You are on page 1of 17

Table Of Contents.

i. Akademikong Pagsulat
ii. Buod
iii. Sintesis
iv. Posisyong Papel
v. Abstrak
vi. Katitikan ng Pulong
vii. Talumpati
viii. Rebyu
ix. Replektibong Sanaysay
x. Lakbay-sanaysay
xi. Photo Essay
xii. BioNote
Akademikong Pagsulat
SANAYSAY TUNGKOL SA STEM

Ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics ay isa sa mga sangay ng


akademikong track ng K-12 kurikikulum. Ito ay para sa mga estudyanteng naghahangad at gustong
kumuha ng inhinyero, arkitekto, medisina, at iba pang may koneksyon sa siyensya, teknolohiya,
pag-iinhenyero at matematiko. Karamihan sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante na ito ay
ang pinakamahirap sa lahat ng strand kumpara sa ABM, Tourism, Culinary Arts, ITMAWE, at
Digital Arts dahil ang mga paksa at mga aralin sa STEM ay masyadong mahihirap. Gayunpaman,
bilang tagapanimula ng kurikulum na ito, alam natin na ang bawat strand ay magkakaiba at meron
pagkakaiba sa isat-isa dahil walang madaling strand. Lahat ng strand ay masyadong mahirap sa
paraan na ibig makatulong bilang isang indibidwal upang lumago at yumabong ang kanilang
sariling abilidad at kakayahan para sa kukuhanin nilang propesyon.

Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy”


Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig sabihin ay kindergarten at 12
na sumisimbolo ng dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat
na taon naman sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Ito ay naglalayon na
baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa kagawaran ng edukasyon “Ang
Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang ang bansang natitira na may makalumang
antas ng edukasyon sa buong mundo”. Ito ay hakbang ng gobyerno upang makasiguro na ang
bawat mag-aaral ay kayang makipagsabayan at mahasa ang kaalaman na kanilang magagamit sa
pagta-trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ano nga ba ang kahalagahan ng STEM? Ang strand na STEM ay karaniwang kinukuha ng
mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng kursong may kaugnayan sa medisina, arkitekto, at
inhinyero. Ang mga nabanggit na kurso ay may malaking kontribusyon sa ating bansa. Ito rin ay
pag-unawa sa mga pang-agham at proseso na kinakailangan para sa mga personal na paggawa ng
desisyon at pagsali sa mga kulturang gawain, at produktibong ekonomiya.

Ang STEM strand ay maituturing na nakahihigit dahil sa lawak ng mga kursong sakop
nito.Ang STEM ay nagbibigay ng maraming oportunidad at iba’t-ibang trabaho dahil ito ang strand
kung saan ang mga mag-aaral ay nahuhubog upang mas mahasa ang kakayahan sa pagsabak sa
kolehiyo.Ang karaniwang pokus nito ay agham at matematika na pinaniniwalaang mahirap na
asignatura.Ang pag-aaral na ito ay huhubog ng mga kakayahan ng isang mag-aaral na suriin ang
isang simple hanggang kumplikadong suliranin sa lipunan at aktibo sa pagtalakay ng mga
solusyon sa pamamagitan ng aplikasyon at pagsasama ng pang-agham, teknolohikal, pag-
iinhinyero, at matematika na mga konsepto.

Ang mga trabaho ng STEM ay hindi lahat ay nangangailangan ng mas mataas na


edukasyon o kahit degree sa kolehiyo. Mas mababa sa kalahati ng mga trabaho sa antas ng entry
STEM ay nangangailangan ng isang bachelor's degree o mas mataas. Gayun pa man, ang apat
na taong antas ay kapaki-pakinabang sa suweldo – ang karaniwang na-advertise na panimulang
suweldo para sa mga trabaho sa antas ng entry STEM na may pangangailangan sa bachelor ay 26
porsiyento na mas mataas kaysa sa mga trabaho sa mga di-STEM field, ayon sa ulat ng STEM
connect. Para sa bawat job posting para sa isang bachelor's degree recipient sa isang non-STEM
field, mayroong 2.5 entry-level na pag-post ng trabaho para sa isang bachelor degree recipient sa
isang STEM field

SOURCES :

http://stemngayongmakabagonghenerasyon.blogspot.com/2017/07/angprogramang-k-12-ay-
nilagdaan-ni.html

http://stemahinasyon.blogspot.com/2017/07/engr.html
Buod
“A Very Sad Heart Touching Story Short Documentary Film Thai Life
Insurance”
Itong maikling na video na ito ay ipanapakita nila ang isang simpleng lalaki na siya ay
mapagbigay at matulungin sa mga bagay bagay kagaya ng sa mga tao, sa hayop, at sa ating
kalikasan. Ang lalaking ito ay masipag at laging tinutulungan ang mga nahihirapan kagaya nung
nakita niya yung matandang babae hirap siyang buhatin ang kanyang (food cart) tinulungan niya
at nung may nakita siya sa daan na humihingi ng donation para sa edukasyon ng bata binibigay
niya lagi lahat ng laman ng wallet niya dun sa bata. Kahit siya ay walang matanggap dahil siya
ay mapagbigay hindi niya prinoproblema yun ang gusto niya lang makita ang mapasaya niya ang
mga tao.

