You are on page 1of 6

 PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA

(1887)

Kabanata 9

 Pagkatapos mailathala ang Noli, nagbalak si Rizal na bisitahin ang mahahalagang lugar sa
Europa.

 Dr. Maximo Viola- kasama niya sa paglalakbay

 Natanggap ni Rizal ang padalang P1,000 ni Paciano sa kagandahang loob ni Juan Luna na nasa
Paris at siyang nakatanggap ng pera.

 Binayaran ni Rizal si Viola ng utang niyang P300 na ginamit sa pagpapalimbag ng Noli.

 Potsdam (lungsod malapit sa Berlin, pinasikat ni Frederick ang Dakila) – unang lugar na binisita
nila ni Viola

 NAGSIMULA ANG PAGLALAKBAY

 MAYO 11, 1887- nilisan ni Rizal at Viola ang Berlin sakay ng tren.

 Ayon kay Viola, kasama sa bagahe ni Rizal ang lahat ng liham mula sa kanyang pamilya at
kaibigan.

 Dresden (Isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya)- ang kanilang destinasyon.

 Dresden

 Ang pagbisita nila ay nataon sa rehiyonal na Eksposisyon ng mga Bulaklak.

 Si Rizal ay may interes sa botanika at nag-aral ng “Iba’t ibang uri ng mga halamang may
kakaibang ganda at laki.”

 Dr. Adolph B. Meyer- dinalaw nila at masayang-masayang makita sila.

 Prometheus Bound- larawan sa Museo ng Sining na hinangaan nang husto ni Rizal.

 Nakita nila si Dr. Jagor at pinayuhan silang telegramahan muna si Blumentritt bago sila tumungo
sa Leitmeritz (Litomerice, Czechoslovakia)

 Teschen (Decin, Czechoslovakia)- ang susunod nilang pupuntahan pag-alis ng Dresden.

 Unang pagkikita nina Rizal at Blumentritt

 MAYO 13, 1887 (1:30 pm)- narating ng tren ang estasyon ng Leitmeritz, Bohemia.

 Sinalubong sila ni Propesor Blumentritt sapagkat natanggap nito ang kanilang telegrama.
 Dala ni Blumentritt ang larawang-guhit ni Rizal sa sarili upang makilala nya ito.

 Sa unang pagkakataon, ang dalawang iskolar na nagkakilala sa pamamagitan ng sulat ay nagkita


ng personal.

 Nagbatian at nagkamustahan sila sa wikang Aleman.

 Si Blumentritt ay isang mabuting Austriyanong propesor.

 Hotel Krebs- nakuhanan ng kuwarto nina Rizal at Viola sa tulong ni Blumentritt.

 Dinala sila ng propesor sa bahay nito para ipakilala sa asawa at pamilya. Nasiyahan sina Rizal at
Viola sa pagbisita kay Blumentritt.

 Tumigil sila sa Leitmeritz mula MAYO 13-16, 1887.

 Magagandang Alaala ng Leitmeritz

 Rosa- asawa ng propesor; mahusay magluto at naghanda ng lutuing Austriyano na gustong-


gusto ni Rizal.

 Dolores (tinatawag na Dora o Dorita ni Rizal), Conrad, at Fritz- mga anak ni Blumentritt.

 Isang hapon, inanyayahan sina Rizal at Viola ni Blumentritt sa isang beer garden kung saan
mayroon ng pinakamasarap na beer sa Bohemia.

 Sa isang mesang malapit sa kanila ay pinag-uusapan ang pagkakaroon ng daang-bakal na daraan


sa kalapit-bayan. Isa sa mga naroon ang burgomaster ng naturang bayan.

 Burgomaster –alkalde ng bayan

 Kilala ni Blumentritt ang burgomaster kaya’t nilapitan nila ito at ipinakilala sina Rizal at Viola.

 Nakipag-usap si Rizal sa wikang Aleman kaya napahanga niya ang burgomaster at mga kaibigan
nito.

