You are on page 1of 3

KABANATA IX: PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA (1887)

• Maximo Viola - matalik na kaibigan ni Jose Rizal

- nagbayad ng paglilimbag ng Noli Me Tangere

Pagsisimula ng Paglalakbay

• Mayo 11,1887 - lumisan sina Rizal at Viola mula sa Berlin lulan ng tren

• Dresden - isa sa mga pinakamagandang lungsod sa Alemanya

- pinagganapan ng rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak

- binisita nina Rizal at Viola si Dr. Adolf Meyer

- pagkikita kay Dr. Jagor

• Teschen - ngayo'y Decin, Czechoslovakia

Pagkikita ni Rizal at Blumentrit

• Mayo 13, 1887 - unang pagkikita nina Rizal at Blumentritt sa Leirmeritz, Bohemia

• Ferdinand Blumentrit - isang propesor, punongguro, at awtor ng mga artikulo at libro sa

Pilipinas

- Asawa ni Rosa, Ama nina Dolores (Dora o Dorita), Conrad, at Fritz

Magagandang Alaala ng Leitmeritz

- napahanga ni Rizal ang burgomaster sa kaniyang pagsasalita ng Aleman

- nagbigay ng talumpati sa wikang Aleman si Rizal sa Samahang Turista ng Leitmeritz

- gumuhit si Rizal ng larawan ni Blumentritt bilang regalo

- nakilala ni Rizal si Dr. Carlos Czepalak at Propesor Rober Klutschak

• Mayo 16, 1887 - umalis na ng Leitmeritz sina Rizal at Viola

Pagpapatuloy bg Paglalakbay

• Prague - dinala nina Rizal ang mga liham rekomendasyon ni Blumentritt kay Dr. Willkomm

- pagbisita sa libingan ni Nicholas Copernicus

• Mayo 20, 1887 - narating nina Rizal at Viola ang Vienna


• Vienna - kabisera ng Austria-Hungary

- nagbigay ng liham rekomendasyon kay Norfenfals

- nakilala nila an mga mabuting kaibigan ni Blumentritt – sina Masner at Nordmann

Paglalakbay sa Danube Patungong Lintz

• Mayo 24, 1887 - nilisan nina Rizal at Viola ang Vienna

• Ilog Danube - naglakbay sila lulan ng bangka at nakita ang magandang pamumuhay sa ilog

• Lintz - narting sa dulo ng Ilog Danube

Mula Lintz Hanggang Rheinfall

• Mga Dinaanan nina Rizal at Viola Patungong Rheinfall:

1. Salzburg

2. Munich - may pinakamasarap na beer, Munich beer

3. Nuremberg - pinakamatandang lungsod sa Alemanya

4. Ulm - may pinakamataas at pinakamagandang katedral sa Alemanya

5. Stuttgart

6. Baden

• Rheinfall - Talon ng Rhine

- pinakamagandang talon sa buong Europa

Pagtawid sa Hangganan Patungong Switzerland

• Schaffhausen, Switzerland - namalagi sina Rizal at Viola mula Hunyo 2 hanggang 3, 1887

• Basel, Bern, at Lausanne - mga sunod na pinuntahan nina Rizal at Viola

Pagdating sa Geneva

• Lawa ng Leman - tinawid nina Rizal at Viola upang makarating sa Geneva

• Hunyo 19, 1887 - inaya ni Rizal si Viola para sa isang magandang tanghalian upang gunitain

ang ika-26 na kaarawan ni Rizal


• Hunyo 23, 1887 - sila'y naghiwalay na – bumalik si Viola sa Barcelona at tumuloy naman si

Rizal sa Italya

Pagkagalit ni Rizal sa Eksibisyon ng mga Igorot

- nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya

- ginawang bahagi ng eksibisyon ang mga igorot at sila'y nilait at pinagtawanan

ng mga Espanyol

Si Rizal sa Italya

- binisita niya ang Turin, Milan, Venice at France

• Hunyo 27, 1887 - narating niya ang Roma

• Roma - "Walang-hanggang Lungsod"; "Lungsod ng mga Cesar"

• Hunyo 29, 1887 - pista ni San Pedro at San Pablo

- binisita ni Rizal ang Vatican

• Vatican - "Lungsod ng mga Papa"; kabisera ng Kakristiyanuhan

Paghahanda sa Pag-uwi

- matapos ang isang linggo sa Roma, sumulat na siya sa kaniyang ama na siya'y papauwi na ng Pilipinas

You might also like