ang
kirot at hapdi ng mga sugat ng inang Bayan; h) katolisismong bulag o
panatisismo - ang irony nang dula dahil hindi lahat ng nagsasabi ng isa at
dalawa ay nagbibilang; h) patriotismong hilaw - tayong taumbayan ang
makabagong Lucas at nalilito at di malaman kung sino ang ang taksil ng
bayan at ang bayani ng bayan dahil ang the Filipino is worth dying for [6]
subalit tila mas mahalaga yung limang daan piso kung saan nakasulat ito;
at i) kung anu-ano pang katangiang mailusyon lamang - hindi tayo
nabubuhay sa ilusyon lamang kundi kanin at ulam.

3) Hindi ako sang-ayon na ang dulang ito ay isang monumentum aere


perennius [7] dahil, ang horizons of expectation in literary
interpretation ay di naganap sa dulang ito kundi inilarawan lamang
(saglit) ang mga sugat ni Inang Bayan at hindi binigyan ng awtor na kaya
niyang lunasan ang sakit o kahit mungkahi [8] man lamang nang mga dapat
na gawin [9] at hindi naganap ang exitus acta probat. [10]

III. QUESTIONS:

1) Ano ang ibig sabihin ng Walang Sugat?

Ang pangkaraniwan (o, baga, laging) katapusan ng romantisismong


Tagalog, "sila rin sa huli." Hindi nasugatan ang kanilang dalisay na pag-
iibigan. (Nakakitaan nga lamang ng paglilinlang.)

2) Ano ang nais ipabatid ng kuwento?

Love conquers all? O, makapangyarihang pag-ibig, hahamakin ang lahat,


makamtan ka lamang!11

3) Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Tenyong, gagawin mo ba ang kanyang


ginawa?

Oo naman.

Bakit?

Dahil may karapatan ng bawat pag-ibig.

4) Ano nga ba ang ginawa ni Tenyong?

Ipinaglaban ang karapatan sa pag-ibig.

Para saan?

Para sa kanilang pag-iibigan ni Julia.

Para kanino?

Kay Julia.

You might also like