You are on page 1of 3

"Multi-lenggwalismo o Iisang lenggwahe para sa bayan.

"

Lakandiwa:
Ako'y pinagpala sapagkat ako ang siyang inihalal,
Bilang Lakandiwa ng Balagtasan nating minamahal,
Na pinasimulan ng makatang si Francisco Baltazar,
Kaya nama'y atin na ngang simulan.

Sa pagkakataong ito ay akin nang binubuksan,


Ang paligsahan sa ginigiliw giliw nating Balagtasan,
Kung saan nagpapalitan ng mga katuwiran,
Sa pamamagitan ng mga makatang paligsahan sa isipan.

At sa umagang ito ay ating tutunghayan,


Ang paligsahan sa aming balagtasan,
Na ating papamagatang:
"Multi-lenggwalismo o Iisang lenggwahe para sa bayan."

Tinatawagan ko ang mga magtutula,


Sina Maria at Juan na pawang mga makakata,
Aking inaanyayahan na pumagitnang buong kisig,
At ang nais nami'y sa pagbigkas, ay may rima at may himig,
Kaya inyo nang simulan ang balagtasan na minsa'y nagiging awit,
Ukol sa paksang,"Multi-lenggwalismo o Iisang lenggwahe para sa bayan."

Juan:
Maginoong Lakandiwa, ako ngayo'y sasagot,
Sa pangalan ni Balagtas na makatang lubhang bantog,
Iyong paanyaya'y tinatanggap ko nang malugod,
Kapag ako ang nanalo't nagwagi,
Tiyak na tayo'y magdidiwang nang lubos.

Ang Iisang Lenggwahe para sa lahat ang aking pinipili,


Iisang lenggwahe para sa bansang Pilipinas ang minimithi,
Kaysa sa Multi-lenggwalismo na lumilikha ng pagkalito at gulo,
Ang iisang lenggwahe para sa lahat ang solusyon dito!
Ang pinakamamahal at dakilang wika nating Filipino.

Sa panahon nga ngayo'y kailangan nating magkaisa,


Sa pamamagitan ng isang wika, ito'y ating magagawa,
Isang bansang dakila ay ating malilikha,
Tayo nga'y uunlad at sasaya kung tayo'y magkakaisa.

Lakandiwa:
Tunay ngang ang tula mo'y madiwa at mainam,
Ikaw dito ay mananatili sa ating tanghalan,
Sa tula mong bibigkasi'y iyong patunayang,
Iisang wika ay atin talgang kailangan.

Ngunit ika'y lubhang sinasalungatan ni Maria,


Na ang pinipili'y Multi-lenggwalismo para sa lahat,
Panatilihin at pagyamanin ang mga katutubong wika,
Salamin ng kultura, kaluluwa ng bansa.

Kaya ito na ang pagkakataon mo Maria,


Na ibahagi ang iyong pananaw sa ating paksa,
Kaya, atin siyang bigyan ng masigabong palakpakan,
Si Mariang magtutula, si Mariang Makata!

Maria:
Maraming salamat, Lakandiwa,
Ang aking pinili'y multi-lenggwalismo para sa bansa,
Tunay ngang kailangan natin ang ating mga katutubong wika,
Kaluluwa ng ating kultura, salamin at diwa ng ating bansa.

Hiwaga at kababalaghang bumabalot sa bansa,


Ay tunay ngang napananatili't naihahayag sa masa,
Pambihirang pamumuhay at kabuhayan sa probinsiya'y lumalaganap sa bansa,
Mga dakilang katutubo at pangkat etniko'y nakikilala.

Ang aking pinipili'y Multi-lenggwalismo para sa minamahal na bansa,


Kung ito ngang mga katutubong wika ay mawala,
Kasama ang kultura at pagkakakilanlan ng ating bansa,
Kaya nga, ating panatilihin, pagyamanin at ipakilala sa masa.

Lakandiwa:

Totoo ngang ang iyong katwiran ay napakahiwaga,


Iyong opinyon ay tunay na madiwa,
Pinaninindigan mo nga na ikaw nga ay siyang makata,
Na ang Multi-lenggwalismo'y kahanga-hanga.

Subalit siguradong si Juan ay sasalungat,


Sa pagpili ni Eba ng Multi-lenggwalismo'y marapat,
At si Juan na nga'y muling aakyat,
Sa ating entablado't muling sasalungat.

Juan:
Piliin natin ang iisang lenggwahe para sa bansa,
Ito ang kailangan upang tayo nga'y magkaisa,
Kaysa naman multi-lenggwalismo na lumilikha ng dibisyon sa masa,
Ang wikang Filipino ang atin ngang itaguyod bilang ating iisang wika.

Mga Pilipino ngayo'y wikang Ingles na ang mas tinatangkilik,


Kaysa wikang Filipino na siyang dapat nilang hilig,
Paano nga naman tayo magkakaunawaan,
Kung samu't sari ang wikang ginagamit kaliwa't kanan.

O, kawawang Maria,
Ang pinili mo'y isang banta,
Upang itong bansang Pilipinas ay tunay ngang magkaisa,
Kaya ang piliin ninyo madla ay iisang lenggwahe para sa ating dakilang bansa!

Lakandiwa:
Tunay ngang malaking bagay ang iisang wika,
Upang tayong mga Pilipino'y tunay na magkaisa,
Ang iisang lenggwahe nga ba ang mapipili?
Aba! Ito nga ay kailangan ng ating bansa.

Subalit mariin itong tinututulan ni Maria,


Kaya naman muli siyang magsasalita't magpapaunawa,
Ng tunay na kahalagahan ng multi-lenggwalismo, kumbaga,
Kaya naman ikaw Maria ay buong puso na ngang pumagitna.
Maria:

Ang pahayag mo Juan ay hindi tama,


Sapagkat hindi makakamit ang pagkakaisa sa pamamagitan ng iisang wika,
Kundi ito'y nakabatay sa kilos-loob at kamay ng masa,
Magkaisa na lamang sa pagpapaunlad ng bansa.

Sa pamamagitan nga nitong Multi-lenggwahe ay magagawa.


Itong wikang Filipino'y hindi naman kinalilimutan,
Ngunit ang mga katutubong wika nati'y dapat nating pag-ingatan,
Kasama ng ating kultura at ng ating pagkakakilanlan.

Wikang Filipino'y hindi naman tatalikdan,


Instrumento pa rin upang tayo'y magkaunawaan,
Ngunit wikang Ingles ay dapat ngang pahalagahan,
Komunikasyon sa mundo, tulay ng pag-unlad ng ating bayan.

Lakandiwa:
Ikaw nga Maria ay tunay na magaling
Pati si Juan ay kahangahanga rin
Tunay ngang mga pahayag ninyo ay makatwiran
Puno ng punto at talagang makabuluhan.

Ang ating dalawang makata ay parehong magaling,


Sa kanilang opinyon, sila ri'y tumataginting,
Si Juan at Maria na kapwa makata
Na kapwa magaling, kapwa magigiting.

Kayo nga ay parehong makatang magiting


Kayat ang panaloy atin nang alamin
Itoy idadaan natin sa lakas palakpakan
Kaya madla inyo nang ayunan kung sino ang inyong nagustuhat bigyan ng masigabong
palakpakan

You might also like