You are on page 1of 7

PAGLALAKBAY SA

EUROPA NINA RIZAL AT


VIOLA
◦ Madaling araw ng Mayo 11,1887, nilisan nina Rizal at Viola ang Berlin
sakay ng tren. Sila ay patungong Dresden.Dinalaw nila si Dr. Adolph
B. Meyer, na masayang-masaya sa kanilang pagkikita. Binisita rin nila
ang Museo ng Sining. Hinangaan ni Rizal ang larawang Prometheous
Bound.
◦ Panahon noon ng tagsibol at nation na ginaganap ang rehiyonal na
eksposisyon ng mga bulaklak. Habang sila’y namamasyal, nakita nila
si Dr. Jagor. Noong Mayo 13, ika-isa at kalahati ng hapon, nakarating
ang tren sa estasyon ng Leimeritz, Bohemia.
◦ Pagkaraan ng kamustahan, tinulungan ni Blumentrit sina Rizal at Viola na
makakuha ng kuwarto sa Hotel Krebs.
◦ Sa Leimeritz, ipinakilala ni Blumentritt si Rizal sa kilalang siyentipikong si Dr.
Carlos Czepelak at ganoon din kay Propesor Robert Klutschak, bantog na
naturalista.
◦ Sa huling gabi sa Leimeritz, naghandog ng hapunan sina Rizal at Viola kay
Blumentritt sa kanilang tinutuluyang hotel.Pagkaraan ng Leimeritz, tumuloy sina
Rizal at Viola sa siyudad ng Prague. Dala ang liham ng rekomendasyon buhat kay
Blumentritt, tinanggap silang mabuti ni Dr. Willkomm, propesor ng likas na
kasaysayan sa Unibersidad ng Prague. Ipinasyal sila nito sa mga makabuluhang
lugar gaya ng libingan ni Copernicus, ang kilalang astronomo; ang mga museo ng
likas na kasaysayan; mga laboratoryong bakteriolohikal; kuwebang pinagkulungan
kay San Juan Nepomuceno; at tulay kung saan itinapon ang santo.
◦ Noong Mayo 20, narating naman nina Rizal at Viola ang Vienna, kabisera ng
Austria, Hungary. Dulot ng liham ng rekomendasyong padala ni
Blumentritt, nakilala nila si Norenfals, isa sa pinakamahusay na nobelista sa
Europa. Dito sa Vienna, natanggap ni Rizal ang nawawala niyang diyamante
alpiler na naiwan niya sa Otel Krebs at nakita roon ng isang katulong.
◦ Nilisan nila ang Vienna noong Mayo 24, lulan ng bangka nang sa gayon ay
makita nila ang mga tanawin ng Ilog Danube. Habang sila ay naglalakbay,
napuna ni Rizal na ang mga pasahero ng bangka ay gumagamit ng papel na
napkin kapag kumakain, ito ay bago sa kanya. Ayon nga sa obserbasyon ni
Viola, ang papel na napkin ay “mas malinis at mas matipid na gamitin kaysa
telang napkin.”
◦ Nagpatuloy sila ng kanilang biyahe patungong Munich na kung saan sila ay
tumigil para tikman ang ipinagmamalaking Munich beer ng Alemanya. Sa
Nuremberg, nakita nila ang “torture machine” na ginagamit sa Inkisasyon at
gayon din ang pagawaan ng manyika sa lungsod. Sa Ulm naman, inakyat nila
ang daan-daang baytang ng katedral ng lungsod na ito.
◦ Sa Rheinfall, nakita nila ang itinuturing na pinakamagandang talon sa
Europa. Pagkaraan ay nakarating na sila sa hangganan patungong
Switzerland.Sa Geneva, sumakay sila sa bangka para tawarin ang Lawa ng
Leman. Ang mga tao sa lungsod nito ay nagsasalita ng Pranses, Aleman, at
Italyano na batid naman ni Rizal. Noong panahong ito, nagkaroon ng
Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya.
◦ Sa liham ni Rizal kay Blumentritt noong Hunyo 19,1887, sinabi ni Rizal na sang-ayon
siya sa isang ekposisyong industriyal, hindi sa eksibisyon ng kakaibang indibidwal.
Nilait-lait ang kaniyang kawawang kababayan ng mga pahayagang Espanyol, maliban
sa El Liberal na nagsasabing ito ay “hindi makatao at pagyurak sa dignidad ng tao ang
itanghal nang parang mga hayop at halaman…”

◦ Sa lungsod ng Geneva ipinagdiwang ni Rizal ang kaniyang ika-26 na kaarawan, kasama


ang kaniyang kaibigang si Viola. Noong Hunyo 23, nagbalik na sa Barcelona si Viola at si
Rizal naman ay tumungong Italya.

◦ Ipinagpatuloy ni Rizal ang biyahe at binisita niya ang Turin Milan, Venice at Florence,
Roma at Vatican. Hunyo 29, kapistahan ni San Pedro at San Pablo, binisita ni Rizal ang
Vatican, ang “Lungsod ng mga Papa” at kabisera ng Kakristyanuhan. Hinangaan niya
ang Simbahan ng San Pedro, ang malawak na St. Peter’s Square, makukulay na
guwadiyang Vatican, at ang relihiyosong debosyon sa lugar.
◦ Dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere na hindi nagustuhan ng
mga prayle, pinayuhn nina Paciano, Silvestre Ubaldo (kaniyang
bayaw), Chengoy, at ilang kaibigan niya na huwag na muna siyang
bumalik.
◦ Nilisan ni Rizal ang Roma lulan ng tren patungong Marseilles. Sa
daungang Pranses, sumakay siya sa Djemnah, ang barkong siya ring
nagdala sa kaniya sa Europa, limang taon na ang nakalilipas. Dumaan
ang barko sa Kanal Suez at pagkaraan sa Aden.
◦ Ika-30 ng Hulyo, sinapit nila ang Saigon. Lumipat siya sa barkong
Haiphong na patungong Maynila. Nilisan ng barko ang Saigon
patungong Maynila noong Agosto 2 at papalapit ng hatinggabi ng
Agosto 5, dumaong ang Haipong sa Maynila.

You might also like