 Labing-isang buwan (11 months) lamang natutunan ni Rizal ang wikang Aleman.

 Isang hapon, inanyayahan sila Rizal at Viola ng Samahang Turista ng Leitmeritz (si Blumentritt
ang kalihim)

 Bumigkas si Rizal ng talumpati sa wikang Aleman.

 Pinalakpakan siya ng mga nakikinig dahil sa kanyang galing sa pagsasalita sa wikang ito.

 Gumuhit si Rizal ng larawan ng propesor at ibinigay ito rito bilang regalo dahil gusto niyang
maalala ang masasayang oras sa tahanan ni Blumentritt.

 Sa Leitmeritz:
Dr. Carlos Czepelak- bantog na siyentipiko at iskolar na Polano na nakilala at nakausap ni Rizal

Propesor Robert Klutschak- bantog na naturalista na ipinakilala ni Blumentritt kay Rizal.

 Sa huling gabi ay naghandog ng hapunan sina Rizal at Viola sa kanilang otel para kay Blumentritt.

 MAYO 16, 1887 (9:45 am)- nilisan nina Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng tren.

 Kipkip ni Rizal hanggang kanyang libingan ang magagandang alaala ng kanyang pagbisita sa
Leitmeritz.

 Mga liham:

 Liham kay Blumentritt (Mayo 24, 1887)- ipinahayag ni Rizal ang pag-aalala sa
karamdaman ni Dora.

 Liham mula Brunn, Autria (Mayo 19, 1887)- liham para kay Blumentritt ng pagbati sa
kanyang pamilya at sinabi ni Rizal kay Blumentritt na nalimutan niya ang kanyang
diyamanteng alpiler sa kanyang kwarto sa Otel Krebs.

 Prague

 Dala ang liham ng rekomendasyon mula kay Blumentritt ay binisita nina Rizal at Viola ang
makasaysayang siyudad ng Prague.

 Dr. Willkomm- propesor ng likas na kasaysayan ng Unibersidad ng Prague; tumanggap at


nagpasyal sa kanila sa siyudad.

 Mga binisitang lugar nina Rizal at Viola:

 Libingan ni Copernicus- kilalang astronomo

 Museo ng Likas na Kasaysayan

 Mga laboratoryong bakteriolohikal

 Bantog na kuwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno at tulay kung saan
itinapon ang santo.

 Matapos magpaalam kay Propesor Willkomm ay nagtungo silang dalawa sa Brunn. Ayon kay
Viola, “walang kakaibang nangyari” sa lungsod na ito.

 Vienna

 MAYO 20- narating nina Rizal at Viola ang magandang lungsod ng Vienna (kabisera ng Austria-
Hungary)
 Ang Vienna ay tunay na “Reyna ng Danube” –nabighani ng lungsod na ito si Rizal dahil sa
naggagandahang gusali rito, imaheng panrelihiyon, at kakaibang halina.

 Norfenfals- isa sa pinakamahusay na nobelista sa Europa nang panahong iyon; napahanga ni


Rizal at nasabi makaraan ang ilang taon na si Rizal ay “isang henyong hinahangaan niya.”

 Natanggap ni Rizal ang nawawala niyang diyamanteng alpiler (natagpuan ng katulong ng Otel
Krebs at ibinigay kay Blumentritt)

 Otel Metropole- tinuluyan nila sa Vienna

 Binisita nila ang mga simbahan, museo, galerya ng sining, teatro, at liwasang pampubliko.

 Masner at Nordmann- mga Austriyanong iskolar na kaibigan ni Blumentritt na nakilala nila.

 Paglalakbay sa Danube Papuntang Lintz

 MAYO 24- nilisan nila ang Vienna lulan ng bangka upang makita ang magagandang tanawin ng
Ilog Danube.

 Napuna ni Rizal na ang mga pasahero ng bangka ay gumagamit ng papel na napkin kapag
kumakain, at ito ay bago sa kanya.

 Nagtapos ang paglalakbay sa ilog sa Lintz.