“My Dad’s Story”


Ang storya na ito ang kanyang anak ay gumawa ng sulat tungkol sa kanyang tatay at nung binasa
naman ng kanyang tatay ay sa mga unang mga pangungusap ay siya ay natuwa pero nung mga
bandang kalahati ay siya’y nalungkot dahil alam ng anak niya ay siya’y nagsisikap para lang
mabigay lahat ng gusto ng anak niya kahit siya lang yung mahirapan, siya lang magutom, at siya
lang mapagod para lang hindi mahirapan ng kanyang anak.

“Homeless Blind Truth”


Ang storya nito ay sa isang tindahan meron laging naka istambay na homeless person kaya
tuwing nag bubukas yung may ari ng shop laging tulog yung lalaki dun sa tapat ng pinto ng shop
kaya lagi niyang inaaway at sinisigawan at araw araw na nilang ginagawa na magaway dahil
lang sa nakatambay sa tapat ng pinto pero ang hindi alam ng may ari ay yung mga ginagawa ng
tambay tuwing gabi kaya parang bulag tuloy itong may ari ng shop dahil lagi pinagtatakpan ng
tambay ang kanyang shop pag may nagugulo o nagkakalat pero nung isang beses muntik na sila
pasukin kung hindi lang prinotektahan ng tambay pero nasaksak siya ng isang magnanakaw
kaya’y siya namatay kaya tuwing umaga hinahanap ng may ari yung tambay kasi lagi siya wala
tuwing binubuksan yung shop sunod lumipas na ng ilang araw siya ay nagtataka na nung
tumingin siya sa taas nakita niya yung cctv niya at napanood lahat ng ginawa ng tambay kaya
siya ay biglang napaiyak.
Sintesis

Koneksyon ni Cojuangco at Aquino

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón

Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009) na lalong mas kilala sa palayaw

na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng

naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992).

Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng

demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria

Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang

Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon

noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa

EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng

artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino

III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Citations:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino
Posisyong Papel

Ang pag-rehabilitation ng Manila Bay ay isang


malaking tulong sa ating mga Pilipino dahil tayo ay
nagsasawa na sa tuwing nakikita natin ang Manila Bay na
puro basura ay tayo’y nalulungkot dahil alam natin dati ay
ito ay napakaganda at napakalinis at sa ganda ng view
nakikita sa Manila Bay ang paglubog at sikat ng araw sa
karagatan. Ang dating beach na pwede languyin na naging
dagat na puro basura pero ito’y na rehabilitation ngayun ito’y
maganda na tignan pero ang tubig ng karagatan ay marumi
pa pag ikaw ay lumangoy sa Manila Bay ikaw ay walang
makikita sa tubig dahil sa dumi.

Simula ng irehabilitate ang Manila Bay ang mga tao


ay naging tambayan ng ibang tao na malapit sa Manila Bay
at iba pang tao na dumayo para lang mag swimming at
lumipas ang ibang araw ang Manila Bay ay naging crowded
o sobrang rami ng tao naging masikip. Ang pag rehabilitate
ng Manila Bay ay may positibo at negatibo na apekto,
maganda ang ginawa ni president Rodrigo Duterte sa pag
rehabilitate dahil nabalik sa ganda ng Manila Bay tulad dati
pero ang negatibo na apekto ay meron nanaman na bago na
sisirain nating mga Pinoy dahil sa hindi tayo marunong mag
alaga ng kalikasan natin.

