Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” ANG PAMANA Ni: Jose Corazon de Jesus Ang tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay nangangahulugan na ang persona ay humihiling na ang kanyang ina ay gusto niyang maging pamana. Sa unang saknong, ay nangangahulugan na ang ina ay naglilinis ng kanilang bahay na kung saan ay nililinis ang kanilang mga gamit na marumi at naging luma na. Nakikita ng persona ang pilak sa buhok ng kanyang ina na ibig sabihin ay matanda na at dahil matanda na ay nangangayat na. At sinabing ang piyano ay ibibigaysa persona ng tula, habang ang kubyertos na pilak ay kay Itang, ang mga silya at aparador ay para kay Tikong. Dito sa unang saknong ay naglalarawan na ang ina ay naghahabilin, na kung saan ang kanyang yaman ay hinati-hati o ibibigay sa kanyang mga anak. Sa pangalawang saknong ay nagsimulang naging malungkot ang persona sa sinabi o habilin ng kanyang ina ngunit pinilit parin niyang pinasaya ang kanyang mga sarili. Ang ginawa niya ay nagpapatawa sa kanyang ina upang maging masaya o matuwa. Pero kahit nagpapatawa sa kanyang ina ay hindi pa rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Umiiyak na siya sa sinabi ng ina at napa-isip niya na ang kanyang ina ay nakaka-awa. Pareho silang nalulungkot, nalungkot ang persona sa halip na matatanggap ng pamana mula sa ina. Pagkatapos ay talagang humihikbi na siya sa pag-iyak na parang bata, at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina at sinabing gusto niyang pasayahin ang kanyang ina nang hindi na makikitang malulungkot pa. Dagdag pa, ay tinanong niya kung bakit napag-isipan ng ina na hatiin ang kayamanan. “Wala naman”, ang sagot ng kanyang ina. Sinabi ng kanyang ina na baka tawagin na siya o kunin ng maykapal o kaya’y mamatay na siya kaya’y mas mabuti na malaman na ng mga anak ang mga habilin o mga pamana bago pa siya kunin ng Bathala. Sa huling saknong ay sinabi ng persona na hindi niya kailangan ang mga kagamitan o kasangkapan. Ang gusto lamang niya ay ang kanyang ina, ang mabuhay at makapiling ang ina. Ang kayamanang hinabilin ay walang saysay kung hindi makasama ang ina. Hinihiling niya sa Diyos na ang kanyang ina ay gawing pamana na kung saan ay maging masaya siya at kapiling nila ang isa’t isa. Aanhin pa ang piyano kung hindi naman ito maitugtug sa tabi ng kanyang ina. Ang gusto lamang niya sa buong buhay niya ay mabuhay nang mas matagal ang ina. Dahil ang ina ay walang kapantay. Ang pagmamahal ng ina ay pagmamahal na panghabang-buhay.