 Mula Lintz patungong Rheinfall

 Nagbyahe sila papuntang Salzburg, at nagtungong Munich.

 Tumigil sila para tikman ang ipinagmamalaking Munich beer na pinakamasarap sa buong
Alemanya.

 Nagtungo sila sa Nuremberg (isa sa pinakamatandang lungsod sa Alemanya)

 Nakita nila rito ang kakila-kilabot na makinang pananakit na ginamit sa Inkisisyon.

 Nagtungo sila sa Ulm

 Ang katedral rito ang “pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alemanya”

 Inakyat nila ang daan-daang baitang na hagdan patungong tore nito.

 Nagtungo sila sa Stuttgart, Baden, at Rheinfall (Talon ng Rhine- ang pinakamagandang talon sa
Europa)

 Pagtawid sa Hangganan patungong Switzerland

 Mula Rheinfall, tinawid nila ang hangganan patungong Schaffhausen, Switzerland.


 Tumigil sila rito mula Hunyo 2-3, 1887.

 Nagpatuloy sila sa paglalakbay at nagtungo sa Basel (Bale), Bern, at Lausanne.

 Geneva

 Geneva- Swisang lungsod na isa sa pinakamagandang lungsod sa Europa na binibisita ng mga


turista.

 Mula Lausanne, sumakay ng bangka sina Rizal at Viola para tawirin ang maulap na Lawa ng
Leman sa Geneva.

 Ang mga taga-Geneva ay mga lingguwista— nagsasalita ng Pranses, Aleman, at Italyano.

 Namangka sila Rizal at naipakita niya ang husay sa paggaod ng bangka na natutunan niya noon
sa Calamba.

 HUNYO 19, 1887- ika-26 na kaarawan ni Rizal; niyaya niya si Viola sa isang magandang
tanghalian

 15 masasayang araw ang itinigil nila sa Geneva.

 HUNYO 23- naghiwalay na sila— nagbalik si Viola sa Barcelona at nagpatuloy si Rizal ang
paglalakbay sa Italya.

 Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot sa Eksposisyon sa Madrid noong 1887

 Habang nasa byahe sina Rizal at Viola, nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid,
Espanya.

 Nang nasa Geneva (Switzerland), nakarating kay Rizal ang balita tungkol sa kalunus-lunos na
kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon.

 Ang ila’y nangamatay, at ang kasuotang bahag at krudong armas ay pinagtatawanan at


nilalait ng mga Espanyol.

 Sumulat siya kay Blumentritt mula sa Geneva noong Hunyo 6 at 19, 1887

 Tungkol sa pagkayamot niya sa nasabing eksposisyon

 Si Rizal sa Italya

 Mula Geneva, nagtungo si Rizal sa Italya.

 Binisita niya ang Turin, Milan, Venice, at Florence.

 HUNYO 27, 1887- narating niya ang Roma.

 Roma- “Walang-hanggang Lungsod” at “Lungsod ng mga Cesar”


 Tuwang tuwa siya sa magagandang tanawin at alaala ng Roma.

 Inilarawan niya kay Blumentritt ang “karangyaan na siyang Roma,” isinulat niya noong Hunyo
27, 1887.

 HUNYO 29, 1887- Pista ni San Pedro at San Pablo

 Binisita ni Rizal ang Vatican (Lungsod ng mga Papa)- kabisera ng Kakristiyanuhan.

 Hinangaan niya ng labis ang:

 Mga edipisyong maringal, lalo na ang Simbahan ng San Pedro

 Kakaibang gawang pansining

 Ang malawak na St. Peter’s Square

 Makukulay na guwardiyang Vatican

 Ang atmospera ng relihiyosong debosyong nangingibabaw sa Vatican

 “Pagod na pagod ako na parang isang aso,” isinulat niya kay Blumentritt, “ngunit matutulog ako
na parang isang diyos.”

 Pagkaraan ng 1 linggong pagbabakasyon sa Roma, handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas.

 Isinulat niya sa kanyang ama na siya’y paparating na.

You might also like