Sana tayong mga Pilipino ay marunong tumulong


magalaga ng isang bagay kahit isang maliit na bagay ay
pwede maging malaking apekto sa ating kalikasan kagaya
ng ating mga dumi, mga linabhan na damit, mga basura na
itataboy nalang sa tabi biglang uulan sunod babara ang
ating mga kanal at mag babaha sa isang lugar sunod tayo ay
magrereklamo sa gobyerno sasabihin natin hindi nila inaayos
tayo rin ang may kasalanan dahil sa mga maliit na mali na
bagay ito ay malaking apekto sa ating kalikasan kayo tayo’y
dapat magiingat sa bawat galaw natin.
Abstrak
Katitikan ng Pulong
Talumpati

Magandang hapon aking mga kauring tao ako po pala si


Ryan Arcilla isang grade 11 student na section sincerity

Ang aking social issue na aking tatalakayin ay ang “fake


news” o “pekeng balita” ito ang issue na pinagkakalat ang
mga mali maling balita o informasyon at walang sapat na
ebidensya para ipatunay kung ito ay totoo. Ang isang pekeng
balita ay ang pinagkakalat ni Mocha Uson na dating
nakatakdang pampublikong opisyal tulad ng issue sa Senado
na nagkaroon ng isang pagdinig tungkol sa issue ng pekeng
sirkulasyon ng balita sa social media at Ipinagtanggol ni
Mocha ang kanyang sarili sa pagsasabi na siya ay isang
blogger at hindi isang mamamahayag tungkol sa pag-post ng
maraming nakaliligaw na impormasyon at mga detalye sa
kanyang social media account. Ang dating lead vocalist ng
Mocha Girls ay nakuha na ang karamihan sa kanyang mga
post at humingi ng paumanhin sa publiko para sa pag-post
ng nakaliligaw na impormasyon sa kanyang pahina sa
Facebook. Bilang isang estudyante ako ay nalilito kung ano
ang paniniwalaan ko dahil ako lang ay umaasa sa mga
websites at sa social media na pinopost ng mga kataastasaan
na tao na tungkol sa mga balita balita na nangyayari sa
paligid ligid o kung ano nangyayari sa ating ekonomiya
Rebyu

Review tungkol sa palabas na “Alpha (2018)”

Itong palabas na ito ay linabas sa mga cinema last year


august 2018, ang nag producer ng palabas na ito ay si
Andrew Rona, ang nag direct ay si Albert Hughes at ang
palabas na ito ay tumatagal ng isa at kalahating oras at anim
na minuto bali siyam napu't anim na minuto lahat lahat.
Maganda itong palabas at ang panahon na ginaganap ng
palabas ay noong Prehistoric Europe, 20000 years ago kung
saan ang mga tao ay alam lamang ay "Befrending" ang
isang hayop. Ang palabas ay hindi english ang language
dahil ang mga tao sa Cro-magnon ay hindi nag sasalita ng
english.
Replektibong Sanaysay

Ang palabas na aking gagawan ng replektibong sanaysay ay


ang pamagat na "Alpha" ang storya ng palabas na ito ang
isang mangangaso sa isang tribo at isang nakasama niya sa
paglakbay pabalik sa kanilang tribo ang isang lobo na
tumulong sakanya at sinamahan sa kanilang paglalakbay
pabalik sa tirahan ng mangangaso. Ang pelikula na ito ay
nagpapakita na pwede magsama ang isang tao at isang
hayop kahit hindi sila magkamukha o magkalahi ang
importante lamang sakanila ang pagsasamahan nila.
Ako'y natuto na kahit gaano kahirap ng buhay o ng
iyong paglalakbay huwag kang susuko dahil malalampasan
rin ito pagpatuloy mo parin kahit alam mong hirap na hirap
ka na huwag kang sumuko dahil pagtapos ng lahat ng
kahirapan may mabuti itong maidudulot, lahat ng pagod mo
ay mapapalitan ng mga mabuting mga balita na ikakabuti ng
iyong buhay o ang hinaharap ng iyong buhay.
Ang palabas na ito ay tumatak sa aking puso at gusto ko
ulit panoorin sa susunod dahil habang pinapanood mo ito ay
ikaw ay mararamdaman mo talaga kung ano nararamdaman
ni keda at ni alpha sa kanilang pagsasamahan sa mga oras
na mga alanganin. Madami akong natunan dito sa palabas
na ito at sana sa mga ibang palabas sana ay katulad netong
palabas na marami ka talagang matutunan at hindi siya puro
kalokohan at meron siyang "deep meaning".
Lakbay-Sanaysay
Photo Essay
Bionote

Si Ryan ay nagaaral parin ng senior highschool at

kinuha niyang strand ay (Science, Technology, Engineering

and Math) o (STEM) sa Far Eastern University Diliman at sa

susunod na taon siya ay mag gragraduate ng SHS at siya’y

kukuha ng course ng Aeronautical Engineering pag dating sa

college kaya siya ngayun ay nagsisikap makapagtapos ng

pagaaral para siya ay makakuha na ng magandang trabaho.

You might also like