So si Maximo Viola ay isang matalik na kaibigan ni Rizal at isa sa
unang tumangkilik ng unang nobela ni rizal which is yung noli me tangere. Nakilala ni Rizal si Viola sa Barcelona dahil parehas silang kasama sa isang propaganda movement. Isa sa pinakamalaking ginawa ni Viola kay Rizal ay yung pagsagot sa publication ng Noli Me Tangere, 2000 copies po ang na print sa nobela noong 1887. Dahil sa laking pasasalamat po ni Rizal ay binigyan niya si Viola ng unang kopya ng nobelang ito.
So after nitong publication ng Noli, plinano po ni Rizal na
bumisita sa ilang importanteng lugar sa Europa, sinama nya din po si Dr. Maximo Viola sa kanyang tour sa europa. So after nilang masettle ito, nakuha po ni Rizal yung pinadala ni Paciano ( Si paciano po ay nakaktandang kapatid ni Rizal, siya po yung tumutulong kay rizal at nagpapadala ng pension para may pang gastos po si rizal). So after nya po itong tanggapin pinambayad nya ito kay Viola dahil nga po sa publication nuong Noli. So after po nun, nagpunta po si Rizal at Viola sa unang city nilang bibisitahin which is Potsdam, malapit lang po ito sa Berlin.
So nung madaling araw po nung May 11, 1887, bumyahe na po
sila at umalis na ng Berlin at sumakay na po sila ng tren. Dahil nga din po tagsibol nun talagang best season po para mag travel sa europe. Ang destination po na pupuntahan nila ay sa Dresden, isa sa pinaka magandang lugar sa germany.
So sa dresden po, si rizal at viola ay nagstay dun, medyo mas
matagal kaysa duon po sa kanilang expected na time na pag-alis sa dresden. Binisita po nila si Dr. Adolph B. Meyer at natuwa po nuong nakita sila. Sa museum of art naman po, namangha si rizal nuong nakita nya po yung painting na prometheus bound na pininta po ni peter paul rubens. Nakita din po nila si dr.jagor at narinig din po nila na tungkol sa leitmeritz para makita po si blumentritt. Sinabi din po ni rizal na sabihan muna si blumentritt para hindi po magulat sa kanilang pagbisita.
So after nilang magpunta sa museum of art, 1:30 pm naman po
ng may 15, 1887 yung train po ay dumating sa leitmeritz station. Si professor blumentritt naman po ay nasa train station may dala pong sketch ni rizal para makilala po si rizal. Pagkatapos po nito, kumuha po si blumentritt ng kwarto sa hotel krebs. Pagtapos po nun, pumunta na po sila sa bahay ni blumentritt at nagstay po sila sa leitmeritz may 13 to 16 1887.
So pagpunta po nila dun sa bahay ni blumentritt, natuwa po sila
duon sa treatment at hospitality na pinakita po ng pamilya ni blumentritt. Yung asawa po ni blumentritt na si rosa ay isang magaling na cook po so bale siya yung nagprepare ng kakainin nila and nagluto siya ng austrian dishes which is nagustuhan po talaga ni rizal. Pinakita din po ni blumentritt na magaling siya na tourist tsaka hospitable host kasi po dun sa pag accommodate nya kay rizal at kay viola. Pinakita nya po sakanila yung mga magagandang lugar at mga historical spots sa leitmeritz. Isa pa po, yung burgomaster or yung town mayor nila sa leitmeritz ay namangha po sa mga talento ni rizal dahil as we know sobrang talented po ni rizal lalo na sa literary works.
So after po nilang pumunta ng leitmeritz, pumunta na po sila sa
historic city of prague. May bitbit din po sila na letter of recommendation galing po kay blumentritt para po kay dr wilkolm, professor po sa university of prague. Pagtapos ng pagpunta nila duon, binisita din po ni rizal at viola ang tomb of copernicus.
Nuong may 20 naman po nakarating na sila ng vienna which is
yung capital po ng austria-hungary. Nakilala po nila si Norfenfals, isa sa pinaka magaling na nobelista sa europa nung time na yun at isa sa masayang pangyayare to kay rizal dahil as we know mahilig si rizal sa nobela at mga literary works. Habang nasa vienna sila, nagstay sila sa hotel metropole. May nakilala din silang dalawang mabait na kaibigan ni blumentritt, si masner at si nordman kasama na din yung mga austrian scholars.
The next report will be discussed by mikee bondoy, thank you