You are on page 1of 1

ANG AKING PAG-IBIG

ni Elizabeth Berrett Browning


(salin ni Rufino Alejandro)

MGA TAUHAN

 Ang Umiibig

Ang taong nagsasalita ng mga wika sa tula. Ipinapahayag ng Umiibig ang kanyang
pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng
tunay na pag-ibig, ang kalakasan at katamisan nito, at ang paghahambing nito sa iba’t ibang
bagay tulad mg kaluluwa, liwanag, lalaki, bayani, at isang musmos.

 Ang Iniibig

Ang taong pinapahayagan ng taong Umiibig sa tula. Ang Iniibig ang nakikinig o nakakabasa sa
mga pinapahayag o sinasalarawan ng Umiibig tungkol sa katamisan at kagandahan ng pag-
ibig at ang paghahalintulad nito sa mga iba’t ibang bagay upang maipakita at mapatunayan
sa kanya ng Umiibig ang pagmamahal at pagsinta nito sa kanya.

ANG BUOD

Sa pagkakasalaysay ng tula, nais malaman ng taong Iniibig kung bakit siya ang napiling
mahalin ng taong Umiibig. Sa pangyayaring ito, tinanong ng Umiibig ang Iniibig kung batid ba nitong
malaman ang gaano siya nito kamahal. Bagamat maraming paraan upang maipahayag ang mga ito,
minabuting isa-isahin ng Umiibig ang kanyang mga kadahilanan sa pagmamahal nito sa taong Iniibig.
Inihalintulad ng Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa Iniibig sa kaluluwang malayang
nakakalipad at nais marating ang mga lugar na hindi lubos-maisip, sa liwanag at sa dilim, sa malayang
lalaking hindi paaapi, sa bayaning di ininda ang papuri, sa banal na nanamlay kung wala at sa
kamatayan kung ang pag-ibig ay wala. Sa bandang huli, pinahayag ng Umiibig ang lubos niyang
pagmamahal sa Iniibig nang ipahayag nitong ang pag-ibig niya ay siyang lahat ng mabubuting
kadahilanan sa mundo na hanggang kamatayan, patuloy pa rin ang pagdaloy at pag-usbong.

ANG PAKSA

Tumutukoy ang tula sa tunay ng pag-ibig. Ito ang isang bagay na tinuturing na nagpapa-ikot
sa buhay ng tao. Ito rin ang sanhi ng maraming kabiguan at paghihimutok. Ngunit, anupaman ang
maihambing sa pag-ibig, ito pa rin ang magsisilbing inspirasyon ng bawat tao upang mabuhay at
magpatuloy sa buhay. Pinapahayag lamang ng tula na hindi sapat ang lahat ng bagay sa mundo
upang malaman ang kadahilanan kung bakit nagmamahal ang isang tao. Kung isa-isahin man ito, ang
listahan ay walang katapusan dahil ang pag-ibig ay buhay. At tulad ng sabi ng tula, kahit sa kamatayan
ay magpapatuloy pa rin ang pag-ibig dahil wala itong kawakasan.

You might also like